/0/26810/coverbig.jpg?v=1dcaad9c709823f937763bb4c55f153e)
Binalalaan na si Heaven na huwag na huwag niyang bubuksan ang pinto sa pangalawang palapag. Lalo na at papalapit na ang kabilogan at eclipse. Pero hindi siya nakinig. Sinunod niya ang nais niya na makasilip sa kuwarto na iyon. She can't move her body. A sharp fang thrust on her skin. Pinagsisihan niya ang pagsaway sa sinabi ng matanda.
"You are worthless child!" Naibato ng aking daddy ang diyaryo na nasa kaniyang mesa, matapos niyang basahin ang laman doon.
Napaikot na lamang ako ng mata, nang marinig ang masasakit na salita na 'yon ng aking daddy. Sanay na ako sa ganitong eksina. Sanay na ako na pinapasok at pinapalabas ang masasakit na salita sa akong teynga na galing sa aking gahamang ama. Hindi na ito bago sa akin, araw-araw naman ata ay galit siya sa akin, na para bang ginawa na niyang maintenance ang pag-inom ng sama ng loob.
Kaya naman pala ay tinawagan niya ako kahit alam niya nagpapakalusta pa ako sa kaniyang pera sa huling pagkakataon. 'Yon tuloy hindi na natapos ang pag-manicure sa aking kuko.
Itinapat ko ang aking tingin sa aking ama nang bumagsak sa tapat ang newspaper na kaniyang binato. Ibinaba ko ang aking tingin sa newspaper na nasa sahig at dinampot.
Nabasa ko na ang laman ng newspaper kaninang umaga. At sa totoo lang ay masaya ako sa naging resulta. Inaasahan ko na makikita agad ang aking magandang mukha ngayong araw. Sinampal ko lang naman ang matandang CEO na ini-reto sa akin ng aking magulang.
Sapat naman siguro para sa kanila na sumipot ang anak nila sa isang date na hindi ko alam kung paano nangyari. Ayaw kong mapahiya sila sa kanilang business partner kaya naman kahit labag sa aking loob ay lumusot ako sa restaurant. Pero ang hindi lang matanggap ay ako na nga iyong nabastos, ako pa itong walang kwenta sa paningin nila.
Ilang beses na nilang nagawa ito sa akin. Ilang beses na rin nila ako sini-set up ng aking magulang para makatagpo ng kung sino-sinong matatandang mayayaman na madaling mamatay para maperahan nila. Pero palagi na lamang humantong iyon sa ganito.
Wala na talaga silang pag-asa para magbago.
Wala na rin akong paki-alam kung dadating man ang panahon na hindi ako bibigyan ng mana nila. Hindi rin sumagi sa aking isip na habulin ang yaman nila, tapos ang kapalit naman ay ang mailagay ka sa panganib.
Mas gugustohin ko pang maglayas at magpunta sa pinakamalayong lugar kumpara sa mapunta sa akin ang mana nila na labag naman sa aking loob ang kapalit.
Sila rin naman ang dahilan kung bakit naging ganito ako. Tapos na ang mga araw na ginamit nila aking kabutihan kaya naman hindi na sila karapat-dapat na pakitaan ng kabutihan galing sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit halos i-alay na nila ang kanilang sariling anak para lang sa pera. Na kung tutuosin ay nakakain naman sila tatlong beses sa isang araw. Nagiging masama talaga ang tao kapag nabulag sa pera.
Mabuti na lang talaga at hindi ako nagmana sa kanila.
"Nakikinig ka ba sa akin bata ka!?"
"Makinig ka naman sa amin ng daddy mo, Heaven! Para sa iyo rin itong ginagawa namin," wika ng aking mommy.
Nakatayo sa aking harapan ang aking mga magulang, kumukulobot ang kanilang noo sa inis at nababakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya. Mabuti na lang talaga at wala na akong pakialam sa kanilang tingin sa akin.
Mariin akong napapikit nang tumama ang daliri ni daddy sa aking sentido. Malakas iyon kaya naman ramdam ko ang paghilig ng aking ulo, sinabayan na ito ng mga mura galing sa kanilang dalawa.
Hindi na ako nakapagtimpi ay malakas kong binagsak ang aking palad sa mesa. Napaatras naman silang dalawa dahil sa gulat. Kahit kailan ay hindi ako nanlaban sa kaniyang kahit na abot hanggang langit ang kaniyang sungay. Ngayon lang dahil sumusobra na sila.
"Makinig? Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga pinagsasabi ninyo? Ikaw?" Tinuro ko si mommy. "Naturingan ka pa namang active sa simbahan at deboto ng kung sino mang tangenang bulto, tapos ganiyan ka kung magmura?"
"Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ni lola sa media kahapon. Ikaw? Well-raised daughter and son? Tangena nagbibiro ba kayo? Barado ba mga utak niyo?" Ramdam na ramdam ko ang mapait na bumara sa aking lalamunan, habang inaalala ang pekeng ngiti ni mommy sa harap ng media kahapon.
Kung narito lang sana si lola niya ay sigurado akong kakampihan niya ako at ipagtatanggol mula sa aking mga naturingan na edukadong ama at ina. Aminado akong mabilis na uminit ang aking ulo, pero kahit na ganoon ay tinuroon ako ng aking lola kung paano magtimpi, at magbigay respeto sa aking magulang sa kabila ng kanilang ginawa sa akin noon.
"What a shame!"
Napatigil ako habang napahawak sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ng aking daddy. Mistulang naging paralisa ang aking pisngi sa lakas na pagkakasampal niya.
Kahit kailan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.
Kahit kailan ay hindi niya ako sinasaktan ng pisikal.
Maging si mommy ay hindi inaasahan na aabot sa ganoon si daddy. Maging siya daddy ay tila nabigla rin sa kaniyang ginawa.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi. May lasa iyong pait at sakit. Wala na ata ang mas sasakit pa sa araw na ito.
"Huwag na huwag mong pagsasalitan ng ganiyan ang ina mo, Heaven Faith Vertilema!" Sigaw sa akin ni daddy.
Galit na galit na siya dahil buong pangalan ko na ang binaggit niya. Kung dati ay takot na takot ako na marinig ang buo kong pangalan, pero ngayon, pakiramdam ko'y sasabog na ako dahil sa galit.
Hindi ko talaga makuha kung bakit pinaparusahan siya ng ganito ng langit. Ginawa ko naman ang lahat upang makita nila ako bilang anak. Pero bakit hindi pa rin nila makita?
"Kung wala kami, ay wala ka rin. Tandaan mo iyan. Lahat ng datung na meroon ka ay pinaghirapan namin. Sa amin galing!" Dagdag ni daddy.
Tumawa ako ng puno nang panunuya dahil sa binitawan iyon ni daddy. Kahit ang totoo niyan ay halos madurog na aking kalooban. Pakiramdam ko rin ay pinapaso ng masidhi kong damdamin ang buong gilid ng aking mata.
So ngayon isusumbat pa nila ang pagiging magulang nila?
"Ang kakapal naman ng mukha niyo para sabihin iyan!" nakangisi kong wika sa kanila.
"Kung sumbatan lang naman ang ibabato niyo sa akin, bakit hindi natin simulan ito noong nilusta niyo lahat ang pera na para sa kompanya ni lola!?" Bakas sa kanilang mukha ang pagkabilga. Akala siguro nila ay hindi ko alam iyon.
"At ito ba ang sinasabi ninyong pinaghirapan ninyo?" Tinanggal ko ang mamahalin na kwentas, singsing at kung ano pang kumikinig na malalaki ang halaga sa paningin nila. Mariin ko iyon na sinaksak sa kanilang dibdib.
"Ayan. Hinding-hindi ko iyan kailangan!"
"Baka nakakalimutan din ninyo na mukha ko ang pinuhunan upang mabayaran lahat ng utang ninyo sa casino at maisalba ang kompanya ni lola noon!"
Pareho silang hindi kumibo. Akala ba nila ay nakalimutan ko na ang araw na iniwan ako sa mayamang pamilya para maisalba ang kompanya? Dahil desperado at desperada na silang mabawi ang kompanya ay nagawa nilang i set-up ako sa isang matandang lalaking may asawa.
Dahil pa sa kanila kaya nasira ang tahimik ni Mr. Havoc pamilya. Dahil din sa kanila kaya nakulong ang matanda na iyon dahil sa pinalabas nilang balita na binuntis ako ng lalaki na iyon, at makuha ang halos isang bilyong dolyar. Tinakpan lang naman nila ng pera ang issue ng pera, upang hindi na maungkat pa ng korte.
Hindi alam ng lola ko ang pinanggagawa nila na iyon. Huli na niyang nalaman ang lahat noong pinagtapat ko sa kaniya bago siya binawian ng buhay.
Ayaw na ko lang magsalita pa dahil sa tuwing naalala ko iyon ay hindi ko mapigilan sa aking sarili.
Nagamit na nila ako noon, hindi na ako papayag na uulitin pa nila iyon.
Mabibigat ang aking hakbang habang papaalis sa harapan. Nakapaa lamang ako habang binabaybay papunta sa aking kwarto. Pati kasi ang paborito kong takong ay isinaksak ko sa kanilang dibdib. Mabuti na lang din iyon para naman hindi na nila ako sumbatan.
Kagabi ko pa sana balak na lisanin ang lugar na ito bitbit ang maliit na halaga na pera na aking inipon. Pero dahil sa mga gwardya ni mommy, ay hindi ako nakatakas, bagkus ay dinampot nila ako upang ipinadala sa sa isang restaurant kung saan naghihintay ang matandang CEO.
Maganda at matangkad ako, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ginagamit ng magulang ko ang aking mukha upang makahanap ang mga matatandang CEO para perahan.
Bumaba ako na bitbit ang isang maleta at bag. Buo na ang desisyon kong umalis sa lugar na ito at magpakalayo-layo. Harangan man nila ako ngayon ay hindi na nila ako mapipigilan. Sa ginawa nila ngayon ay sapat na iyon upang tapangan ko ang aking loob.
"Heaven!" Umalingawngaw ang galit na boses ni daddy sa buo masion.
"Where do you think you are going?"
Pinihit ko ang aking katawan. Mahigpit na napahawak ako sa aking strap ng bag. May bitbit sina daddy and mommy ng mga gwardya. Subukan lang talaga nilang pigilan ako at tatawag ako pulis upang damputin sila.
"To the place where I cannot see your face, father," sabi ko, at nagpatuloy sa paglakad.
"Oras na tumapak ka palabas ng bahay na ito ay huwag mo na isipin na may ama at ina ka pa!"
Tumawa ako nang malakas. Masakit para sa akin na marinig ang mga kataga na iyon pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.
"Kahit kailan ay hindi niyo naman ako inisip na anak, hindi ba? What's the point staying in this house? You have all the money that I been suffering for how many year. Kaya paalam na sa inyo. Isaksak niyo sa baga iyang pera ninyo!"
Mabibilis ang aking hakbang palayo sa aking ama. Hindi ko rin tinapunan ng tingin ang mansion nang makasakay ako sa taxi.
Tila naging blanko ang aking isip nang makalayo ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko na 'to. Ganoon pa man ay wala akong pinagsisihan.
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Inampon si Janet noong bata pa siya -- isang dream come true para sa mga ulila. Gayunpaman, naging masaya ang buhay niya. Buong buhay niya ay tinutuya at binu-bully siya ng kanyang adoptive ina. Nakuha ni Janet ang pagmamahal at pagmamahal ng isang magulang mula sa matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang matandang babae, at kinailangan ni Janet na pakasalan ang isang walang kwentang lalaki bilang kapalit ng biyolohikal na anak na babae ng kanyang mga magulang upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng dalaga. Ito kaya ay isang kuwento ni Cinderella? Ngunit ang lalaki ay malayo sa isang prinsipe, maliban sa kanyang guwapong hitsura. Si Ethan ay hindi lehitimong anak ng isang mayamang pamilya na namuhay ng walang ingat at halos hindi nakakamit. Nagpakasal siya para matupad ang huling hiling ng kanyang ina. Gayunpaman, sa gabi ng kanyang kasal, nagkaroon siya ng pahiwatig na iba ang kanyang asawa sa narinig niya tungkol dito. Pinagsama ng tadhana ang dalawang tao na may malalim na lihim. Si Ethan ba talaga ang lalaking inakala natin? Nakapagtataka, nagkaroon siya ng kakaibang pagkakahawig sa hindi malalampasan na pinakamayamang tao sa lungsod. Malalaman kaya niya na pinakasalan siya ni Janet kapalit ng kapatid niya? Magiging isang romantikong kuwento ba ang kanilang kasal o isang lubos na kapahamakan? Magbasa para malutas ang paglalakbay nina Janet at Ethan.
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.