Combat skills? Perfect. Guns and knives? Excellent. Intelligence? Prodigy. Memory? Error. She is invincible. She's formidable, especially to those she encounters and make her their enemy. Her skills are unbeatable, which makes her an excellent and amazing woman. But, what if she lost all of her memory? Would these skills be useful to her or would only make her life miserable and would make her vulnerable to enemies she has no memory of? Shadow Rodriguez is a typical college student, or so she thought. One day she would find out that there's more to her than just an average college girl. Actually, she's an.... agent?
"Do you really think na matatalo mo ko, Dow?" saad niya at saka humagalpak ng tawa na parang nangaasar pa. "I'm not that stupid to face you like this, knowing that you're one of the top agents of Enigma. Anong akala mo sakin? Tanga?" dagdag niya pa at saka itinutok sa akin ang hawak niyang baril.
Naiyukom ko ang mga kamao ko.
Dalawang baril na lang ang mayroon ako, at wala na rin akong spare magazines. Panigurado, pinalilibutan ako ng mga bataan ng hunghang na 'to. Natawagan ko na naman sila, at nasabi na ang lahat.
Should I take my chance?
Should I take a risk? Kaya ko ba?
"Hindi ko naman sinasabi na tanga ka. Pero, isa kang malaking duwag!" saad ko at saka natawa ng bahagya. "Think about it, Chaos. Ako laban sa'yo at sa mga gagong bata mong nakapalibot sa akin. Don't you think you're being too cruel? Why don't you give me a fair and square battle? Makabawi ka man lang sa dami ng atraso mo sa'kin."
Agad na inilibot ko ang aking mga mata. Nasa harapan ko si Chaos. Sigurado, mayroong tatlo sa likod ko. Mayroon din sa magkabilang gilid niya at isa sa itaas bilang sniper. Pito laban sa isa? Kaya ko kaya? Sa dalawang baril ko na may tig sampung bala?
Agad napukaw ni Chaos ang atensyon ko ng tumawa na naman ito ng napakalakas. Sa totoo lang, nakakabwisit na ang tawa niya. Masyadong malaki ang boses niya na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tumatawa. Umuugong sa tainga ko ang pagtawa niya at naaaburido na talaga ako.
"Alam mo ba kung paano namatay ang mga magulang mo? X and Ace? Nasabi ba sayo ng Enigma ang katotohanan kung paano sila namatay? Nasabi niya ba sa'yo? I bet not," saad nito sa nakakalokong tono.
Lalo kong naiyukom ang mga kamao ko at matalim na tumitig sa kanya. Hindi ako pumasok sa Enigma para lang magligtas ng buhay ng kung sino mang tao o protektahan ang mundo sa lahat ng masasama. Pumasok ako sa mundong wala akong ideya para maintindihan ang mga magulang ko at patayin din ang taong pumatay sa kanila.
Pero hindi ko lang inakala na si Chaos pala ang taong hinahanap ko. Tama nga sila, looks can be deceiving dahil naloko niya ako sa mahabang panahon.
Naloko niya ako nang ganun-ganun lang.
"Alam ko Chaos. Sa tingin mo ba nandito ako para makipaglaro sa'yo? Dalawa lang ang pwede mong gawin. Mamatay ng payapa sa mga kamay ko, o patayin mo ko." sabi ko at saka ngumiti sa kanya, "dahil kapag nabuhay ako matapos ang labang 'to, pinapangako ko sa'yo, susundan kita kahit sa dulo pa ng impyerno!" sigaw ko pa at saka inilabas ang dalawang baril ko at agad na binaril ang dalawang nagtatago sa poste na nasa gilid ni Chaos.
Mabilis na tumakbo ako at nagtago sa isang malaking poste ng building na 'to. Lima. Limang bala na ang nagagamit ko at hindi ako sigurado kung napatay ko ba yung dalawang nasa gilid ni Chaos.
"Ano Dow!? Magtatago ka na lang? Hindi kita kilalang ganyan! Duwag na ba ngayon ang top agent ng Enigma!?" sigaw ni Chaos sa nakakalokong tono.
Sinilip ko siya sa gilid ng posteng 'to. Nakita ko ang isang bata niya sa bandang likuran niya. Dahil nasa magandang anggulo at kitang-kita ko ang target, agad na itinutok ko ang baril ko at saka kinalabit ang gatilyo nito.
Bang!
Tumba ang kalaban. Napangiti ako.
Ganito din kaya bumaril ang nanay at tatay ko? Ganito rin kaya ang pakiramdam nila tuwing nakakapagpatumba ng kalaban?
Agad nabalik ang atensyon ko kay Chaos nang pumalakpak ito ng malakas, "Magaling! Anak ka nga talaga nila. Hindi maikakaila. Kaya dahil anak ka nila, kamatayan din ang magiging katapusan mo!" saad niya at saka nagtama ang mga mata naming dalawa.
Bwisit.
Kahit nanggigigil ako at naiinis sa hinayupak na 'to, hindi talaga maitatanggi na magaling ang senses nito at hinog na hinog na dahil sa experience at iba't-ibang missions nito. Nakakabilib na natagpuan niya agad ang kinaroroonan ko.
Mabilis na itinaas ni Chaos ang hawak niyong rifle at pinaputukan ang tinataguan ako. Mabilis na kumilos din ako at tumakbo habang gumaganti ng putok sa kanya.
Takte. Naubos ko ang walong bala sa pagtakbo at pagkatas palang. Inihagis ko ang basyong baril sa kung saan at sinilip ang natitira pang bata ni Chaos. Huminga ako ng malalim at itinutok ang baril ko sa kanila at agad na kinalabit ang gatilyo.
Tumba ang tatlo.
Apat na lang ang lamang bala ng baril na hawak ko. Mayroon man akong combat knife, sigurado naman na sa labang 'to, walang kwenta ang isang 'yon. Dalawa pa ang siguradong nakaabang sa akin. Ang hayop na si Chaos at ang sniper niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nakapwesto.
"Sa totoo lang, mabait naman ang mga magulang mo," biglang wika ni Chaos sa kung saan. "Wala naman talaga akong balak na patayin silang dalawa kaya lang, hindi nila ako maintindihan eh." huminto ako at sumilip, nakita ko siyang nakangiti na para bang nasisiraan siya ng ulo.
"Gusto ko lang namang paligayahin din ang mga magulang na nawalan ng anak sa tulong ng Myriad." lalo siyang ngumiti.
Aaminin ko, kinilabutan ako ng makita ko ang ngiti niya. Para siyang nasasapian na parang ewan. Nakakatakot ang kanyang itsura. Hindi na 'to ang Chaos na kilala ko. Hindi siya ganito, at hindi ko alam na magiging ganito siya.
"Sira na ang ulo mo, Chaos!" sigaw ko, "Hindi na maibabalik ng kahit na ano pa man ang taong namatay na! Patahimikin mo na ang anak mo at itigil ang kahibangan na ito!" saad ko at pinaputukan siya pero madali niyang naiwasan 'yon.
May sixth sense ba ang hayop na 'to?
"Wrong move Dow." saad niya at saka itinutok na naman sa akin ang rifle at pinaputok.
Napapagod na ko, wala parin ang mga loko. May tama na rin ako sa kaliwang paa at kaliwang balikat. Mabuti na lang at hindi ako tinatamaan ng fatal ni Chaos, dahil kung nagkataon, ito ang magiging katapusan ko.
Dalawang bala. Saan ako pupulutin nito? Nanghihina na rin ako at nauubusan na ng lakas. Takte.
"Wala namang nagawa ang mga magulang mo. Namatay din naman silang nagmamakaawa sa mga buhay nila habang nakaluhod sa harapan ko."
Agad nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Maaaring napatay niya ang mga magulang ko, naisahan at naloko. Pero kahit kailanman, hindi nila gagawing magmakaawa para sa buhay nila at lalo na ang lumuhod sa harapan ng demonyong 'to. Hindi man ako lumaking kasama sila, pero hindi ganito ang kwento niya sa akin.
Namatay silang lumalaban para sa isang kaibigan. Namatay sila para at dahil sa isang kaibigan.
Ayokong magalit dahil posibleng mawalan ako ng kontrol pero, huli na ang lahat. Bago pa man ako makapagisip ng tama, nauna nang gumalaw ang katawan ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya.
Itinutok ko ng maayos ang baril ko sa kanya. Wala akong ibang nakikita kundi ang malademonyo niyang mukha. Ang galit na matagal kong kinimkim sa loob ko ay lalo pang nanggalaiti at nagngitngit.
Nararamdaman ko mula sa dulo ng mga daliring nakahawak sa baril ko hanggang sa talampakan ang pagkamuhi sa kanya at ang galit para sa sarili ko. Galit na hindi ko man lang naramdaman na siya pala ang taong matagal ko nang hinahanap. Ni hindi ko man lang siya pinaghinalaan.
Ma... Pa... Matatapos na po ang unang misyon ko na inabot ng ilang taon.
Bumuntong hininga ako, bumagal ang takbo at pilit na ikinalma ang nanginginig ko nang kamay. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko. Pero sa pagkalabit ko, nakaramdam ako ng matinding hapdi sa ulo ko.
May kung anong likido ang tumulo mula sa ulo ko pababa sa mukha ko hanggang sa tuluyan na ngang nahilam ang mata ko. Patuloy pa itong umagos sa mukha ko. Amoy kalawang ang likidong 'to.
Shit.
Agad na bumigat ang ulo ko at walang ano-ano, ay bumagsak ang katawan ko sa lupa at nakaramdam ako ng matinding hilo. Mabigat na rin ang talukap ng mga mata ko pero hindi ko iniaalis ang paningin ko sa nakangiting demonyo sa harapan ko.
"Sinabi ko na sa'yo, kamatayan din ang magiging katapusan mo." wika nito habang lumalakad papalapit sa akin.
Masyado nang mabigat ang talukap ng mata ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at tatanggaping na sa pagkakataong ito nagkamali ako at natalo, pero nakarinig ako ng putok ng baril mula sa likuran ko.
"Dow!" sigaw nila.
Nakahinga ako ng maluwag. Nandito na sila. Nahuli, pero nandito na sila.
"Kung sakaling mabuhay ka pa pagkatapos nito, hihintayin kita sa impyerno. Hanggang sa muli, Agent Dow." saad ni Chaos at saka mabilis na tumakbo papalayo.
"Dow! gumising ka! Idilat mo ang mga mata mo! Dow!" sigaw ni Wee
"Dow! Naknang! Dumilat ka!" sigaw naman ni Tian habang inilalagay ako sa mga hita niya at bahagyang niyuyugyog.
Napangiti ako, "hi-hindi ako ma-mamatay dito. Pa-patayin ko pa a-ang hayop n-na yon," sagot ko sa kanila habang bahagya pang natawa na siyang dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig ko.
Nakaramdam ako ng matinding hapdi sa ulo ko at bumigat na rin ng todo ito at unti-unti, nawawalan na ng lakas ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.
"Dow!"