/0/27247/coverbig.jpg?v=430e34ce1b1a9746af0586199ea9fdd6)
Lahat ng paghihirap ay nagtatapos. Lahat ng sekreto ay nabubunyag. Ang Maykapal lamang ang siyang may alam ng tamang panahon kung kailan ka makakalaya, kung kailan mo mararating ang rurok ng tagumpay. Ang nobelang ito ay napapatungkol sa buhay ni Caroline Kadenya, isang ordinaryong babae na ang ambisyon ay magkaroon ng tahimik na buhay. Ngunit hindi lahat ng inaasam ay matutupad sapagkat mag iiba ng tuluyan ang direksiyon ang kaniyang buhay. At magsisimula ang lahat nang pumasok siya bilang tagapangalaga ng young master (itinatago ang identipikasyon) sa isang kilala at mayamang pamilya sa lungsod. Sa pagtatrabaho ay nagkaroon siya ng mga pagsubok na pagsilbihan ang pamilya. Sa kaniyang pananatili ay nakagawa siya ng mga bagay na nagustuhan ng pamilya at inalok siya two year contract extension para magpatuloy na magtrabaho. Hindi alam ni Caroline na ang patuloy na pakikipagsapalaran niya sa mga mayayaman ay ang maguudyok sa kaniya na bumalik sa kaniyang nakaraan. Ang nakaraan na kaniyang nakalimutan at nagsilbing kalbaryo ng kaniyang buhay. "Ang mundong ito ay hindi kagaya ng opinyon mo. Mapayapa? Malaya? Hindi! Kahit kailan hindi! It is conquered by evil deeds, evil things, evil people! And I do hope you realized you are one of them-" Caroline Kadenya. Ano ang kaniyang nakaraan at ano ang kaniyang kinabukasan? "Let me heal you and help you start a new life-" Roman Niel Jones 'Young Master of Hacienda Villa el Jonas' -A novel dedicated to Carol Pasiwat-
PROLOUGE - NAKARAAN
Limang taon na ako nang magkamulat sa totoong nangyayari sa aking paligid. Paano ba naman at hinahayaan akong mag isa ng aking mga magulang dahil sa kanilang trabaho. Isang kilalang businessman ang aking lolo na nagmamay ari ng VANESSA, ang brand ng clothing company na kilala sa buong bansa.
Ang aking ama ang kaisa isang anak ng pamilya, kung kaya't inaasahan siyang tagapagmana nito. At sa kadahilanang hindi kami kabilang sa VANESSA ay ipinagkait ng pamilya ang aking ama kay mama. Siguro ba ay dahil ayaw nila sa aking ina na ang pamilya ay nagpapatakbo lamang ng isang repairshop na siyang bumubuhay sa pang araw araw na maihahain sa bibig ng mahigit anim sa pamilya.
Sa pagkakaalam na nakapag asawa si mama ng mayaman ay maiaangat ang pamilya niya kahit pa hindi legal na kasal at nadaan lamang sa kapanganakan ko. Ngunit hindi. Bagkus, mas lumala pa ito nang hindi matanggap ng pamilya ni papa na may relasyon ang tagapagmana ng VANESSA sa isang mahirap na halos magtikim ng lupa kung walang makain.
"I will never accept that all of my hardworks will end to woman like her," wari ni lolo sa sala habang ako'y isang mosmos pa lamang na patakbo takbo sa malalaking poste ng kaniyang mansion.
Ang kaniyang assistant (uncle Toto kung aking tawagin) ay nagsalita. "Senior, the media had taken over gossips between them. Ang iyong utos ang siyang masusunod."
Napatingin muna sa akin si uncle Toto at kaagad ay tumakbo ako papalayo. Napagsabihan kasi ako na hindi makikinig sa anumang usapan ng mga matatanda.
Umuwi ang aking papa galing trabaho sa hapon na iyon. Gaya ng kaniyang suot ay nakatuxedo at ang black tie sa gitna ng kaniyang katawan. Sinalubong ko siya ng isang napakainit na yakap at tatlong halik sa aking mukha, isa isa sa aking magkabilang pisngi at sa aking noo.
Nagustuhan ko ang ganitong pagbabati ni papa tuwing nagkikita kami at siya namang ibinabalik konito sa parehong paraan. Ngunit nasira ang aming pagsalubong sa pag anyaya ni uncle Toto sa kaniya para magtungo sa Study.
Nagbalik si uncle Toto ilang minuto.
Napaluhod siya sa harapan ko na para bang magpopropose sa aking ng singsing at nagwika. "Ibabalik kita sa mama mo dahil may pupuntahan ang papa mo ngayon," napaluhod siya at mahinahong isinaayos ang aking jacket.
Maya maya pa ay hinawakan niya ang aking kamay, isang normal na bagay na parating ginagawa sa akin tuwing susunduin ako at ihahatid kay mama. Pumasok na kami sa sasakyan at umalis ng mansion.
"Anak ko! Yakap nga?" Masayahing pagkakasabi ni mama habang sinasalubong ako ng mga yakap. Tumayo ito at nagpasalamat. "Thank you assistant Gerald," at napatango pa si mama bago kami makaalis.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa namin patungo sa bakuran ng aming tahanan ay natigil ito nang maramdaman kong hindi na muling gumalaw ang mga paa ni mama.
"Nakita mo ba ang pa--" napahinto si mama sa pananalita. Ako naman ay napatingala sa kaniya kung saan magsisimula ng tumagos ang mapulang dugo sa kaniyang damit kasabay ng pagkatumba niya sa sementadong daan.
"Mama?" Nagkahiwalay ang aming magkahawak kamay dahil sa kaniyang pagbagsak. Hindi ko alam ang ibig sabihin non ngunit napaiyak na ako nang hindi niya ako sinagot at kitang kita ko abg duguan niyang mukha habang nakadilat ang mata niya na nakatingin sa akin.
Pagkalingon ko sa likod para humingi ng tulong kay uncle toto ay kita ko na ang malayuhang pag alis ng sasakyan. Napaiyak na lamang ako bago dumating sina lola at lolo nang makita nila kami sa labas.
Ito ay isang bagay na hindi makakalimutan at pinagmulan ng poot ng aking buhay.
Ilang oras pa ang nakalipas sa pagkamatay ni mama ay sinama ako ni lolo sa isang lugar malayo sa amin. Hindi ko alam ang dahilan. Isang araw na lang ay nagising ako bilang si Caroline. Pangalan na alam kong hindi tugma sa aking totoong pangalan, dahil maniwala man kayo o hindi, ako si Vanessa Felencio Skyler. Ang anak ng namayapang Helen Felencio at tagapagmana ng VANESSA, Samuel Skyler.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?