Pagbabayarin ni Freya si Sean Ezithiel sa ginawa nitong panloloko sa kaniyang kapatid. Ipararanas niya rito ang sakit na naranasan ni Xanya sa lalaki.ang mga iyon ang binuo niyang plano. Ngunit katulad ng kaniyang kapatid, agad siyang nahulog sa angking kaguwapuhan at kakisigan ni Sean. Natuklasan niya ang di-mapigilang pangangailangan ng traidor niyang katawan sa lalaki. Kaya nang alukin siya nito ng kasal, agad siyang pumayag sa lalaki. ngunit hindi sila naging maligaya--- dahil taglay pa rin Freya ang galit para kay Sean. Nakatatak na sa isip niya ito ang dahilan ng pagkasira ng buhay ng kaniyang kapatid. Patuloy siyang inuusig ng kaniyang budhi, kaya ipinasya niyang iwan ang lalaki. Subalit natuklasan niyang inosente si Sean sa mga ibinibintang niya rito. Kasabay niyon ang tuluyang pagkawala ng pag asang magkabalikan pa sila. Dahil siya ngayon ang balak nitong paghigantihan... STARTED: APRIL-2021
This is a work of fiction. Names, character, some places and incidents are products of the Author's imagination and are use fictitiously. Any resenblance to actual events, place or persons, living or dead, is entirely coincidental.
______(* ¿ *)______
Nabawasan ang nararamdamang poot ni Freya habang tinitignan ang nasusunog na letrato nang lalaking nakikita niya sa mga gamit ni Xanya at ang malaking poster nito na sa tingin ni Freya ito ang dahilan na pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Xanya. Medyo nabawasan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmasdan na tinutupok ng apoy ang malaanghel na mukha ng lalaki. Pakiramdam niya ay nakaganti na. Para na niyang naisunog ang kauluwa nito sa imperno.
"Ano naman iyang ginagawa mo?" Tanong ng kanyang, Tita Felipa. Kapatid ng kaniyang Ina.
"Ano naman ang kasalanan ng mga letratong na iyan at sinunog mo ha, Freya?" Dugtong pa niya sa sasabihin sa dalaga na pamangkin nito.
"Alam niyo po namumuhi ako sa lalaking nasa larawang iyan, 'Tita? Kalmado niyang tugon.
"Ipinapangako ko sa inyo, oras na magkrus ang aming landas, ipaparanas ko sa kaniya ang paghihirap ng damdaming pinaranas niya sa kapatid ko." Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang kaniyang dugo sa lalaking naging dahilan ng maagang kamatayan ni Xanya. Umiling ang Tita Felipa niya. Si Felipa ang tumatayong ina sa kanilang magkakapatid matapos silang maulila sa magulang.
"Freya, maaari bang kalimutan mo na ang lahat, Mag-iisang taon nang patay si Xanya. Patahimikin na natin siya?" Sabi niya sa akin.
"Iyon na nga,'Tita. Ipaghihiganti ko ang sinapit niya para tuluyang manahimik ang kaniyang kaluluwa. Matatahimik lamang siya oras na maipaghiganti ko," Sagot ko, kay Tita Felipa na malaking tutol sa gagawin kong paghihiganti.
"Hindi niya ginustong mangyari sa iyong kapatid, eh. Kilala natin si Xanya, Impulsive siya. Higit sa lahat, kilala niya ang taong nakarelasyon niya. Isang mayamang walang puso na walang ibang ginawa ang manakit ng damdamin ng mga babae. Hindi tayo nagkulang sa pagpapaalala sa kapatid mo." Sagot ni Fe sa pamangkin.
"Kinakampihan mo ang lalaking iyon,'Tita?" Palagi na sila nagtatalong mag tita.
"Siya ang naging dahilan kung bakit mas minabuting pang mamatay ni Xanya!" May hinanakit kong sabi.
"Hindi ko nakakalimutan iyan, Freya. Ang sa akin lang hayaan mo na ang Dios ang magparusa sa kaniya. Kinakabahan ako sa mga binabalak mo. Nag-iisa ka na lang sa buhay namin ng tito Miguel mo. Paano kung gaya rin ni Xanya ay mawala ka rin sa amin. Mahal na mahal ka namin Freya. Ayaw ko pati ikaw mawala sa amin sa tingin mo ba matutuwa kami? Nagkulang kami sa kapatid mo, kaya nga pinagsasabihan ka namin ngayon," Nag aalalang sabi niya sa akin. Si tita Felipa na ang tumatayong ina nila ni Xanya at ang asawa nitong si tiyo Miguel mula noong maulila sila sa magulang bata palang sila noon ni Xanya ng kupkupin sila ni tita Felipa at dahil na rin sa wala itong anak.
Naiiritang nagpakawala siya ng hangin sa dibdib," Huwag na natin pagtalunan ang bagay na ito. Ang ikinaiinis ko lang. Bakit nagkalat iyang mga larawan ng lalaking iyan dito at bakit mayroon pa kayong tinatago ng mga iyan? Saan ba iyon nanggaling?" May inis sa aking boses.
"Hinihingi iyan ni Maria kahapon ng ipatapon ko sakto naman may nabili siya sa palengke. Alam mo naman dati pa fan niya ang taong iyon sikat siyang businessman kahit saan nagkalat ang larawan nun dito sa atin lahat kasi ng mga men product siya ang modelo." Paliwanag niya sa akin. Isa pa iyon si Maria na pasaway. Alam naman niyang galit ako sa lalaking nasa larawan na iyon. Dinadala niya pa dito sa bahay.
"Saan ang Maria na iyon?" Tanong ko dito.
"Pati ba naman si Maria pag iinitan mo?" May pagsukong sabi ni Aling Felipa.
"Freya, naman. Masisisi mo ba iyong tao kung idol na niya ang modelong iyon? at kahit sino pweding humanga sa gaya ng lalaking iyon,"
"Pagsabihan mo ang babaeng iyon, tita, dahil kung hindi makakapatay ako ng tao!" Napipikong sambit niya sa tiyahin at napaawang ang bibig nito sa kanyang sinabi.
"Sa dami ba naman ng pwedi niyang hangaan, ang larawan pa ng lalaking iyon. Nanadya ba siya?" Tinalikuran ni Freya si Felipa at tinungo ang baybaying dagat upang makalanghab ng sariwang hangin nais rin niyang ilabas ang namumuo bigat sa kaniyang dibdib dahil sa stress. Doon rin niya natagpuan si Maria. Agad niya itong nilapitan at hinila sa tabi sinisita niya ito tungkol sa mga poster na binibili nito.
Nagtaka naman ito, "Aling poster, Ate?"
"Iyong nagkalagay sa ibabaw ng fridge. Iyong poster ng taong hinahanggaan mo." May diin niyang sabi dito.
"Ano ba nakita mo sa taong iyon at ganoon nalang ang paghanga mo? isa siyang mamamtay tao!" galit niya sabi kay maria.
"Iyong poster po ni Sean Ezithiel?" Naguguluhang pa rin tanong ni Maria sa kaniyang panunumbat.
"Exactly!" Sa mataas na tinig niyang sagot kay Maria.
"G-gwapo po kasi siya, Ate," kinikilig niyang paliwanag sa babae. "Siya pinaka gwapo sa lahat, hindi lang siya gwapo sobra pang yaman alam niyo po ba pinapakita niya sa publiko na may nabili siyang cruise ship at ang ganda po, Ate. Siguro ang sarap sa pakiramdam na makasakay roon!" Gusto niya itong sabunutan.
"Ayaw ko ng makakita ng mga poster dito at kahit saan sulok ng bahay ha? Malilintikan ka sa akin, Maria. Hindi ako nagbibiro," Sabi niya sa dalagang nagbabanta. Takot naman ito napatango nalang.
"O-opo. Nasaan po iyong poster at mga letratong binili ko para po kasi iyon sa pinsan ko. Nakalimutan kong dalhin sa kaniya kagabi," May panginginig sa boses ng dalaga.
"Wala na!" Nabubuwisit na tinalikuran niya si Maria. Sa dalampasigan ang diritso niya at doon pinakalma ang sarili. Hindi talaga siya matatahimik hangga't hindi maipaghihiganti si Xanya. Sisirain niya ang buhay ng hayop na lalaking iyon. Hindi siya papayag na hindi niya mapahiganti sa taong iyon si Xanya. Ipaparanas ko sa kaniya ang sakit na naranasan ng kapatid ko sa piling nito. Sisiguruhin niyang madudurog ito sa paraan na gusto niya wawasakin niya si Sean Ezithiel, I swear?"