/0/26549/coverbig.jpg?v=1e5584ffdfb31daac93e7fa50ce16323)
Ang buong akala ni Dania ay magiging masaya ang buhay niya kasama ang taong pinangarap niyang maging asawa. Ngunit sa pagsasama nilang dalawa, wala siyang ibang natanggap kun'di masasakit na salita, paghihirap, sakit sa katawan at kaloob-looban. Wala siyang ibang ginawa kun'di mahalin si Cyrus. Habang lumalala ang mga nangyayari sa pagitan ng relasyon nilang dalawa, ang sakit na dinaramdam ni Dania ay namuo bilang galit. Sa kaniyang pagbabalik, hindi na siya muling masasaktan ng mga taong nanakit sa kaniya.
- Dania -
"Nasasaktan ako, Cyrus!" inis na daing ko habang hawak niya 'ko sa braso at kinakaladkad papasok ng bahay.
Dumaan kami sa likod ng bahay kaya walang nakakakita samin dito.
"Manahimik ka!" galit na sagot niya at mas hinigpitan ang hawak sa 'kin.
"Ano bang problema mo?" tanong ko nang marahas niya kong bitiwan. Nakarating kami ng kusina at wala namang maids dito.
Hinawakan ko naman ang braso kong namumula at may fingertips niya pa.
"Umayos ka, ha! Huwag mo 'kong ipapahiya sa mga tao sa labas! At isa pa, tumigil-tigil ka ng kakangiti mo. You're looking like a slut! Obviously na nagpapa-cute ka sa mga kaibigan ko," nanggagalaiting sabi niya sa :kin at dinuro-duro pa ang noo ko.
Kumunot ang noo ko dahil wala akong alam sa sinasabi niya.
"What are you talking about? Dapat lang na ngitian ko sila, baka sabihin pa nilang hindi ako mabuting asawa mo!" tugon ko naman at lumayo sa kaniya.
Pati ba naman sa reception namin ay sasaktan niya 'ko? Kakakasal lang namin kanina tapos ganito agad?
"Ang sabihin mo, lalandi ka lang. Huwag na h'wag kang magsusumbong kay mom and dad, malalagot ka talaga sa 'kin mamaya." Matalim niya 'kong tinitigan bago ako tinalikuran.
Simula pa lang sa una sinasaktan niya na 'ko, bago pa ba sa 'kin 'yon?
Hindi pa kami ikinakasal, ilang pasa na ang nakuha ko galing sa kaniya, aangal pa ba 'ko? Bakit ba kasi sa isang katulad niya pa 'ko napagkasundo?
Okay lang. Mahal ko naman.
Heartless nga lang!
I'm Dania Veltier-Waston and he's Jan Cyrus Waston Caranza, my oh-so-lovable-husband.
Note the sarcasm.
Nagagawa ko pang magbiro ngayon pero tingnan n'yo mamaya, umiiyak na ako. Mahirap pakisamahan si Cyrus dahil lahat ng gusto niya ay masusunod sa ayaw at sa gusto mo, napakahigpit niya rin. Lagi niya akong sinasaktan noong hindi pa kami kasal.
Nag live-in na kasi agad kami nang ma-arrange marriage kami kaya nagagawa niya 'kong saktan tapos magpapakabait siya kapag nandiyan na ang parents namin.
After all, he doesn't love me. That's why he was always hurting me.
But it's okay! Kaya ko pa. Keri ko pang tiisin lahat.
"Hindi ka pa ba lalabas diyan? Ano, magdadrama ka lang?" Rinig kong baritonong boses ni Cyrus.
Napatingin ako sa pinto. Nakatayo siya sa labas habang masama akong tinitingnan.
"S-Sorry," nauutal kong sagot at mabilis na lumapit sa kaniya.
Mabilis at marahas naman niya 'kong hinapit sa baywang. Dinala niya ako papunta sa mga bisita. Pinipiga-piga niya rin ang baywang ko kaya medyo nasasaktan ako. Nagiging maharas na naman siya.
"N-Nasasaktan ako, Cyrus," parang naiiyak na sabi ko dahil masakit talaga ang ginagawa niya.
"I don't care and you should shut up," napatikom naman ako ng bibig. "Don't you dare to flirt any of my friends, Dania." Tumango na lang ako "Understood?" ulit niya at mas malakas na piniga ang baywang ko.
"Y-Yes."
"Good. Ikuha mo ako ng wine," utos niya at mabilis akong binitiwan. Sinundan ko siya ng tingin at umupo naman siya sa table ng mga kaibigan niya.
Mabilis akong pumunta sa catering table at kumuha ng one bottled wine, ice bucket, then wine glass.
Mukhang hindi ko madadala nang sabay-sabay 'to kaya bibitiwan ko na muna sana ang wine glass pero may kumuha na sa 'kin niyon.
"Let me help you, Misis." Napatingin naman ako sa lalaking tumulong sa 'kin. Gwapo siya at pamilyar, siguro nakita ko siya kanina sa simbahan.
"Ah, hindi na," sagot ko at tumingin sa pwesto nila Cyrus dahil baka magalit siya kapag nakita niyang may kasama akong lalaki.
"Nope. Pupunta rin naman ako sa table ng asawa mo, so let me do this for you," nakangiting sagot niya at inagaw din sa 'kin ang ice bucket.
Nahihiyang tumango na lang ako at sabay na kaming lumakad. Napatingin na rin samin si Cyrus at ang talim agad ng titig niya.
"Bakit ikaw ang gumagawa nito? May waiters naman dito," tanong sa 'kin ng lalaki kaya medyo nataranta ako na ewan. Ewan ko lang kung bakit.
Siguro dahil . . .
Oo nga bakit nga ba ako? May waiter naman?
Hay, gusto lang talaga akong gawing alalay ni Cyrus. Asawang alalay, 2 in 1 ha.
"Ah kasi, mas gusto kong pagsilbihan ang asawa ko," nakangiting tugon ko na lang.
Tumango na lamang siya hanggang sa nakarating kami sa table nila Cyrus. "Heto na," sabi ko at nilapag ang wiine.
"Sit here beside me, Dania," utos niya sa 'kin. Hindi pa 'ko nakakasagot ay hinila niya na 'ko agad paupo.
"Oh! Easy ka lang, dude. Akala mo naman aagawin ni Leo si Dania sa 'yo," natatawang sabi ng isa niyang tropa pero hindi niya pinansin 'yon at matalim lang akong tiningnan.
Lumapit ang mukha niya sa 'kin kaya bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Kumabog ito nang mabilis.
"Prepare yourself for tonight," mariin niyang bulong na lalong nagpakaba sa 'kin.
Shit, sorry na . . .
Dahan-dahan lang akong tumango at yumuko. Nilaro-laro ko rin ang daliri ko habang nag-iinuman lang sila.
Nakayuko lang ako at hindi nag-aangat ng ulo. Nararamdaman ko kasi na sumusulyap sa 'kin si Cyrus.
Iniisip ko na right now kung anong mangyayari sa 'kin mamaya after nito. I'm sure na bugbog sarado na naman ako mamaya.
Womanhater si Cyrus kaya ganiyan 'yan. Ayaw na ayaw niya ng mga babaeng malandi raw, pero hindi naman ako malandi . . . Siya lang ang lalaking nakapagsabi sa 'kin noon nang harap-harapan na malandi ako.
Why? Dahil bago raw kami ma-arrange marriage ay napapansin niya na 'kong nakikipag-flirt sa ibang lalaki. Pero hindi ako nakikipag-flirt! Malapit lang talaga sa 'kin ang mga lalaki.
20 years old lang ako for Pete's sake at kaka-graduate ko lang last year.
And until now, hindi ko alam kung bakit kami na-arrange marriage.
Cyrus was my highschool classmate. He was my ultimate crush before but then when we were in college, naramdaman ko na lang na mahal ko na siya.
Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya na minahal ko. Basta ang alam ko, sa kaniya lang tumitibok 'tong puso ko.
"Lasing ka na, Cyrus," sabi ko at hinawakan sa braso si Cyrus nang mapansin kong namumula na siya.
"I-I'm n-not!" bulol na sagot niya at tinabig ako.
Napatingin naman ako sa paligid. Kaunti na lang ang mga tao at mukhang umuwi na sila, lasing na rin ang mga kainuman ni Cyrus.
"Pumasok na tayo," sabi ko at tumayo na. Hindi naman na siya nakaangal nang alalayan ko siya patayo.
"I said, I'm not!" mariing sagot niya pero inilingan ko lang siya. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan niya bago siya inalalayan lumakad.
"Lasing ka na, hindi ko na nga masyadong maintindihan ang sinasabi mo," sagot ko at nilagay ang braso niya sa balikat ko.
Pumalatak siya at lumayo sa 'kin bago marahas akong hinawakan sa braso. "Sa tingin mo ba maglalasing ako? You still need to be punished," mariing sabi niya na ikinaawang ng bibig ko.
Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko.
Akala ko lasing na siya.
"C-Cyrus, sorry na. Hindi ko naman sinasadya 'yung kanina, nagpumilit lang 'yung lala-"
"Shut up will you?! I don't need your f*cking explanation!" matigas na pagpapatahimik niya sa 'kin at mas hinigpitan ang hawak sa braso ko.
"M-Masakit."
"Malandi ka kasi."
Masakit physically and emotionally. Anong magagawa ko? Ayun ang tingin niya sa 'kin.
"I don't know kung bakit sa dami ng babae, sa 'yo pa 'ko napakasal! F*ck this life," inis niyang sabi at binuksan ang pinto ng bahay.
Kinaladkad niya ako sa hagdan kaya napaiyak ako sa sakit. Tumama kasi ang tagiliran ko sa edge ng railings.
"T-Tama na, Cy! Masakit," pagmamakaawa ko pero mukhang lalo pa siyang nagalit dahil mas humigpit pa ang hawak niya at naging mas marahas ang paghila sa 'kin.
Bakit ba ganito siya kagalit na galit sa 'kin?
"Masasaktan ka lalo kapag hindi ka nanahimik!" sigaw niya at malakas na binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Oo, kwarto niya. Naka-separate ang kwarto ko sa kwarto niya. Pero bakit dito niya ako dinala?
"Tang ina mo!" sigaw niya at malakas akong binalibag.
Nanakit agad ang katawan ko sa ginawa niya. Bumagsak ako sa sahig at napadaing nang malakas. Dahil doon ay namuo ang mga luha ko habang iniinda ang sakit.
Bakit ba, Cy?
"Nanggigigil talaga ako kapag nakikita kita! Shit! Damn you!" nanggagalaiting sigaw na naman niya sa 'kin at bigla na lang hinila ang buhok ko.
Hinila niya 'yon pataas kaya napaluhod ako at napatingala sa kaniya. Nadagdagan tuloy ng sakit ang nararamdaman ko dahil parang matatanggal na ang anit ko sa ginawa niya.
"W-Wala n-naman akong ginagawa-"
Sinampal niya 'ko nang malakas na ikinatigil ko. Bumaling sa kabila ang mukha ko at pakiramdam ko'y namumula na agad ang pisngi ko. Ang init sa mukha ng ginawa niya. Ang bigat ng kamay niya!
Ang sakit!
Sobrang sakit!
"Anong wala? Are you f*cking sure?!" pasigaw pa ring tanong niya at mas hinigpitan ang hawak sa buhok ko.
Oo, sure na sure ako. Wala naman talaga akong ginagawang masama. Ano bang ginawa ko para saktan niya 'ko nang ganito? Sobrang sakit sa pakiramdam.
"B-Bakit ba galit na galit ka sa 'kin?" umiiyak na ngayong tanong ko at napahikbi.
Nanggigigil na hinila niya naman ako patayo para mapantayan n'ya 'ko. Wala na 'kong ibang nagawa kun'di dumaing at mapahawak sa kamay niyang nakasabunot sa 'kin.
"Why? Why? Because of you, hindi ako sinagot ng nililigawan ko! That's the f*cking shit! I didn't get the girl I love!"
Ang kaninang patak patak lang ng luha ko ay naging sunod-sunod na dahil sa narinig ko.
'The girl I love'
The girl he love?
Alam kong hindi niya ako mahal at may iba siyang gusto, pero kailangan bang ipamukha niya pa sa 'kin 'yon? Tumitriple ang sakit na nararamdaman ko.
"A-Anong gusto mong gawin ko?" nahihirapang tanong ko dahil nahihirapan na 'ko sa pag-iyak.
Nagtiim bagang muna siya bago ako hinagis sa kama. Napasinghap ako at gumapang papunta sa headboard.
"Panindigan mo ang pagiging asawa ko!" sagot niya at mabilis na gumapang sa kama na ikinakaba ko.
"No, no . . . Hindi ito, please 'wag," kinakabahang pagmamakaawa ko habang umuusog.
Anong gagawin niya sa 'kin? Please, sana naman mali ang iniisip ko!
"Shut up!" sigaw niya at mabilis na hinila ang paa ko na ikinatili ko.
"Ayoko ng ganito, Cyrus! Hindi pa ako handa, please!" humahagulgol na sigaw ko.
Hindi ko naman kasi inakala na ito ang gusto niya.
"I don't f*cking care!" Nang mahila n'ya 'ko ay mabilis niya 'kong pinatungan.
"Please huwag, ayoko please," umiiyak at mahinang pakiusap ko.
Pero para siyang bingi na marahas lang akong hinalikan. Hindi niya man lang pinakinggan ang pagmamakaawa ko.
Hindi ako nakapag pumiglas.
Hindi ako nakakilos.
Hindi ako nakaangal.
That was my first kiss.
And he was my first kiss.
Pero kahit gano'n, nagising pa rin ako sa katotohanang hindi pagmamahal ang pinaparamdam niya sa halik niya kun'di pagnanasa.
Ayoko ng ganito!
Pumikit na lang ako nang mariin at umiyak nang tahimik.
Wala akong magagawa. Sasaktan niya lang ako at mas malakas siya sakin.
After all, asawa ko siya.
Ituloy mo lang, Cyrus.
Kung diyan ka sasaya. Handa akong maging parausan mo, mapagbayaran ko lang ang sinasabi mong kasalanan ko.
"F*ck!" Napapikit ako nang sumigaw na lang siya bigla. Tumigil siya sa paghalik sa 'kin at napasuntok sa gilid ng kama.
"Ah!" Napadaing ako sa gulat nang bigla niya 'kong itinulak na ikinahulog ko sa sahig. "Aray," daing ko dahil sobrang sakit ng katawan at ulo ko.
Malakas ang pagbagsak ko sa sahig.
Shit.
"Get out!" malakas na sigaw niya na ikinatango-tango ko.
Mabilis ang tibok ng puso at nagmamadaling gumapang ako papuntang pinto at umiiyak na pinihit ang doorknob niyon.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay agad ko 'yong sinara at sumandal saglit sa pinto.
Sobrang sakit ng katawan ko kaya hindi ko pa kayang kumilos muna.
Nakarinig ako ng nagwawalang sigaw ni Cyrus sa loob. "F*ck! F*ck you, Dania! Damn this f*cking life with you!"
Napaiyak na lang ako nang marinig ko 'yon. Narinig ko rin ang mga kalabog sa loob ng kwarto niya. Mukhang ibinabato niya na ang mga gamit niya. Napahikbi na lang ako at tahimik na umiyak.
Nahihirapan na gumapang ako papunta sa kuwarto ko habang umiiyak pa rin. Kada hakbang ng paggapang ko yata ay mas tumutulong luha sa sahig, gano'n karami ang luhang iniiyak ko.
Ang sakit pala.
Ang sakit pala na nang dahil sa 'kin, nasasaktan siya.
Pero pareho lang naman kaming nasasaktan, 'di ba?
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.