/0/26711/coverbig.jpg?v=ff2c5d52ee2695f05fa7aab50b98eab4)
Kung iisipin ay isang ordinaryong teenager lang si Cindy Cane Villegas. Financially stable, may Kuyang handang ibigay sa kan'ya ang lahat, at mga kaibigang laging maaasahan. Ang hindi alam ng iba ay binabangungot siya ng mga pangyayari halos sampung taon na ang nakakaraan. Her parents were killed in front of her. And now that she remembers what happened in the past, she wants to seek for revenge. An eye for an eye, a tooth for a tooth. Magtatagumpay kaya siya, lalo pa't konektado sa kan'yang nakaraan ang kan'yang pinakamamahal? Well, let's find out.
THIRD PERSON POV
TW: THIS CHAPTER CONTAINS KILLING AND VIOLENCE
Read at your own risk
"Nahanap niyo na ba?" umalingawngaw ang mababa at baritonong boses ng lalaki sa silid.
"Yes boss. Alam na namin kung nasaan siya, nagpadala na din ako ng mga tao para magmanman" nakayukong sagot ng lalaki.
Nakaharap ang lalaki sa bintana habang sumisimsim sa kopita. Napangisi siya sa narinig saka humarap dito. "Mabuti kung gano'n. Magpadala ka ng espiya, mas mabuting malaman natin lahat ng ginagawa at gagawin niya"
Tumango bilang sagot ang kaharap saka tumungo palabas. Samantala ang lalaki sa loob ng silid ay kinuha ang telepono at may tinawagan, "Maghanda ka, magsisimula na tayo"
---
Sa pagsapit ng gabi kung kailan payapa at mahimbing na natutulog ang lahat, isang grupo ang palihim at tahimik na pumuslit sa isang mansiyon. Bawat galaw ay maingat na parang anino sa ilalim ng buwan. Matagal nilang hinintay at pinaghandaan ang araw na ito kaya naman nais nilang masiguro na magtatagumpay sila.
Mahigpit ang seguridad ng mansiyon kaya hindi basta basta makakapasok, pero matagal na nilang pinag-aralan ang buong lugar pati na rin ang galaw ng bawat gwardiyang nagbabantay.
Ang ilan sa kanila ay dumaan sa likod kung saan may lagusan papasok. Tatlong taong naka suot ng purong itim mula ulo hanggang paa na halos hindi makita sa dilim.
Namataan nila ang limang gwardiyang nagbabantay sa gusali na naguusap-usap. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mataas na kailbreng armas.
Sumenyas ang isang nasa unahan sa dalawang kasama nito at sabay sabay silang tumungo papalapit sa mansiyon sa magkaka-ibang direksiyon.
Nagtago ang isa sa likod ng mga nakatambak na kahon nang makita niyang may papalapit sa direksiyon niya.
Alam niya na agad kung anong gagawin nito nang humarap ito sa puno hindi malayo sa kinaroroonan niya. The guy's whistling while doing his business. Pagkataas nito ng pantalon ay agad niya itong hinampas ng malakas gamit ang baril kaya agad itong nawalan ng malay.
Hinila ng taong naka-itim ang lalaki patungo sa likod ng puno. Madilim ang lugar at medyo liblib kaya hindi ito kaagad mapapansin. Agad niya itong binaril para siguradong hindi na magigising. May silencer ang baril na gamit nila kaya hindi ito nakalikha ng malakas na tunog
One down, four to go.
Bumalik siya upang tingnan ang iba pang kasamahan nito. He scoffed when he found them lying on the ground, lifeless. Tumingin siya sa mga kasamahan niyang nakatayo roon, one's still poiting his gun downward. Pinaputukan niya pa isa isa ang mga ito.
"They're dead, no need to waste bullets" the girl's deep voice sent shivers to their spine.
"I'm just making sure, mahirap na"
"Let's go, hindi tayo pwedeng magtagal" sabi ng isa saka naunang pumasok sa loob.
SAMANTALA DALAWANG tao ang nakatago sa damuhan malapit sa main gate. Mula doon ay nakikita nila ang mga armadong lalaking nagbabantay sa lugar. Gusto man nilang patayin ang mga ito, hindi pwede dahil hindi ito ang utos sa kanila. Kailangan nilang sumunod sa plano at iyon ay ang makapasok nang hindi napapansin.
Imposible kung iisipin, pero dito sila magaling. Maingat ang kanilang galaw, hindi sila napapansin dahil sa mamalaking halaman na nasa gilid malapit sa pader.
Ang dalawa ay tumungo sa silangan at agad na may nakitang balkonahe sa taas na pwede nilang pasukan. Tinatangay ng hangin ang kurtina nito kaya't nalaman nilang bukas ito at pwedeng daanan.
Sumenyas ang isa sa kasama at kaagad naman niya itong naintindihan. Nauna siyang lumakad-takbo at nang masigurong walang bantay ay kaagad niyang sinenyasan ang isa na sumunod.
Nang masigurong walang bantay na nakaaligid, agad inihagis ng isa ang lubid at ginamit ito upang makaakyat. Samantalang ang isa ay eksperto at mala-pusang umakyat.
"Umamin ka nga Pedro, kaano-ano mo si Spider-Man?" tanong ng isa nang nasa itaas na sila.
"Kaaway ko 'yun, nu'ng malaman niya na nakagat ako ng gagamba at naging superhero, nagpakagat din. Inggetero kasi" napa-iling nalang ang isa sa sagot ng kasama.
Nang tuluyan silang makapasok sa kwarto ay pareho silang natigilan. Ito ang huling tagpong inaasahan nilang makikita ngayong gabi.
"Uy pre, live show" maya-mayang sabi ng nagngangalang Pedro. Narinig ito ng dalawang taong nasa kama kaya parehas silang natigilan. Nakakubabaw kasi ang lalaki sa babae at parehas silang walang damit.
Bago pa man tuluyang maka-react ang dalawa ay kaagad silang binaril ng kasama ni Pedro. Binalot ng dugo ang puting bedsheet galing sa dalawang taong nakahandusay.
Sumipol si Pedro at tumingin sa kasama. "Nice one, Juan" napailing nalang si Juan sa tawagan nilang dalawa.
Tinungo nila ang pinto saka sinilip kung may mga bantay. Nang makitang wala ay agad nilang tinungo ang isang silid kung nasaan ang kanilang kailangan.
Isa itong opisina, agad na hinalughog nila ang lugar para makahanap ng kahit anong importanteng bagay, at hindi naman sila nabigo.
LALAKING MAHIGPIT ang hawak sa baril habang tahimik na naglalakad ang nasa kanlurang bahagi ng mansiyon sa ikalawang palapag.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang kan'yang mga nadadaanan. Mga painting, mga mamahaling vase at mga sculpture.
Kung mayroon mang nakakaalam nang buong lugar, ay isa siya sa mga iyon. Minsan na rin kasi siya ritong nanirahan at naging tauhan upang maging mata sa lahat ng ginagawa ng grupo.
Sumandal siya sa pader nang may marinig na mga yabag. Pinakiramdaman niya ito, isa sa kaliwa at isa kanan. Inuna niyang hinarap ang nasa kaliwa dahil ito ang mas malapit sa kan'ya.
Kita ang pagka-bigla sa mukha nito na agad napalitan ng ngisi. "Kita mo nga naman, buti nalang at naisipan mo pang bumalik--" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang kinalabit ng lalaki ang gatilyo at tumama ang bala sa gitna ng noo nito.
"Ang dami mong satsat" malamig na sabi niya sa nakahandusay na bangkay.
Naramdaman niyang may tao sa likuran niya kaya kaagad niya itong hinarap. Pinaputukan niya ang kamay ng lalaking akmang bubunot ng baril. Itinaas nito ang kamay na parang sumusuko at dahan-dahang humakbang papalapit sa kan'ya. Parang hindi nito iniinda ang kaliwang kamay kung saan umaagos ang dugo galing sa tama ng bala.
Humakbang ito papalapit sa kan'ya saka ipinasok sa loob ng bulsa ng pantalon ang kamay.
"Sabi ko na nga ba't hindi ka katiwa-tiwala. Sabihin mo nga sa akin, kanino ka nagta-trabaho?" mariing sabi nito.
Sarkastiko siyang tumawa, "Hindi ako bobo para sagutin ang tanong mo" isa ang lalaking kaharap sa mga nagmamaliit sa kan'ya noong nagpapanggap pa siya bilang isang tapat na tauhan.
Hindi niya ito magawang saktan noon kahit pa gustong-gusto niya dahil mataas ang posisyon nito. Kung hindi lang dahil sa plano, matagal na niya itong napatay.
Hindi na siya nakatiis at pinaputukan niya ito sa binti. Napaluhod ang lalaki at ilang beses napamura dahil sa sakit. Hinugot nito ang baril saka tinutok sa kan'ya "Bakit hindi mo nalang ako tuluyang pinatay?" Nakangising turan ng lalaki sa kan'ya.
Napangisi siya sa narinig, "That'll be boring. Madali mo lang mararamdaman ang sakit kapag sa noo kita binaril. I want you to feel the bullet digging into your flesh. I honestly want to torture you, seeing you die slowly, in pain, will surely satisfy me but I don't have time for that. Pasalamat ka at papadaliin ko ang pagkamatay mo" with that, he pulled the trigger twice. Diretso ang tama sa ulo at puso nito. Ni hindi na ito naka-react.
Agad siyang umalis at tinungo ang master's bedroom. Kampante siyang magkakaroon siya ng sapat na oras para magawa ang plano nang hindi naaalarma ang mga bantay sa lugar. Lingid sa kan'yang kaalaman ay nag-send ng distress signal ang lalaking huli niyang pinatay gamit ang espesyal na device na siya mismo ang may gawa.
Isa itong maliit at parisukat na bagay kung saan kapag pinindot ay gagawa ng tunog na tanging ang mga tauhan lamang nila ang makakarinig through earpiece. Ito ay hudyat na may nangyayaring hindi maganda.
Pagkapasok niya sa loob mg master's bedroom ay wala siyang nadatnang kahit sino. Sinara niya ang pinto at nilibot ang loob habang nakatutok ang baril sa unahan. Pinaghalong ginto at puti ang tema ng kwarto na sumisigaw ng karangyaan.
Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig galing sa isang kwarto. Ibinaba niya ang baril saka tinungo ito. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, alam niyang banyo ito dahil may nakita siyang shower at bath tub. Ang hindi niya inaasahan ay kung gaano kalawak ang lugar. Maliban sa jacuzzi mayroon din itong sariling indoor pool, ganu'n ito kalawak.
Doon nakita niya ang isang lalaking lumalangoy sa pool patungo sa dulo at pabalik sa kabilang dulo ng pool. Mukhang hindi siya nito napansin kaya nagtuloy-tuloy lang siya sa paglapit. Nang nasa may dulo ng pool na siya ay siya namang pag-angat ng ulo ng lalaki.
Kita ang pagkagulat sa lalaki, napahawak pa ito sa puso dahil sa pagkabigla. Ngunit agad din itong nakabawi saka binigyan siya ng nakamamatay na tingin.
"So you're the mole? I should've known" kahit pilit nito'ng hindi ipakita, nakikita niya parin ang takot sa mga mata nito dahilan upang mapangisi siya.
Ganyan nga, matakot ka dahil ako ang papatay sa'yo. Sambit niya sa kan'yang isip.
"Long time no see" sambit niya na para bang kaibigan na matagal nang hindi nakikita ang kausap. Nag-squat siya para mas matignan ng maayos ang lalaki. "Ay oo nga pala, nagkita palang tayo last week"
"Hindi ka na dapat bumalik dahil kamatayan ang parusa sa mga traydor" galit na sabi nito.
Itinutok niya ang baril sa sentido ng kaharap na dahilan upang mas makita ang takot sa mukha nito.
"A-anong kailangan m-mo?" nanginginig na wika nito, siguro dahil sa lamig o baka naman dahil sa takot.
Natatawang ibinalik niya sa holster ang baril na hawak. Nakakatawang makita ang taong kinakatakutan ng marami na nanginginig sa harap niya.
"Bakit? Kaya mo bang ibigay ang gusto ko?" Naririnig niyang nag-uusap ang mga kasamahan galing sa earpiece pero hindi niya ito pinansin. Mas nakatuon ang atensyon niya sa kaharap.
Pagak na tumawa ang lalaki, "Lahat kaya kong ibigay sa'yo, kaya sabihin mo kung ano ang gusto mo. Ibibigay ko sa'yo"
"Buhay mo" saka niya kinuha ang dagger hinanda niya talaga para dito.
Itinarak niya ito sa balikat ng lalaki na nabigla at hindi kaagad naka-react. Hinugot niya ito saka sinaksak ulit sa kabilang balikat saka siya tumayo at naglakad palabas.
Ang dagger ay may maliit na hollow sa gitna ng mismong blade na nilagyan niya ng espesyal na likido. Lalabas lamang ito kapag natarak sa isang bagay o tao. Sa ngayon ay unti-unti nang babagal ang tibok ng puso ng biktima, unti-unti rin nito'ng papatayin ang lahat ng kan'yang internal organs na magiging sanhi ng kamatayan nito. Ang malala ay nararamdaman ng biktima ang unti-unting pagkain ng droga sa kan'yang lamang loob.
Lumabas siya ng banyo at nakita ang isa sa kasamahan niyang nakikipaglaban sa dalawang tao. May bangkay na din na nakadapa sa kama. Wala pang ilang segundo ay nakahandusay na ang mga ito sa sahig.
Bumaling sa kan'ya ang babaeng kasamahan nang nakapameywang at parang hindi sumabak sa laban dahil hindi man lang hiningal. "We've been calling you kanina but you're not answering. I thought you're patay na, buti nalang you're alive pa"
Hindi na niya ito pinansin at lumabas na ng kwarto. Masyado nang magulo sa labas, naririnig nila ang mga putok ng baril pero kahit ganu'n hindi niya maiwasang mapangisi.
Too late, we already did what has to be done.
Hinawakan niya ang earpiece saka nagsalita, "Mission Accomplished."
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?