Get the APP hot
Home / Young Adult / I Love You 'Til We Meet Again
I Love You 'Til We Meet Again

I Love You 'Til We Meet Again

5.0
1 Chapters
37 View
Read Now

About

Contents

Meeting him is one of the best moment of my life. He was once a pain in my ass until he became the one that make my heart beat so fast. Isa akong transferee, ganun din sya. Strangers-to-classmates-to-seatmates. That's how our story started and up until now I'm hoping that our story is still on-going. because up until now, I'm not ready to face its ending.

Chapter 1 Seatmates

"Alis na po ako." paalam ko sa mga magulang ko bago ako umalis ng bahay para pumasok sa bago kong school.

Owyes! Bago! Dahil transferee ako galing Quezon Province.

"Ingat ka. Yong pagtawid tawid mo ha. Baka bigla kang tumakbo pagbinusihan ka." pabirong bilin ni Nanay. Pano ba naman may tatawirang 4 lanes na kalsada eh sa pinanggalingan ko yong kalsada don kelangan pang magbigayan ng mga sasakyan para lang makaabante pagnagsasalubong. (✖﹏✖)

Napanguso ako sa sabi ni Nanay.

"Yano ay, di naman po ako ganun kabano." pero ang totoo medyo ninenerbyos ako. Haha

"Si tatay po?" tanong ko para makapagpaalam din.

"Andon na sa building. Sabihin ko nalang nalang na umalis ka na." sagot ni Nanay. Foreman kase si Tatay at dito kami pansamantalang nakatira sa baraks nila sa construction site. Samantalang si Nanay nagluluto luto ng merienda ng mga construction workers para dagdag income namin.

"Ahh sige po. Alis na po ako." muli kong paalam sabay halik kay Nanay.

11:10 na at 12:00 ang pasok namin kase afternoon shift ang mga 4th year sa papasukan kong school. Pagkadating ko sa kalsada sakto namang may dumating na jeep kaya sumakay agad ako. Mabilis naman ang naging byahe, di matraffic. Salamat naman pero ang init pa din. Huhu. Agad akong bumaba pagdating sa babaan.

Lechetin! Naiwan ko yong payong ko. Katanghalian pa mandin. Lulutong talaga ko nito. Ayaw ko namang magtricycle kase sayang pa 'yong otso. Pang-merienda ko na din yon. Ay mali! Pangdagdag pala sa ipon ko pambiling cellphone. Wahhahaha!

After 8 minutes ng lakad nakarating din sa tapat ng school. 11:40 palang. Ang daming estudyante sa labas, nag-aantay din ng pagbukas ng gate. Nakisilong muna ako don sa may tindahan. Nagpalinga linga ako, nagbabakasaling may makita akong kakilala ko. Oo transferee ako this year, pero dito din sa lugar na to ako unang nag-aral hanggang grade 3. Baka may batchmate akong makita kahit alam kong malabong matandaan pa din ako nung mga yon. Yong naging childhood bestfriend ko kase sa ibang school naka-enroll. Don din dapat ako kaso nalate ako sa enrollment.

Kakalinga ko, napansin kong may pila pala. At dahil bagong estudyante at 1st day of school. Bait baitan muna si ako at nakipila. Pero isang maling pagkakamali pala yon. Ang init don sa dulo ng pila. π_π Buti nalang bumukas na ang gate at nag-umpisa ng magpapasok ang guard.

Walangya! Para akong nasa zombie apocalypse! Ang siksikan!!! Muntanga naman kase pagsabayin ba naman ang pagpapalabas at pagpapasok ng mga estudyante. Oo nga't magkaibang butas ng gate pero iisa pa din naman yong daan.

After a million years of pakikipagdigma. Yessss!!!! Nalagpasan ko ang zombie apocalypse kaso yong amoy ko, amoy uwian na. Huhu Lechetin talaga.

Hinanap ko agad ang room ko. Section 4-Faraday. Sumilip muna ako sa bago pumasok. Wala pang teacher. Whew. Pumunta agad ako sa may hulihang upuan at syempre tabi ng bintana. Ang init kaya.

Maya maya nagsidatingan na din ang mga kaklase ko ata. Malamang kaklase ko nga, alangan namang pumasok sila dito sa room kung hindi. Shunga lang Self?

12:30 dumating ang 1st period teacher namin. Ayon niintroduce nya ang sarili nya, nang biglang may pumasok na ikinatigil ng lahat. Nagsinghapan ang ilan sa mga kaklase ko lalo na mga babae. Dire-diretso syang lumakad papasok at umupo sa hulihang upuan. Lahat kami tingin ko napahabol ng tingin sa kanya.

Mukhang isa to sa magiging teacher's enemy ahh, sa isip isip ko.

"Good afternoon Mister." sarkastikong bati ng teacher namin na si Ma'am Riane. Tumingin lang sa kanya yong lalaking pumasok at saka sumubsob sa armchair nya. Napailing iling naman si Ma'am.

"Ok class, before we start. I want to arrange your sit alphabetically."

"1st row, alis muna kayo dyan. I'll call your surnames and you will occupied the seats from left to right. We'll start in these seats on my right. Understand?"

"Yes Ma'am." sabay sabay naming sagot.

"1st row. Alonzo, Andrada, Arizon, Balmes and Barmaceda." sunod sunod na umupo ang mga tinawag. One at a time kase ang pagtawag ni Ma'am. Diretso attendance na din daw kase yon.

"2nd row. Berion, Briones, Burgos, Bustamante and Callantes.

"3rd row. Carillo", ako na yon kaya umupo na ko. Sakto tabi ng bintana! Yes!

"Castillano..... Castillano? Wala ba si Castillano?" tanong ni Ma'am at kaya kanya kanyang tanungan ang mga kaklase ko, maliban kay kuyang agaw atensyon kanina kase ayon nakasubsob pa din sa desk nya na parang walang pake sa nangyayari sa paligid nya. Napansin sya ni Ma'am kaya nilapitan sya at tinapik. Mukha namang nagising si kuya kase halatang nakatulog ito base sa itsura nya at papungay pungay na tinignan si Ma'am."Are you Castillano?" nakataas ang kilay na tanong ni Ma'am. Halatang nababanas na sya sa isang to. Luminga linga si kuya at tumango.

"Why?"

"Move to the seat beside Miss Carillo." tamad na napatingin naman sa pwesto ko si kuya, nagtama ang tingin namin kaya mabilis akong umiwas. Maya maya naramdaman kong umupo na sya sa tabi ko. At yon sumubsob ulet sa desk nya. Wala sa sariling nilingon ko ung katabi ko. Sakto na umayos sya ng subsob sa desk na napaharap sa pwesto ko. Bigla tuloy akong nahiya dahil nahuli nya ko. Kaya agad kong binaling ang tingin ko sa unahan. Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko.

"Tss. Huli na nga tumatakas pa." dinig kong sabi nya. Kaya napabaling ako sa kanya ng nakataas ang kilay dahilan ng bigla kong pagkainis at nakita ko syang ngumisi bago sumubsob ulet sa desk nya.

"Assuming. Napatingin lang ihh." bubulong bulong kong sabi with matching paikot ng mata dahil baka madinig ako ni Ma'am na abala sa pagtatawag ng pangalan.

"Whatever." I heard him murmured. Kaya napatingin ako with disbelief.

'Tsss! Yabang! Porke gwapo!' pag-aalburoto ko sa isip ko.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 1 Seatmates   03-03 12:18
img
1 Chapter 1 Seatmates
03/03/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY