Si Savannah Everleigh Dela Torre ay isang babaeng naipit sa isang sitwasyon na hindi niya inakalang babaguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi siya naniniwalang may taong dadating na mamahalin niya at mamahalin siya. Ngunit isang lalaki ang gugulo sa kanyang buhay, kung saan matututunan niyang magmahal ng lalaking imposibleng mapasakanya dahil may pinangakuan ng iba. Ilalaban ba niya ang nararamdaman niya kahit alam niyang may karapatan na siya o mas pipiliin niyang magparaya sa pagmamahal na parang hindi sa kanya? Love will play Savannah but Savannah already trained for this game.
Savannah's Pov:
Nasa harap pa lang ako ng gate namin ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Tila nasagot ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko nang makita ko ang kotse ng tatay ko.
"Kanina pa ba siya nandyan?" tanong ko sa guard namin. Alanganin naman itong tumango.
Napabuntong-hininga naman ako bago ko tinuloy ang pagpasok sa bahay.
"Everleigh!" sigaw ng tatay kong kanina pa ata ako inaantay. Ang sakit niya talaga sa tenga.
I just look at him. Hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.
"Ano bang plano mo sa buhay mo? Pinapahiya mo ang sarili mo, pati na rin ang apelyidong dala-dala mo," galit na sabi niya. Kung makapag-react akala mo naman first time lang nangyari 'to.
Ano nga ulit ang sabi niya? Pinapahiya? Ako pa talaga ang nagpapahiya sa apelyido niya? Ayoko rin naman maging apelyido ang apelyido niya. Nagiging magkatunog ang buong pangalan namin ng babaeng 'yun.
"Bakit ka ba nagagalit? Malay ba ng mga tao diyan na ikaw ang tatay ko. Malay ba nila na anak ako ng isang babaerong bussiness man? Ayoko din naman ipagkalat kahit pwede ko namang gawin iyon," inis na saad ko.
"How dare you! Anong karapatan mong lumaban sa akin, anak lang kita," saad niya sabay duro sa mukha ko. Nandyan na naman siya sa paborito niyang linya.
"Whatever Dad! Akyat na ako sa kwarto," walang galang kong sabi at tinalikuran siya.
Dumaan muna ako sa kusina, naabutan ko yung nanay ko na umiiyak.
"Nak, bakit ka naman kasi nakipag-away ulit? Look at your beautiful face, may galos na naman," nag-aalalang saad ng nanay ko.
Hindi ko alam isasagot ko, iba ako kay papa at iba ako kay mama. Tiningnan niya lang ako at nakipagtitigan na lang din ako sa kanya.
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita ulit.
"Okay, pumunta kana muna sa kwarto. Maligo ka at susunod ako para gamutin yang sugat mo," sabi niya at sinunod ko naman siya.
Pumasok ako sa kwarto ko at didiretso sana sa banyo nang may napansin ako.
"Hi," ngiting-ngiti niyang saad.
"What are you doing here, Baril?" tanong ko sa kanya.
Yung mga nakakapikon niyang ngiti ay bigla namang nawala at nag-pout pa talaga. Sipain ko kaya ang batang 'to?
"Ate naman, baril pa rin hanggang ngayon? I'm Gun, don't call me baril, nakakahiya pag may nakarinig na iba," sabi niya habang lumalapit sa akin at niyakap ako.
"Aray!" daing ko nang masagi niya ang isa sa mga sugat ko sa braso.
"Ayan kase, walang pinagbago," mapang-asar niyang saad at sinundot-sundot pa ang mga ito.
"Ano ba? Kung sipain kita palabas dito sa kwato ko?" banta ko sa kanya. Lumayo naman siya sa akin at bumalik sa pag-upo sa kama ko.
Hindi ko na muna naituloy ang pagligo dahil sa batang to.
"Bakit ka sumama dito?" tanong ko sa kanya.
"Bored ako sa bahay, lagi namang wala sila ate at kuya dun," sabi niya pa at tuluyan nang humiga sa kama ko.
"Porket wala ang ate at kuya mo, ako ang pinupurwisyo mo?" kunwaring galit na saad ko.
"Ate naman, minsan na nga lang kita makita, magmamaldita ka pa," maktol niya. Natawa naman ako sa inasta niya.
"Okay lang naman na pumunta ka dito. Ang mali mo lang ay, may guest room naman at dito ka pa sa kwarto ko tumambay," saad ko at tumayo na dahil napagdesisyunan ko nang maligo. Feeling ko kasi anytime mahihilo na ako, mabagok pa ako sa banyo, ikamatay ko pa.
"I'm your little brother, bawal na ba ako dito? Dati naman pwede ah," sabi niya.
"Half-brother Gun, half-brother," walang gana kong sabi. Natahimik naman siya kaya tuluyan na akong pumasok sa banyo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman malala ang sugat ko, hindi naman ako gangster kaya mild lang yung sapakan kanina.
"Ate, tumutunog cellphone mo," sigaw ni Gun mula sa labas kaya naman binuksan ko ang pinto ng banyo at kinuha ang cellphone ko na hawak-hawak niya.
"Thank God! Mabuti at sinagot mo na, si Angel umiiyak pa rin. Bar daw," saad ni Ellyssa, isa sa mga kaibigan ko.
"Okay, antay lang. Nangangati ako. Ililigo ko muna to," saad ko bago pinatay ang linya.
Umalis ako ng bahay nang walang paalam. Sigurado naman akong walang papayag. Nandito na ako sa harap ng bar na sinabi ni Ellyssa. First time namin dito dahil hindi na kami pwede sa bar na madalas naming tamabayan dahil nagkagulo doon dahil sa amin.
"Good Evening Ma'am Sab," sabi nung bouncer sa bar.
"Sab?" tanong ko dun sa bouncer. Tinitigan niya naman yung buong mukha ko.
"Ay sorry po Ma'am, kahawig niyo po si Ma'am Sabrina," sabi niya. Sabrina? Hindi ako 'yon, mukha lang.
Papasok sana ako nang tawagin ako ulit ng bouncer.
"Ma'am kilala niyo po ba 'yun? Kanina pa po kayo sinisipat-sipat," sabi niya.
Don't tell me?
Lumabas naman ako ulit at nandun nga si Gun na ngiting-ngiti sa akin. Akala ko tulog ang isang to nang iwan ko sa kwarto.
"Umuwi ka, bawal ka dito," sabi ko.
Ngumisi lang naman siya. Hindi naman talaga siya minor, besides matangkad siya, kaso nga lang ang bata ng mukha pati ugali.
"Ayoko nga, sumbong kita kay Daddy dyan eh," banta niya, as if naman matatakot ako.
"Natatakot ako Gun," sarkastiko kong turan.
"Ate naman , kakauwi mo nga lang, tapos nandito ka na naman, tapos pag uwi mo later or tomorrow may another bruises ka na naman? " saad niya sabay padyak pa ng paa. Bata pa nga ata.
"Wag kang ngang ano, dadamayan ko lang ang ate Angel mo," sabi ko.
Kahit madilim alam kong nagblush ang loko, don't tell me may crush ang batang to sa kaibigan ko? Hindi sila bagay.
"Umuwi ka na, ako pa talaga ang tatakutin mo, kung ako kaya ang magsumbong kay Papa na nandito ka?" sabi ko. Halata sa mukha niyang natakot siya kaya naman tumango na lang siya.
Sinamahan ko siyang pumara ng taxi.
"Kuya, ihatid mo nang maayos yan ah, kung hindi makakatikim ka sa akin," banta ko dun sa driver na ikinatawa ng kapatid ko.
Bago pa ako makatalikod, nadinig ko pang may sinabi ang driver.
"Katakot naman nung ate mo bata," saad ni manong.
Agad naman akong pumasok ulit at nilapitan ang mga kaibigan ko.
"Ang tagal mo, alam mo yun? Nakita na kita sa entrance tapos bigla ka pang nawala, don't tell me may nakita ka na gwapo tapos hinila mo?" saad ni Ellyssa, isa sa mga kaibigan ko. Hindi pa nga ako nakaupo, ganito agad ang bungad sa akin.
"Gwapo? Ano 'yon?" saad ko at pabagsak na umupo sa tabi nang babaeng mugtong-mugto ang mata.
"Huy! Naiganti na nga kita sa gago mong ex-boyfriend, umiiyak ka pa rin, sana pala pinasuntok na lang din kita dun sa lalaking yun," sabi ko at nilagok ang beer na nasa harap ko. Ayoko sa lasa kaya binitawan ko agad.
"Huy Savannah! Ibahin mo naman kami, maybe masaktan man kami ng taong mahal namin, di naman namin kayang saktan yun ng pisikilan no," saad ni Ellyssa. Ang hilig talagang sumingit.
"No comment. Pero kanina pa kayo dito?" tanong ko kay Ellyssa, siya na lang natirang matino eh, halatang lasing na itong katabi ko.
"Yes sobra, ang tagal mo naman kasi. Kita mo yang si Angel, siya umubos ng mga yan," sabi niya sabay turo dun sa mga boteng nagkatumbatumba na.
"Hindi mo man lang pinigilan, lagot tayo sa parents niyan, iuwi mo na lang yan, uuwi na lang din ako nasa bahay yung magaling kong tatay eh," sabi ko at tinulungan siyang alalayan si Angel na ngayo'y tulog na. Tinanaw ko ang kotse ni Ellyssa bago ako pumunta sa sarili kong kotse.
Malapit ko na sanang mabuksan ang pintuan ng kotse ko , nang may siraulong humila sa braso ko.
"Sabrina, please don't leave me," sabi nitong lalaking 'to.
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."