Nag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Pinigilan ko ang aking sarili na tumili sa pamamagitan ng pagkagat sa aking pang-ibabang labi.
Gusto kong maiyak sa tuwa sa aking nakikita.
He was there-Xander-the man I wished for. Standing in front of me with a bright smile, holding a bouquet of red roses on his hands.
Nagsitilian ang mga nanonood, karamihan ay mga babae. Lahat sila ay nasa bleachers at entrance ng gym lamang. Halos lahat sila ay kapwa ko high-schoolers; junior high at senior high. Walang naglakas loob sa kanila na tumapak sa mismong court maliban sa aming dalawa ng kaibigan ko.
May iilan ang nagbi-video sa nangyayari at ang iba na kagaya ko ay kinikilig dahilan upang isigaw nila ang mga katagang . . .
"Sana ako na lang! Ako na lang, baby!"
"Ang swerte naman ni ate girl!"
"Gan'yan din sana kami ng boyfriend ko kaso wala pala no'n!"
Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang kaliwa't kanang pangangantsaw ng mga teammates niya. Nakatayo ang mga ito sa kaniyang likuran at may hawak na mga board . . . na naglalaman ng mga litrato ko.
Sa parteng iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.
May iilan din akong nahahagip sa paligid na napapairap at may nadidinig din akong isinisigaw ang mga salitang . . .
"Walang forever, magbe-break din kayo!"
"Ke-babata pa ang hahaliparot na!"
"Aral muna bago landi!"
But who cares?
Ano man ang sabihin nila, alam kong hindi iyon magiging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.
Inalog ako ni Alliah na may kasamang malalakas na paghampas sa aking braso. Sa tingin ko'y mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. "Punyeta ka talaga Renae! Ang haba ng buhok mo!" sigaw niya malapit sa aking tainga na akala mo ay ilang milya ang layo sa akin.
Hindi ko siya pinansin instead I just smiled widely, 'yong tipong mapupunit na ang bibig ko sa sobrang pagngiti. I couldn't express how happy-rather, blissful I am right now.
I've never experienced this before. Masyado akong focus sa pag-aaral kaya wala ni isang lalaki ang nagtangkang supresahin ako nang ganito.
Napalunok ako nang dahan-dahang naglakad papalapit sa akin ang nag-iisag lalaking gusto ko. Bumilis ang tibok ng aking puso. It felt like everything went in black and white, tila nag-slow motion ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ng aking mga mata, at nang huminto siya sa aking harap, panandalian kaming nagkatitigan.
Kitang-kita ko kung kagaano siya kagandang lalaki. Sa kaniyang makakapal na kilay at malalim na mga mata na kulay kayumanggi na tila nagsusumao sa 'yo. Ang kaniyang matangos na ilong at mapupulang labi na kay sarap halikan. Hindi man ganoon katulis ang pagkakalilok ka sa kaniyang panga, hindi naman iyon naging dahilan para mabawasan ang kaniyang kagwapuhan. Mapusyaw ang kaniyang kulay bagay na aking nagustuhan sapagkat lumutang lalo ang kulay ng kaniyang mga mata.
Totoo nga ang sinasabi nila. Napakas'werte ko nga sa kaniya.
Biglang tumigil sa pag-iingay ang mga manonood, tila may hinihintay silang bagay na kaabang-abang.
Ngumiti si Xander sa akin at lumunok. "Will you be my girlfriend?" he asked while nervously giving me the bouquet. Lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng gym. Domoble rin ang lakas ng paghampas sa akin ni Alliah.
"Sagutin mo na siya bakla! Huwag nang choosy!" bulong niya pa.
Nginitian ko si Xander at sinabi ko na ang aking matamis na, "Oo, Xander." Saka tuluyang kinuha mula sa kaniya ang bouquet.
Panandalian siyang hindi nakagalaw, nanlaki ang kaniyang mga mata marahil ay dahil sa gulat. Then after he registered what had I said, he shouted like he won a lottery. Naisuntok niya pa sa hangin ang kaniyang kamao. Natawa naman ako sa inasal niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang aking ginawa.
"Love you, Nausicaa. Promise you won't regret this! Fuck, I'm so happy, baby!" he exclaimed.
"I love you too, Xander," I whispered back, looking at him like he was the most precious gem to me.
I really wished Xander was the one for me. I love him since I entered this university, and I know that he loves me too and won't hurt me . . .
Or so I thought.