/0/26769/coverbig.jpg?v=e2271d183cd9db66e2c715e04a69c578)
In a family it is inevitable that someone will deviate in the footsteps of being an entrepreneur. Kj Dela Vega is the only man in their Dela Vega clan to deviate from the footsteps of his family by being a businessman and he preferred his dream of becoming a medicine student from Saint Mary Heart University and because Kj choice his dream, his parents pressure that he would have to maintain his highest grades as a dean's lister from his university. So he did everything just to keep his high grades until one day he met a woman studying from Little Star University a woman who was naughty, talkative, slow when understand and noisy woman who would mess with his life.
"Mag-ingat po lagi kayo, Nay. Ingatan niyo po ang kalusugan niyo."
Nakangiti kong paalala sa aking pasyente na Nanay. Nakatayo akong pinagmamasdan itong papalabas ng ospital. Kapag may nakikita akong nahihirapan na pasyenteng lumabas ay lumalapit ako at tinutulungan sila.
"Tapos na duty mo?" Tanong sa akin ni Mary isa sa mga kapwa ko doktora.
"Yes," nakangiti kong sagot dito. Excited na akong makauwi. "Makakapag pahinga na rin ako kahit papaano," dagdag ko pang saad.
Nakakapagod ang magduty ng 2 ng umaga hanggang 12 ng madaling araw. Mahigit 8 oras yata ang tinagal ko sa loob ng operating room. Dahil dagsa ang mga pasyente na kailangan operahan. Tapos binisita ko pa ang aking mga ibang pasyente.
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Lorraine ang isa ko pang kapwa doktora.
Kagaya ko ay may hawak hawak din itong medical result ng mga pasyente namin. Kailangan kasi namin icheck ang mga medical result ng mga pasyente namin. Kailangan namin masiguro na maayos sila at unti-unting gumagaling.
Nakangiti naman akong umiling dito bilang sagot. "Tara! Kain? Libre ko?!" Dagdag na niya pa. Aya niya sa aming dalawa ni Mary.
"Hindi na. kayo na lang dalawa ni Mary. Kailangan ko na kasing umuwi." Tanggi ko kay Lorraine.
"Hmm... Ganun ba? Sabagay may aalagaan ka nga pala." Tumango tangong saad ni Lorraine sa 'kin.
Iniwan ko na silang dalawa at sabay sakay sa elevator para pumunta sa fifth floor ko kung saan ang aking opisina. Pagkabukas ng elevator lumabas ako agad at naglakad papuntang office ko.
Hinubad ko ang suot suot kong laboratory coat na laging suot ng mga doktor. Nagpalit na rin ako ng aking damit at sapatos. Ang sakit kasi sa paa ang heels na suot suot ko. Lalo na't ang tagal kong suot ito. Ang sakit sa paa.
Pagkatapos kong ayusin ang office ko at ang sarili ay agad din akong bumaba para makapag-out na. Pagkatapos pumunta na rin akong parking lot.
"What the h*ck?!" Inis ko saad sabay hampas ng manibela ng kotse ko. Bakit ngayon pa? Ayaw mag start ng kotse ko dahil naubusan ako ng gas. Sh*t! Nakalimutan kong magpagas.
Lumabas na ako sa aking kotse. Wala rin naman akong magagawa dahil malayo ang gasolinahan dito. Bakit kasi nakalimutan kong magpakarga kanina? Ang malas naman, oh! Wala pa naman akong panggas ngayon. Dahil ang dami kong kailangan pang pag gastusin. Kailangan ko rin mag-ipon.
Pumara ako ng taxi dahil hindi naman aandar ang kotse ko kapag walang gas kaya no choice ako kundi mag taxi pauwi. Bumaba ako sa tapat ng bahay ng aking kaibigan na si Samantha.
"Oh, bakit ngayon ka lang? Madaling araw na, ah." Tanong ng kaibigan ko pagkabukas ng pinto ng bahay niya.
"Sorry, ngayon lang natapos duty ko, eh. Nasaan siya?" Tanong ko dito.
"Bakit ganyan suot mo? Ang pangit ng outfit mo!" Singhal niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya. Kaysa pansinin ang panlalait niya sa aking suot. Gumanda lang ang pananamit niya at lalaitin na niya ako.
Itinuon ko na lang ang aking sarili sa paghahanap sa hinahanap kong tao. sa aking munting prinsipe. Pagod ako. Magdamag ba namang nasa trabaho at nag-over time pa. Kaya wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya.
Dumiretso na lamang ako sa kwarto niya. Dahil alam kong nandoon ang hinahanap ko. Wala kasi ito sa sala kaya alam kong naroon ang hinahanap ko. Nakita ko ring may mga kalat na mga laruan na sasakyan at bukas ang TV.
"Mama!"
Agad akong napangiti at mabilis na lumapit dito para yakapin ito ng mahigpit. Napaupo ako para magpantay kaming dalawa. Nakasuot siya ng spongebob na paborito niyang cartoon.
"Uuwi na ba tayo, Mama?" Tanong ng aking prinsipe. Ang napaka gwapo kong prinsipe.
"Yes, pwede na tayong gumala at manood ng paborito mong spongebob " nakangiti kong saad dito sabay ayos ng buhok niya na gulong-gulo.
Pero nawala ang aking ngiti ng makakota ng hindi kaaya-aya sa aking paningin na nasisiguro akong pakana ito ni Samantha. "Samantha! Pinakain mo na naman ba siya ng candy at titserya?!"
"What! Hindi, ah." Tanggi niyang sagot sa tanong ko.
Tinignan ko siya ng masama nagsisinungaling pa, eh. Huling huli naman na! Nakita ko kasing may mga balat ng candy at titserya dito sa kwarto at may amos pa ang aking prinsipe.
"Okey." Napabuntong-hininga ito at pumikit pa ng marahan. "Pinatikim ko lang naman siya."
"Pinatikim? Sigurado ka?" At dahil sa tanong ko ay naalabi siya.
Napairap na lamang ako at sabay dampot ng gamit at laruan na nakakalat. Para ilagay sa maliit na bag. Kinuha ng prinsipe ko ang maliit niyang bag at siya ang nagsakbit nito sa kaniyang likuran. Nang matapos kong ligpitin at ayusin ang kalat lumingon ako kay Samantha. Para magpaalam ng uuwi na kami.
"Samantha, thank you! Cis, say goodbye to tita Samantha." Kumaway ito kay Samantha sabay buhat niya sa anak ko at naglakad papuntang pinto.
"Ingat kayo, ah. Bye baby!" Lumapit ito sa akin para halikan si Cis sa pisngi. "Wala ka namang duty bukas 'di ba?" Baling nito sa akin. Umiling ako sa kaniya sabay sinyas na aalis na kami. "Ingat kayo."
Kapag may duty ako dito ko palagi kong iniwan siya sa Tita Samantha niya o kaya naman ay sa iba ko pang kaibigan. Pero malimit na si Samantha ang nagbabantay at nag-aalaga kay Cis kapag busy ako.
"Mama bibili mo po ba ako ng maraming laruan?" Nakangiting tanong sa akin ni Cis.
"Yes, maraming maraming laruan ang ibibili ko sayo anak." Ngumiti rin ako pabalik dito.
Halos isang araw lang ako nakapag pahinga ng maayos at nakasama si Cis. Pagkatapos non ay pinunta ko na kay Samantha. Dahil may medical mission kaming pupuntahan.
At sa palagay ko ay magtatagal kami doon sa pupuntahan namin. Mas malimit ako sa trabaho kesa makasama ang prinsipe ko.
"Hi, Dra. Buenaventura! Good morning!" Bati sa akin ni Lorraine ng makita niya ako. "Bakit ngayon ka lang? Late ka ng pumasok, ah?"
Ako kasi ang pinakalate na nakapag logbook na kakapasok lang na doktora. At late na rin akong nakapunta sa ospital namin.
"Oh, bakit ganyan naman itsura mo?" Tanong ko kay Mary.
"Parang ang sungit at isnobero ng doktor na kasama natin sa medical mission. Biruin mo! Kinausap na nga siya ng isang magandang dilag na katulag ko, eh. Nakuha pa ako no'n na hindi man lang ako tinignan o pinansin. Sayang ang gwapo pa naman niya. Kaso masungit at isnobsero," nakangusong saad ni Mary habang naglalakad kami papunta sa airport.
Napailing na lang ako at hanggang sa makarating kami sa airport ay nagkukwentuhan ang dalawa. At lumilingon lingon pa ang dalawa sa paligid na parang may hinahanap. Ako naman ay nagtataka sa akto nitong dalawa.
Nagtatawanan ang dalawa at animoy kinikilig pa. Kaya napangunot ang noo ko dahil sa inaasta nila. Ano bang meron ngayon?
"Hoy! Bakit kayo tumatawa jan na parang tanga at kinikilig pa kayo?" Takang tanong ko sa dalawa.
"Eh, kasi ano. Yung pinaka gwapong doktor ang magiging kasama natin mamaya sa pagsakay sa van papunta sa pupuntahan nating medical mission. Ang swerte natin, ah. Siya ang pinakagwapo at hot sa lahat na doktor na makakasama natin sa medical mission," kinikilig na saad ni Lorraine. Habang kinakagat ang labi niya.
Hindi ko alam kung sino ang doktor na kasama namin sa medical mission na gagawin namin. Wala akong ideya dahil hindi ko naman binasa ang folder na binigay sa akin. Doon kasi nakalagay kung sino ang mga kasama sa medical mission na gagawin namin.
"Weh! Totoo?" Curious kong tanong. Iba kasi kiligin ang dalawa, eh. Kaya nacurious ako.
"Oo! Hindi mo ba binasa ang folder na binigay sayo? May picture at pangalan doon kung sino ang mga kasama sa pag medical mission natin, ah," sabi ni Mary.
"Ang swerte natin, Roseanne! Biruin mo! Ipinagdadasal ko palang kanina na sana ay may gwapo tayong kasama sa pagmedical mission eh, tinupad agad. My ghad!" saad ni Lorraine na may kasamamg tili pa.
Hindi na ako umimik pa at pumasok na lang ng tuluyan sa eroplanong sasakyan namin. Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap. Dumiretso na lamang ako sa dulo gusto kong mapag-isa at tahimik. Dahil gusto kong matulog kulang tulog ko kaya inaantok pa ako.
"Roseanne! My ghad mahihimatay na yata ako," kinikilig na saad ni Mary sabay batok sa akin.
"Aray! Bakit ba?! Ano ba yun, ha?" Taka kong tanong dito. Kailan talaga kapag kikiligin ay may haling hampas? Required ba 'yon?
"Nandito na yung doktor na makakasama natin sa van mamaya. Kinausap niya kasi ako. Hindi mo ba nakita?" Tanong niya.
"T*nga! Ako ang kinausap niya. Asumerang babaeng 'to." Pakikipagtalo ni Lorraine kay Mary.
Napairap na lang ako sa inasta nilang dalawa. Parang mga baliw. Umupo na ako ng tuluyan sa upuang napili ko.
Nang umupo na ako. Kagaya nila Mary at Lorraine ay kinikilig rin ang mga kasama naming babae na kapwa nurse at doktor ko. Ganon na ba kagwapo ang doktor na makakasama namin sa medical mission? Kaya ganyan na lang sila kiligin.
"Hello! Good morning, everyone! Is there nothing missing? Is there nothing to wait for? Is it complete?" Narinig kong tanong ng isang baritonong boses ng isang lalaki.
Natigilan ako sa narinig kong boses na napaka pamilyar sa pandinig ko. Para akong naging bato sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko nanginginig ang buong katawan ko.
"Nandito na ba ang hinihintay natin na si... Dra. Buenaventura?" Tanong pang muli nito.
"Yes, Dr. nandito na po. Naroon siya sa dulo nakaupo na," sagot ng isang kasamahan namin.
"S-sino ang makakasama natin sa medical mission?" Kinakabahan kong tanong kay Lorraine.
"Si Dr. Dela Vega at iba pang mga doktor mula sa ibang ospital," sagot nito sabay hagikgik nito.
Dela Vega? Tama ba yung narinig ko? Dela Vega? Alam kong maraming magkaka apelyido sa mundo. Kaya nasisiguro akong hindi siya iyon. Maraming Dela Vega sa mundo. Hindi lang naman siya ang Dela Vega sa mundo.
"Ano ang buong pangalan niya?" Ulit kong tanong. Gusto kong makasiguro na hindi talaga siya iyon. Hindi ako ready na makita siya.
"Hmm... hindi ko alam ang full name niya Dra. Buenaventura pero ayon sa mga narinig ko ang buong pangalan niya ay Dr. Kalix James Dela Vega po." Napalunok ako ng sunod sunod sa sinabi niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa palagay ko hindi ko magagawa ang medical mission ko ng maayos. Bumibigat ang pakiramdam ko at hindi na ako mapakali. Ni hindi ko na rin alam ang sinasabi ng nag-aanounce sa speaker ng eroplanong sinasakyan namin.
"Roseanne, umayos ka na ng upo lilipad na raw ang eroplano," bulong na saad ni Lorraine. Hindi na ako sumagot at umayos na ng upo.
Pakiramdam ko nanunuyo ang aking lalamunan at nanginginig ang buong katawan. Habang nakaupo hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman mainit dito sa eroplano pero pakiramdam ko naiinitan ako.
Pwede bang umatras ako? Ayaw ko ng sumama sa pupuntahan namin. Ayoko siyang makita dahil hindi ako handang makita siya.
"All of you sit down properly and the plane will fly. Enjoy our flight on our medical mission." Rinig kong paalala sa kasamahan namin.
Sh*t! Napapikit ako. Siya yun. Siya ang nagsalitang yun.
Mawawalan na yata ako ng malay. Naninikit ang aking dibdib na para bang nahihirapan akong huminga.
Nandito siya! Nandito talaga siya. At hindi ako maaaring magkamali dahil nandito talaga siya.
Halo halo ang nararamdaman ko kaba, saya, sakit, galit, naiiyak at naguguluhan.
Nandito ang taong mahal ko.
Nandito ang ama ng anak ko.
At makakasama ko siya sa medical mission.
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Dahil sa gulo sa pamilya, si Zen Luo, ang dating pinakamayamang apo, ay naging isang alipin. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon, natuklasan niya ang sinaunang sikreto ng paghuhubog ng mga makapangyarihang sandata. Gamit ang kanyang katawan bilang sisidlan at ang kanyang kaluluwa bilang lakas, siya ay dumanas ng libu-libong pagsubok upang maging isang diyos! Ang kanyang pagbangon ay nagsimula sa pagtanggap ng mga palo at suntok. Sa gitna ng labanan ng mga makapangyarihan at digmaan ng mga lahi, siya ay tumindig bilang isang tunay na mandirigma. Gamit ang kanyang katawan na parang isang makapangyarihang sandata, tinalo niya ang lahat ng kanyang mga kaaway!
Maglakbay pabalik sa sinaunang Prime Martial Mundo mula sa modernong edad, natagpuan ni Austin ang kanyang sarili sa isang mas batang katawan habang siya ay nagising. Gayunpaman, ang binata na tinataglay niya ay isang kahabag-habag na baliw, nakakapanghinayang! Ngunit ito ay hindi mahalaga dahil ang kanyang isip ay maayos at malinaw. Taglay ang mas bata at mas malakas na katawan na ito, lalabanan niya ang kanyang paraan upang maging Diyos ng martial arts, at pamunuan ang buong Martial Mundo!
Palaging tinitingnan ni Ethan si Nyla bilang isang mapilit na sinungaling, habang nakikita niya itong malayo at insensitive. Pinahahalagahan ni Nyla ang paniwala na mahal niya si Ethan, ngunit nakaramdam siya ng malamig na pagtanggi nang mapagtanto niyang hindi gaanong mahalaga ang lugar niya sa puso nito. Hindi na sinisikap na basagin ang kanyang panlalamig, umatras siya, para lang mabago niya ang kanyang diskarte nang hindi inaasahan. Hinamon niya siya, "Kung kakaunti lang ang tiwala mo sa akin, bakit mo ako itabi?" Si Ethan, na dating may pagmamalaki, ay nakatayo ngayon sa kanyang harapan na may mapagpakumbabang pagsusumamo. "Nyla, nagkamali ako. Mangyaring huwag lumayo sa akin."
Pagkatapos ng high school, tinraydor ni Horace ang kanyang ex-girlfriend sa ospital. Doon niya nalaman ang totoong pagkakakilanlan mula sa kanyang inang-ampon. Mula noon, nagbago ang kanyang buhay at umangat siya sa lipunan. Lahat ng gustong umapi sa kanya ay binigyan niya ng leksyon! Sa buong mundo, wala nang mas mayaman pa sa kanya. At doon, naiwan niya ang kanyang sikat na kasabihan: "Huwag mong subuking pantayan ang aking allowance gamit ang iyong taunang kita."
Si Rhonda ay isang manliligaw na babae sa isang pagkakamali. Matapos mawalan ng trabaho ang kanyang nobyo ng maraming taon, hindi niya naisip na bayaran ang kanyang mga bayarin. Inuna niya ang kanyang mga pangangailangan bago ang kanya.Siya rin ang nag-baby sa kanya para hindi siya ma-depress. At paano niya ito binayaran? Niloko niya si Rhonda kasama ang kaibigan niya! Napakasakit ng puso ni Rhonda. Sa kabila ng panloloko niyang ex, sinamantala niya ang pagkakataong magpakasal sa isang lalaking hindi pa niya nakikilala. Eliam—tradisyunal na lalaki ang kanyang asawa. Sinabi niya sa kanya na siya ang mananagot sa lahat ng mga bayarin sa bahay at hindi na niya kailangang magtaas ng daliri. Tinira siya ni Rhonda, at naisip niyang isa siya sa mga lalaking mahilig magyabang sa kanilang kakayahan. Naisip niya na ang kanyang buhay mag-asawa ay magiging isang buhay na impiyerno. Sa kabaligtaran, si Eliam pala ay isang mapagmahal, mahigpit, at maunawaing asawa. Pinasaya niya siya para umakyat sa corporate ladder. Higit pa rito, tinulungan niya siya sa mga gawaing bahay at binigyan siya ng libreng kamay upang palamutihan ang kanilang tahanan. Hindi nagtagal bago sila nagsimulang sumandal sa isa't isa na parang isang team. Tagalutas ng problema si Eliam.Siya ay hindi kailanman nabigo na dumating sa pamamagitan ng para sa Rhonda sa tuwing ito ay nasa isang dilemma. Sa isang sulyap, para siyang ordinaryong tao, kaya hindi maiwasan ni Rhonda na tanungin siya kung paano niya nagawa ang napakaraming mahirap na bagay. Mapagpakumbaba itong tinalikuran ni Eliam. Sa isang kisap-mata, umakyat si Rhonda sa tuktok ng kanyang karera sa tulong nito. Naging maganda ang buhay para sa kanila hanggang isang araw. Natisod si Rhonda sa isang global business magazine. Isang lalaki sa front page ang nakatitig sa kanya. Nasa kanya ang mukha ng kanyang asawa! Ano ba naman! Kambal ba siya? O may tinatago ba siyang malaking sikreto sa kanya sa lahat ng ito?