/0/26653/coverbig.jpg?v=77aaab7dddeb76d9a9a1e4e193a20bf4)
She looks like an angel sent from heaven, a kind and warm hearted girl. But... never try to push her limits. She can be the worst devil from hell, and will be your greatest nightmare. ... Isang masayahing babae na mas pinili ang manirahan sa gubat kaysa siyudad. Mas gustong kumain ng karne galing pangangaso kaysa umorder sa mamahaling resto. Siya si Beluria, marami siyang pinagdaanan sa buhay at humantong sa kagubatan. Hindi siya kamag-anak ni Tarzan, hindi rin sa itaas ng punong kahoy ang kanyang tahanan at mas lalong hindi rin isang baging ang kanyang hagdanan. Maayos siyang namumuhay kasama ang kanyang pet na Cheetah. Ngunit isang pangyayari ang susubok sa kanyang tatag at paninindigan na magdadala sa kanyang tunay na katauhan. Sino ang makakatulong sa kanya sa oras ng kagipitan? Arc Monte Alegro - mula sa prominente at mayamang pamilya na may kaugnayan sa nakaraan niya. Mutual - lalaking napadpad sa lugar nila na walang pagkakakilanlan kundi itsura. Alpha - tuso at malupit na pinuno ng mga mangangaso na may seryoso at misteryosong pagkatao. Paano haharapin ni Beluria ang pagsubok na susukat sa timbang ng kanyang puso't isipan? Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Beluria sa hamon ng kanyang buhay at kapalaran.
White long sleeve and leather pants,
Check.
Protector vest,
Check.
Fingerless leather gloves,
Check.
Hunter boots,
Check.
Kinuha ni Beluria sa likuran ng pintuan ang kanyang leather hunter waist bag. Muli niyang tiningnan ang mga laman no'n.
3 daggers, 1 hunting knife and 5 throwing knives,
Check.
Inayos niya ang pagkakabit nito sa kanyang baywang.
Sunod niyang kinuha ang bow and arrows na nakalagay sa quiver. Sinukbit niya sa likuran ang Quiver na may lamang 20 arrows.
Pinagmasdan muna niya ang mga gamit na nakalagay sa buong katawan bago maingat na sinaraduhan ang pintuan ng kanyang bahay.
She's ready.
Ready to hunt wild animals.
Nakagawian na niya ang pangangaso tuwing sasapit ang ikatlong araw ng linggo. Ito ang nagsisilbing source of income niya. Dinadala nila sa bayan ang mga nahuhuling hayop para ibenta at paghahatian ang nagiging kita.
Ilang hakbang mula sa pintuan ng maramdaman ni Beluria ang pagkiskis ng balahibo sa kanyang hita.
Napangiti siya ng makita ito.
Her baby.
"Are you ready to hit, my Hit?" tanong niya.
Umungol lamang ito.
Muli siyang napangiti.
Her adorable baby cheetah.
Ilang taon na niyang kasama ang Cheetah mula ng iligtas niya ito sa mababangis na lobo. Hindi niya target ang mga katulad nitong hayop dahil hindi naman sila mabenta sa bayan. Karaniwan niyang hinuhuli ang mga wild boar, nagkataon lang na nakita niyang pinaglalaruan ito ng mga ligaw na lobo.
Maliit pa ito at hindi makakilos ng maayos dahil sa sugat sa paa. Nang napaalis niya ang mga lobo saka niya ginamot ang cheetah at iniwan sa gubat, ngunit nagulat siya ng makita ito sa labas ng bahay kinabukasan.
Dahil wala naman siyang choice, kinupkop na rin niya ang Cheetah. Nakakatulong din sa kanya si Hit dahil sa bilis at liksi nito. Hit ang ibinigay niyang pangalan sa cheetah dahil swerte rin ito sa kanya. Palagi siyang nakaka-hit sa pangangaso.
"Hit, let's go!" Tumakbo si Beluria pababa na siyang sinusundan nito.
Na sa pinakamataas ng bundok ang bahay niya. Hindi kalayuan naman ang magkakalayong barong-barong ng mga taga-purok mula sa tahanan niya. Purok ang tawag sa kanilang lugar.
Nakangiti si Beluria habang tumatakbo na sinasabayan naman ni Hit. Kahit may kakaiba bilis si Hit, nakaalalay lang ito sa tabi niya. Sa paglipas ng taon, lumaki si Hit hanggang baywang niya, pero mas mataas ito kapag nakatayo na. Nakakaya rin siyang isakay ni Hit sa likuran nito, pero madalang niyang ginagawa iyon dahil para sa kanya, baby pa ito.
...
Narating ni Beluria ang kabahayan sa Purok, agad niyang natanaw ang ilang kalalakihan na may dala-dalang armas pangangaso.
"O, nariyan ka na pala Beluria. Akala namin hindi ka sisipot e. Sayang naman ang mga mahuhuli natin. Kapag nagkataon lugi kaagad ang lakad namin," biro sa kanya ni Ka Elias. Isa sa matatandang nakatira sa purok.
Tumawa lang siya sa matanda.
"Naku, ako pa ba Ka Elias?" Tonong nagmamalaki niyang sambit habang nakangiti. "Hinding-hindi ako magpapahuli sa lakad natin. Ako kaya ang pinakamagaling na Hunter dito sa purok," Dugtong niya.
Tumawa lang ang mga nakarinig. Sana'y na sa kanyang biro ang mga tao sa lugar nila.
"Iyan ang gusto namin sa'yo, Beluria. Siguradong tiba-tiba na naman ang lakad natin ngayon," sagot naman ni Ka Jasinto.
"Syempre naman po, kasama ko rin yata si Hit." sagot niya kay Ka Jasinto habang hinihimas ang ulo ni Hit. Pumikit lang ang huli tanda na nagustuhan nito ang ginawa niya.
"O sya, humayo na kayo para makarami agad at makabalik kayo ng maaga," sambit naman ng asawa ni Ka Elias, si Aling Liway.
"Tama si Ate Liway, umalis na tayo ng makasiping muli ako kay Bingbing pagbalik natin." Dahil sa sinabi ni Ka Jasinto, umulan ng tuksuhan sa paligid.
Si Aling Liway ay nakatatandang kapatid ni Ka Jasinto, si Aling Bingbing naman ang asawa nito. Sa purok lahat ay magkakamag-anak, maliban sa kanya at sa isa pa. Higit sa sampung mga bahay ang na sa purok pero malaki ang populasyon, karamihan ay mga bata. Halos magkakasunod ang mga edad ng magkakapatid, at magkaka-edad naman ang magpipinsan. Hindi alintana ng mga taga-purok ang hirap ng buhay dahil masaya ang bawat isa sa uri ng pamumuhay sa lugar.
"Naku... Tumigil-tigil ka Sinto. Ang liit-liit pa ng iyong bunso, susundan mo na naman?" saway dito ng kapatid.
"Hayaan mo na ang iyong kapatid..." saway naman ni Ka Elias sa asawa. "... sisiping din ako sa'yo pag-uwi namin," dugtong nito habang nakangisi.
Napailing na lang si Beluria sa lambingan ng mga ito.
"Itay, Inay huwag naman kayo maglambingan sa harapan namin, baka mamaya niyan maligawan ko itong si Beluria," biro naman ni Tikboy, ang panganay na anak nina Ka Elias at Aling Liway.
"Naku Kuya Tikboy, wala kang pag-asa kay Beluria, alam mo namang kapatid na ang turing niya sa atin," sagot naman ng pinsan nitong si Buyong, anak ni Ka Jasinto. Mas bata ito ng dalawang taon sa kanila.
"Binibiro ko lang naman Buyong," Sagot ni Tikboy
"Tumigil na kayong dalawa diyan. Umalis na nga tayo!" masungit na sambit ni Lena kaya't nakuha nito ang pansin ng dalawang binata.
"Uy Lena, sinong nagsabi na kasama ka ha?" tanong ni Tikboy sa kapatid.
"Bakit si Beluria kasama, tapos ako hindi? Marunong din naman akong mangaso a!" nakanguso nitong sagot.
"Ang kupad-kupad mo kayang kumilos, mamaya mapano ka pa roon."
"E, kuya naman!" reklamo nito na may pagpadyak pa ng paa, "Beluria, sama ako." Sa kanya naman lumapit si Lena.
"Naku idadamay mo pa si Beluria." Naiiling na sabi ni Buyong sa pinsan.
"Alam niya kasing hindi kayo tatanggi kapag si Beluria ang nagsabi," sambit naman ng kapatid ni Buyong, si Sura. "Bakit ba hindi kayo makatanggi sa kanya?" Nakairap nitong tanong.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Maglakbay pabalik sa sinaunang Prime Martial Mundo mula sa modernong edad, natagpuan ni Austin ang kanyang sarili sa isang mas batang katawan habang siya ay nagising. Gayunpaman, ang binata na tinataglay niya ay isang kahabag-habag na baliw, nakakapanghinayang! Ngunit ito ay hindi mahalaga dahil ang kanyang isip ay maayos at malinaw. Taglay ang mas bata at mas malakas na katawan na ito, lalabanan niya ang kanyang paraan upang maging Diyos ng martial arts, at pamunuan ang buong Martial Mundo!