Mich Umali, an 18 years old high schooler living in the City of Makati, has an ability to see the future and past pero kahit anong gawin n'yang pag-iwas o pagbago sa premonitions ay ganon at ganon pa rin ang nangyayari. Until one day in the morning she seen the future that change her whole life. Habang tinatahak ang daan patungo sa school na pinapasukan n'ya ay may nakilala s'ya na magiging parte ng buhay n'ya, s'ya nga ba ang magpapaligaya sa kanya? O sya ang isa sa mga sisira sa buhay na meron s'ya? Sapagkat kahit nakita na n'ya ang future ay di n'ya pa rin alam kung paaano n'ya masusulusyunan ito. Ano na kaya ang gagawin n'ya? So, how she gonna solve and find the answers to everything she's facing now?
PROLOGUE
"Darling," ani ng lalaki sabay haplos sa pisngi ng babae. "Be safe, okay? Make sure na makaalis ka rito ng walang galos at makabalik ka rin dito ng walang galos."
"I'll try." Tumawa ito at hinaplos ang kamay na nasa kanyang pisngi. "Pero imposible naman yata na makauwi ako rito ng wala man lang ni kaunting sugat."
Mas lalong nag-alala ang mga mata ng lalaki. "Do it as soon as possible, please."
-
"MU!"
Napamura ang lalaking tumawag. Ang kanyang mga yabag ay umalingawngaw sa aspalto, nag-asang masasalo niya ang babae.
Ngunit nahuli na siya. Tuluyan ng bumagsak ang nahimatay na kasama sa gitna ng kalye.
-
"Matagal na kitang kilala," wika ng isang babae na ngayon ay naiyak habang inaalala ang mga nakaraan.
-
"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin? Ikwento mo lahat." naguguluhang usal ng isang babae na ngayon ay nakakaramdam ng kaba sa dibdib, hindi nga ba nya maintindihan o ayaw n'ya lang intindihin ang ibig sabihin ng kausap n'ya?
-
Masangsang na amoy ang naghari sa paligid. Nagkalat ang mga dugo at iba't ibang laman-loob ng tao sa kalsada.
Napayakap siya sa sarili niya, pinipigilang amoyin ang amoy na iyon na sumama sa hangin.
Nakakasuka. Nakakahilo.
Inilibot niya pa ang tingin niya.
Maraming tao na ang nagsisipagtakbuhan, ang takot ay nakaguhit sa kanilang mga mukha.
-
"Sally!" tawag niya sa kasama.
Bwiset. Dapat makatakas na sila at makaalis sa lugar na iyon.
Natataranta na si Sally habang pinagbabaril ang mga zombies na rumaragasa papunta sa direksyon nito.
"MU! Tulong!"
"Tara na, MU!" Hinila naman si MU sa kamay ng isang babaeng kasamahan na umiiyak na. "Hindi na natin siya matutulungan!"
Naiiyak na rin sa Sally, ang kanyang mga mata nagmamakaawang nakatingin sa kanila.
"'Wag niyo akong iwanan!"
Napakagat-labi ng lang si MU. Kung pwede lang sanang matulungan niya ito ng hindi isasakripisyo ang kaligtasan nilang lahat, gagawin niya.
Kailangan niya na'ng magdesisyon.
Tiningnan niya si Sally, sa panghuling beses na natitiyak niya.
"I'm sorry, Sally."
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.