/0/27049/coverbig.jpg?v=10bb2eedd8a8d8ba48b3cf64543f5d60)
I'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm Immortal. I waited for him to be reincarnated. I lived a hundreds of years. She's the Warrior's King. Ngayon, muling nagtagpo ang kanilang landas sa hinaharap. Ang hari ng isang malaking kaharian ay isa nang kilalang bilyonaryo at may - ari ng malaking kompanya. And he's name is Arrow Vanwood. The Great King.
Europe
800 years ago...
Isang madugong digmaan.
Walang tigil na labanan.
Mga katawang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling dugo. Dalawang araw na din at wala paring tigil na patayan sa panig ng dalawang kaharian. Lahat ay pawang may ipinaglalaban.
Mapapansin ang isang babaeng walang kahit anong takot sa kanyang mga mata. Patuloy sa pakikipag espadahan sa mga kawal ng kaharian ng Micandre. Siya ang bukod tanging nakapaslang sa halos ilang libong kawal ng Micandre.
Tinatawag ito sa pangalang Ara, she's the warrior's King. Siya ang pinakamalakas na mandirigma sa kanilang kaharian.
Kanang kamay siya ng hari, kung iisipin si Ara ay ipinanganak para protektahan ang sumunod na hari. Maliit pa lamang ay nabuhay na sa mundo ng karahasan.
Wala itong awang pinapatay ang mga kalaban na humahadlang sa kanyang dinaraanan papunta sa hari ng Micandre.
Ang ilan ay sugatan pero nagpapatuloy parin sa pakikipaglaban.
Ilang kawal na ba ang namatay sa digmaan. Iyon ay hindi na mabilang sa dami ng katawang nakahandusay sa lupa. Dumadanak ng dugo. At parehong wala nang mga buhay.
Malapit na namang magtagumpay ang Vanwood ngunit makikitang iilan na lamang silang nakatayo at patuloy na hinarap ang kamatayan. Parehong mga handang sagupain ang kanilang landas para maipagtanggol ang kanilang kaharian. Sigawan, hinagpis halo - halo ang mga dalamhati ng mga taong nagsakripisyo ng kanilang mga buhay. Tanging si Ara at ang mga kasamahan ang patuloy paring nakatayo at lumalaban. Determinadong ubusin ang lahat ng kalaban na nais din silang wakasan. Dahil iyon ang utos ng Hari ng Vanwood.
'Walang dapat matira' 'yon ang utos ng hari
'Wala akong dapat itira' sabi naman sa isip ni Ara habang humahampas sa mga kalaban ang hawak na espada.
Isa itong digmaan sa pagitan ng Micandre at Vanwood. Nais sakupin ng Micandre ang palasyo ng Vanwood upang sila ang tuluyang maghari.
Ang Vanwood ang pinakamakapangyarihan na kaharian at nais iyon mapasakamay ng hari ng Micandre.
Kaya pagsapit ng bukang liwayway ay nakahanda na ang mga kawal ng Micandre upang sakupin ang palasyo ngunit hindi nila inaasahang umulan ng napakaraming pana na may kasamang umaalab na apoy sa mga 'yon.
Isang ngisi ang lumabas sa labi ng hari ng mga Vanwood.
Napatay ni Ara ang hari ng Micandre wala itong kahit anumang tinamong sugat sa katawan kundi bahid lamang ng dugo sa suot na nakuha sa mga kawal na pinatay. Ilang mga buhay din ang tinapos ng espadang iyon.
Umalingawngaw ang malakas na sigawan tanda ng kanilang tagumpay. Itinaas ang mga hawak na espada sa ere at sumigaw pa muli ang mga kawal ng Vanwood na nanatili paring nakatayo. Tapos na ang digmaan.
Tumayo naman si Ara sa pagkakaluhod sa lupa sa harap ng palasyo.
Suot niya ang karaniwang armor ng isang kawal. Pumasok ito sa loob ng palasyo para ibalita sa hari ang kanilang tagumpay.
Binuksan ng isang kawal na nagbabantay sa harap ng malaking pinto ng makita ang magiting na mandirigma.
Pagkapasok sa loob ay tumambad sa kanya ang bulwagan. Sa harap niyon ang hari na nakaupo sa kanyang trono habang sumisimsim ng pulang alak sa hawak na kopita. Madiin ang pagkakatitig nito sa kawal na pumasok, si Ara.
Dahan - dahan at walang pag - aalinlangang naglakad palapit si Ara sa hari.
Limang metro mula sa nakaupong hari. Iniluhod ang isang paa at yumuko ito bilang respeto.
"Nais ko'ng ibalita ang ating tagumpay, Mahal na hari" magalang na turan ni Ara sa hari.
Sumimsim muna ito sa inumin bago nagsalita.
"Good. You may leave, Ara" tipid at may halog lamig na sagot ng hari.
Hindi na tumingala si Ara sa hari bagkus ay tumayo at muling yumuko bilang pamamaalam. Iniiwasan iyon ni Ara, ang pagsalubong ng kanilang mga mata. Hindi niya gusto ang mga matatalim na tingin ng hari sa kanya tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata.
Hindi alintana ni Ara ang duguang mukha. Mabilis na naglakad palabas sa bulwagan. Hindi nito napansin ang pag - igting ng panga ng hari na animo may lihim na galit dito.
Dumaan si Ara sa west wing. Nais dumiretso nang sariling kwarto si Ara upang magpahinga.
Ngunit malapit na siya'y sumalubong naman sa kanya ang reyna.
Si Reyna Elizabeth Vanwood. Ang lola ng hari.
Kahit may edad na'y taglay parin nito ang kagandahan. Subalit halata sa mukha ang pamumutla. May malubhang karamdaman ang Reyna.
"Ara" salubong nito sa dalaga.
"My Queen" sambit ni Ara
Akmang luluhod si Ara pero pinigil ito nang pagyakap ng reyna. Mahigpit na parang may nais iparating.
"I'm glad you're alive. Thank you for being safe. Thank you for protecting us and your King" madamdamin na ani nito kay Ara.
Napalunok si Ara. Ito ang unang beses na niyakap siya nang mahigpit at pinasalamatan ng Reyna.
"It's my duty to protect you and the king, My queen" sagot nito halos hindi mabuo ang boses.
Kumalas ang Reyna sa pagkakayakap pero nanatiling hawak ang mga kamay ni Ara. Tulad ng yakap nito kanina ay mahigpit din ang pagkapit nito sa kamay ni Ara.
"Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinili ko para protektahan ang hari, Ara" may ngiting nakapaskil sa labi ng reyna
"It was my pleasure, My queen" sabi naman ni Ara.
"Nag - iisang apo ko lamang ang hari, Ara. Gusto kong habang nabubuhay ka'y protektahan mo siya. Ipangako mong gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kung nabubuhay pa sana ang kanyang magulang ..." emosyonal na sabi nito. Hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil bumagsak na sa pisngi ng matandang reyna ang luha.
Nakapagtataka. Hindi kailan man naging ganito kaemosyonal ang Reyna. Dumaan iyon sa isip ni Ara.
Tumingin ang reyna nang diretso sa mata ng dalagang si Ara. Mahigpit na hinawakan nito sa kamay si Ara.
"Hindi ka maaaring mamatay, Ara. Habang nabubuhay si Haring Aro kahit pa sa kabilang buhay o sa hinaharap protektahan mo siya. Mabuhay ka para sa kanya..."
"Dahil ikaw ang magiting na kawal ng hari. Ang tadhana ang siyang maglalapit sa inyo. Ikaw ay para sa hari, ang lahat ay may hangganan, ngunit mamamatay ka't mabubuhay, ang buwan at taon ay mag - iiba ngunit ang tadhana ay hindi mababago. Sa araw na magtagpo ang inyong landas ng hari ay magpapatuloy ka sa iyong tungkulin"
Napakurap ng ilang beses ang dalaga. Nalilito, naguguluhan sa mga sinasabi ng reyna.
Ano ang nais nitong ipahiwatig sa kanya gayong buhay pa siya. Anong ibig sabihin ng sinabi nitong 'mamamatay at mabubuhay'.
Napalunok si Ara nais tanungin ang gustong iparating ng Reyna ng Vanwood. Mahiwaga ang bawat salitang binigkas nito.
"...You will live an eternal life" isang bulong na nagpahindik sa kanya. Parang isang malamig na hangin na biglang dumaan at nanindig ang balahibo ng dalaga.
Tumayo ang lahat na yatang balahibo sa katawan dahil sa mga salitang lumabas sa labi nito.
Pakiramdam ni Ara ay may ibig sabihin ang mga binigkas ng reyna. Kahit naguguluhan ay sumang - ayon ang dalaga.
Ilang araw pa'y nagdalamhati ang kaharian ng Vanwood dahil namayapa na ang mabait na reyna.
Lumisan ito sa mundo ng may ngiti sa labi.
-end of prologue-
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!