Isang librong may anim na kwento ng kababalaghan na tiyak na magpapatindig ng inyong mga balahibo. UNANG KWENTO: Boarder IKALAWANG KWENTO: Ang Kwintas ni Lola IKATLONG KWENTO: Obra Maestra IKAAPAT NA KWENTO: The Cursed Tattoo IKALIMANG KWENTO: Diet HULING KWENTO: Ang Bangungot na Dreamboy
Inilibot ni Josie ang tingin sa loob ng kwarto. Pink na pink iyon kaya't halatang babae ang dating boarder doon. Unang kita pa lang niya sa kwartong iyon ay nagustuhan niya kaagad. Dala na niya ang mga gamit nang bumalik siya sa bahay na iyon. Tamang-tama naman dahil malapit lang iyon sa pinagtatrabahuan niya.
Mababait ang mukha ng mag-asawang may-ari ng bahay na iyon. Nag-abroad na raw kasi ang nag-iisang anak ng mga ito kaya't pinaparentahan na lang nila.
Agad na napalingon siya nang pumasok ang lalaking may-ari ng bahay na bitbit ang may kalakihang maleta niya.
" Salamat po, Mang Roger," nakangiting sabi niya sa matanda na tinulungan ito sa pagbitbit.
" Walang anuman. Masaya kami at may makakasama na kami ng asawa ko. Nakakalungkot din kasi na kaming dalawa lang ang andito sa bahay," nakangiti ring sagot ng malapit nang mag singkwenta na lalaki.
Pumasok na rin ang asawa nito na sa tingin niya ay nasa early forties.
" Gusto mo bang tulungan na kita sa pag-aayos ng mga gamit mo?" nakangiting tanong ng babae.
" Ay, huwag na po. Kaya ko na po ito," nahihiyang sagot niya.
" Oh, sige, iha. Josie ang pangalan mo, di ba? Sige, Josie, lalabas na kami para makapagpahinga ka na riyan," sabi nito na hinila na ang asawang lalaki palabas ng kwarto.
" Opo, Josie po ang pangalan ko. Maraming salamat po uli," sagot niya.
Ngumiti si Mang Roger sa kanya bago nito isinara ang pinto ng kwarto. Nagbayad na siya ng two months na renta kay Aling Margie, ang asawa nito.
Pabagsak na humiga siya sa kama habang nakatingin sa kisame. Ang lambot ng kama at pink din ang bedsheet nu'n. Agad rin naman siyang bumangon para ayusin na ang mga gamit. May malaking kabinet din sa loob kaya't ilalagay na lang niya ang mga damit doon. Tanging damit lang naman ang dala niya at wala nang iba pa.
Kasali sa buwanang upa niya ang pagkain niya sa araw-araw. Habang kumakain sila ay panay ang tanong nito sa kanya. Nagkukwento rin naman ang mga ito lalo na tungkol sa anak nila.
Nakaugalian na niyang maligo bago matulog. Isa lang ang banyo sa bahay at malapit iyon sa kusina. Malapit nang mag-alas diyes ng gabi at kanina pa umakyat sa kwarto nila ang mag-asawa. Bitbit niya ang towel nang pumasok siya ng banyo. Mabilis naman siyang maligo at dahil alam niyang siya na lang ang gising sa baba ay ibinalabal na lang niya ang towel pagkaligo. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang nakaupo sa may kusina si Mang Roger.
" Nagulat ba kita, ineng?" nakangiting tanong nito na tiningnan pa ang kabuuan niya.
" Opo, Mang Roger. Akala ko kasi ay tulog na kayo." Naiilang siya dahil nakatapis lang siya ng tuwalya.
" Pasensiya na. Uminom lang ako ng tubig kasi nauhaw ako," sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
" Ay, sige po. Mauuna na ako sa inyo," magalang na sabi niya saka mabilis na umalis sa harap nito.
Parang nanindig ang mga balahibo niya dahil pakiramdam niya ay sinusundan siya nito ng tingin. Mabilis na isinara niya ang pinto ng kwarto at ikinandado iyon. Pinapagalitan niya naman ang sarili dahil parang nag-iisip siya ng masama sa matanda kahit na ambait naman ng mga ito sa kanya.
Inalis na niya sa isip ang pagkailang dito at nagbihis na agad. Pinatuyo niya muna ang basang buhok saka siya humiga sa kama para matulog na. Agad na nakatulog siya pagkapikit pa lang niya ng mga mata.
Tulungan mo ako...
Tulungan mo ako...
TULUNGAN MO AKO!!!
Bigla siyang napadilat at napabalikwas ng bangon nang parang may sumigaw malapit sa tenga niya. Pinagpapwisang inilibot niya ang tingin sa kwarto. Hindi niya napatay ang ilaw kaya't maliwanag na maliwanag ang kwarto. Mag-aalas tres pa lang ng umaga nang tingnan niya ang relo.
Bumangon siya at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Hindi na niya ini-on ang ilaw sa kusina dahil kukuha lang naman siya ng tubig sa loob ng ref. Mabilis na ininom niya ang isang baso ng tubig at nang maisara niya ang ref ay dumilim na rin ang palibot. Napatitig siya sa isa sa upuan na malapit sa mesa. Para kasing may porma ng babae doon na nakaupo. Binuksan niya uli ang ref para magkailaw konti at hindi inaalis ang tingin sa upuan. Nakita niyang wala namang tao roon.
Hindi siya matatakutin na tao kaya't sa tuwing may makikita siyang parang kung ano ay sinisiguro niya muna baka kasi namamalik-mata lang siya. Agad na isinara na niya uli ang ref at kibit-balikat na umalis na ng kusina para bumalik ng kwarto. Hindi na niya tiningnan pa ang upuan sa may kusina.
Pinatay na rin niya ang ilaw sa kwarto at nahiga na uli para bumalik ng tulog. Alas otso kasi ang pasok niya kaya't kailangan niyang gumising bago pa mag-alas otso. Pagkatulog niyang iyon ay nananaginip na naman siya.
Nakita niya ang isang babaeng nakatalikod at nakasuot ng isang uniform. Mukha itong estudyante. Umiiyak ito. Dahan-dahan niyang nilapitan ang babae.
" Miss, okay ka lang?"
Wala siyang narinig na sagot dito. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nag-aatubiling hahawakan sana niya ang balikat nito pero bago pa man niya nahawakan iyon ay bigla itong humarap sa kanya.
" Umalis ka!" sigaw nito sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata niya hindi dahil sa sigaw nito kundi sa mukha nitong nakakapangilabot. Halos lumuwa na ang dalawang mata nito at ang ilong ay halos matanggal na. Parang pinagbagsakan ng kung ano'ng mabigat na bagay ang pagmumukha ng babae. Punong-puno rin ng dugo iyon pati na ang puting uniform nito.
Malalakas na katok sa pinto ang nagpagising sa kanya.
" Josie! Josie!" boses ni Aling Margie ang tumatawag sa kanya.
Malalakas ang mga katok pati ang boses ng babae nang tawagin siya. Wala sa loob na tumayo siya at pinagbuksan ito. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng mag-asawa.
" B-bakit ho?" nagtatakang tanong niya.
Nagkatinginan ang mga ito bago bumaling uli sa kanya.
" Sumigaw ka kasi kaya't akala namin ay may nangyari nang masama sa iyo," sagot ng babae.
Napakurap-kurap siya. Saka lang niya naalala ang napanaginipan.
" P-pasensiya na po. Binangungot yata ako," nahihiyang sabi niya sa mag-asawa. Naabala pa niya ang mga ito.
" Ano'ng napanaginipan mo?" tanong ni Mang Roger.
" Hindi ko na po matandaan, eh," pagsisinungaling niya dahil ayaw na niyang ikwento ang panaginip.
Matagal na tinititigan siya ng dalawa.
" Siguradong okay ka na?" tanong uli ni Aling Margie.
Kiming ngumiti siya at tumango.
Zyline had liked Nick for a long time. There were six of them in their group of friends, including Nick. Everyone knew about her feelings for him-except, it seemed, Nick himself. She couldn't tell if he was just insensitive or if he simply didn't have any feelings for her. Brent was her closest best friend among all of them, and even though she was too shy to tell him about her feelings for Nick, he knew anyway. What if, one night, Brent kissed her and said they should give it a try? She couldn't deny the spark she felt when he kissed her. She agreed to what he wanted-they would try to be together but in secret. Now, she was utterly confused. When Brent thought that she still had feelings for Nick, he suddenly left and disappeared without a word. That's when Nick finally pursued her for real. But why, instead of being happy-finally noticed by Nick as a woman-did her heart keep longing for Brent? Brent, who hadn't reached out to her since the night when something almost happened between them.
Because of the strong desire to give the best treatment for her mother after her stroke, Samantha was forced to accept the offer to dance for a client, Mr. MC. She is a private sexy dancer of a wealthy man. She hasn't seen his face not even once because he always wears a masquerade mask when she dances in front of him. She needs to give him a good show to warm his night just by dancing. Just watch, no-touch, that's it! When she got to know his personality, she gradually fell in love with the man. Will she be able to fight how she feels with the person who pays her just because of her body? What if the agreement ends when the woman he was supposed to marry returns?
Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya at kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay may pakiramdam siyang alam din iyon ni Brent. Paano kung isang gabi ay hinalikan siya ni Brent at sinabing subukan nila? Hindi niya maikakaila ang kuryenteng naramdaman nang halikan siya ng kaibigan. Pinagbigyan niya ito sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula nung gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Dahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang niya nasisilayan ang mukha. Kailangan niyang painitin ang gabi nito sa pamamagitan lang ng sayaw. Just watch, no touch, kumbaga. Nang makilala na niya ang katauhan nito ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Makakaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa taong binabayaran ka lang dahil sa katawan mo? Paano kung ang kasunduan ninyo ay magtatapos kapag bumalik na ang babaeng pakakasalan sana nito?
To the public, she was the CEO's executive secretary. Behind closed doors, she was the wife he never officially acknowledged. Jenessa was elated when she learned that she was pregnant. But that joy was replaced with dread as her husband, Ryan, showered his affections on his first love. With a heavy heart, she chose to set him free and leave. When they met again, Ryan's attention was caught by Jenessa's protruding belly. "Whose child are you carrying?!" he demanded. But she only scoffed. "It's none of your business, my dear ex-husband!"
"Then let's get a divorce!" With courage, Leora left her husband's house, after being accused of poisoning his mistress. Her in-laws and sister-in-law had planned various ways to kick her out of Peter's house and in the end Leora gave in. However, no one expected that things would turn 180 degrees after the divorce. When everyone who had hurt her was happy with each other's lies, Leora returned. This time, she was no longer the poor orphan girl from the orphanage. She has changed and not only that, she also carries a big secret that will make everyone turn to worship her feet.
Cathryn, an orphan with no family ties to Grayson, regarded him only as family. He, however, valued her as a precious jewel. From their very first encounter, Cathryn's destiny was intertwined with his. Once lonely and desiring affection, she was ensnared by his love, unable to break free. Eventually, she managed to escape his emotional clutches. Shockingly, she had fallen for someone else. Grayson confronted her sharply. "How could you feel for another?" Unable to meet his eyes, she whispered, "You're family. I can't..." Looking down, he pressed further. "You can't, or you wouldn’t dare?"
Lucille was one of the most skilled female assassins, and on the previous night, she embarked on a top-secret mission. However, the mission's details were leaked, leading to her untimely demise at the hands of a traitorous companion. She never discovered the identity of the person who betrayed her before her death. But by some miracle, she was granted a new life, and was reborn as a girl with the same name. Determined to uncover the truth and seek revenge for her family, Lucille seized her second chance at life. She planned to avenge her loved ones. However, her plans were complicated by Joseph, an apparently frail man who was actually skilled in martial arts. And he seemed to fall for her deeply, now this newfound knowledge only added to the complications of Lucille's revenge plan...
Betrayed by her mate and sister on the eve of her wedding, Makenna was handed to the ruthless Lycan Princes as a lover, her indifferent father ignoring her plight. Determined to escape and seek revenge, she captured the interest of the three Lycan princes, who desired her exclusively amid many admirers. This complicated her plans, trapping her and making her a rival to the future Lycan queen. Entwined in jealousy and vindictiveness, could Makenna achieve her vengeance in the intricate dance with the three princes?
Ava Adler was a nerdy omega. People bullied her because they thought she was ugly and unattractive. But Ava secretly loved the bad boy, Ian Dawson. He was the future Alpha of the Mystic Shadow Pack. However, he never gave a damn about rules and laws, as he only liked to play around with girls. Ava was unaware of Ian's arrogance until her fate intertwined with his. He neglected her and hurt her deeply. What would happen when Ava turned out to be a beautiful girl who could win over any boy, and Ian looked back and regretted his decisions? What if she had a secret identity that she had yet to discover? What if the tables turned and lan begged her not to leave him?