Kunin ang APP Mainit
Home / Pakikipagsapalaran / The Chosen 7
The Chosen 7

The Chosen 7

5.0
10 Mga Kabanata
75 Tingnan
Basahin Ngayon

Are you willing to sacrifice your life just to get your power? Well, Kian and his friends proved that age doesn't matter, not for love, but for being a brave and how to sacrifice just to save those who are important to them. Kian and his friends are only tweeny students that have strong aura reason for them to be absorbed by a book and brought them in the world of Haesis which give them new powers, new journeys, new worlds, new friends and new enemies.

Mga Nilalaman

Chapter 1 The Mysterious Light

"Tulong! Tulungan niyo kami!," Iyan ang sigaw nang magkakaibigan na sina Kian, Brian at Aidan.

Ang Buwan nang Haesis, Ang Buwan na ito ay ang isa sa pinakamalakas na Buwan sa buong infinite universe, Ngunit katulad nang ibang buwan ay kailangan rin nitong lumakas.

Para lumakas ang buwan na ito ay kailangang pumili nang buwan nang mga batang may malalakas na aura na siya namang ibibigay nang mga bata upang mas lumakas ito.

At magsisimula ang kuwento sa isang Batang lalake na siyang biniyayaan nang isang malakas na Aura.

Kian's POV

" Grabe ka, Kian! Sobrang taas nang Grade mo!, Paano mo kaya nagagawa to?." Tanong nang mga inggetero kong mga kaibigan. Grabe, halos mahulog na ang mga panga nila nang makita nila ang mga grades ko.

" May Tutor ako eh, isa pa nagrereview ako araw-araw hindi katulad mo na lagi na lang natutulog sa klase,"

"Ilang oras ka ba nag-aaral sa isang araw Kian?, Ang pagkakaalam ko kasi ay nagdudulot nang anxiety ang sobrang pagrereview?." Kunot noong tanong ni Aidan. Mabait naman ako kay Aidan kasi siya ang pinaka magalang saming tatlo

" Sa totoo niyan hindi ako inaabot g 3 oras,"

" Kung ganun, mga 2 oras kang nagrereview?, Eh halos 2 movie na ang tagal nun ah!, " Nanlalaking matang Saad ni Brian sakin. Palibhasa kasi Movies at TV Shows lang ang alam niya.

"Ah Oo, Mukhang ganun na nga," Tugon ko.

"Sus!, Ang sabihin mo mayaman ka lang kaya ganyan ka katalino," Sabi pa sakin ni Brian nang nakaross ang mga kamay.

" Hindi ah!, Walang koneksyon ang pagiging mayaman ko sa pagiging matalino ko," Tanggi ko naman sa kanya. Totoo naman diba?, Aanhin mo pa ang yaman kung wala ka namang isip.

"Sige na, Uuwi na ako, " Paalam ko sa kanila sabay kuha sa card at kumaway na nagpaalam, ngunit napatigil ako ng pinigilan ako ni Brian.

" Sandali lang, Kian!!," Sigaw sakin ni Brian sabay lapit sakin.

" Hehe, Pasabay naman kami ni Aidan, May dadaanan lang kami," Sabi ni Brian nang nakangiti pa. Pumayag na lang ako kasi nakakahiya naman kung tatanggihan ko sila.

" Mauna na kayong pumasok sa kotse," Sabi ko sa kanila ng nakangiti. Tumakbo sila at agad na binuksan ang pinto nang kotse at umupo sa backseat, kung nakita niyo lang sila, Grabe!, Abot tenga ang mga ngiti nila ng nakasakay sa kotse ko, at pagkatapos nilang umupo sa kotse ay siyempre pumasok na rin ako.

"Wow! Ang Saya niyo ah, First Time niyo bang makasakay sa kotse?." Tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin dahil nakatingin sila sa bintana at tinitignan nila kung gaano kabilis ang kotse ko.

"Wow!, Grabe, Ang saya niyo kausap ah, Thank you na lang sagot niyo, " Sabi ko sa kanila ng nakakunot ang noo, Sino ba naman ang hindi maiinis diba?, kinakausap ko sila tapos hindi nila ako papansinin, pero huwag kayong mag-alala, hindi pa naman ako ganun ka galit sa kanila.

"Kian, Gusto mong sumama samin sa Alzechga Book Store?." Nakangiting Tanong sakin ni Brian.

" Sa tingin ko wala naman akong gagawin mamaya, magpapahinga muna ako sa pagrereview kaya sasama na lang ako sa inyo," Sabi ko sa kanila habang nakakross ang mga kamay ko.

" Nandito na po tayo, Sir, " Sabi sa akin nang Driver. At biglang lumabas sina Aidan at Brian, Halata sa mga mukha nila ang pagka excited, Ewan ko ba sa kanila, Parang wala naman akong nakikitang interesado doon sa Alzechga Book Store.

" Maraming Salamat po, Driver, "

"Walang Anuman," Sabi sakin nang Driver na kumaway pa sakin nang umalis ako. pumasok kami nina Brian at Aidan sa Alzechga Book Store at naramdaman ko agad ang lamig nang aircon pagbukas ko pa lang nang pinto.

" Ang dami namang libro dito, meron ba sila ditong interesadong babasahin?." Tanong ko sa ko ngunit napahinto ako nang makita ko ang libro tungkol sa solar system.

" Wow!, Mukhang interesado itong basahin ah," Sabi ko sa sarili ko na halos mahulog na ang panga ko dahil interesado ako tungkol sa mga solar system

"Bruh!, Ano naman ang nakakawili diyan sa solar system, piling ko boring diyan, at tsaka hindi ko alam kong totoo iyang librong iyan, at isa pa hindi ko alam kung paano makakapunta ang mga astronauts sa kalawakan," Saad ni Brian habang nakakross ang mga kamay.

" Sandali, Alam mo ba ang NASA?."

"N-NASA?, A-Ano iyon?. " Tanong sakin ni Brian habang nakataas ang kanyang isang kilay, Naku naman, Mid schooler na siya pero hindi pa rin niya alam ang tungkol dun.

" Ang ibig sabihin nang NASA ay National Aeronautics and Space Administration, sila ang responsable pagdating sa kalawakan at nakadiskubre rin sila nang libo-libong exoplanet at ang mga astronauts ang pupunta sa kalawakan gamit ang isang Space shuttle,"

"Grabe, Hindi ko alam iyon ah, "

" Ano ka ba Brian?, 13 years old ka na, dapat alam mo na ang mga bagay na tungkol sa mga planeta't bituin at ang iba pang mga bagay bagay sa Universe, neh mas matanda ka pa nga samin," Sermon ko kay Brian, siguro halata sa mukha ko na disappointed ako sa kanya, Kinuha ko ang libro at siyempre binayaran ko, bumili rin sina Brian at Aidan nang libro pero sa tingin ko comics iyon na bagong release pa lang

" Kian, Puwede bang dito ka muna, magbabanyo lang kami," Paalam sa kin ni Brian sabay takbo, nakatayo lang ako at niyayakap ang libro na binili ko ngunit makalipas ang ilang minuto ay biglang nagliwanag ang Librong niyayakap ko.

" A-Ano to?!, AHHH," Sumigaw na lamang ako dahil hindi narin ako makapagsalita, piling ko ay parang hinihigop ako papasok nang Libro, Ngunit habang hinihigop ako papuntang libro ay parang nag-iiba rin ang boses ko, namalayan ko na lang na kusang bumukas ang libro at nakita ko ang larawan nang isang buwan na sadyang napakaganda.

"Ang mga batang ipinili ng buwan ay kailangang tumungo sa mundo ng Haesis sa ayaw o sa hindi!," Saad ng isang lalaki na nagmula sa loob ng libro, hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha dahil sa liwanag, Ngunit nakita ko ang korona mula sa kanyang ulo kaya't nakakasigurado akong isa siyang hari.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang sigaw ni Brian na sinasambit ang pangalan ko, dahil rito ay natigil ang paghigop sakin at nang natauhan ako ay bigla kong inihagis ang libro.

"Kian!," Sigaw sakin ni Brian, napatingin ako sa kanya dahil sa lakas nang sigaw niya.

" Mabuti naman at bumalik na kayong dalawa," Sabi ko sa kanila.

" Bakit mo hinagis ang libro?, Hindi ba binili mo iyon?." Tanong ni Brian.

" Wala, may nakita kasi akong gagamba kaya tinapon ko," Pagsisinungaling ko sa kanila. Ayoko nang ipaliwanag sa kanila kasi sa tingin ko hindi naman sila maniniwala.

"Gagamba lang hinagis mo na!, Humph!, Bala ka nga, Tara na Kian, uwi na tayo," Nakangiting Ani sakin ni Brian, pumunta na kami sa kotse at nakita ko ang Driver ko na kumakain na nang Lunch, Mukhang pinagantay rin namin nang matagal si Kuya, Sumakay na kaming tatlo sa Backseat sabay suot nang SeatBealt, itinigil muna ni Manong Driver ang pagkain niya at nagsuot na ng seatbelt at nagsimula nang mag drive si Kuyang Driver at umuwi na rin sina Brian at Aidan sa mga bahay nila, at umuwi na rin ako nang bahay at lumabas na nang kotse.

" Maligayang Pagbabalik, Mr. Kian," Bati sa kin nang mga yaya.

" 12 years niyo na po akong tinatawag na Mr.,.... Ayos na po iyong Kian lang at tsaka piling ko ang tanda ko na pag tinatawag niyo akong ganun,"

" Sorry po Mr. Kian, Malalagot po kasi kami sa papa niyo kapag tinawag po namin kayo sa mismong pangalan niyo,"Pagpapasensya sakin nang mga yaya at talagang nakayuko pa sila. Hay Naku, Napaka-arte naman nangPapa ko, pero siguro wala na akong magagawa para pigilan kayo," Sabi ko sa mga yaya, Kinuha nila ang bag ko at tumungo na sa kuwarto ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang libro kanina na muntik na akong higupin, piling ko na trauma

"Mr. Kian handa na po ang hapunan niyo!," Sabi sa kin nang Yaya, bumaba na ako pagkatapos kung magbihis at tinalian pa ako nang panyo sa leeg, at talagang napakaboring kasi nga wala si papa kasi nga nandun sila sa Amerika, kaya't magisa na lang akong kumakain, nang tapos na akong kumain ay bigla na lang tumungo ang doorbell.

"Ako na po ang pupunta ron, Mr. Kian," Hiling nang yaya ko sakin, pangiti akong tumanggi sa kanya dahil baka nakakaabala ako.

" Ako na po, Tapos na rin naman po akong kumain eh, ako na po ang pupunta ron," Tanggi ko kay Yaya, uminom ako nang tubig sabay lakad papuntang Gate at nakita ko si Aidan na naghihintay sa Gate. " Aidan?, Anong kailangan mo?." Tanong ko sa kanya.

"Ah Kian, Puwede bang paki check sa kotse mo kung nandun ang wallet ko, mukhang naiwan ko kasi eh," Pakiusap ni Aidan.

" Sige, Dito ka lang ah!," Saad ko kay Aidan, pumunta ako sa kotse at chineck ko ang backseat kung nandun ba ang wallet na sinasabi niya, at nakita ko ang wallet niya na nakabukas.

"Teka, ito ba si Aidan nang bata pa?, Mukhang pamilyar ang mukha niya,"

Hindi ako nagbibiro, Para talagang nakita ko na iyong sanggol pero imposible naman kasi na magkakilala agad kami nung bata pa, kasi Grade 4 kami nagkakilala eh, napailing na lang ako at tiniklop ang wallet at agad na bumalik kay Aidan.

" Ah Aidan, Ikaw ba iyong sanggol na nasa litrato?." Tanong ko

"Ah Oo, Bakit mo naman na tanong?."

"Wala lang, Nakita ko kasi na nakabukas iyong wallet mo kaya nakita ko iyong picture mo," Pangiti kong Tugon sa kanya, pero Bakit parang pamilyar talaga ang hitsura niya nang bata siya?, Hay Naku, Binalewala ko na lang iyon dahil lahat naman nang mga sanggol magkakamukha.

Ano ka ba?, Wala namang problema na makita mo to, " Saad ni Aidan, Natutuwa talaga ako sa ugali niya, Sa tingin ko siya ang pinaka mabait saming tatlo, Ganyan talaga si Aidan, lyong ugali niya ay kabaliktaran sa ugali ni Brian.

"Aidan, Libre ka ba mamayang gabi?. "

Tanong ko kay Aidan.

" Oo, Free ako 24 hours!,"

" Kung ganun puwede bang pumunta kayo ni Brian rito mamayang gabi para sa first sleepover party natin,"

" Sige ba, Mamayang 5:00pm nandito na kami," Saad ni Aidan at pangiting tumakbo paalis para sabihan si Brian.

Habang hindi pa tumutungtung ang oras sa 5:00pm ay naghanda na ako nang game consoles, softdrinks na nilagay ko muna sa ref, snacks at desserts tulad nang cake, at mga tsitsirya at biscuits.

At bago pa mag 5pm ay may nag doorbell agad sa gate, lumabas ako para tignan kung sila Aidan ba at Brian ang nasa Gate ngunit pagtingin ko sa Gate ay wala namang tao.

" Bakit walang tao?, Kanina lang

parang may nag doorbell ah," Naguguluhan kong sabi at tumalikod ako at nang

papasok na ako sa mansion ay bigla na

namang tumunog ang doorbell ngunit

nang tinignan ko ulit ay wala namang tao.

" Huh?, Doorbell ba talaga sa gate namin iyong tumutunog?." Tanong ko sa sarili ngunit nanlaki na ang mga mata ko nang tumalikod ako dahil sunod sunod na ingay nang doorbell ang narinig ko, dahan dahan akong tumalikod para tignan ang Gate ngunit wala Paring tao ngunit nakaramdam ako ng pagkakilabot, nanlaki ang mga mata ko nang humarap dahil nasa harapan ko na ang Librong nagliliwanag

" AAAAAAAAAAAHHHH!!!," Sigaw ko habang nanginginig, napatid ako sa isang bato kaya't patalikod akong Nadapa, mabuti na lang ay nagsidatingan na ang mga bodyguards ko at pati na rin si Yaya.

" Mr. Kian!!, Ano po ang nangyari?."

Tanong sa kin ni Yaya, tinayo ako ni Yaya at nang mga bodyguards.

" Wala ba kayong nakitang librong lumulutang?." Tanong ko sa kanila habang nanlalaki pa rin ang mata ko.

"Po?, Wala naman po kaming nakitang libro rito, kanina pa po kayo diyan magisa, hindi po rin namin alam kung bakit po tingin nang tingin kayo sa Gate eh hindi pa naman po tumutunog iyong doorbell,"

"Huh?, Hindi niyo narinig iyong tunog doorbell?, paulit-ulit siyang tumunog,"

" Pasensya na po pero wala po kaming narinig," Mahinhing Tugon sa akin ni Yaya at agad niya akong binalik sa silid.

" Mr. Kian ang mas mabuti po ay magrelax muna kayo, siguro maya-maya darating na rin po ang mga kaibigan niyo, Saad sakin ni Yaya, niyakap ko siya nang mahigpit dahil takot na takot ako kanina, para akong atatakehin sa puso sa nangyari.

" Ano po bang klaseng libro iyong nakita niyo po kanina?. " Tanong sakin ni Yaya ngunit hindi ko na nasagot dahil may nag doorbell na naman sa Gate.

" Ayan na naman, may nag doorbell na naman,"

" Opo narinig ko," Saad ni Yaya tumayo siya para tignan kung sino ang nasa Gate at naghintay ako sa kuwarto, ilang minuto ang lumipas ay dumating si Yaya kasama sina Aidan at Brian.

"Kian, hindi ko alam na mas malawak pala ang loob nang bahay niyo," Nakangiting Ani ni Brian sakin, Napabuntong hininga na lang ako dahil piling ko mas ligtas na ako dahil nandito na sila, at tulad nga nang sinabi ko nag sleepover party kami at nag laro nang video game at kumain nang snacks at uminom nang softdrinks nang sumapit ang 12:00AM ay don pa lang sila Brian at Aidan, Maayos ang higa ni Aidan, hindi siya malikot matulog ngunit si Brian ay kung saan saan nakakabit ang paa niya, umaabot pa nga sa mukha ko eh pero sa tingin ko isa ito sa pinakabest na araw sa buhay ko.......

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY