Kung iisipin ay isang ordinaryong teenager lang si Cindy Cane Villegas. Financially stable, may Kuyang handang ibigay sa kan'ya ang lahat, at mga kaibigang laging maaasahan. Ang hindi alam ng iba ay binabangungot siya ng mga pangyayari halos sampung taon na ang nakakaraan. Her parents were killed in front of her. And now that she remembers what happened in the past, she wants to seek for revenge. An eye for an eye, a tooth for a tooth. Magtatagumpay kaya siya, lalo pa't konektado sa kan'yang nakaraan ang kan'yang pinakamamahal? Well, let's find out.
THIRD PERSON POV
TW: THIS CHAPTER CONTAINS KILLING AND VIOLENCE
Read at your own risk
"Nahanap niyo na ba?" umalingawngaw ang mababa at baritonong boses ng lalaki sa silid.
"Yes boss. Alam na namin kung nasaan siya, nagpadala na din ako ng mga tao para magmanman" nakayukong sagot ng lalaki.
Nakaharap ang lalaki sa bintana habang sumisimsim sa kopita. Napangisi siya sa narinig saka humarap dito. "Mabuti kung gano'n. Magpadala ka ng espiya, mas mabuting malaman natin lahat ng ginagawa at gagawin niya"
Tumango bilang sagot ang kaharap saka tumungo palabas. Samantala ang lalaki sa loob ng silid ay kinuha ang telepono at may tinawagan, "Maghanda ka, magsisimula na tayo"
---
Sa pagsapit ng gabi kung kailan payapa at mahimbing na natutulog ang lahat, isang grupo ang palihim at tahimik na pumuslit sa isang mansiyon. Bawat galaw ay maingat na parang anino sa ilalim ng buwan. Matagal nilang hinintay at pinaghandaan ang araw na ito kaya naman nais nilang masiguro na magtatagumpay sila.
Mahigpit ang seguridad ng mansiyon kaya hindi basta basta makakapasok, pero matagal na nilang pinag-aralan ang buong lugar pati na rin ang galaw ng bawat gwardiyang nagbabantay.
Ang ilan sa kanila ay dumaan sa likod kung saan may lagusan papasok. Tatlong taong naka suot ng purong itim mula ulo hanggang paa na halos hindi makita sa dilim.
Namataan nila ang limang gwardiyang nagbabantay sa gusali na naguusap-usap. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mataas na kailbreng armas.
Sumenyas ang isang nasa unahan sa dalawang kasama nito at sabay sabay silang tumungo papalapit sa mansiyon sa magkaka-ibang direksiyon.
Nagtago ang isa sa likod ng mga nakatambak na kahon nang makita niyang may papalapit sa direksiyon niya.
Alam niya na agad kung anong gagawin nito nang humarap ito sa puno hindi malayo sa kinaroroonan niya. The guy's whistling while doing his business. Pagkataas nito ng pantalon ay agad niya itong hinampas ng malakas gamit ang baril kaya agad itong nawalan ng malay.
Hinila ng taong naka-itim ang lalaki patungo sa likod ng puno. Madilim ang lugar at medyo liblib kaya hindi ito kaagad mapapansin. Agad niya itong binaril para siguradong hindi na magigising. May silencer ang baril na gamit nila kaya hindi ito nakalikha ng malakas na tunog
One down, four to go.
Bumalik siya upang tingnan ang iba pang kasamahan nito. He scoffed when he found them lying on the ground, lifeless. Tumingin siya sa mga kasamahan niyang nakatayo roon, one's still poiting his gun downward. Pinaputukan niya pa isa isa ang mga ito.
"They're dead, no need to waste bullets" the girl's deep voice sent shivers to their spine.
"I'm just making sure, mahirap na"
"Let's go, hindi tayo pwedeng magtagal" sabi ng isa saka naunang pumasok sa loob.
SAMANTALA DALAWANG tao ang nakatago sa damuhan malapit sa main gate. Mula doon ay nakikita nila ang mga armadong lalaking nagbabantay sa lugar. Gusto man nilang patayin ang mga ito, hindi pwede dahil hindi ito ang utos sa kanila. Kailangan nilang sumunod sa plano at iyon ay ang makapasok nang hindi napapansin.
Imposible kung iisipin, pero dito sila magaling. Maingat ang kanilang galaw, hindi sila napapansin dahil sa mamalaking halaman na nasa gilid malapit sa pader.
Ang dalawa ay tumungo sa silangan at agad na may nakitang balkonahe sa taas na pwede nilang pasukan. Tinatangay ng hangin ang kurtina nito kaya't nalaman nilang bukas ito at pwedeng daanan.
Sumenyas ang isa sa kasama at kaagad naman niya itong naintindihan. Nauna siyang lumakad-takbo at nang masigurong walang bantay ay kaagad niyang sinenyasan ang isa na sumunod.
Nang masigurong walang bantay na nakaaligid, agad inihagis ng isa ang lubid at ginamit ito upang makaakyat. Samantalang ang isa ay eksperto at mala-pusang umakyat.
"Umamin ka nga Pedro, kaano-ano mo si Spider-Man?" tanong ng isa nang nasa itaas na sila.
"Kaaway ko 'yun, nu'ng malaman niya na nakagat ako ng gagamba at naging superhero, nagpakagat din. Inggetero kasi" napa-iling nalang ang isa sa sagot ng kasama.
Nang tuluyan silang makapasok sa kwarto ay pareho silang natigilan. Ito ang huling tagpong inaasahan nilang makikita ngayong gabi.
"Uy pre, live show" maya-mayang sabi ng nagngangalang Pedro. Narinig ito ng dalawang taong nasa kama kaya parehas silang natigilan. Nakakubabaw kasi ang lalaki sa babae at parehas silang walang damit.
Bago pa man tuluyang maka-react ang dalawa ay kaagad silang binaril ng kasama ni Pedro. Binalot ng dugo ang puting bedsheet galing sa dalawang taong nakahandusay.
Sumipol si Pedro at tumingin sa kasama. "Nice one, Juan" napailing nalang si Juan sa tawagan nilang dalawa.
Tinungo nila ang pinto saka sinilip kung may mga bantay. Nang makitang wala ay agad nilang tinungo ang isang silid kung nasaan ang kanilang kailangan.
Isa itong opisina, agad na hinalughog nila ang lugar para makahanap ng kahit anong importanteng bagay, at hindi naman sila nabigo.
LALAKING MAHIGPIT ang hawak sa baril habang tahimik na naglalakad ang nasa kanlurang bahagi ng mansiyon sa ikalawang palapag.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang kan'yang mga nadadaanan. Mga painting, mga mamahaling vase at mga sculpture.
Kung mayroon mang nakakaalam nang buong lugar, ay isa siya sa mga iyon. Minsan na rin kasi siya ritong nanirahan at naging tauhan upang maging mata sa lahat ng ginagawa ng grupo.
Sumandal siya sa pader nang may marinig na mga yabag. Pinakiramdaman niya ito, isa sa kaliwa at isa kanan. Inuna niyang hinarap ang nasa kaliwa dahil ito ang mas malapit sa kan'ya.
Kita ang pagka-bigla sa mukha nito na agad napalitan ng ngisi. "Kita mo nga naman, buti nalang at naisipan mo pang bumalik--" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang kinalabit ng lalaki ang gatilyo at tumama ang bala sa gitna ng noo nito.
"Ang dami mong satsat" malamig na sabi niya sa nakahandusay na bangkay.
Naramdaman niyang may tao sa likuran niya kaya kaagad niya itong hinarap. Pinaputukan niya ang kamay ng lalaking akmang bubunot ng baril. Itinaas nito ang kamay na parang sumusuko at dahan-dahang humakbang papalapit sa kan'ya. Parang hindi nito iniinda ang kaliwang kamay kung saan umaagos ang dugo galing sa tama ng bala.
Humakbang ito papalapit sa kan'ya saka ipinasok sa loob ng bulsa ng pantalon ang kamay.
"Sabi ko na nga ba't hindi ka katiwa-tiwala. Sabihin mo nga sa akin, kanino ka nagta-trabaho?" mariing sabi nito.
Sarkastiko siyang tumawa, "Hindi ako bobo para sagutin ang tanong mo" isa ang lalaking kaharap sa mga nagmamaliit sa kan'ya noong nagpapanggap pa siya bilang isang tapat na tauhan.
Hindi niya ito magawang saktan noon kahit pa gustong-gusto niya dahil mataas ang posisyon nito. Kung hindi lang dahil sa plano, matagal na niya itong napatay.
Hindi na siya nakatiis at pinaputukan niya ito sa binti. Napaluhod ang lalaki at ilang beses napamura dahil sa sakit. Hinugot nito ang baril saka tinutok sa kan'ya "Bakit hindi mo nalang ako tuluyang pinatay?" Nakangising turan ng lalaki sa kan'ya.
Napangisi siya sa narinig, "That'll be boring. Madali mo lang mararamdaman ang sakit kapag sa noo kita binaril. I want you to feel the bullet digging into your flesh. I honestly want to torture you, seeing you die slowly, in pain, will surely satisfy me but I don't have time for that. Pasalamat ka at papadaliin ko ang pagkamatay mo" with that, he pulled the trigger twice. Diretso ang tama sa ulo at puso nito. Ni hindi na ito naka-react.
Agad siyang umalis at tinungo ang master's bedroom. Kampante siyang magkakaroon siya ng sapat na oras para magawa ang plano nang hindi naaalarma ang mga bantay sa lugar. Lingid sa kan'yang kaalaman ay nag-send ng distress signal ang lalaking huli niyang pinatay gamit ang espesyal na device na siya mismo ang may gawa.
Isa itong maliit at parisukat na bagay kung saan kapag pinindot ay gagawa ng tunog na tanging ang mga tauhan lamang nila ang makakarinig through earpiece. Ito ay hudyat na may nangyayaring hindi maganda.
Pagkapasok niya sa loob mg master's bedroom ay wala siyang nadatnang kahit sino. Sinara niya ang pinto at nilibot ang loob habang nakatutok ang baril sa unahan. Pinaghalong ginto at puti ang tema ng kwarto na sumisigaw ng karangyaan.
Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig galing sa isang kwarto. Ibinaba niya ang baril saka tinungo ito. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, alam niyang banyo ito dahil may nakita siyang shower at bath tub. Ang hindi niya inaasahan ay kung gaano kalawak ang lugar. Maliban sa jacuzzi mayroon din itong sariling indoor pool, ganu'n ito kalawak.
Doon nakita niya ang isang lalaking lumalangoy sa pool patungo sa dulo at pabalik sa kabilang dulo ng pool. Mukhang hindi siya nito napansin kaya nagtuloy-tuloy lang siya sa paglapit. Nang nasa may dulo ng pool na siya ay siya namang pag-angat ng ulo ng lalaki.
Kita ang pagkagulat sa lalaki, napahawak pa ito sa puso dahil sa pagkabigla. Ngunit agad din itong nakabawi saka binigyan siya ng nakamamatay na tingin.
"So you're the mole? I should've known" kahit pilit nito'ng hindi ipakita, nakikita niya parin ang takot sa mga mata nito dahilan upang mapangisi siya.
Ganyan nga, matakot ka dahil ako ang papatay sa'yo. Sambit niya sa kan'yang isip.
"Long time no see" sambit niya na para bang kaibigan na matagal nang hindi nakikita ang kausap. Nag-squat siya para mas matignan ng maayos ang lalaki. "Ay oo nga pala, nagkita palang tayo last week"
"Hindi ka na dapat bumalik dahil kamatayan ang parusa sa mga traydor" galit na sabi nito.
Itinutok niya ang baril sa sentido ng kaharap na dahilan upang mas makita ang takot sa mukha nito.
"A-anong kailangan m-mo?" nanginginig na wika nito, siguro dahil sa lamig o baka naman dahil sa takot.
Natatawang ibinalik niya sa holster ang baril na hawak. Nakakatawang makita ang taong kinakatakutan ng marami na nanginginig sa harap niya.
"Bakit? Kaya mo bang ibigay ang gusto ko?" Naririnig niyang nag-uusap ang mga kasamahan galing sa earpiece pero hindi niya ito pinansin. Mas nakatuon ang atensyon niya sa kaharap.
Pagak na tumawa ang lalaki, "Lahat kaya kong ibigay sa'yo, kaya sabihin mo kung ano ang gusto mo. Ibibigay ko sa'yo"
"Buhay mo" saka niya kinuha ang dagger hinanda niya talaga para dito.
Itinarak niya ito sa balikat ng lalaki na nabigla at hindi kaagad naka-react. Hinugot niya ito saka sinaksak ulit sa kabilang balikat saka siya tumayo at naglakad palabas.
Ang dagger ay may maliit na hollow sa gitna ng mismong blade na nilagyan niya ng espesyal na likido. Lalabas lamang ito kapag natarak sa isang bagay o tao. Sa ngayon ay unti-unti nang babagal ang tibok ng puso ng biktima, unti-unti rin nito'ng papatayin ang lahat ng kan'yang internal organs na magiging sanhi ng kamatayan nito. Ang malala ay nararamdaman ng biktima ang unti-unting pagkain ng droga sa kan'yang lamang loob.
Lumabas siya ng banyo at nakita ang isa sa kasamahan niyang nakikipaglaban sa dalawang tao. May bangkay na din na nakadapa sa kama. Wala pang ilang segundo ay nakahandusay na ang mga ito sa sahig.
Bumaling sa kan'ya ang babaeng kasamahan nang nakapameywang at parang hindi sumabak sa laban dahil hindi man lang hiningal. "We've been calling you kanina but you're not answering. I thought you're patay na, buti nalang you're alive pa"
Hindi na niya ito pinansin at lumabas na ng kwarto. Masyado nang magulo sa labas, naririnig nila ang mga putok ng baril pero kahit ganu'n hindi niya maiwasang mapangisi.
Too late, we already did what has to be done.
Hinawakan niya ang earpiece saka nagsalita, "Mission Accomplished."
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?