Get the APP hot
Home / Young Adult / 14 Days of Journey
14 Days of Journey

14 Days of Journey

5.0
21 Chapters
41 View
Read Now

About

Contents

Ang binatang walang ibang nais kundi ang maging proud sa kaniya ang kaniyang ina, ang panganay na anak na si Cios Montereal. Si Cios ay palaging may natatanggap na karangalan sa kanilang paaralan, madalas rin siyang inilalaban sa mga paligsahang ang nagtatagisan ay ang mga matatalinong estudyante. Sa darating na Sports Fest sa kanilang paaralan, kakaharapin ng binata ang ilang sitwasyon na makaaabala sa goals niya. At masasabing isa na rito ang Photography Club member na si Coleen Fabian. How will Cios Montereal pursue his dreams right after Coleen Fabian comes in to the scene? Will she leads him into success or will she ruin his oh-so-great life? At last, will Cios finally found and choose happiness above anything else in this world?

Chapter 1 Sports Fest

"And the winner of this year's Quiz Bee is no other than..." naitungo ko ang aking ulo at nagsimulang magdasal. "Seah Enriquez! Congratulations, Seah of 3rd Grade, section 2! Kindly step forward for the flowers, medal, and certificate."

"Congratulations also to Cios Montereal of 3rd Grade, section 1 for winning the second place!" Lumapit ako sa nag-aannounce at tinanggap ang aking medal at certificate. Hinanap ng mga mata ko sina Mom and Dad na nanonood. Nang matagpuan sila ng mga mata ko ay kumaway agad si Dad at malaki ang ngiting nag-thumbs up. Tiningnan ko naman si Mom na nakakibit-balikat at halata sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

Pagkababa ko sa stage ay sinalubong agad ako ng kapatid kong si Camila. Yumakap siya sa akin at binati ako, ganoon rin ang ginawa ni Dad. "Congrats, anak! You did well. Proud kami sayo ni Camila," malaki ang ngiting sabi ni Dad. Hinanap ng mga mata ko si Mommy, pero wala na siya rito.

Pagkauwi namin sa bahay ay nagdadabog na si Mommy. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ang medal at certificate. "Ano naman ang gagawin ko riyan? You didn't win. I'm so disappointed." ani Mom.

Nakatungo kong pinulot ang medal at certificate na itinapon niya sa sahig. "I'm sorry, Mom. I'll do better next time, I promise."

Umismid siya, "Aba, dapat lang! Akala ko pa naman ay mananalo ka. Puro ka kasi laro eh! From now on, hindi ka na pwedeng lumabas. I'll hire you a new tutor, and you'll study on your free time. Do you understand?" Tumango ako at umakyat na upang magbihis sa aking kwarto.

Nakaupo ako sa kama nang bumukas ang pinto. Umiiyak na pumasok si Camila kaya naman nilapitan ko agad siya. "What happened? Why are you crying, Cam?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lamang sa pag-iyak. Pinatahan ko siya at sa pagtahan niya, narinig namin ang sigawan nina Mom and Dad sa baba. Inihiga ko si Camila sa aking kama at kinumutan ito. "Stay here. 'Wag kang susunod sa akin, naiintindihan mo ba?" Tumango siya.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang alamin kung ano ang pinagtatalunan ni Mommy at Daddy. Nagtago ako sa may hagdan, habang sila naman ay nasa salas at nagtatalo parin.

"You don't understand, Antonius! Kailangang sanayin na agad ang mga batang iyan na maging matalino habang maaga pa!" sigaw ni Mom. Nakita ko ang pag-iling ni Dad at paghawak sa braso ni Mom.

"Pero you're doing it in the wrong way! We can't force them to do anything we want dahil hindi naman preso o utusan ang mga bata. At saka, babaan mo nga iyang expectations mo sa kanila! Hindi mo ba nakikita na nape-pressure ang panganay mo? Paano kung iyan pa ang makapagpabagsak sa kaniya?" ani Daddy. Ramdam ko na sinusubukan niyang kumalma pero sadyang magagalitin si Mommy.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko! As their mother, kailangan nilang makinig sa akin dahil ang gusto ko lang naman ay ang mapabuti sila! At ikaw? Palagi mo nalang kinakampihan ang mga bata! Kaya sila nagiging suwail ay dahil sa iyo!" Mas lumakas ang sigaw ni Mom, binawi rin niya ang braso niyang kanina'y hawak ni Daddy.

"Ha! Kanina'y nanalo naman ang anak mo, pero ano ang ginawa mo? Ni hindi mo mayakap at masabihan ng simpleng 'congratulations'! Iyan ba ang way mo para maging mabuting ina? Anong klaseng ina ang itatratong ganiyan ang anak nila?" Malakas nadin ang sigaw ni Dad. Kitang-kita ko kung paano siya sinampal ni Mommy.

"You don't have the right to question my parenting, Antonius. Kung ganito lamang pala ang mangyayari, edi sana'y hindi na lamang kita pinakasalan!" At iyan ang huling linyang narinig ko bago umalis si Mommy sa bahay namin, at hindi na muling bumalik.

"Kyo? Hoy, Kyo? Hotdog!" Napakurap-kurap ako at masamang tiningnan si Red. Kasabay kong naglalakad ngayon si Sho.

"Are you okay? You were spacing out," Sho said. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako tiningnan.

"Oh, I'm fine." maikli kong sagot.

"Boss Kyo, ano'ng plano mo today?" tanong ni Red. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin kay Red.

"Uuwi na. Why?"

"Ayaw mo muna ba kumain? Kakain kami ni Sho, sama ka? Sama ka na!" Sadyang makulit si Red. Hindi ko nga alam kung bakit ba napakakulit niya. Hindi siya tumatanggap ng no as an answer, pero dahil hindi iyon gumagana sa akin,

"Ayoko. Uuwi na kami ni Camila."

Speaking of Camila, nakita ko na siyang naglalakad kasama ang dalawa niyang kaibigan papunta sa direksyon namin. Kasalukuyan kaming nakatigil sa Gymnasium ng school. Marami-rami narin ang mga estudyanteng nasa loob. Pinapunta kami dito ng mga teachers after dismissal, may ia-announce raw.

"Kuya, pwede ba akong gumaー"

"Good Day, Students! We'll be having an announcement kaya mabuting makinig muna kayong lahat."

Mukhang importante ang ia-announce niya kaya itinuon ko lang ang atensiyon ko sa kaniya kahit ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin.

"Sports Fest na natin next week kaya nandito ako sa harapan niyo ngayon para sabihin sa inyo na mag-ayos na kayo ng mga clubs niyo. Everyone should participate on the upcoming Sports Fest, understood?"

Lumapit sa akin si Red at umakbay, tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya kaya natawa siya. "Bakit?" tanong ko.

Ang sagot ni Red, "Sali tayo sa Liga, pre." Pwede naman, sa isip-isip ko.

"At isa pa pala! Isasabay na sa Sports Fest ang Quiz Bee kaya sadly, hindi makakasama ang mga mapipiling representative ng bawat section. That's all, thank you! Magsiuwi na kayo." After that, bumaba na siya ng stage. The whole gymnasium is now filled with chaos.

Lumapit sa amin ang Team Captain ng isa sa mga Basketball Teams. "Oh, mga Montereal, sa team ko kayo sasama ha?" masayang bati niya sa amin.

"Pwede rin ba akong sumali, p're? Hindi ako Montereal pero marunong akong maglaro." confident na sabi ni Jonas, isa sa mga kaibigan ni Camila.

"Oo naman! Basta bukas may meeting tayo ha?" nakangiti pading sabi ng Kapitan. Napatingin siya sa gawi ko. "Uy, ikaw din Cios, ha? Sama ka rin sa 'min." paanyaya niya. Hindi pwede.

"Montereal, ikaw ang magr-represent sa section natin. We'll start the review tomorrow. I'm expecting you to cooperate, okay?" ani Adviser ng section namin na kalalapit lamang sa grupo namin.

I smiled, "Of course, Ma'am. I'll be there." And with that, our adviser leftー smiling.

"Gags! So, hindi ka makakasali sa Liga?" maingay na sabi ni Red.

"Yes. Pasensiya na, Cap. Magaling namang maglaro sina Sho, sila nalang." may maliit na ngiting sabi ko. Tumango si Cap at tinapik ang balikat ko saka kinausap sina Sho.

Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko iyon sa aking bulsa. There's a text message from my Mom. "Do well in your Quiz Bee." Yeah. Of course.

"Ano ba, Jonas? Bakit ka ba bumubulong?" ani Sho at binatukan si Jonas.

"Bakit ayaw niyang sumali sa Liga? Magaling naman siyang maglaro, ah? Bading ba 'yon?" Binatukang muli ni Sho si Jonas. Nagbubulungan sila pero rinig ko naman. Nakatalikod lamang ako.

"'Wag ka mang-dog show, pre. Hayaan mo na 'yong si Kyo, alam niya ang ginagawa niya. Saka we understand, p're, ikaw lang ang hindi." sagot nii Red.

"Pero bakit nga? Sayang! Ayaw niya bang magsaya?" pahabol na sabi ni Jonas. Napailing na lang ako.

"Ano naman kung maging masaya kayo sa Liga? Winning isn't something you all can be so sure of. Yes, you'll be having a lot of fun, pero paano kapag natalo kayo? Where will your efforts go? They'll be useless.

At kung manalo man kayo or matalo sa laro, ano na ang mangyayari pagkatapos no'n? Sa huli, maghahabol ka lang din naman sa mga naliktangan mong lessons. Ikaw din lang ang mahihirapan."

All of that are my thoughts. That's what I know, and that's what is right. Yes, there's always something better.

I sighed and turn around to face them. I grabbed Camila's bag, pahiwatig na uuwi na kami. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng gymnasium, I looked back. They are all laughing. What are they all laughing at? What's with the loudness?

Isa-isa ko silang tiningnan, pare-parehas silang masaya at tumatawa. Ngunit napako ang tingin ko sa isa. The girl that wore her hair in a high pony tail laughs the loudest. Nakakainis. Something about her laugh irritates me.

Always smiling, huh?

Nagulat na lang ako nang may nambatok sa akin. "Kuya, para kang stupid! Kanina pa kita tinatawag, saan ka ba nakatingin?"

Inis akong naglakad palayo, kasabay si Camila. "Yey, let's go home na!"

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 21 Silent Plea   04-15 10:27
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY