While waiting for her to be discharged, Chase Gonzales, an average teenage girl who got into an accident and got comatose for more than a week, met a guy named Eight Sacramento. And in just a short time, like a shooting star falling from the sky, something inevitable happened to them. They fell in love with each other. But Eight Sacramento know they can't. Because what happened to them is just a dream, but will it just stay as a dream? Or they will live happily ever after with each other like a dream, forever?
"Chase, wake up! Wake up!"
I opened my eyes and saw my little brother who's trying to sit in my bed. I chuckled because he's too small and my bed is high for him kaya hindi siya makaakyat.
"Pick a number from one to ten."
I sighed. "Charl, ang aga-aga mo namang gisingin si Ate." Sabi ko bago siya binuhat paakyat at itinabi sa akin.
This little brother of mine is too cute to handle, napaka-guwapo. Halatang mana sa Ate niya.
I laughed inside my head because of what I've thought.
Pero totoo naman kasi.
"I need you to pick a number from one to ten." He said.
"Eight." I immediately answered dahilan upang kumunot ang noo ng kapatid ko bago sumimangot. "You're always picking number eight, palagi rin akong natatalo."
I chuckled again. He is so cute! "You asked me, Charl. I just picked what I want." Sabi ko naman.
Every time someone asks me to pick a number from one to ten, kagaya na lamang nitong kapatid ko, palaging number eight ang naisasagot ko sa kanila sa kadahilanang ito ang unang-unang numero na pumapasok sa isip ko.
Maybe because number eight is a lucky number for me? I was also born in the 8th month of the year two thousand and five, 8th of the August.
That's why eight is also my favorite number.
"Okay fine. I'll choose eight too." Sabi ng kapatid ko bago bumaba sa kama ko. Inalalayan ko siya upang hindi siya mahulog at madulas bago sinundan palabas ng kuwarto ko dahil sa pagtataka kung bakit araw-araw niya nalang akong pinapapili ng number from one to ten.
May ganap yata rito sa bahay t'wing umaga at hindi manlang ako aware.
Ang daya.
"Dad! Number eight!" I heard Charl said nang makarating ako sa living room ng bahay namin. I saw Dad there, sitting in the couch while holding ten pieces of small white papers. In front of him is my brother, Charl, sitting in the small chair while looking excitedly at the cards.
"Good morning, Dad. Anong meron?"
My father smiled at me. "Good morning, Ate Chase." He greeted me before looking at my brother. "Did you asked your sister again about this?"
Tumango ang kapatid ko. "Yes. I also did that to wake her up." Sagot ng kapatid ko bago bumungisngis kaya naman natawa ang Tatay namin bago ginulo ang buhok niCharl.
"Silly Charl."
I shook my head while smiling. "Anong meron diyan, Dad?" I asked while pointing the papers.
"One of this ten papers contains a price. Kapag napili 'yon ni Charl, edi sa kaniya na 'yon."
Ngumiwi ako sa sagot niya. "Dad, ten papers lahat tapos isa lang ang may price? Charl, Daddy is madaya that's why you are not winning." Sabi ko sa kapatid ko na ngumuso lang.
Masiyado namang mahirap ang game para kay Charl. Almost one week na akong pinapapili ng kapatid ko ng number, ibig sabihin niyon ay almost one week na rin silang naglalaro nito at almost one week na rin siyang natatalo.
Poor baby.
"Daddy! Number eight I said!" Charl pointed at the third paper from the last.
"Okay, okay. Are you sure?" Dad asked him for the last time. Tila binibitin pa ang kapatid ko. Ngumisi ako nang tumingin sa akin si Charl, parang ipinapasa pa sa akin ang tanong ni Daddy na kung sure na ba siya sa number eight.
Ako ba ang naglalaro?
"Yes, Charl. Pick number eight."
"Okay. Sure na! Number eight!" My brother said cutely while clapping his hands. Napanguso tuloy ako. Sana naman manalo na 'tong bata na 'to, lucky number naman ang eight ah? Mukhang sabik na sabik na rin kasi siya sa kung ano mang price ang makukuha niya.
"Okay. You got the..." Dad stopped talking upang bitinin ang kapatid ko na mas lalong humaba ang nguso.
"Please, let me won number eight! I want a new toy!" Sabi ng kapatid ko, tila malapit nang umiyak.
"Wow, number eight heard you my son. You won a new big toy! Congratulations!" Dad said before showing him the card. Nakasulat doon ang pangalan ng sikat na laruan ngayon na matagal nang gustong makuha ng kapatid ko.
And now he finally got it. Thanks to his Ate.
"Wow, nice. Congrats, baby Charl!" I said happily while clapping my hands. Nagtatatalon naman ang kapatid ko dahil sa tuwa na nagpatawa sa tatay namin.
"Where can I claim my price?" Tanong ng kapatid ko. Dad pointed his room. "It's in your bed now. Come on, let's get it." He said before standing up. Hinawakan niya ang maliit na kamay ng kapatid ko bago tumingin sa akin. "Chase, your mother is in the kitchen. Go there and eat your breakfast, late ka nanaman gumising."
Tumango ako. "Yes, Dad."
Paano ba naman kasi ako hindi mapupuyat kung ang ganda-ganda ng series na pinapanood ko. Tinapos ko na ito kagabi and grabe, it is very worth it to watch even tho it's so tragic.
Ang guwapo rin ng bida, siyempre.
Looks like I found my new crush already.
"Good morning, Mom." I greeted mg mother who is now washing the dishes. "Anak, tanghali ka nanaman gumising. Nauna na tuloy kaming kumain. Wait, I'll prepare your food."
Ngumiti ako. "Ako nalang, Ma."
Honestly, I don't mind eating alone as long as the foodis good. Nagsandok ako ng sarili kong pagkain. Sakto namang kakatapos lang maghugas ni Mama ng mga plato nang umupo ako at magsimulang kumain. "Do you want milk?" She asked me kaya naman ngumiwi ako.
"Charl's milk? No thanks, Ma."
Ayaw ko kasi ang lasa ng gatas niya.
My mother laughed at me. "Sige, finish your food at diyan ka lang dahil maglilinis muna ako sa labas." Paalam niya sa akin na tinanguan ko agad.
While eating, na-realize ko na wala manlang akong naging panaginip kagabi. Ngumuso ako bago uminom ng tubig. It's almost a week nang huli akong managinip ah, bakit kaya?
I shrugged my shoulders before finishing up my food. Matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko, I immediately went inside my room upang tapusin ang school works kong hindi ko pa nagagawa at natatapos.
Wala pa akong kalahating oras sa paggawa ng mga ito nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.
"Come in," I said bago tumingin doon.
The door opened and swallowed my mother, father and Charl who immediately ran towards me. Kumandong ito sa akin bago tinignan ang ginagawa ko.
He tried to read it, ngunit dahil hindi pa siya masiyadong marunong magbasa, may mga ilang salita pa rin siyang hindi nababasa ng tama.
"Chase, anak, puwede bang ikaw muna ang magbantay sa kapatid mo? May pupuntahan lang kami ng papa mo. We will come back before lunch. Okay lang ba, anak?" My mother asked me that's why I immediately nodded as an answer.
"Of course, Ma. Hindi naman malikot 'tong si Charl. I can handle him."
Tumango silang dalawa sa akin. "Alright then. Charl, be good okay? Your sister is studying, don't disturb her, okay?" Sabi ni Papa na tinanguan lang ng kapatid ko na busy na ngayon sa mga written works na ginagawa ko.
Our parents immediately left matapos magpaalam sa amin.
"Charl, do you want to read?" I asked.
Charl shook his head. "No, I am lazy. Can I play instead?"
I chuckled before nodding at him. "Yes, but only here in my room, okay? Don't go outside." Bilin ko rito na agad naman niyang tinanguan.
"Okay!"
Ilang oras ang nakalipas at tutok ako sa school works na ginagawa ko habang nagbabantay sa kapatid ko na nilalaro ang aso namin ngayon. He will throw a ball na agad namang sasaluhin ni Pretzel at ibabalik sa kaniya.
"Charl, Ate will just pee, okay? Stay here. Huwag kang lalabas. Do you understand?"
Tumango siya. "Yes, Ate. I'll stay here."
Lumabas ako ng kuwarto upang pumunta sa restroom. Hindi naman ako nagtagal at agad ding bumalik sa kuwarto ko upang tignan ang kapatid ko pero kumunot ang noo ko nang makitang wala na siya sa puwesto niya kanina.
"Charl? Where are you?"
Yumuko pa ako upang tignan ang ilalim ng kama ko dahil baka tinataguan niya lang ako pero wala akong nakitang Charl sa ilalim. I even searched for him inside my closet dahil kasya siya doon at doon din siya madalas na nagtatago kapag naglalaro kami, pero wala rin siya doon.
Lumabas ba siya? Pero hindi 'yon sumusuway sa utos ko.
Umiling ako bago lumabas ng kuwarto. I searched for my brother in our living room pero wala rin siya doon. Doon ko na ako nagdesisyon na lumabas. He can't be outside dahil highway na agad ang bubungad sa kaniya paglabas niya ng gate.
Too dangerous for a four years old kid.
"Charl? Nasaan ka na ba?"
Napalingon ako sa gate at nakitang nakabukas 'yon. Doon na gumapang ang kaba sa buong sistema ko.
He can't be outside!
Dali-dali akong lumapit sa gate at lumabas. Saktong paglabas ko ay sunod-sunod na busina ang narinig ko. My brother... "Charl! Stop!" I shouted pero tila walang narinig ang kapatid ko. He's chasing Pretzel na papatawid na ngayon sa kalsada kung saan padaan na rin ang isang malaking truck.
"Charl! Stop! I said stop, Charl!"
I ran as fast as I can upang maabutan ang kapatid kong patawid na rin ng kalsada. At kung hindi siya titigil, masasagasaan siya ng truck.
"Charl!"
I grabbed his arms and pushed him away from the road. Pero sa hindi ko inaasahan, naabutan ako ng truck.
A hard thing hit my whole body dahilan upang matumba ako sa gilid ng kalsada. Ang bilis ng pangyayari. I can now feel blood flowing from my head and numbness is starting to take over my system.
"Ate! Ate-"
"Charl? Anak? What- Chase! Chase, anak!"
Ilang segundo lang ang nakalipas nang marinig ko ang boses ng tatay ko. But I am now too weak to move my body or even talk.
Gusto ko nalang pumikit.
"C-Chase, Chase? Anak, can you hear me? Si Mommy 'to, anak, d-don't close your e-eyes. Please, baby, don't."
"Love, humingi ka na ng tulong!"
Sobrang nanghihina na ako at nagsisimula na rin akong makaramdam ng labis na sakit sa katawan ko, lalong-lalo na sa ulo ko. My mother's tears started to fall down. That's the last thing I saw before closing my eyes dahil hindi ko na talaga kaya, nahihirapan na akong huminga.
I'm sorry.
"Chase! Anak!"