A story that answered a question, "Can their status in life preserved their friendship for a long time?" 3 different women with 3 different stories but has same perspective in life. After their first heartbreak in their first love, they will meet each other and help themselves to be a better person.
- Juna Alcarez POV -
[ Winter, Year 2012 ]
Sakto ang lamig para sa malalamig na relasyon ng iba.
Lalo na kapag grades na ang pag-uusapan, sumasabay nga naman talaga ang panahon sa amin dahil ngayon rin ang announcement ng mga grades. Lalamigin ka talaga kapag nalaman mong bagsak ka.
Sakto rin sa panahon ang suot-suot kong gray jacket na galing pang ibang bansa. Mula sa kinauupuan ko kita ko ang ibang mga estudyante na nagsisi takbuhan papasok ng school dahil malapit nang isara ni guard ang gate.
Isa ito sa palagi kong nasasaksihan bago magsimula ang klase. Hindi ba sila nagsasawa na parati silang late? Oh kaya naman hindi ba sila napapagod kakatakbo dahil malapit na silang sarahan ng gate?
Weird students.
Anyway, our final exam has ended. Kasabay ng pag announced ng grades namin ay ang pag announced din ng mga top students sa school.
Alam ko narin ang resulta kahit hindi ko pa tinitignan ang naka post sa student board namin, tingin pa lang sa akin ng mga kaklase ko ay alam ko na kung sino ulit ang nasa top 1.
"I have your grades already." hudyat ng professor namin na nakatindig ang tayo nito sa harapan.
Iba't-iba ang mga naging reaksyon ng mga kaklase ko, may mga nakatakip na ng tenga para sa hindi kanais-nais na maririnig. May mga nagpapaluan ng braso dahil sa excited malaman ang bagsak nilang grades, meron ding mga nagsisi-sigaw na parang kinukurot ang mga singit.
Iyong iba naman tahimik at chill lang pero kinakabahan na iyan, at ang malala ay iyong pati kuko kinakagat dahil sa sobrang nerbyos. Kulang na lang kainin pa pati buong kamay eh.
"But before that, let's congratulate Juna for being the top notcher again of our school."
Lahat sila ay nag palakpakan pagkatapos sabihin iyon ng professor namin. Iyong iba naman na hindi tanggap ang resulta nakipalakpak din. Mga plastic.
"Congrats Juna!"
"Thank you."
"Okay let's see kung sino ang nasa last rank dito sa klase natin, are you ready?"
"Ma'am, pwede bang i skip na lang ang araw na ito?." saad ng isa naming kaklase.
"Takpan mo na ang tenga mo Mr. Coen Pondevida, you are in the last rank again." malumanay na saad ng professor namin.
Napatayo naman si Coen sa upuan niya at nagsimula na namang mag reklamo. "Teka lang ma'am! Ako nanaman?!"
"Wow ha, na surprise ka pa sa lagay na iyan?" saad ng katabi niya.
"Eh sino pa ba? Lagi naman na ikaw ang nasa last rank, walang pinagbago."
"Wala na bang maibabago iyan Ms. Imee?" Coen said.
"Meron naman, kung titino kana next year."
Tumawa lang ang ibang mga kaklase ko habang kamot ulo naman si Coen mula sa kinauupuan niya. Tinuloy na ni Ms. Imee ang pagbasa ng mga grades and rank namin for this semester, as usual ganun at ganun pa rin ang naririnig kong resulta.
Sobrang saya ko dahil na maintain ko ang ganitong grades for the whole year of my senior life. Pero hindi ko maiiwasan na makatanggap ng negative comments mula sa ibang mga estudyante.
Habang kumakain ako mag-isa sa cafeteria ay hindi ko maiwasan na makarinig ng ganito.
"Look girl, she's here."
"Siya nanaman ba iyong top 1 sa school natin? Nakakasawa na ah."
"Nandaya lang naman siya kaya siya ulit ang top sa school natin."
"Desperada kasi ang nanay niya, baka nga binayaran pa nila iyong school para siya ulit ang maging top student dito."
"Napaka yabang akala mo naman kung sino."
Mga alagad ni marites na walang ginawa kung hindi kuda ng kuda. Mag-aral kasi kayo ng mabuti para maranasan niyo rin na maging top sa school, hindi iyong pampaganda lang ang alam niyo.
Dahil sa inis ko nawalan na ako ng gana na ituloy pa ang kinakain ko. Mabuti nang umiwas sa mga ganitong klaseng tao kaysa naman na makipag talo ka pa.
"Junaaaaa!!!" Isang malakas na boses naman ang gumimbala sa cafeteria.
Patakbong tinungo ako ni Aiyah habang may bitbit na malaking teddy bear. Aiyah is one of my classmate, siya rin ang medyo close at nakaka-usap ko sa room namin.
"Saan galing ang malaking teddy bear na iyan?" I asked.
Agaw pansin din sa iba ang dala dala niya dahil sa malaki na nga iyong teddy bear eh napaka cute pang tignan.
Sana all.
"Heto na nga, I ku-kwento ko. Naalala mo pa ba iyong kinu-kwento ko sa'yong guy?"
"Uhm? Oo, bakit? How about that guy?"
"Kanina lang kasi nag confessed ako sa kaniya, at hindi ko inaasahan na gusto rin pala niya ako. Kaya heto binigyan niya ako ng teddy bear at- kami na."
Kitang-kita ko ang saya at kilig sa mga mata niya, iba talaga kapag tinatamaan ng pag-ibig.
"Kayo na agad agad? Binigyan ka lang ng teddy bear sinagot mo na?"
"Eh alangan naman na i reject ko pa siya?"
"Anyways, good for you. Congrats." sabay tapik sa braso nito.
"At saka hindi ko alam na matagal na pala kaming nagtataguan ng feelings sa isa't-isa, kaya masaya ako na nalaman ko na ang totoo. Kaya ikaw-"
"Ano?"
"Sabihin mo narin ang nararamdaman mo sa kaniya, malay mo parehas lang din kayo."
"No, no way."
"At bakit naman hindi! Paano malalaman ni Dew-"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad na tinakpan ang bibig niya. Napaka ingay ng gaga.
"Ano ba hinaaan mo nga iyang boses mo!"
"Sorry na, eh ang sinasabi ko lang naman-"
"Hindi. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakahiya ko. Kung wala ka ng sasabihin pupunta na ako ng library, see you later."
Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad palabas ng cafeteria.
We have this event at school right now and we called it "Confession Day". Kaya maraming mga estudyante ngayon ang todo pa ganda at pa gwapo, may mga ilan ding namimigay ng flowers sa isa't-isa, at iyong iba may pa chocolates at teddy bear pa katulad na lang na natanggap ni Aiyah.
I have this long time crush sa school namin, hindi lang siya long time crush, he's also my first love and he's the top 2 in our school.
Siguro naman walang mawawala sa akin kapag ginawa ko iyon diba? Besides, last na namin ito sa school na magkikita-kita dahil next year nasa kaniya-kaniya na kaming university para mag college.
Pagkatapos kong mag-aral mag-isa sa library ay agad akong bumalik ng classroom. Tinignan ko muna ang bawat sulok ng loob at labas ng room namin at sinigurado kong ako lang ang taong nandito. Nakakahiya kasi kapag may iba pang makakakita sa ginagawa ko.
Isang simpleng love letter lang ang ginawa ko, dahil wala naman akong alam sa confess-confession na iyan tulad ng ginagawa ng iba.
Iniisip ko tuloy iyong sinabi ko kanina kay Aiyah na never akong gagawa ng kahihiyan ko.
"Hindi. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakahiya ko. Kung wala ka ng sasabihin pupunta na ako ng library, see you later."
A liar, idiot person. I hate myself! Kainis.
***
Nakatayo na ako ngayon sa harap ng maraming tao habang humahanap ng tamang oras para lapitan siya. Saan kaya ako nakakuha ng lakas ng loob para gawin ito? Jusko marimar naman Juna.
Kasama niya ngayon ang mga kaibigan niyang varsity player ng school namin. Kung ma reject man ako sa harap niya hindi lang doble ang kahihiyan na matatanggap ko baka maisusumpa ko pa sa buong buhay ko ang araw na ito.
Nang makahanap na ako ng tyempo, huminga ako ng malalim habang hawak hawak ang love letter na ginawa ko at sabay sumigaw.
Oo, Isinigaw ko ng malakas ang pangalan niya sa harap ng maraming tao.
"DEWEY SANTOS!!"
Halos lahat ng mga estudyante na nakapalibot sa amin ay nagsi-tinginan sa direksyon ko.
Ano ba itong ginagawa ko?.
Lumapit ako ng marahan sa kanya at sabay iniabot ang love letter na ginawa ko.
"I like you... Dewey."
Ito lang ang mga salitang naisambit ko sa pagkakataon na iyon.
Nagulat ang karamihan at nagtaka sa mga narinig nila.
"Hindi ba si Juna iyon?"
"Oh gosh, is that the way she confessed to Dewey?"
"Napaka old fashioned! Akala mo naman papatulan siya."
"Siguro iniisip niya na may chance siya dahil magkasunod lang sila ng rank."
"Wake up girl, you're not his type."
Wala akong pake kung anong sinasabi iba, dahil maski ako wala akong alam kung tama ba ang ginagawa ko. Nakagawa lang naman ako ng eksena na hindi kailanman makakalimutan ng iba.
"Juna..."
"Please don't say anything. I just- want to say this to you."
Mga ilang minuto narin akong nakatayo sa harapan niya dala dala ang kahihiyan na ginagawa ko.
"I'm sorry Juna, but I cannot accept it." he said.
Sinampal ako ng malakas na katotohanan. Swerte nga ako pagdating sa pag-aaral pero sa love-life, kailanman hindi.
Narinig ko ang bulong-bulungan ng ibang mga estudyante na nasa paligid namin. Ang iba naman maka react sa pangyayari wagas, feeling mo sila iyong na reject. Kayo nasaktan? Kayo nasaktan? Hindi ba dapat ako ang mag react ng ganiyan ngayon?.
"Good job Juna, another memories you've created." bulong ko habang nakatingin lang sa love letter na hawak hawak ko hanggang ngayon.
"I'm sorry again Juna."
"No, it's okay. As I said I just want to tell you that. Anyway, nice to meet you again, Dewey."
This is my first heartbreak.
Nilisan ko na ang lugar kung saan ako gumawa ng eksena. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, iyong para bang may napuputol na ugat sa puso ko.
Marami paring mga estudyante ang nakatingin sa akin, iyong iba nagbubulong-bulungan pa at iyong iba naman dismayado ang mukha dahil sa natanggap kong rejection mula kay Dewey. Gusto kong umiyak pero ayokong gawin dahil mawawala ang pagiging maangas ko.
Nagpasya akong pumunta sa rooftop ng building namin at doon na lang mag drama. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. May dalawang babaeng estudyante ang parehong naka upo habang kumakain ng ice pop at parehas ding hindi maipinta ang mukha. Para silang binagsakan ng langit at lupa.
"Anong ginagawa niyo rito?" I asked.
Sabay naman silang humarap sa akin pero wala silang isinagot.
"Na basted karin, hindi ba?" saad ng isang babae sa akin.
"A-ako? Paano mo naman nalaman?"
"Iyong hawak mo, hindi ba love-letter din iyan? Para sa kanya iyan hindi ba? Nasa sayo parin kaya ibig sabihin ni-reject ka." saad ng isang babae.
Aaminin ko, ang sakit nila magsalita ha.
"Don't worry, we are all the same." saad pa nito.
Sabay nilang ipinakita sa akin ang gawa din nilang love-letter na hindi tinanggap ng taong pagbibigyan nila. Mga bata pa ba kami para sa ganitong gawain?.
Sa pagkakataong iyon ay nakahanap ako kahit papaano ng karamay, kaya tumuloy narin akong pumasok at sinamahan sila. Umupo ako sa gitna nilang dalawa na para bang mag kakilala na kami ng matagal.
"So.. Do you guys know each other?" I asked.
Sabay naman silang umiling na ang ibig sabihin ay hindi, hindi sila magkakilala. I thought they're friends dahil pareho pa silang kumakain ng ice pop.
"You want?" Aya sa akin ng isa sa ice pop niya.
"No, thanks." saad ko.
"It's our first time meeting each other."
"Siguro mga 1 hour and 30 minutes narin kaming nandito, hindi pa nga nauubos itong ice pop na kinakain namin and guess what we have new member."
"New member?" sabay silang tumingin sa akin na hindi ko naman nagugustuhan.
"A-anong tinitingin-tingin niyo diyan?"
"You're Juna right? Our top student in school."
"So?"
Pagkatapos kong sagutin ang tanong na iyon ay bigla naman silang tumawa. Are they out of their mind?.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" seryosong saad ko.
Napansin agad nilang nagbago ang tono ng boses ko kaya tumigil narin sila sa kakatawa.
"Oh, we're sorry. Actually wala naman, hindi lang namin in-expect na makakasama ka namin dito."
"Sorry your ass." bulong ko.
"Wala ba kayong napapansin?"
"Napapansin na ano?"
"It feels like we're destined for each other." Singit pa ng isa.
"Destiny your ass." saad ko.
"Tama nga iyong rumor na kumakalat sa buong school."
"Rumor? About what?" I asked.
"About your personality, you're a cold hearted person na mayabang at selfish."
As I expected, kumalat na nga sa school ang rumor na iyan.
"Oh, you're right. I'm that person and that's not a rumor." Saad ko.
Naging malungkot ulit ang ihip ng hangin sa paligid naming tatlo. Kasabay naman nito ang pag sandal ng ulo nilang dalawa sa balikat ko.
"Hoy anong ginagawa niyo? Tanggalin niyo nga iyang mga ulo niyo sa balikat ko!" Inis ko sa kanilang dalawa.
Hinawakan pa nila ang magkabilang braso ko habang umiiyak na parang bata. Two crying ladies na ayaw bumitaw sa akin, para silang mga linta.
"Hindi pa ba kayo tapos mag drama?" Inis na sabi ko sa kanila.
Kahit na inis na inis na ako sa paligid ko ay hinayaan ko na lang sila, dahil ramdam ko rin iyong sakit ng rejection mula sa kay Dewey.
Ngayon lang ako nakaramdam ng warmth and love galing sa ibang tao dahil sa pagyakap nilang dalawa sa mga braso ko.
Parehas lang kaming tatlo ngayon ng nararamdaman. Parehas kaming mga isinumpa sa pag-ibig, kaya naman unti-unti narin akong nahahawa sa emosyon nila.
Wala sa hilig ko na makisabay sa ibang mga tao, pero nagbago iyon dahil sa kanilang dalawa. Nagsimula narin akong mag drama at umiyak katulad nila. Tatlo na kami ngayon na crying ladies.
Habang nakikisabay sa pag-iyak nilang tatlo, napaisip rin ako sa kaninang sinabi ng isa sa kanila. Totoo nga bang destiny kaming tatlo na magkakilala sa hindi inaasahang pagkakataon?
Written By: UNBBLKM
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?