Why do people feel the pain after falling in love? Is your first love your last or does it come to your life to strengthen your belief about love and life? #JACKY Series 1
Why do people feel the pain after falling in love? Is your first love your last or does it come to your life to strengthen your belief about love and life? #JACKY Series 1
"Good morning Akira. It's nice to see you again after a year. A-ah, I'm with my husband and my son." May alanganin sa boses na bati sa akin ni Zen kahit na nakaramdam ako ng pagkailang mula sa kanya. Siya ang sister in law ko, adopted sister ng asawa ko.
Bilang ganti sa pagabati nito ay nginitian ko siya at nakipagbeso-beso. Hindi ako nakikipagplastikan, it just I believed this called manners.
Hindi ko gustong magsalubong ang tingin namin ni Klaus dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko siya sa harap mismo ng mga tao dito at nakakahiya iyon para sa asawa ko kaya naman sa batang lalaki ako tumingin at nakipag-usap.
"Hello Kyler. Are you hungry? Halika, ipaghahanda kita." Masuyo kong saad rito.
"You're pregnant,'' I didn't react for a moment pero kalaunan ay ang bahagyang paghaplos ko aking tiyan..
Apat na buwan na ang dinadala ko. Hindi pa halata ang laki ng tiyan ko kaya naman nagtaka ako kung paano niya nalaman 'yon. Kung di ako nagkakamali, he just turned five last month pero di na binigyang pansin ang katanungan sa utak ko at masuyong ngumiti rito.
"You didn't answer me tita Akira."
"Oh, sorry. About your question, yes I am four months pregnant."
"Ang tagal pa," He said then pout afterwards.
Oh gosh, he's so cute. Napapisil ako ng wala sa oras sa kanyang pisngi.
Magkasalubong na kilay na mas lalong nagpasuplado sa reaksiyon ng mukha niya ang ibinaling niya sa akin dahil sa ginawa kong pagpisil sa pisngi niya.
"I want to marry your daughter as soon as she turns 18, tita Akira. And I promise to take care of her for the rest of my life no matter what, so that you and daddy will have a happy ending through us, and to ensure my mom's happiness, you know.'' He declared.
Hindi ako nakaimik, maski sina Zen at Klaus ay di rin umimik. Hindi na muling nagsalita si Kyler at namalayan ko nalang na sinusundan ko siya ng tingin.
Kasalukuyan itong tumatakbo, tinatahak ang direksiyon kung nasaan ang asawa kong may kausap at nang makalapit ay yumakap dito. Binuhat naman siya ng asawa ko at nakipag-apir pa ito kay Mr. Ching.
"Pasensya ka na sa inasal ng anak ko Akira. Hayaan mo at pagsasabihan ko."
Napatingin ako sa nagsalita, kahit siguro anong iwas kong wag tumingin sa kanya ay imposible. Si Zen ay nakita ko sa sulok ng mata ko ay kasalukuyan ng kausap ang mga in laws ko.
"Wag na lang nating isipin 'yon, bata pa si Kyler."
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya iniwan ko na siya. Pumasok ako sa loob ng mansyon at dumeretso sa may balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay. Tanaw ko mula rito ang mga tao sa ibaba.
Sa paggala ng paningin ko ay huminto at natuon ang atensyon ko sa mga in laws ko.
Kung titignan sila ngayon tila wala silang kaproble-problema, they're both look happy and contented. Ganoon sana a...ayts, bakit pa ba ako mag aaksaya ng panahong isipin ang tapos na, bukod sa wala ring saysay na isipin pa.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nararamdaman ko pa rin ang kirot, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat tulad ngayon. Dahil sumagi sa isip ko ay biglang nanikip ang may bandang dibdib ko. Ikubli ko man sa kaibuturan ng puso ko, alam ko sa sarili kong nanatili ang sakit na 'yon dito sa puso ko sa mga nakalipas na limang taon.
Wala pa ata akong limang minutong mag-isa dito ng maramdaman ko ang pagdating ng kung sino.
Bilang isang dating detective agent, malalaman ko agad 'yon at idagdag mo pa ang klase ng tibok ng puso ko ngayon, alam ko na kung sino.
"Anong kailangan mo? Kung manghihingi ka ng tawad sa ginawa ni Kyler, ginawa mo na kanina kaya hindi na kailangan. At uulitin ko nalang din, bata pa si Kyker kaya ganun."
Ang inaasahan ko ay mahabang paliwanag ang gagawin niya gaya ng nakagawian niya pero nanatili siyang tahimik.
Lumipas ang ilang minuto ay wala paring namutawing salita mula rito. Sa panggigil ko ay napalingon ako dito pero agad ko ring pinagsisihan dahil nakita ko ang mga nag-uunahang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata na ngayon ay nakikitaan ng sakit at pighati.
Sa nararamdamang pangigigil at emosyong di mappaliwanag ay nasambit ko ang mga salitang agad ko ring pinagsisihan dahil lumalakas lalo ang kanyang hagulgol na siyang dahilan ng pag-iyak ko na rin.
"Magdusa ka sa sakit Klaus. Ikaw ang nang iwan kaya tanggapin mo ang lahat ng sakit na idinulot mo sa ating dalawa."
"M-maki.., makikinig ka na ba ngayon sa akin?"
"Hindi at hindi ko alam kung kailan ko ibibigay sayo ang closure na gusto mo kaya maghintay ka o kung kaya pa ba kitang patawarin."
Huling sabi ko at iniwan siya. Pagbukas ko sa pinto ng balkonahe, bumungad sa akin si Zen. Umiiyak din ito na siyang ikinataas ng kilay ko.
"H-hindi ko sinasadya ang lahat Akira," Basag ang boses niya sa pagsabi niyon na siyang lalo kung ikinainis.
"Wag mong sisihin ang sarili mo na parang ikaw ang biktima sa ating tatlo Zen. Hindi ako nagkulang sayo bilang kaibigan, o maski bilang ate-atehan sayo kaya wag mong ipakita sa akin ang sakit na nararamdaman mo dahil ikaw ang naglagay niyan sa sarili mo..."
"That's enough Akira." Isang malamig na boses ang nagsalita. Nang lingunin ko kung sino ay nakaramdam ako ng pagkalma kahit papaano.
Ang asawa ko ang nagsalita. Pagak akong tumawa. Asawa. Para akong naalibadbaran sa salitang asawa.
"Zen, tawagin mo ang asawa mo at bumaba na kayo. Wag kayong magpapadala sa mga emosyon niyo at sirain ang grand anniversary ng mama at papa."
May banta ang boses ni Yano sa pagbanggit ng huling walong salita. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Yano at inakay ako papuntang kwarto namin.
Pagkapasok sa kwarto ay lumapit siya sa may bintana, hinawi niya ang kurtina at tumanaw sa labas. Samantalang ako ay naupo naman sa kama at pinapakalma ang sarili.
Ilang beses ng ganto ang tagpo saaming apat tuwing nagkikita-kita kami o natitipon sa isang lugar. Sa lahat ng nangyari, pare-pareho ang nagiging reaksiyon ni Yano. Hindi nanunumbat, tahimik at laging nagpipigil magpakita ng emosyon. Masasabi ko pa ngang buti pa ang bintanang iyan, saksi sa totoong reaksyon at nararamdaman niya kesa sa akin na asawa niya. Pero sino ba ako para magreklamo at sumbatan siya, asawa lang niya ako sa papel. Pinakasalan para di pigilan ang pagmamahalan ng kapatid niya at ex-fiance ko dahil buntis na ang kapatid.
Dahil sa naisip kong dahilan ng pagpapakasal ko sa kanya ay mas lalong sumikip ang dibdib ko. Bumalik kasi sa alaala ko ang araw kung saan ako pinagtaksilan at iniwan sa ere ni Klaus. Pero agad ding naputol ang pagbabalik tanaw ko sa sakit ng nakaraan ng magsalita si Yano.
"Yansea o di kaya Akiro ang ipapangalan sa bata. Yansea kapag babae at Akiro kapag lalaki, 'yon lang ang hihilingin ko sa buong pagsasama nating 'to Akira, kahit wag mo na ibigay sa akin ang pagmamahal na hinahangad ng puso ko basta hayaan mo akong pangalanan ang magiging anak natin."
"Pagmamahal na hangad ng puso mo?"
Kunwari'y tanong ko sa kanya, sa kabila ng katotohanan na alam ko ang sinasabi niya. Tumingin siya sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang luha sa kanyang mga mata.
"Totoong si Zen ang dahilan kung bakit kita inilayo kay Klaus kahit alam kong mahal na mahal mo siya pero ang dahilan ng pagpapakasal ko sayo ay dahil mahal kita Akira."
"Stop deceiving me Yano." Tanging nasambit ko kahit alam ko namang totoo ang mga sinabi niya sa akin kanina.
Hindi ako manhid at tanga para magpagamit ng katawan sa kanya kahit kasal kami kung di ko alam ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ako ganun ka-desperada, pero wala nga siguro akong pinagkaiba sa desperada dahil nagpagamit ako kahit di ko naman mahal si Yano.
Oo nga at si Klaus ang laman ng puso ko pero hindi ako ganun ka-tanga para hindi ituloy ang buhay ko sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ni Klaus, samantalang siya ay may pamilya ng nabuo kasama si Zen.
"Saka na natin isipin ang bagay na 'yan kapag nanganak na ako. Sa ngayon bumalik na muna tayo sa baba at baka hinahanap na tayo ng mga bisita, nakakahiya naman."
Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ng mabilis na lumapit sa akin si Yano at lumuhod para magpantay siya sa tiyan ko't yumakap at yumuko. Hindi na ako makagalaw pa.
"A-akira, wag mo namang ipagkait sakin maski pangalan ng magiging anak natin."
Malumanay niyang sabi. Nararamdaman ko ang paghikbi nito sa aking tiyan habang yakap ako. Napabuntong hininga na lang ako at sa di malaman na dahilan ay isinuklay ko ang aking mga daliri sa kanyang buhok na tila parang batang inaalo ko ito.
"Yano, mahal ko ang batang nasa sinapupunan ko. Dugo't laman natin ito, dugo mo't dugo ko kaya parehas tayong may karapatang bigyan siya ng pangalan. Kung gusto mong pangalanan siya ng Yansea o Akiro, walang problema, dadagdagan ko nalang siguro. Ngayon okay na ba tayo?"
"Hindi mo ba sinasabi 'yan para lang pagaanin ang loob ko? Akira marupok ako pagdating sayo, h-hi..hindi ko man lagi pinapakita sayo pero 'yon ang totoo," Sabi niya, naramdaman kong biglang nahiya ito at mas lalong nagsumiksik sa tiyan ko. Tila binatilyong nagtatapat ng pag-ibig sa dalagitang iniibig.
"Ikaw ang pangarap ko mula noon, hanggang ngayon. Mahal kita kahit siya ang mahal mo." Pagpapatuloy niya.
Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko at nagawa ko pa siyang pagtawanan. Mas lalo siyang nagsumiksik sa tiyan ko.
Natutuwa ako sa ipinapakitang reaksiyon ng asawa ko ngayon. Muli akong napatawa.
"Tsk! Ang moody ng mga buntis."
Narinig kong sabi niya na tinawanan ko lang. Aasarin ko pa sana siya kaso nga lang ay nanahimik nalang ako at ninamnam ang sandaling ito, magaan na ang pakiramdam ko.
May kumatok ng tatlong beses sa may pinto ng kwarto at boses ni yaya Rosa ang nasa may pinto, ayon dito ay hinahanap na raw kami sa ibaba.
"Sige po ya, sunod na kami. May binatilyo lang kasing nagtatapat ng pag-ibig dito." Sabi ko at sinundan ng tawa.Inaasar ang asawa ko pero balik na naman siya sa dating walang reaksiyon. Kumalas sa pagkakayakap at tumayo si Yano pagkatapos ay inayos ang sarili.
"Let's go." Sabi niya sabay lahad ng kanyang kaliwang kamay. Inabot ko naman 'yon at humawak ng maayos sa braso niya palabas ng kwarto hanggang sa baba.
Hindi ko na nakita pa si Klaus o si Zen pero si Kyler ay nakita ko ulit at ipinaalam niya kay Yano na isasayaw raw niya ako ng sweet dance.
Ganoon nga ang nangyari, sumayaw nga kami ni Kyler. Madami pang natuwa sa ginawa nitong pagkuha ng upuan at tumungtong doon para lang magpantay ang mga mukha namin, maski ako ay natuwa at napahalaklak sa nangyayari.
"I'm sorry for what I said earlier, tita Akira.'' Sabi nito at ramdam kong nahihiya ito sa akin ngayon. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Daddy told me to say sorry to you personally. He also said that you love dancing, that's why I came up with this idea."
"You're being sweet Kyler. Idinaan mo pa ang sorry mo sa sayaw, para kang ama mo."
Huli na ng matatanto ko ang nasabi ko. Nang tignan ko siya ay parang wala naman sa kanya.
"Actually tita Akira, this is not just about my apology to you on what happened earlier. Because I'm gonna tell you right now to stop hurting both dad and uncle. They both love you, dump one of them yet you still have one left to you. What I am trying to say is that, we're even now. I came to ruin your life and eventually you're ruining my life too."
Napatitig ako kay Kyler. I'm still trying my best to keep in mind that he's just five years old, because honestly he's talking like at my age.
"Kyler, you're too young to think som..."
"Ikaw po ang tumira kasama ang mama at papa mo na nag-aaway lagi tungkol sa babae at nakasanayan mo na paglaki, do you think I'm such a kind of example?"
"Ohhh Kyler, I'm really sorry that you need to think of this kind of..."
"Just don't hurt my uncle, tita Akira. He loves you so much."
Kyler's last word before he comes down from the chair, and goes to Yano and pulls him towards me and then reaches my hand to put it in Yano's waiting hand. Yano gives his thanks to his nephew ,while Kyler just smiles at him before he turns his eyes to me, he wink then leaves us.
I'm really sorry Kyler, really I. Sana kapag dumating na ang araw na matuto ka ng magmahal ay pakamamahalin ka ng babaing pipiliin mong makasama habang buhay.
"You okay Hon?" Sa isang nag-aalalang boses na tanong.
Napabaling ako sa asawa ko at malumanay na ngumiti bago tumango rito.
"I'm hoping that our first baby is a girl, Yano."
Apat na taon matapos malunod ang anak kong si Leo, para pa rin akong naliligaw sa isang makapal na ulap ng pighati. Ang asawa ko, si Elias Montenegro, ang tanyag na tech mogul, ay isang santo sa mata ng publiko, isang mapagmahal na amang nagtayo ng isang foundation sa pangalan ni Leo. Pero nang pumunta ako para ayusin ang death certificate ni Leo, isang simpleng komento ng klerk ang dumurog sa mundo ko: "May isa pa pong dependent na anak si Mr. Montenegro." Parang suntok sa dibdib ang pangalang narinig ko: Cody Santos, anak ni Katrina Santos, ang babaeng matagal nang may obsesyon kay Elias. Natagpuan ko sila, isang perpektong pamilya, si Elias na tumatawa, isang kaligayahang hindi ko nakita sa kanya sa loob ng maraming taon. At doon, narinig ko si Katrina na umamin kay Elias na ang relasyon nila ang dahilan kung bakit hindi niya nabantayan si Leo noong araw na namatay ito. Gumuho ang mundo ko. Sa loob ng apat na taon, dinala ko ang bigat ng kasalanan, sa paniniwalang isang malagim na aksidente ang pagkamatay ni Leo, habang kinokomportable ko si Elias na sinisisi ang sarili dahil sa isang "tawag mula sa trabaho." Lahat pala ay kasinungalingan. Ang kanyang kataksilan ang pumatay sa aming anak. Ang lalaking minahal ko, ang lalaking nagkulong sa akin sa bilangguan ng kalungkutan, ay masayang namumuhay kasama ang ibang pamilya. Pinanood niya akong magdusa, hinayaan akong sisihin ang sarili ko, habang nabubulok ang kanyang lihim. Paano niya nagawa? Paano niya nagawang tumayo roon at magsinungaling, alam na ang mga ginawa niya ang naging sanhi ng pagkamatay ng aming anak? Ang inhustisya ay parang apoy na sumunog sa akin, isang malamig at matalim na galit ang pumalit sa aking pighati. Tinawagan ko ang aking abogado, pagkatapos ay ang dati kong mentor, si Carlo David, na ang experimental na memory erasure research ang tanging pag-asa ko. "Gusto kong makalimot," bulong ko, "Kailangan kong kalimutan ang lahat. Burahin mo siya para sa akin."
Sa loob ng labinlimang taon, kami ng asawa kong si Dustin ang bida sa isang fairytale. Ang high school sweethearts na nagkatuluyan, ang tech CEO at ang kanyang tapat na asawa. Perpekto ang buhay namin. Hanggang sa may dumating na text mula sa isang unknown number. Isang litrato ng kamay ng assistant niya na nakapatong sa hita niya, suot ang pantalon na ako pa mismo ang bumili. Sunod-sunod na ang mga text mula sa kabit niya, isang walang tigil na pagbuhos ng lason. Nagpadala siya ng mga litrato nila sa kama namin at isang video kung saan nangangako siyang iiwanan ako. Ipinagyabang pa niyang buntis siya at si Dustin ang ama. Umuuwi siya at hahalikan ako, tatawagin akong "sandalan" niya, habang amoy na amoy ko ang pabango ng babae niya. Binibilhan niya ito ng condo at pinaplano ang kinabukasan nila habang ako'y nagkukunwaring nasusuka dahil sa panis na scallops. Ang huling dagok ay dumating sa mismong birthday ko. Nagpadala siya ng litrato ni Dustin na nakaluhod, binibigyan siya ng isang diamond promise ring. Kaya hindi ako umiyak. Lihim kong pinalitan ang pangalan ko sa Hope, ginawang untraceable bearer bonds ang lahat ng yaman namin, at sinabihan ang isang charity na kunin ang lahat ng gamit sa bahay namin. Kinabukasan, habang papunta siya sa airport para sa isang "business trip" sa Paris kasama ang babae niya, lumipad ako papuntang Portugal. Pag-uwi niya, isang walang lamang mansyon, divorce papers, at ang mga wedding ring naming tinunaw at ginawang isang walang hugis na piraso ng ginto ang kanyang dinatnan.
Si Janice, ang matagal nang nakalimutang tanging tagapagmana, ay bumalik sa kanyang pamilya, ginawa ang lahat para makuha ang kanilang pagmamahal. Gayunpaman, kinailangan niyang isuko ang kanyang pagkakakilanlan, ang kanyang mga akademikong kredensyal, at mga likhang sining sa kanyang kapatid na ampon. Sa kapalit ng kanyang mga sakripisyo, hindi niya natagpuan ang init, kundi mas malalim na pagwawalang-bahala. Buo ang loob ni Janice na putulin ang lahat ng emosyonal na ugnayan. Nagbago siya, ngayon ay isang dalubhasa sa martial arts, bihasa sa walong wika, isang kilalang doktor, at isang sikat na designer. Sa kanyang bagong natagpuang determinasyon, idineklara niya, "Mula sa araw na ito, wala nang sinuman sa pamilyang ito ang dapat lumaban sa akin."
Nasa shower ang asawa ko, ang lagaslas ng tubig ay pamilyar na ritmo sa aming mga umaga. Kalalagay ko lang ng isang tasa ng kape sa kanyang mesa, isang maliit na ritwal sa aming limang taon ng pagsasama na akala ko'y perpekto. Biglang, isang email notification ang sumulpot sa screen ng kanyang laptop: "You're invited to the Christening of Leo Santiago." Ang apelyido namin. Ang nagpadala: Hayden Chua, isang sikat na social media influencer. Isang matinding kaba ang biglang bumalot sa akin. Imbitasyon ito para sa kanyang anak, isang anak na hindi ko alam na nabubuhay pala. Pumunta ako sa simbahan, nagtago sa dilim, at nakita ko siyang karga-karga ang isang sanggol, isang batang lalaki na may maitim na buhok at mga mata tulad niya. Si Hayden Chua, ang ina, ay nakasandal sa kanyang balikat, larawan ng isang masayang pamilya. Mukha silang isang pamilya. Isang perpekto at masayang pamilya. Gumuho ang mundo ko. Naalala ko ang pagtanggi niyang magka-anak kami, dahil daw sa pressure sa trabaho. Lahat ng business trips niya, ang mga gabing ginagabi siya sa pag-uwi—kasama niya ba sila? Napakadali para sa kanya ang magsinungaling. Paano ako naging ganito kabulag? Tinawagan ko ang Zurich Architectural Fellowship, isang prestihiyosong programa na tinanggihan ko para sa kanya. "Gusto kong tanggapin ang fellowship," sabi ko, ang boses ko'y nakapangingilabot sa kalma. "Maaari akong umalis agad."
Kinaladkad ako ng asawa kong si Ethan sa isang party para sa ex-girlfriend niya, si Katrina Velasco. Ang limang taon naming pagsasama ay isang malaking kasinungalingan, isang kontratang pinirmahan niya para inisin si Katrina matapos siyang iwan nito. Ako lang ang kanyang pansamantalang asawa. Sa isang laro ng "Seven Minutes in Heaven," pinili niya si Katrina. Paglabas nila mula sa banyo, basag na ang lipstick ni Katrina, at may bagong hickey sa leeg niya. Kinagabihan, biglang pumasok sina Ethan at Katrina sa bahay namin. Inakusahan niya akong nagnakaw ng multi-milyong pisong kwintas na diyamante ni Katrina. Hindi siya naniwala sa akin, kahit isumpa ko pang inosente ako. Tumawag siya ng pulis, na himalang natagpuan ang kwintas sa loob ng handbag ko. Tiningnan niya ako nang may sukdulang pandidiri. "Hindi sana kita pinakasalan," idinura niya ang mga salita. "Isa ka lang basura mula sa iskwater." Inaresto ako base sa salita ng babaeng naglagay sa akin sa alanganin. Walang kwenta ang limang taon kong tahimik na pagmamahal at dedikasyon. Ang lalaking palihim kong minahal ay tiningnan ako bilang isang hamak na magnanakaw. Ginugol ko ang gabi sa isang malamig na selda. Kinabukasan, matapos makapagpiyansa, kinuha ko ang SIM card mula sa telepono ko, binali ito sa dalawa, at itinapon sa basurahan. Tapos na. Pababagsakin ko sila. Susunugin ko ang buong mundo nila hanggang sa maging abo.
Nagulat ang lahat nang lumabas ang balitang engagement ni Rupert Benton. Nakakagulat dahil ang masuwerteng babae daw ay isang plain Jane, na lumaki sa probinsya at walang pangalan. Isang gabi, nagpakita siya sa isang piging, na nabighani sa lahat ng naroroon. "Wow, ang ganda niya!" Ang lahat ng mga lalaki ay naglaway, at ang mga babae ay nagseselos. Ang hindi nila alam ay isa pala talagang tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo ang tinatawag na country girl na ito. Hindi nagtagal at sunod-sunod na nabunyag ang kanyang mga sikreto. Hindi napigilan ng mga elite na magsalita tungkol sa kanya. "Banal na usok! So, ang tatay niya ang pinakamayamang tao sa mundo?" "Ganun din siya kagaling, ngunit misteryosong designer na hinahangaan ng maraming tao! Sinong manghuhula?" Gayunpaman, inakala ng mga tao na hindi siya mahal ni Rupert. Ngunit sila ay nasa para sa isa pang sorpresa. Naglabas ng pahayag si Rupert, pinatahimik ang lahat ng mga sumasagot. "Bilib na bilib ako sa maganda kong fiancee. Malapit na tayong ikasal." Dalawang tanong ang nasa isip ng lahat: "Bakit niya itinago ang kanyang pagkakakilanlan? At bakit biglang nainlove si Rupert sa kanya?"
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP
GOOGLE PLAY