/0/26675/coverbig.jpg?v=4f1c2c46dff1a8bfdd42060f5a8893ab)
Zyjin Fortabella isang mafia boss na masungit, minsan mabait. Magiging secret husband ng isang maid, anong mangyayari sa dalawa. Magkaka inlove-an kaya sila o hindi? Kaya naman basahin mo kung gusto mong malaman.
Ilang trabaho na ang in a-apply-an ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako matanggap. Ano bang kailangan kong gawin? Nang may makita akong wanted sales lady, lumapit ako sa tindera para tanungin kung available pa ba ang trabahong nakapaskil.
"Hellow po!" bati ko sa babaeng med'yo may edad na. Ngumiti ako rito at nagpa-cute malay mo 'di ba? Matanggap ako dahil sa ka-cute-an ko. Just kidding, haha napapa-english tuloy ako.
"Ano' ng kailangan mo, Ms?" tanong nito sa 'kin, ngumiti ako ng todo rito.
"Available pa ho ba ang trabahong ito?" tanong ko at tinuro ang nakapaskil. Sana talaga makapasok na ako, kahit maliit lang sahod dito basta magkatrabaho na 'ko. Baka 'pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, baka pati ang bar papasukin ko na. Magkaroon lang ng trabaho, pero ayoko naman n'on.
"Ay 'yan ba? Pasensiya na, may nakuha na kami para sa trabahong 'yan. Hindi ko lang naalis!" sabi nito at tinanggal ang nakapaskil. Napabuntong hininga na lang ako, ang malas ko naman. Nagpasalamat ako at umalis na lang, kahit pagod na ang paa ko. Ayos lang basta makahanap nang trabaho. Sana talaga makahanap na ako dahil marami- rami narin akong utang, renta pa sa bahay. T'yak akong magbubunganga na naman ang landlady ko, 'pag 'di pa ako nakapagbayad. Napangiti ako ng may makita ulit akong wanted tindera, sana naman makapasok na ako. Lumapit na ako at nagtanong sa taong na sa tindahan.
"Hello po, available pa ba ang trabahong 'to?" tanong ko rito. Tumayo naman ito at napakamot sa ulo.
"May nakuha na kami eh, pasensiya na!" sabi nito, napabuntong hininga ulit ako. Kapag minamalas ka nga naman. Hayst!
"Okey po, salamat po!" sabi ko at umalis na. Naglakad ulit ako at nagbabakasaling may makita pang ibang trabaho. Pagod na pagod na ang paa ko.
"Ahhhhhhh!" sigaw ko dahil pagod na ako kakahanap nang trabaho, pero wala akong mahanap. Gosh! Wala ba talaga akong suwerte para dito?
"Kaya mo 'to gurl, tiwala lang makakahanap ka rin!" kinakausap ko na ang sarili ko, para kaseng kunting lakad ko na lang susuko na ang katawan ko. Wala pa akong kain, wala rin akong pangbili nang makakain.
Huminga ako ng malalim, at pilit naniwala sa sarili na makakahanap rin. Kahit anong trabaho basta marangal. Tinignan ko ang wallet ko at bente pesos na lang pera ko. Paano na? Kulang pa ito sa Jeep pauwe ng bahay. Ang layo na kase nang napuntahan ko. Gosh! Nag lalakad akong parang baliw dahil sa pagod na akong mag lakad. Ang malas naman nang buhay ko kaylan kaya ako su-suwertehin? Naglalakad ako biglang muntik na akong matapilok kase naputol ang kawad ng tsenilas ko shit, bakit ngayon pa? Wala pa akong pambili eh ano pa bang kamalasan ang magaganap sa 'kin? Habang nag lalakad pa rin ako bigla naman may dumaan na humaharurot na sasakyan. Tapos sakto pa na may putik sa kalsada, kaya ito para na akong taong grasa kase puro putik na buong katawan ko. Jusko po! Bakit ang malas ko ngayong araw? Hayst bakit kase ako inalis ng matandang 'yon sa resto na pinag tatrabahuhan ko? Nabasag ko lang naman 'yong baso? Tapos gan'on na 'yon? Papaalisin na ako? Habang nag da-drama ako may nakita akong karatula na wanted maid. Wow! Ang laki ng bahay. Bahay pa ba ito o-h mansion? Sobrang laki kase eh parang ang hirap linisin n'yan. Nag doorbell na ako, may lumabas naman na isang matanda na halatang mong mataray, ngumiti ako dito.
"Ano'ng kailangan nila?" tanong nito sa 'kin at tinaasan ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Grabe naman makatingin sa 'kin, parang gusto akong kainin ng buhay.
"A-h e--h mag-apply po sana ako bilang maid!" nahihiya kong sabi, kase naman paanong hindi ka mahihiya kong ang buong katawan mo puro putik. Kumunot naman ang noo nito. Tapos biglang nag sungit sa 'kin. Ang sungit!
"Ikaw? Mag-apply ka ng maid? Sarili mo nga hindi mo malinis. Hala sige umalis ka na! Baka makita ka pa ng boss namin, allergic 'yon sa panget at madumi!" sabi nito at pumasok na sa loob. Grabe naman si ate makalait ah? Dahil parang wala naman akong suwerte ngayong araw, bukas na lang ulit. Hayts lakad na naman pauwe, nang makarating ako sa apartment na in-uupahan ko nadatnan ko naman si aling Utot, ang baho naman ng pangalan n'ya? Bakit ba 'yon ang naisip na i-pangalan sa kan'ya? Bakit kaya nandito s'ya? Hayts! Huwag naman sana ngayon, wala pa akong pera. Kailangan ba sabay sabay ang kamalasan sa buhay ko? Arggg! T'yak akong sisingilin n'ya ako ng renta. Ilang buwan na kase akong puro paki-usap, paano kase ilang buwan na akong walang trabaho.
"Hello po, Aling Utot! Ano po bang masamang hangin ang nagdala sa inyo at naparito kayo?" tanong ko. Tinignan ako nito at nagpamaypayan pa.
"Anong masamang hangin ha? Dalawang buwan ka nang hindi nakakabayad ng upa? Ano may balak ka pa ba magbayad?" pagtataray nito sa'kin. Yuck badbreath s'ya amoy utot. Sabi kona eh, hindi naman pupunta 'yan dito kung walang kailangan.
"Aling Utot puwede po ba huminahon kayo?" ani ko at pinakalama s'ya high blood kase 'yan lagi eh. "Wala pa kase akong pera! Hehe..." Ani ko sabay kamot sa ulo. Napangiti ako ng pilit, habang nag kakamot ng batok. Wala talaga kase akong pangbayad, kun'di lang med'yo mabait si Aling Utot. T'yak akong sa kalsada na akong naglalagi ngayon.
"E--de lumayas kana dito! Para mapaupahan ko na ito sa iba!" masungit na sabi n'ya. Agad naman akong nagmakaawa sa kan'ya, wala akong matitirahan 'pag pinalayas n'ya ako. Baka sa kalsada talaga ako pulutin nito.
"Aling Utot, give me 2 weeks? Para makaipon ng pera!" pagmamakaawa ko sa kan'ya. Lakas ng loob ko humiling nang two weeks, bahala na si Lord, sana lang makahanap na ako ng trabaho, kahit anong trabaho basta matino.
"Hala sige! Siguraduhin mo 'yan! Pagbibigyan pa kita ngayon, pero kapag hindi ka pa nakabayad sa sinabi mong two weeks! Talagang itatapon ko na 'yang mga damit mo!" sabi nito at umalis na hayst salamat naman. Pumasok ako sa loob at naglinis ng katawan at pagkatapos humiga na sa kama ko. Parang gusto ko nang ma-iyak dahil sa dami kong kamalasan ngayong araw hayst. Sana naman bukas suwertehin na ako. Ilang araw na rin kase akong naghahanap nang trabaho, pero wala talaga.
Maaga akong nagising kase maglalakad ulit ako para makahanap nang trabaho, dahil naubus kahapon ang pera ko. Mabuti may stock pa akong mga pagkain. Mama, Papa bakit kase iniwan n'yo agad ako eh? Kaya itong maganda n'yong anak nahihirapan hayts! Kun 'di lang sana nila ako iniwan ng maaga, sana hindi ako ganito ngayon. Nakakapagod na maghanap nang trabaho pero kailangan, dahil kun 'di ako mag ta-trabaho? Wala akong kakainin. Parang ako na ang Reyna ng kamalasan, hayt! Pakatapos ko kumain nagpahinga lang ako saglit at nag-umpisa nang mag-pinetensiya. Hay na 'ko! Wala pa'ng mahal na araw eh nag pi-pinitensya na agad ako. Habang naglalakad ako may nakita akong karatula sa isang bahay. Yes! Baka puwde na 'yon! Kumatok ako at may lumabas naman agad na isang katulong mayor doma yata ito rito. Base sa suot nitong uniporme.
"Ano'ng kailangan n'yo?" tanong ng matanda sa 'kin, ngumiti ako at nagtanong.
"Ahmm... Ano po kase mag apply sana ako!"
"Anong a-apply-an mo? Pasensiya na wala nang bakante!" sabi n'ya na kinakunot ng noo ko seryoso? Huwag n'yang sabihin, may nauna na sa'kin? Na naman lagi na lang bang ganito?
"A---yan po kase o--h!" turo ko sa karatula. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ay a---yan ba? Na 'ko pasensiya na! Hindi ko natanggal kahapon!" sabi n'ya at tinanggal ang karatula, kaya naman umalis na lang ako. Walang hiya naman paasa, parang 'yong ka-chat mo? Pinakilig ka lang pero hindi ka jinowa. 'Di ba, ' di ba? Huwag mona ipagkaila, hindi ko naman ipagsasabi choss. Hay ang malas ko pa rin talaga. Naii-stress na talaga ang magandang si ako. Dahil hindi pa rin ako makahanap nang trabaho. Muli ulit akong nag lakad para maghanap. Parang awa mo na Lord, bigyan mo naman ako nang trabaho. Baka pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, tuluyan ng masira ang kagandahan ko sa sobrang stress. Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko at masanay matulog sa kaldasa. "Ano ba naman ito, 'di ba? Walang hiya!" kanta ko habang naglalakad. Bakit kase kagandahan lang ang ibinigay sa 'kin Gosh!
"Piftttt...
Nagulat naman ako ng may sasakyang biglang napa-preno. Hindi ko pala namalayan na wala na ako sa gilid. Lutang na lutang na kase ang isip ko.
"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay? Huwag rito! Pakalat kalat, para kang siraulo!" sigaw ng taong nakasakay sa kotse. Tapos pinaharurut na ang sasakyan. Anong sabi n'ya ako sira ulo at baliw? Ang ganda ko naman para maging gan'on, at na sa katinuan pa naman ako para isipin n'yang magpapakamatay ako. Ang yabang ng lalaking 'yon, anong akala n'ya? Guwapo s'ya? Gurang na kaya s'ya tss.
____
Pang limang apply ko na ito pero wala pa rin talaga , minamalas pa rin ako. Kuminang naman ang mga mata ko, nang may nakita akong isang resto may nakalagay sa karatula na wanted waitress. Sana last kana please lang! Pumasok ako sa resto at nagtanong kung saan ang office ng may-ari, sinabi naman nila ito. Kaya hinanap ko, mas'yado raw silang busy para samahan ako. Wow lang 'di ba? Tch. Nang mahanap ko ang sinasabing office ng may ari agad akong kumatok.
*Tok Tok tok*
"Come in!" sagot sa loob kaya pumasok ako. Wow ang lamig naman, sarap siguro matulog rito. Napaka-ignoranti ko, sorry naman.
"Anong kailangan nila?" tanong ng babaeng may-ari ng resto. Tumingin ito sa'kin, kaya ngumiti ako. Para yatang mas maganda s'ya kaysa sa 'kin.
"Ah kase po available pa ba 'yong wanted waitress?" tanong ko. Sana naman talaga matanggap na ako, lagi na lang kase akong pinapaasa parang 'yong crush ko, pinakilig lang ako pero hanggang kaibigan lang pala. Paasa s'ya. Nanggigil talaga ako sa kaniya, napakayabang n'on. Pasalamat s'ya guwapo s'ya dati, ngayon hindi na kase masama ugali n'ya tss.
"Na'ko pasensiya na late ka na. Kakatapos ko lang interviewhin ang kaninang nag-apply. Wala na kaming bakante!" sabi n'ya tsk, wala na ba talagang matino akong a-apply-an? Lagi na lang not available. Lagi na lang ako pina-paasa? Bakit ganito laging binibigay n'ya umaasa na lang lagi ako. Katulad ng ex ko, kala ko kami na, umasa lang pala ako, manloloko pala tss. Napapahugot na 'ko, habang nag e-emote ako rito bigla na lang may bumusina. Hindi ko pala namalayan na malapit na'ko sa gitna ng kalsada. The fuck I'm so stupid. Buti alam mo 'yon self? Tanga ka talaga. Ito na naman tayo e--h, pangalawa na ito ha!
"Miss! Kung magpapakamatay ka! D'on ka sa puno magbigti! Para mamatay ka talaga! Buwisit paharang-harang ka! Kalsada 'to? 'Di bahay n'yo! Baliw!" sabi nito sa 'kin, a-bat? Ang kapal ng mukha nito ah? Tinignan ko ang 'pag mu-mukha ng lalaking muntik nang makabangga sa'kin. "O---hh shit! Shocks! Malalaglag panty ko ang guwapo n'ya gosh!" sabi ko sa isip ko, pero naalala ko sinabihan pala ako nitong baliw. Kanina pa ako napagkakamalang baliw ah? Ang ganda ko naman para maging baliw tss.
"Hoy umalis ka na d'yan. You're so stupid!" sabi nito sa 'kin. Ano? Ako? Tanga? Guwapo lang s'ya, pero 'yong ugali n'ya kaseng gaspang ng liha na panglinis ng kaldero. Buwisit s'ya si Mama at Papa, nga hindi ako sinasabihan ng tanga-tanga. Tapos sasabihan n'ya ako nang gan'on? Wala s'yang karapatan.
"A---h? Ako tanga? Ikaw nga guwapo sana, ang gaspang naman ng ugali!" sabi ko at kumuha nang maliit na bato at binato s'ya. Boom! Sapul sa ulo at saka ako tumakbo. Ano s'ya ngayon? Ginalit n'ya ang isang magandang katulad ko, kaya tama lang sa kan'ya 'yon. Bwisit na lalaking 'yon, ang yabang. Napaka-arogante, pero ang guwapo n'ya talaga. Pero hindi ko s'ya type ang panget ng ugali eh tss. Nag lakad ulit ako, kung minamalas ka nga naman ngayon. Dalawang beses pa nilait nang mga walang hiyang katulad nila, ang isang katulad kong maganda. Nakakagigil sila, sa ganda kong 'to? Pagkakamalan lang akong baliw? Baka sila ang baliw letche sila! Habang nag lalakad ako, may mga tao ng nakatingin sa 'kin. Ano kayang problema nila? Alam kong maganda ako pero hindi ako artista tss. Inirapan ko sila at saka nagpatuloy mag lakad. Pakanta-kanta ako habang naglalakad nang bigla akong napahinto at napatili. Bakit kase may tae ng aso dito. Natapakan ko tuloy. Narinig ko ang iba na pinagtawanan ako. Mga walang hiya! Pagtawanan pa ako. Pa-ika, ika naman akong nag lakad. Ika nga nila kapag nakaapak ka ng tae para ka talagang mapipilay. Nang may makita akong kanal, mukha naman malinis kaya agad na akong nag hugas ng paa. Hindi ko kayang tumagal pa sa tsinelas ko ang tae. "Kadiri talaga argh!" nang matapos ako mag hugas, agad na akong naglakad ulit. Salamat naman at wala na ang tae.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”