/0/26926/coverbig.jpg?v=3d7cdf0f01eb9b9dcf21db41774d70c7)
Matagal nang may lihim na pagtingin si Beliza sa bestfriend niyang si Jeyrick. Nang sumabog sa internet ang picture nito bilang guwapong Carrot Man, dumami bigla ang karibal niya. Napilitang magtago ang lalaki upang makaiwas sa media. Kailangan niyang maging overprotective sa binata lalo na't nagbabalik ang babaeng minsan nitong minahal at nanakit dito. But wait, there's more. Dahil kasama din sa nag-I shall return ang impakto niyang ex-boyfriend na nanakit sa kanya, napilitan siyang ipagkalat sa lahat na siya ang girlfriend ni Carrot Man. Tutal ay doon din naman sila mauuwi ng binata. Natagpuan na lang niya ang sarili sa mga bisig ng ex-boyfriend na si Cardo para protektahan siya. Kontrabida yata ang puso niya dahil habang ang mga labi niya ay si Carrot Man ang isinisigaw, pasimple naman siyang kinikilig sa bawat sulyap at ngiti ng impakto niyang ex-boyfriend. Ano ba ang magwawagi - ang pag-ibig niya kay Carrot Man o ang pang-aakit ni Cardo?
"Anong nangyari sa iyo? Akala ko masaya ka dahil tuloy-tuloy ang pag-aaral mo sa Baguio. Scholar ka pa at dean's lister," nagtatakang tanong ng pinsan ni Beliza na si Gaylee sabay inom ng rice wine na tapuy. "Bakit ka malungkot?"
Nasa Lake Tufub sila at sinusulit ang bakasyon bago magsimula ang pasukan. Overnight silang magbo-bonding na magpipinsan bago bumalik sa kanya-kanyang bayan. Ang Auntie Lourdes niya ang nakapag-asawa ng taga-Barlig. Siya naman ay nagmula sa bayan ng Bauko sa Mountain Province. Habang ang iba pa niyang pinsan ay mula sa Besao at Sadanga.
Celebration ito dahil isa sa mga pinsan niya ay ikakasal na sa isang buwan at ang pinsang si Vernie ay pupunta na sa abroad para magtrabaho bilng nurse.
Malungkot na inangat ni Beliza ang mga mata sa pinsan si Vernie na katapat niya sa bonfire. "Wala. Mami-miss ko lang si Ading Vernie," aniya sabay inom ng tapuy. At wala nang dahilan para sa Maynila pa siya mag-aral.
Wala namang dapat na ipagdiwang para sa kanya dahil durog na durog ang puso niya. Naghiwalay na sila ng secret boyfriend na si Cardo.
Nagkakilala sila ni Cardo sa Lang-ay Festival na ipinagdiriwang ng lahat ng bayan sa Mountain Province. Nanalo din siyang Miss Lang-Ay at nangangahulugan na siya ang pinakamaganda sa buong lalawigan. Isang turistang taga-Maynila ang nambastos sa kanya at ipinagtanggol siya ng lalaki. Para sa kanya ay love at first sight iyon. Di pa man ito nagpapakilala sa kanya ay nakuha na nito ang puso niya.
Dahil na rin sa responsibilidad niya bilang Miss Lang-ay ay nakarating siya sa pamayanan ng binata - ang Lias sa bayan ng Barlig. Naging kasa-kasama pa niya ang lalaki sa pictorials niya at pamamasyal. Nakilala niya ang pamilya nito. Pasekreto siya nitong niligawan. Di siya pumayag kahit na gusto nitong pormal na umakyat ng ligaw sa pamilya niya. Bata pa siya at ayaw niyang madismaya ang magulang niya kapag maaga siyang nakipagnobyo o nagpaligaw. Saka na lang niya sasabihin ang tungkol sa kanila ni Cardo kapag nasa tamang edad na siya.
Isang paaralan lang ang pinasukan nila noong college. First year college siya sa Saint Louist University sa kursong Accontancy habang Civil Engineering naman ang kurso ng lalaki sa second year. Supportive ito sa pag-aaral niya at nakabakod sa mga nagtatangkang makipag-date sa kanya. Di lang niya feel ang kaibigan nitong si Glenda na masyadong close dito. Alam niyang kaibigan lang ang turing ni Cardo dito pero ang ayaw niya sa babae ay ine-encourage nito si Cardo na pumasok sa Philippine National Police Academy.
Tinututulan niya iyon dahil bukod sa ayaw niya kay Glenda, ayaw niya na maging pulis si Cardo. May ama siyang pulis at masakit lang ang alaalang ibinigay nito sa pamilya nila. Iniwan sila at ipinagpalit sa ibang babae.
Kahit nang namatay ito at nag-asawa ang nanay niya ng simpleng magsasaka ay di pa rin nabubura ang pilat na iniwan ng ama sa kanya. Alam ni Cardo kung ano ang issue niya sa ama pero ipinilit nito ang pagpupulis. Ipinagmalaki pa nito na mataas ang grade nito sa entrance exam. Sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite na ito mag-aaral. Na-shock siya. Habang binubuo nila ang pangarap na magtutulungan sila sa pag-aaral habang nasa Baguio, nagpaplano na pala itong iwan siya
Sinubukan ni Beliza na baguhin ang isipan nito. Pero naroon ang kontrabidang bestfriend nito na si Glenda. Ito mismo ang nagsabi na mas pinili ni Cardo ang pagpupulis kaysa sa kapritso ng isang babae. Parang sinabi na rin ni Glenda na ito ang pinili ni Cardo kaysa sa kanya. Kahit na sinabi ni Cardo na kaibigan lang nito si Glenda, hindi pa rin iyon ang punto. Pinili nito ang pagpupulis. Pinili nito ang propesyon na sumira sa pamilya niya. Pinili nitong iwan siya gaya ng ginawa ng tatay niya.
"Baka naman boy problems iyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Vernie. "Um! Ayaw nila tita ng ganyan."
"Hayaan na ninyo siya," saway ni Shan-ye na pinakamalapit sa kanya. "Scholar pa rin ang pinsan natin. Kung may crush man siya, ano ang masama? Normal lang naman iyon sa teenagers."
"Okay lang ang crush basta huwag dibdibin. H uwag na munang mag-boyfriend. Bata ka pa. Marami pang dadating na magagandang opportunities sa iyo. Makakapaghintay ang love," sermon naman ng Ate Badette niya na may anak na agad pagka-graduate ng high school. Ni hindi na ito nakatuntong ng kolehiyo.
Sumang-ayon naman ang ibang pinsan ni Belisa. Puro tango lang ang ginawa ng dalaga. Huli na. Na-in love na siya. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sugat sa kanyang puso. Pero makikita ng Cardo na iyan. Hindi lang ito ang lalaki sa mundo.
Maya maya pa ay naglaro ng Spin the Bottle ang mga pinsan. Sinusubukan niyang makitawa kahit wala siyang naiintindihan sa sinasabi ng mga ito o ang nangyayari. Nagsisimula na rin siyang mahilo dahil sa nainom na rice wine.
Nagulat pa siya nang bigla na lang sumigaw ang pinsang si Vernie. "Si Beliza naman!"
Namumungay ang mata niyang inikot ang paningin sa mga pinsan. "Huwag na ako."
"Huwag kang killjoy. Kami nga ginawa namin ang lahat ng consequence tapos ikaw hindi?" angal ni Gaylee. "Makipagkilala ka sa lalaking naggigitara at mag-request ka ng kanta. Kapag hindi mo nagawa, kailangan mong maligo sa lake."
Malamig ang tubig sa lawa at malay niya kung ano ang naroon lalo na sa kadiliman ng gabi. Duwag siya sa
"Naku! Suplado ang isang iyan. Di nga ako pinansin kaninang nakikipagkilala ako," nakaismid na sabi ni Vernie. "Maghanda ka nang maligo sa lake."
Nakasimangot na nilingon ni Beliza ang kabilang grupo ng mga kalalakihan. Nabanggit sa kanya na taga-Kadaclan daw ang mga ito at ine-enjoy din ang huling mga araw ng bakasyon. Tumutok ang mata niya sa naggigitara sa grupo. Parang may sarili itong mundo habang nauapo sa bato sa likuran ng mga kasamahan. Masaya na itong tumugtog. May kahabaan ang buhok ng lalaki at madilim sa pwesto nito kaya hindi niya gaanong makita ang itsura nito. Pero sa palagay niya ay kaedad lang niya ang lalaki.
Kung tutuusin ay napakagaan lang ng task niya. Kailangan lang niyang makipagkilala sa lalaki at mag-request ng kanta.
Dahan-dahan siyang tumayo. "Miss Lang-ay ako last year. Kaya ko iyan."
Puno ng kompiyansang naglakad si Beliza patungo sa grupo. Tumayo siya ilang metro mula sa lalaking target niya. Kumakanta ito ng country music. Maganda ang boses nito at napansin niya na bagamat magulo ang mahaba nitong buhok ay nakadagdag sa karisma nito. Malamlam ang mga mata at kitang-kita ang malalim nitong dimples.
"H-Hi!"
Walang interes siyang tiningnan ng lalaki pero tumigil naman ito sa paggigitara. Bigla siyang nahamon. Ang isang pusong sugatan gaya niya ay may kailangang patunayan. Kahit pa sabihin na tumanggi sa kanya si Cardo, di ibig sabihin lahat ng lalaki ay tatanggi sa kanya, kahit gaano pa kasuplado. Naging Miss Lang-ay pa rin siya. Kahit pa nga parang hinahalukay ang sikmura niya at gusto niyang ilabas ang laman. Saka na. Saka na kapag nagawa na niya ang misyon niya. Kaya niya ito.
Inilahad ng dalaga ang palad. I am Bel. Anong panga...." Pagbuka ng bibig niya ay bigla na lang niyang nasukahan ang lalaki.
Nagpunta si Yngrid sa Camiguin para mag-relax kasama ang mga kaibigan. Umaasa siya na sa loob ng tatlong araw na bakasyon ay may mababago sa kanyang boring na buhay. Kasama na sa misyon niya ang makatagpo ng isang hot at guwapong lalaki na magbibigay ng kulay sa kanyang monotonous na buhay. Enter Kenji Matsunaga – ang fashion model na crush na crush niya. Ito ang sumagip sa buhay niya matapos siyang malaglag sa pool. Those three days in Camiguin with him was perfect. Hanggang malaman na lang niya na si Kenji pala ang boyfriend ng mortal niyang kaaway na si Margaret Choi. Habang friendzoned lang ang ganda niya. Pero nang makita niyang umiyak si Kenji dahil kay Margaret, alam niyang gagawin niya ang lahat para di na lumuha pa si Kenji. At iyon ay sa piling niya. Ipaglalaban niya si Kenji kahit na nga ba hindi siya ang mahal nito?
Misyon ni Cattleya Bautista sa pagpunta sa Germany na kumbinsihin si Liam Aramis na pumirma ng kontrata sa El Mundo Football Club. Kung hindi niya ito mapapapirma ay huwag na lang daw siyang umuwi ng Pilipinas ayon sa pinsan niya na manager ng club na si Pierro Dantes. Pero di lang basta ayaw pumirma ni Liam sa kontrata. Hindi na ito iginalang ang pagiging assistant manager niya. Pinaghinalaan pa siya nito na handang ialay ang katawan at puri niya dito para lang makumbinsi itong pumirma ng kontrata. Sa huli ay wala na siyang mapagpipilian kundi hamunin ito sa isang beer-drinking contest. Kapag natalo siya, hindi na niya ito kukulitin pang pumirma sa El Mundo FC. And she also owed him a passionate night together. Sa kamalas-malasan ay natalo siya. Di na nga siya makakauwi ng Pilipinas ay nanganganib pa ang puri niya.
Jaidyleen realized that she was leading a boring life. Lumilipas ang panahon na wala siyang ginawa kundi magtrabaho at pagsilbihan ang kanyang pamilya. Pero nang maaksidente siya, saka lang na-realize ni Jaidyleen kung ano ang nami-miss niya sa buhay. Ang una niyang naisip gawin—magpakasaya sa isang football match at halikan si Angel Aldeguer, ang paborito niyang half Spanish-half Filipino football player. From a staid and serious woman, she transformed herself into a certified fangirl. Ang akala niya ay ayos lang iyon. She was just a girl having fun. Wala rin namang nakakaalam. Hanggang isang araw ay natuklasan ni Jaidyleen na isa si Angel sa magiging estudyante niya sa language class. Hindi lang puso niya ang namemeligro kundi pati ang trabaho niya at ang reputasyon na matagal din niyang iningatan. Pero paano niya mapipigilan ang sarili na ma-red card kung isang ngiti lang ni Angel sabay sabing, ‘matanda ka” ay off-side na ang puso niya?
Sworn enemies. Iyan ang taguri nina Zafira at Greco sa isa’t isa. Para kay Greco, hindi siya magandang impluwensiya sa kababata nitong si Charishma na matalik naman niyang kaibigan. Hindi daw maganda ang family background niya dahil ang ama niya ay isang sikat na archaeological looter. Kaya nga kahit minsan ay di sumagi sa isip niya na magustuhan ito kahit pa guwapo ito at matalino. Lalaitin lang nito ang pagkatao niya. Kaya nagulat na lang siya nang biglang i-anunsiyo ni Greco sa lahat na girlfriend na siya nito. Hanggang alukin siya nito na maging totoong girlfriend nito. Sasakay ba siya sa kalokohan nito o bibigyan niya ang sarili ng pagkakataon na maranasang maging totoong girlfriend nito?
Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him. Hindi niya matatagalan ang kaarogantehan nito. “Hey, wait!” Nagulat siya nang humarang sa harapan niya si Lucian. “Yes?” “I am still your prize.” Hinapit nito ang baywang niya. Magkadikit na ang katawan nila at gayundin ang mga mukha nila. “Be my date.”
Masaya na si Aurora sa simpleng buhay niya sa Isla Juventus. Kahit na malayo sa sibilisasyon, walang kuryente, walang radyo o telebisyon ay kuntento na siya. Isa siyang mabait na anak na handang magpakasal sa lalaking pinili ng ama niya. Subalit nang dumating sa buhay niya ang guwapong estrangherong si Alvaro, parang naisip niya na parang may kulang sa buhay niya. Misteryoso ito at nagmula sa mundo na hindi kailanman niya binalak na puntahan – ang magulong lungsod ng Maynila. Nabuhay ang kuryosidad niya at kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya, parang sasabog ang puso niya. Iniwan na daw nito ang magulong buhay sa Maynila at gusto na daw nito ng bagong buhay kasama siya. Subalit paano kung sumabog sa harapan niya ang misteryo ng pagkatao ni Alvaro at nakatakdang guluhin ang tahimik na buhay niya sa isla?
Si Hera Louisiana Reyes ay isang outcast ng kaniyang pamilya. Siya ay itinuturing na isang itim na tupa at tinatrato nang masama. Sa kaniyang mga kapatid, siya lang ang hindi nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Isa siyang waitress ng isang sikat na restaurant ngunit natanggal dahil sa pananampal niya sa pinsan ng kaniyang amo. Naghanap siya ng trabaho at isang araw ay may bigla na lang sumulpot na lalaki at nag-alok sa kaniya ng isang trabaho na may malaking sahod. Kahit desperado siya, tinanggap niya ang trabaho. Ngunit hindi niya alam na ang trabahong naghihintay sa kaniya ay magdadala lamang sa kaniya ng sakit at kakaibang sarap na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw ay natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na may kakaibang relasyon sa kaniyang Amo?
"Let's have an agreement, remember sa papel lang tayo magiging kasal! And these are the rules," sabay abot ni Maritoni ng papel sa dating asawa. Kunot-noo naman itong kinuha ng lalaki. "No string attached, no pressure, no demands, no touch, at higit sa lahat bawal ang mainlab- ulit! " giit pa ni Maritoni. Napahalakhak naman si Kyle dahil doon. "Are you sure of this?" nangingiting tanong ng lalaki na tila nang-aasar. "What?!" inis naman na tanong ni Maritoni. "No touch? Are you sure? As i remember noong nagsasama pa tayo, ikaw lagi ang-" "Shut up! Pwede ba Kyle magseryoso ka!" inis na sabi nito na namumula pa. Ngunit hindi parin tumitigil si Kyle sa kakatawa. Love is sweeter the second time around 'ika nga nila. Maibabalik nga ba ang dating pagmamahal kung ito ay naglaho dahil sa kasalanang tila wala ng kapatawaran? Sina Kyle at Maritoni, isa lamang sa mga kabataang nagpatangay sa labis na kapusukan. Hindi alintana ang magiging hinaharap masunod lamang hilaw na pagmamahalan. Ngunit ang pagmamahalang iyon ay tila natuyo at wala ng sarap kaya napagpasyahang tapusin na. Ngunit isang desisyon ang kailangan nilang sabay na gawin. Ang maikasal muli! Sa pangalawang pagkakataon, maibalik nga kaya nila ang dati nilang pagmamahalan?
SEVEN DEADLY SINS 1: Wrath of the Original Wife She was once called a perfect wife and a perfect mother, but everything changed when she found out that her husband had an affair with someone else. After a years of leaving his husband behind, she will be back to let everyone taste her fiery wrath. She shall bring back all the things where it deserve and fight for her marriage, even if she will seduce her husband again and playfully picking a game of fire. She who had a kind-heart, but that completely vanished after she decide herself to learn everything about violence. She must bring the organization who abused her down to its ashes and achieve the peace she always hoped for. As she continues seeking vengeance, unexpected truth starting to unveil. She learns that she’s not just an ordinary wealthy business woman, but had a golden blood running through her veins. What kind of wrath does the original wife can provide?
Maglakbay pabalik sa sinaunang Prime Martial Mundo mula sa modernong edad, natagpuan ni Austin ang kanyang sarili sa isang mas batang katawan habang siya ay nagising. Gayunpaman, ang binata na tinataglay niya ay isang kahabag-habag na baliw, nakakapanghinayang! Ngunit ito ay hindi mahalaga dahil ang kanyang isip ay maayos at malinaw. Taglay ang mas bata at mas malakas na katawan na ito, lalabanan niya ang kanyang paraan upang maging Diyos ng martial arts, at pamunuan ang buong Martial Mundo!
Si Rhonda ay isang manliligaw na babae sa isang pagkakamali. Matapos mawalan ng trabaho ang kanyang nobyo ng maraming taon, hindi niya naisip na bayaran ang kanyang mga bayarin. Inuna niya ang kanyang mga pangangailangan bago ang kanya.Siya rin ang nag-baby sa kanya para hindi siya ma-depress. At paano niya ito binayaran? Niloko niya si Rhonda kasama ang kaibigan niya! Napakasakit ng puso ni Rhonda. Sa kabila ng panloloko niyang ex, sinamantala niya ang pagkakataong magpakasal sa isang lalaking hindi pa niya nakikilala. Eliam—tradisyunal na lalaki ang kanyang asawa. Sinabi niya sa kanya na siya ang mananagot sa lahat ng mga bayarin sa bahay at hindi na niya kailangang magtaas ng daliri. Tinira siya ni Rhonda, at naisip niyang isa siya sa mga lalaking mahilig magyabang sa kanilang kakayahan. Naisip niya na ang kanyang buhay mag-asawa ay magiging isang buhay na impiyerno. Sa kabaligtaran, si Eliam pala ay isang mapagmahal, mahigpit, at maunawaing asawa. Pinasaya niya siya para umakyat sa corporate ladder. Higit pa rito, tinulungan niya siya sa mga gawaing bahay at binigyan siya ng libreng kamay upang palamutihan ang kanilang tahanan. Hindi nagtagal bago sila nagsimulang sumandal sa isa't isa na parang isang team. Tagalutas ng problema si Eliam.Siya ay hindi kailanman nabigo na dumating sa pamamagitan ng para sa Rhonda sa tuwing ito ay nasa isang dilemma. Sa isang sulyap, para siyang ordinaryong tao, kaya hindi maiwasan ni Rhonda na tanungin siya kung paano niya nagawa ang napakaraming mahirap na bagay. Mapagpakumbaba itong tinalikuran ni Eliam. Sa isang kisap-mata, umakyat si Rhonda sa tuktok ng kanyang karera sa tulong nito. Naging maganda ang buhay para sa kanila hanggang isang araw. Natisod si Rhonda sa isang global business magazine. Isang lalaki sa front page ang nakatitig sa kanya. Nasa kanya ang mukha ng kanyang asawa! Ano ba naman! Kambal ba siya? O may tinatago ba siyang malaking sikreto sa kanya sa lahat ng ito?
Si Serena ay isang vampire-werewolf hybrid. Ang kanyang mga magulang ay pinatay sa harap mismo ng kanyang kabataan, inosenteng mga mata at siya ay kinuha ng Alpha Tyler ng Black Moon Pack. Hindi sila eksaktong nagpalaki sa kanya. Sa halip, ginawa nila siyang kasambahay at ipinagbili pa siya bilang isang sex slave nang maglaon. Sa lahat ng mga taon na ito, ang tanging pinagmumulan niya ng suporta ay si Brandon, ang anak ni Tyler. Isang araw, pagkatapos magtrabaho ng buong puso, natuklasan niya na matagal na siyang niloloko ni Brandon sa kanyang tunay na asawa. At parang hindi na ito maaaring lumala pa, ipinahayag sa kanya na si Alpha Tyler ang pumatay sa kanyang mga magulang. Parang tuluyan na siyang binalingan ng mundo. Ngunit bigla na lang, dumating sa kanyang buhay ang isang gwapo at malapit nang maging makapangyarihang Alpha na nagngangalang Peter, na sinasabing siya ang kanyang asawa. Na may mapanganib na kapangyarihan sa kanyang dugo na itinuturing siyang banta sa mga bampira at werewolves, at isang mahiwagang kaaway na nagplano laban sa kanya sa dilim, maaari bang magwagi si Serena sa lahat ng mga pagsubok na ito kasama si Peter sa kanyang tabi?