Get the APP hot
Home / Romance / ACCIDENTALLY BECOME THE CEO'S WIFE
ACCIDENTALLY BECOME THE CEO'S WIFE

ACCIDENTALLY BECOME THE CEO'S WIFE

5.0
43 Chapters
2.9K View
Read Now

About

Contents

It all starts with a huge mistake, but she never expected to fall for a CEO. Falling in love after a one-night stand is more common than we think.

Chapter 1 SIMULA

Kanina pa ako naghihintay sa tabi ng dalampasigan at halos nilalamok na rin ngunit hindi pa rin dumadating ang asawa ko. Siguro nga masyado lang ako nag-aalala dahil parang sirang plaka na paulit-ulit ang sinasabi ni Badette sa akin na sa tuwing pumapalot ang aming mga asawa ay dadaan pa sa kabilang isla kung saan madaming bahay aliwan! Ilang ulit ko ng kinakagat ang ibabang labi at tinitigan ang dalampasigan.

Hindi naman siguro magagawa ng asawa ko iyon dahil maski hindi ko siya pagbigyan sa bagay na iyon ay hindi siya namimilit.

Alam kung mahal niya ako at hindi niya magagawa iyon! Ewan ko ba sa Badette na iyon! Araw araw na lang nag-iisip ng kababalaghan!

Sumilay ang aking ngiti at napatayo nang makita ang bangkang sinakyan nila para sa huling pangigisda. Niyakap ko ang aking sarili at bahagyang kumaway upang masipat niyang nandito ako.

Nakikita ko ang ekpresyon nito. Nakakunot-noo habang nakapamaywang. Ang iilang mangingisda ay kinakausap nito saka panaka-nakang tumitingin sa aking direksyon.

Mga ilang pulgada rin ang layo ko sa kanila pero kilala ko ang asawa ko. Sa tindig at gandang lalaki nito na nakakaangat sa lahat. Halos lahat ng mga kababaihan dito isla ay hinahangaan siya.

Huminto ang bangka sa buhangin at sakto sa aking paanan. Isa-isang ibinaba ang banyera na may kargang isda ang mga mangingisda na naroon.

"Magandang gabi, Moena." Bati sa akin ni Tatay Toba. Siya ang presidente sa mga mangingisda dito at ang bise presidente naman ay si Dmitri walang iba kundi ang asawa ko.

Tumango ako,"'magandang gabi rin ho." Ani ko.

Nginitian ako nito bago ibinaba ang mga lambat. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sarong at sumulyap sa asawa ko. Naka-igting ang mga panga nito habang tinititigan ako. Sabagay hindi ko rin masisi kung magugustuhan siya ng mga kababaihan dito dahil sa taglay na kagwapuhan at kabaitan nito.

He has an attractive eyes with thick brows. A narrow nose and his skin is fair even he's always in the sea. Matangkad, nasa ayos ang mga muscles nito, gwapo kahit may balbas na hindi pa ina-ahitan at higit sa lahat may pigura ito na tila modelo.

"Gabi na. Bakit nandito ka pa?" Anito. Ibinaba niya ang dalang banyera. Tinignan nito ang mga kasama.

"Mauna na ako. Sinusundo na ako ng asawa ko..kayo na ang bahala." Ngumisi siya.

Pumula ang pisngi ko at iniba ang direskyon ng paningin.

Humalakhak ang mga kasama nito.

"Bakit, Dmitri? Nakapuntos ka na ba?" Ani Tatay Toba.

Dmitri wrinkled his nose and chuckled.

"Mamaya siguro." Kaswal niyang sagot.

Hinawakan nito ang aking mga kamay ko at saka sinipat ang aking mga braso. Ewan ko ba maski nasa isla na ako porselana pa rin ang kutis ko at may iilang pikas sa aking mga pisngi. Sabi ng mga kasama ko na para daw ako anak ng mayaman. Kung tutuusin pwede rin daw ako maging modelo.

"Diba sabi ko huwag ka ng maghihintay! May mga kagat ka tuloy ng mga lamok." Anito sa malamig na tinig.

Napanguso ako. Hindi man lang ako nito tinitigan dahil nakatuon lamang ang mga mata sa braso ko.

Hindi niya alam kung gaano niya pinapabilis ang tibok ng puso ko.

"Ayos lang yan. Isa pa naiinip ako sa bahay." Sagot ko.

Wala naman akong gagawin doon. Hindi ko nga alam mag-saing o magluto lang ng ulam. Ayos pa ako sa paglilinis ngunit pagdating sa pagluluto hindi ko alam.

Kaya minsan nagtataka rin sila Badette sa akin.

Magpasalamat na lang daw ako dahil si Dmitri ang napangasawa ko maliban sa kasipagan nito sa dagat ay marunong rin magluto at alam ang mga gawaing bahay. Dagdag pa na sobrang gwapo nito.

Hindi naman sumasama ang loob ko kapag tungkol sa kakayahan ko sa pagluluto. Medyo nahihiya lang ako kung paano nila i-describe ang asawa ko.

Umangat ang tingin nito sa akin.

Ngumiti ako.

"Namimiss din kita." Nahihiya akong humalakhak. Bahagya itong nagulat saka pinasadahan ang labi. Napakagat tuloy ako sa labi.

Hindi pa naman siya sanay sa mga ganitong salita. Oo nga't asawa ko siya pero minsan nakapagtataka pa rin ang ekpresyon niya.

Noong isang araw habang nakatapis ang puting tuwalya sa buong katawan. Lumabas ako para magtungo sa kusina. Nadatnan ko siya na umiinom ng kape.

Hanggang sa naramdaman nito ang prensensya ko. Umangat ang tingin nito. Halos naibuga nito ang inumin at nagmamadaling lumabas ng kusina.

"Sa uulitin, huwag mo na ako hintayin. Uuwi din ako eh....uuwi ako sayo." Paos nitong sambit.

Maingat nitong hinaplos ang pisngi ko at saka hinawakan ng dalawang kamay ang mga pagitan nun.

Inilapit nito ang mukha at saka hinalikan ako pisngi. Naramdaman ko ang pagbayo ng aking dibdib na malakas na halos kumakawala na ito. Like we were made for each other and I can hear my heartbeat.

"Huwag mo ako iiwan." Anang ko.

"Bakit naman kita, iiwan? Nakatatak ka na sa puso ko."Buong puso nitong sambit.

Kinabig ako nito ako patungo sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit ay ganoon din ang ginawa ko.

"Mahal na mahal kita." Dagdag nito.

Hindi ako agad nakasagot. Gulat na reaksyon ang ipinakita ko sa kanya.

Ngunit nang makabawi nagsalita ako. "Halika na baka gutom na yang tiyan mo." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Nakapagluto ka ba?" kunwari gulat niyang tanong.

Natatawa akong umiling. Kumamot siya sa noo at saka hinila ako paalis.

Ilang metro lang naman ang layo ng dalampasigan sa bahay namin. Halos lahat ng kabahayan ay gawa sa nipa. Magkakatabi ang ibang bahay at ang sa amin naman ay nasa unahan ng kaniyogan. Nipa rin ito ngunit may ikalawang palapag at may balkonahe.

Tumatakbo ang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay. Hawak pa rin nito ang kamay ko. Binuksan niya ang pinto.

"Mauna kana sa loob. Dito na ako maliligo sa labas pagkatapos nito magluluto na ako ng hapunan natin." Paalam niya.

"Hmm, kukuha ako ng tuwalya?!"Presinta ko. Tumango siya at saka binitawan ako.

Pumasok ako sa loob at saka nagtungo sa ikalawang palapag. Pumunta ako sa kwarto namin. Huminto ako at napatitig sa dalawang higaan na narito. Hindi ko alam pero unang pagmulat ng mata ko dalawa ang higaan na narito. Hindi kami magkatabi ng asawa ko hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil ayaw niya. Ang parati niyang sinasabi hindi daw ako makatulog na may katabi. Hindi ko maalala yon. Hindi ko rin maalala kung kailan kami ikinasal basta ang parati niyang sinasabi ay nagkaroon ako ng komplekasyon at ang utak ko mismo ang natamaan. Nagkaroon ito ng temporary amnesia pero hindi rin magtatagal ay babalik din ang mga ito. Maalala ko rin ang kasal namin at kung paano kami nag-umpisa.

Bumuntong hinga na lamang ako. Nagtungo ako sa kabinet at kinuha roon ang tuwalya. Kumuha na rin ako ng mga susuotin niya. Sinipat ko muna ang aking mukha sa salamin mag-aayos pa sana ako ngunit nakarinig ako ng kalampog sa ibaba. Sa takot nahulog ang dala ko.

Nagmamadali akong lumabas.Nagulat na lamang sa nakitang sitwasyon sa unang palapag.

May mga armadong limang lalaki nakasuot ng puros itim. Nakatayo sila ng matuwid habang tinitignan lamang ang asawa ko at ang isang lalaki na nagsusuntukan. Dali-dali akong bumaba at pinipilit pinapalakas ang loob.

"Anong ginagawa niyo sa asawa ko?"Galit kong sigaw.

Tumingin silang lahat.Nag-alala ako nong makita ko ang pula sa panga ng asawa ko. Lumapit sa akin yong lalaking kasuntukan ng asawa ko at kinabig ako ng yakap.

"Damn it! It is real? Love, finally you're here." Masaya nitong sambit.

Nagtatanong akong tumingin sa asawa ko. Umigting ang mga panga nito at tila nagsusumamo na tumakas ako.

"M-Moena,"naghihina ang boses nito.

Nakita ko pamamaga ng kanang mata nito. Marami na ring pasa ito habang nakahubad. Tinulak ko ang lalaking yumakap sa akin.

Hindi ko kayang makita siya sa ganitong paraan. Durog na durog ang puso ko.

"Walanghiya ka! Anong ginawa mo asawa ko?" Sinampal ko siya. Nagulat ito sa ginawa ko at hindi nakagalaw agad.

Tumakbo ako palapit kay Dmitri saka niyakap siya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya ngunit mas mahigpit ang balik nito.

Sa nakikita ko ngayon tila pinupuno nito ang sakit ng damdamin ko. Hindi pa naman siguro huli ang lahat.

"Sino sila? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Nakangiti siyang tumango. Hinaplos nito ang pisngi ko. Pinakatitigan nito ang bawat sulok ng aking mukha tila iyon na ang huli namin pagkikita.

"Umalis na tayo! Tara na!" Pursigido kong sambit.

Ngunit bago pa kami tumayo. Hinila ako ng lalaking nanuntok sa asawa ko.

"Come with me. Your father is sick." Aniya.

Pumiglas ako sa hawak niya. "Sino ka ba?" Galit kong tanong.

Hinawakan ni Dmitri ang kanang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya ngunit hindi nagpatinag ang lalaki. Mas humigpit ang hawak nito sa akin.

Gumalaw ang mga tauhan nito at saka itinutok ang mga baril kay Dmitri.

"Asawa ko siya!"Malamig na sambit ng asawa ko. Blangko lamang ang mukha at tila hindi nito tinatahak ang kamatayan.

Humalakhak ang lalaki. Hinigpitan nito ang hawak sa akin. Napangiwi ako.

"She's my fiancée! Who the hell are you? Magkano ang kailangan mo?" Pang-iinsulto nito.

"Kahit magkano ang ibigay mo sa akin! Hindi noon matutumbasan ang asawa ko." Determinadong sagot nito.

"Dmitri." Umiling ako.

Nagmamakaawa ang mukha nito. "Moena."

"Moena? Seriously? She's not Moena!" Tumaas ang gilid ng labi nito.

Pumiglas ako ngunit unti-unting nagbablangko ang isip ko.

Nahagip ng mga mata ko ang isang tauhan nito na kinasa ang baril. Sumenyas ito sa mga kasama.

Nagtama ang paningin namin.

"H-Huwag niyo siyang sasaktan!" Sambit ko.

Umagos ang luha sa aking mga mata. Nakita ko ang pagyuko ni Dmitri bago napaluhod. Napahiyaw ako nong pinupok ng lalaki ang ulo niya gamit ang baril nito.

"Huwag niyo siyang sasaktan! Sasama ako! Sasama ako!" Humagulhol ako.

Niyakap ako ng lalaki. Hinigpitan nito ang yakap sa akin.

"Putangina....sshh please love don't cry." Hinawakan nito ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang pumatak.

"Let's go home. I came her to see you and bring you back." Ngumiti ito.

Nahihirapan akong tumango.

Hindi pa rin naalis ang tingin ko kay Dmitri. Lumayo ang mga tauhan niya. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at hinila ako patungo sa labas.

Halos nandoon ang lahat ng kapitbahay namin. Nagtataka ang iba at ang iba naman ay galit.

Nagulat na lamang. Humarang sa daan namin si Dahlia. Taas-baba ang dibdib nito. Nagulat ako ng makatanggap nang mag-asawang sampal. Lumuluha ito. Alam kung may gusto siya sa asawa ko at paulit-ulit nitong sinabi na aagawin sa akin si Dmitri kapag sinaktan ko ito.

Itinutok ng isa mga armado ang baril sa kanya.

"Sige, barilin niyo ako! Mga walang hiya kayo! Isama niyo na ang babaeng ito at huwag na huwag na kayong babalik dito! Salot siya sa buhay!" Matapang niyang sambit.

Nakita ko pamumula ng mga mata nito. Unang beses ko pa lang siyang nakita ang bawat ngiti na ipinapakita nito ay may pag-aalinlangan! Nahihirapan niya man sabihin ay alam ko kung paano ang umibig at ganoon ang konsepto na ipinapakita nito!

Pumikit ako upang humugot ng lakas saka muli nagmulat. When the day I opened my eyes I knew that I am not belong here. Hindi ko alam magsaing, hindi ko alam magluto! Tinuruan nga lang nila ako magdesinyo ng mga kabibe para sa extra income at hindi na rin mainip dito.

"Put down your gun! Let's go home! It's time to go!"Malamig kong sambit. Tumingin ito sakin saka ibinaba ang baril.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pilit na pinapalakas ang sarili. Bumaling muli ako sa tahanan kung naiwan.

Kung saan naiwan ang lalaking tanging iniisip ang kaligtasan ko.

Hawak siya ni Dahlia habang nakatayo sa hamba ng pinto at nakatanaw sa akin. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha at pilit na nilalabanan ang sakit. Lalapit na sana siya ngunit pinigilan siya ni Dahlia at Tatay Toba. Kinausap siya nito ngunit hindi man lang nakikinig at nanatili ang tingin sa akin. Minsa'y magpupumiglas pa. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita! Niyakap siya ni Dahlia.

Ngumiti ako ng mapait at saka ibinigkas ang isang lenggwahe na kahit kailan ay hindi ko nasabi sa kanya. Wala man akong naalala na kahit isang mermorya sa aming pag-sasama noon. Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya. Ayaw ko siyang iwanan ngunit ayaw ko rin siyang masaktan.

Gusto kung mangako sa kanya na babalikan ko siya. Ngunit alam kung matatagal iyon? Dahil hindi ko alam kung paano.

"Mahal kita."Wika ko sa marahang hangin.

Pumatak ang aking luha hindi sinasadyang sumabay ito sa pagpatak ng ulan.

Doon ko napagtanto na umayon sa aking ang lahat maliban lamang ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Kung kailan nararamdaman ko na ang lahat. Bakit naman nagka-ganito? Akala ko sasaya na ngunit napalitan ito ng takot at kaba.

Sabagay gagawin ko ang lahat para sa kanya. Sa taong nagmamahal at pinapahalagahan ako.

Siguro ito na ang panahon para makabawi ako sa lahat ng ginawa niya. Ayaw ko man gawin ngunit kailangan ko.

Maramot man ang tadhana para sa aming dalawa. Masaya akong nakasama ko siya kahit sa panandaliang oras lamang.

Sa gabing madilim at malamig, pinapaubaya ko na ang lahat.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 43 KABANATA 34-1   04-24 15:44
img
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY