/0/26317/coverbig.jpg?v=04c8429f423acbc4c8b033ed052d5ad7)
A bloodthirsty royal family, a wise and elegant twin princes, the battle for power and crown. When the old kingdom ruled the land, nothing is safe in the eyes of the rich, no one will let you tell the truth. Elersa, a lady who serves for the family. What will she discover? Will she be damned if the two powerful Princes fall on her? Will she be able to use her alluring charm to dethrone the darkness reigning in the Kingdom of Pinileo?
Kabanata 1
Jerusalem (32 CE)
"ANO sa tingin niyo? Sino ang dapat kong palayin sa kanilang dalawa? Ang kriminal na ito o ang tinatawag niyong Kristo?" tanong Gobernador sa mga tao. Habang nakaupo ang Gobernador sa harap ng maraming tao ay may ibinulong ang kanyang asawa. Matirik ang araw at tanging ang alikabok ng mga karwaheng binabagtas ang lansangan ang nasa paligid.
"Binayaran ng mga punong saserdote ang mga tao na ang kriminal na iyan ang palayain," bulong sa akin ni Renara, maraming tao sa paligid kaya't hininaan niya ito.
"Isa ka bang huwad? P-paano ka nakasisigurado?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko siya mula sa napakaraming tao at idinala sa likod ng isang karwahe. "Paano mo nalaman? Mapapahamak ka sa iyong winiwika."
"Binigyan ng mga saserdote ang aking asawa kanina ng salapi." May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang apat na drakma. "Naniniwala ka na ba, Elersa?"
Muling sumigaw ang kapita-pitagang gobernador at tinanong sa mga tao kung sino dapat ang palayain. Parami nang parami ang mga tao na dumadalo sa paglilitis at ang karamihan ay nagsisiksikan na. Nagkagulo ang lahat habang sumisigaw.
"Sa kanya? Ano ang dapat kong gawin sa kanya?!?" tanong niya muli at itinuro ang lalakeng pamilyar sa akin, nakatayo ito malapit sa isang kriminal. Maaliwalas ang kanyang mukha at pinapanood lamang ang sangkatauhan habang nakagapos ang kanyang mga kamay.
Para sa akin, wala siyang ginagawang anumang masama, nadinig ko na ang mga turo at payo niya sa mga tao. Nasaksihan ko na ang kanyang mga himala. Ang pagpapakain nya sa libo-libong mga tao at ang mga pagpapagaling niya sa mga may malubhang karamdaman
Ako'y nagtataka rin kung bakit siya dinakip ng mga guwardiya sibil.
"Patayin siya!" sigaw ng mga tao. Nakita ko rin ang asawa ni Renara na sumisigaw rin nito.
"Ano bang kanyang kasalanan? Bakit ganyan ang inyong nais?" tanong ng Gobernador na animo'y inililigtas ang lalake sa kamatayan. Nakita ko rin ang kanyang Ina na labis-labis ang pag-iyak sa kalagitnaan ng maraming tao kasama ang kanilang mga kamag-anak. Pilit silang sumisigaw ngunit mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao.
"Patayin siya!" Mas lalong gumugulo ang mga tao. Nang naulinigan ng Heneral na hindi nagustuhan ng mga tao ang kanyang tanong, napaubo siya. Kumuha siya ng tubig at hinugasan ang kanyang mga kamay sa harap ng mga hindi magkamayaw na tao.
"Hindi ako ang may kagagawan nito. Kayo ang may pananagutan sa naging desisyon. Ipako siya," saad ng Heneral. Iniutos niya sa mga guwardiya sibil na palayain ang lalakeng kriminal na malaki ang ngiti. Naglakad na ang Heneral papalayo at iniwan ang mga nagsisigawang tao.
"Kami at ang aming mga pamilya ang may pananagutan!" sigaw ng buong bayan. Nagulat ako nang may lalakeng humawak sa aking pulsuhan, gulat akong napatingin sa kanya.
"Kailangan na nating umalis, Elersa!" Seryoso ang mukha ng aking asawa, namamawis at hapong-hapo rin ang kanyang mukha na animo'y nagmamadali. Hawak niya sa kamay ang aming anak na apat na taong gulang. Hinila niya ako papalayo sa mga tao at dinala sa isang lilim ng puno ng olibo, isinuot niya sa akin ang aking talukbong dahilan upang hindi makita ang aking mukha.
"B-bakit!?" Naguguluhan ako sa kanyang inaasta. Tumingin siya sa aking mga mata na lalong mas nagpakaba sa akin.
"Nalaman na ng aking kapatid ang ating pinagtataguan, kailangan na nating lumipat." Mabilis na dumating ang isang karwahe na ikinatinginan rin ng ilang tao, ngunit nangingibabaw parin ang atensyon sa paglilitis. "Umalis na kayo."
Ibinigay niya sa akin ang aming anak at akmang tatakbo na siya nang hawakan ko ang kanyang kamay. Nanginginig na ang aming mga kamay dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Nakatingin lang ang dalawan naming anak sa amin na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.
"P-paano ka!? Paano ang ating mga ari-arian!? Hindi ka ba sasama!?" sunod-sunod kong tanong, nangangamba na ako sa mga nangyayari. Limang taon na kami sa Jerusalem at tila ngayon na ang mga huling araw namin dito. Ang mga balintuna ay ngayo'y nagiging katotohanan na.
"Nasusunog na ang ating tahanan, ang mga tupa ay natagpuan nang patay, at ang ating pwesto sa pamilihan ay ninanakaw na. May pupuntahan lang ako sandali," -napatigil siya at lumapit sa akin- "tutungo tayo sa Italya. " Inilahad niya sa akin ang kanyang gintong singsing at hinalikan ang aking noo.
Mas kumirot ang aking dibdib sa kanyang ginawa, tila ba mayroon siyang ipinapahiwatig. Ang lahat ng mga ipinundar at pinaghirapan naming ng ilang taon ay nawala sa isang iglap lamang. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan.
"U-umalis na kayo," dagdag niya at siya'y aking hinagkan. Ramdam ko ring nahihirapan at nababahala siya sa mga nangyayari. Kinuha niya ang aking kaliwang palad at inilagay ang singsing roon. Dali-dali ko siyang yinakap habang dahan-dahang dumadaloy ang aking luha. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kamay niyang sinasapo ang aking buhok. Ang balakid sa aming pag-iibigan ngayo'y dumating na.
Parang dinadaganan ng sako-sakong trigo ang aking dibdib, ako'y labis-labis na nasasaktan. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata at ang pagtulo ng aking mga luha.
"M-magkikita pa tayo," saad niya at bakas ang lungkot sa kanyang tono. Napatingin siya sa aking bilugang tiyan, ilang buwan nalang ang bibilangin ay manganganak na ako. Lumuhod siya sa aking harapan at hinalikan ang aking tiyan.
Sumakay na ako sa karwahe at nagsimula nang tumakbo ang kabayo. Para akong nadudurog sa mga nangyayari, yinakap ko ang aking anak papalayo sa aking asawa. Hindi ko akalaing darating na ang araw na aming inaasahan, sa higit limang taon ay dumating na ang aking kinatatakutan. Ang bawat huni ng kabayo, ang pagtalsik ng tubig sa aming dinaraanan, at ang bawat himig ng hangin ay nagpapaguho ng aking mundo.
Napalingon ako sa durungawan ng karwahe, nakikita ko ang makapal na usok na nanggagaling sa aming tahanan.
"Bakit ka umiiyak, Inay?" Dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Pilit akong ngumiti at ginulo ang kanyang buhok.
"Magpapakabait ka ha, Anak?" Pilit akong ngumingiti habang pinupunasan ang walang tigil na luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nawala na sa aking presensya ang aking asawa sa ilalim ng puno ng olibo, nakakalayo na rin ang karwahe habang tinatahak ang tuyong lupain.
"Hinahanap na tayo ng iyong Ama."
***
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!