What if mag karoon ka nang karanasang hindi mo inaasahan. Paano kung sa isang pag kakamali lang magbago na lahat,paano kung ang isang maganda,perpekto at masayang buhay na Meron ka ay bigla nalang maglaho na parang Bula dahil sa mangyayari? Lulutasin mopa ba ang misteryong o ito? O hihintayin mo nalang ang kamatayan mo?
Sa loob nang napaka lawak na kagubatan ay may Isang buong pamilyang naninirahan.
Pamilyang animo'y hindi nag eexist dahil daig pa ang Daga kung magtago.
At sa loob nang pamilyang ito ay punong puno nang misteryong bagay.
______________
"Erwin!"
Nakangiting tawag ko sa aking manliligaw na agad naman netong kinalingon,masaya akong sumalubong sakanya at agad siyang hinampas sa braso na kinadaing naman neto.
"Akala ko naman Good morning kiss ang ibibigay mo sakin,hampas lang pala" Ani niya at inirapan ako, tinawanan ko naman siya at nang gigigil na niyakap ang braso niya na hindi na nito kinagulat.
Marahil siguro ay nasanay na siyang ganito ako.
"Rosen distance" Bulong nito kaya nakanguso akong lumayo at inirapan siya.
"Alam mo ikaw naiinis ako sayo" agad ko Naman siyang tinignan at taas kilay ang binigay ko sakanya na kinailing iling naman niya.
"Naiinis ako sayo kasi sobrang sweet mo sakin, pakiramdam ko tuloy pinapaasa molang ako" Bulong niya na agad ko namang kinanganga.
Hindi ko siya makapaniwalang tinignan at nang makabawi nako ay agad akong pumasan sa likod niya at pinag hahampas siya.
"Ikaw sira ulo ka!"
"Hoy masakit hahahha,hoy baba!" Pag aawat niya sakin habang pilit hinuhuli ang mga kamay ko, nakanguso naman akong huminto sa kakahampas sakanya at malumanay siyang tinignan.
"Bakit mo naman naisip na pina-paasa Kita?" Mahinang tanong ko at hinawakan ang mukha niya.
"Kasi hindi mopa ako sinasagot tapos ganito kana"
"Ayaw mobang ganito ako sayo?" Tanong ko na agad naman niyang kinailing.
"Gusto,pero para kasing ang hirap"Nahihirapan na Saad niya at nag iwas nang tingin sakin.
"Ano Namang mahirap dun?"
"Gusto ko kasi Bago Tayo gumanto may label muna Tayo,ang laswa tignan na ganito tayo tapos Hindi mo pa naman ako sinasagot" May bahid na lunggkot na Saad niya na agad ko namang kinatawa nang mahina.
"Kung ganon.."
"Edi Sinasagot na kita"
______________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.