/0/27132/coverbig.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00)
Meredith, a cooking club' s new member at BSU, has grown up always feeling like she's waiting for someone. Being riddled with sad dreams that always left her waking up with a wet face, fear of loud noises, and a birthmark on her temple, has always felt like there is someone she is missing. Randall, her classmate, a swimming club's new member at BSU has also spent his life searching for someone whose face he can not remember. Until destiny brings them together due to some circumstances wherein they have to pretend to fulfill Don Warrick's dying wish which is a fixed marriage. Meredith accepted it because her mother wanted her to get married for some reasons she didn't know and to pay the debt left to them by her late father. And Randall to get its inheritance. The pretense led to a beautiful love story. But when they finally found and love each other, their lives will be disturbed again by the people they have been looking for for so long. Would Meredith and Randall accept it if they found out that the person closest to them was the root of the tragedy of their past?
SA MADILIM na silid ay may dalawang taong labis na nagmamahalan, sa kabila ng pagkakalayo ng estado nila sa buhay, ang magkayakap habang nakaupo sa sofa kung saan walang ibang maririnig kundi ang kanilang munting mga hikbi. Dalawang taong pilit na pinaghihiwalay ng tadhana. Ang dalawang tao na nagsimula sa pang-aapi at panliliit na sinubok ng panahon. Na sa kabila ng kanilang magkaibang mundo ay nangibabaw sa puso't-isip nila ang matamis na pagmamahalan. Ngunit walang permanente sa mundo. Na darating ang araw na kailangang bumitaw at magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
Bahagyang inilayo ng binatang ang sarili sa nobya na nakahilig sa kaniyang kaliwang balikat saka tinitigan ito sa mata sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Mahal kita," buong pusong sambit ng binata.
"Tandaan mo na kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal na mahal kita," dugtong pa nito ng walang mga salitang lumabas sa bibig ng dalaga matapos niya ito gawaran ng halik sa noo nito.
Nanginig ang labi ng dalaga. "B-bakit kung makapagsalita ka parang iiwan mo na ako?"
Hindi nakasagot ang binata.
"Nangako tayo sa isa't isa, hindi ba? Walang iwanan kahit na anong mangyari? Na sabay nating haharapin ang lahat ng pasubok na darating sa atin?"
Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi ng kasintahan. "Alam ko. At hindi ko nakakalimutan iyon. Pero lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan."
Umiling-iling ang babae. "No! Ayoko! Hindi ko kakayanin kung mawawala ka."
"A-alam kong masakit, pero kailangan mong tanggapin na hindi tayo ang para sa isa't isa. Hindi mo ba napapansin, habang masaya tayo ay may mga taong nasasaktan?"
"I don't care about them! All I need is you!" giit pa ng dalaga saka mahigpit na yumakap sa binata.
Mahigpit na niyakap ng binata ang dalaga kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Marami na silang nalagpasan na pagsubok lalo na siya sa kamay ng ama nito. Ngunit tulad nga ng sabi niya rito kanina, may hangganan ang lahat ng bagay sa mundo. Na kapag pinagpilitan niya ang sarili sa dalaga ay mapipilitan ang ama nito na dalhin ang anak sa abroad upang hindi na niya ito makita pa kailanman. Mas gugustuhin niya na kahit hindi siya ang kasama nito, ang mahalaga ay nakikita niya pa rin ito kahit sa malayo.
Nabanggit kasi sa kaniya noon ng dalaga na nais itong ipagkasundo ng ama sa anak ng kaibigan nito na isang sundalo rin. Nang malaman niya iyon ay doon na siya nagkaroon ng insecurities. Hindi niya maiwasan na bumaba ang tingin niya sa kaniyang sarili kahit na hindi naman iyon ang ipinaparamdam sa kaniya ng dalaga.
"Please! Don't leave me. I love you! I love you so much!" walang tigil na sambit ng dalaga.
Bumuntong hininga ang binata. Mahal niya ang dalaga at alam ng Diyos kung gaano niya kagusto na ipaglaban pa ang nobya. Kaya naman hinayaan muna niya ang sarili na makasama pa ito sa huling pagkakataon.
"Okay, I'm sorry. Stop crying. I promise, I will never leave your side," aniya kahit pati sarili niya ay niloloko na niya. Talagang pagdating dito ay sadyang nanghihina siya.
Matapos iyon ay biglang bumukas ang pinto ng condo na kinalalagyan nila ngayon at iniluwa ang ama ng dalaga na galit na galit dahilan para maghiwalay at mapatayo sila pareho sa kanilang kinauupuan.
"What's the meaning of this?" galit na bungad ng heneral sa kanila.
"Pa?" gulat na sambit ng dalaga saka muling yumakap nang mahigpit sa bewang ng binata mula sa tagiliran nito.
"Bitiwan mo ang anak ko!" suway nito saka hinatak ang anak palayo sa binata.
"Pa, tama na! Hayaan mo na kami!"
Dinuro siya nito. "Tumahimik ka!"
"Tama na ho! Mahal ko ho ang anak ninyo?" pigil ng binata.
"Ano?!" hindi makapaniwalang sambit nito.
"Mahal ko po siya, Pa! Kahit ano pang sabihin o gawin n'yo, mahal namin ang isa't isa!" giit pa ng dalaga.
"Mas pipiliin mo ang lalaking 'yan kaysa sa akin, huh?! Hindi siya ang lalaking nararapat para sa 'yo! Hindi ka niya kayang buhayin!"
"May prinsipyo ho siyang tao! Dahil sa kaniya, unti-unti akong nagbago. At masaya ako sa piling niya! Please, Pa, hayaan mo na kami," pagmamakaawa pa ng dalaga.
"Mamili ka! Ako na sarili mong ama o ang hampas lupang iyan?" duro nito sa binata.
Pikit-matang sumagot ang dalaga upang manindigan. "I'm sorry, Pa, per–" hindi na natapos ng dalaga ang nais nitong isagot sa ama nang sampalin siya nito.
Agad namang humarang at lumuhod ang binata sa sa harapan ng heneral. "Tama na ho! Huwag n'yo na siyang saktan. Ako na ho ang humihingi sa inyo ng pasensiya. Hayaan ninyo, a-ako na ho ang lalayo."
"No!" tutol naman ng dalaga.
Umiling-iling ang dalaga nang wala siyang nakuhang tugon mula sa nobyo. "Don't do this to me," pagmamakaawa pa nito.
Pakiramdam ng dalaga ng mga oras na iyon ay sinukuan na siya ng nobyo. Kaya naman hindi na ito nakapag-isip pa ng tama at mabilis na dinukot ang baril mula sa ama nito na ikinagulat ng dalawa.
Humakbang palayo sa kanila ang dalaga habang nakatutok ang hawak nitong baril sa kanang sintido nito.
"A-anak. B-bitiwan mo 'yan, pakiusap," litaniya ng heneral.
Buong buhay niya ay ngayon lang niya nakitaan ng ganoong takot at kaba ang kaniyang sariling ama. Ngunit sa huli ay nangibabaw ang sakit sa dibdib niya kaya umiling siya saka tumingin sa mga mata ng binata.
"Kung lalayo ka rin lang at hindi tutupad sa mga ipinangako mo sa akin ay mas mabuti pang mamatay na lang ako."
"No! Please, don't! Hindi suicide ang sagot sa problemang ito," pagpapakalma naman ng binata.
"Bakit? Sa tingin mo ba ang paglayo mo sa akin ang sagot sa problemang ito?" Napipilan ang binata sa sinabing iyon ng binata.
"Huwag kang lalapit!" suway naman nito sa ama nang akmang lalapit ito sa dalaga.
"Anak, please! Give that gun back to me!" muling pakiusap ng heneral ngunit hindi ito pinakinggan ng dalaga.
Sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay tila napagod na rin siya. Tinignan niya ang binata.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita," huling sambit ng dalaga saka nito kinalabit ang gantsilyo.
"Huwag!" hiyaw ng binata saka tuluyang lumapit sa dalagang naliligo na sa sarili nitong dugo.
"G-gumising ka! Huwag mo kong iwan!" hiyaw ng binata.
"I'm sorry. . . A-ako, ako dapat ang mamatay dahil hindi ko tinupad ang mga ipinangako ko sa 'yo," sumamo pa nito sa pagitan ng mga hikbi nito.
Nang mahagip ng mga mata ng binata ang baril sa gilid ay mabilis niya iyong kinuha. "M-mahal na mahal din kita."
Matapos nitong bitawan ang mga salitang iyon ay hindi na nagdalawang-isip pa ang binata na kitilin din ang sarili nitong buhay sa harap ng kasintahan dahil walang laman ang isip nito ng mga oras na iyon kundi ang tuparin ang ipinangako nito ritong hindi sila magkakahiwalay na dalawa kailanman.
Si Kallie, isang pipi na hindi pinansin ng kanyang asawa sa loob ng limang taon mula noong kanilang kasal, ay dumanas din ng pagkawala ng kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang malupit na biyenan. Pagkatapos ng diborsyo, nalaman niya na ang kanyang dating asawa ay mabilis na nakipagtipan sa babaeng tunay niyang mahal. Hawak ang kanyang bahagyang bilugan na tiyan, napagtanto niyang hindi talaga siya nito inaalagaan. Determinado, iniwan niya siya, tinatrato siya bilang isang estranghero. Gayunpaman, pagkaalis niya, nilibot niya ang mundo para hanapin siya. Nang muling magtagpo ang kanilang landas, nakahanap na ng bagong kaligayahan si Kallie. Sa unang pagkakataon, nakiusap siyang nagpakumbaba, "Pakiusap huwag mo akong iwan..." Ngunit ang tugon ni Kallie ay matibay at hindi mapag-aalinlanganan, na pinuputol ang anumang matagal na ugnayan. "Mawala!"
Dahil sa gulo sa pamilya, si Zen Luo, ang dating pinakamayamang apo, ay naging isang alipin. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon, natuklasan niya ang sinaunang sikreto ng paghuhubog ng mga makapangyarihang sandata. Gamit ang kanyang katawan bilang sisidlan at ang kanyang kaluluwa bilang lakas, siya ay dumanas ng libu-libong pagsubok upang maging isang diyos! Ang kanyang pagbangon ay nagsimula sa pagtanggap ng mga palo at suntok. Sa gitna ng labanan ng mga makapangyarihan at digmaan ng mga lahi, siya ay tumindig bilang isang tunay na mandirigma. Gamit ang kanyang katawan na parang isang makapangyarihang sandata, tinalo niya ang lahat ng kanyang mga kaaway!
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
Pagkatapos ng high school, tinraydor ni Horace ang kanyang ex-girlfriend sa ospital. Doon niya nalaman ang totoong pagkakakilanlan mula sa kanyang inang-ampon. Mula noon, nagbago ang kanyang buhay at umangat siya sa lipunan. Lahat ng gustong umapi sa kanya ay binigyan niya ng leksyon! Sa buong mundo, wala nang mas mayaman pa sa kanya. At doon, naiwan niya ang kanyang sikat na kasabihan: "Huwag mong subuking pantayan ang aking allowance gamit ang iyong taunang kita."