/0/27296/coverbig.jpg?v=20220523204554)
She won't like him. That was Shyne thought. But she made it.. she fell in love with Roblake. They fell in love with each other. But problem came and they broke up. Shyne leave the country and came back after nine years. Ony to find out that Roblake is engaged with Lala, her best friend.
"Ay, tapos na?!"
Napasimangot ako nang makitang nagsisialisan na ang mga estudyante galing ng school dome. Ano ba 'yan! Nagmamadali na nga ako tapos hindi pa rin ako nakaabot ng flag ceremony! Ni hindi na nga ako nakapag-almusal!
Masama ang tingin ko sa lupa habang tinatahak ang daan papuntang HUMSS building. Nasa second floor ang classroom ko dahil grade twelve. Sa grade eleven naman ang mga first floor.
Pagkarating ko ng classroom ay nadatnan kong sarado pa kaya sumandal na lang ako sa railings sa harap. Wala pa ang mga classmates ko dahil malamang ay um-attend pa ng flag ceremony. E 'di sila na ang maaaga!
"Uy, si Shyne! Late na naman..." Tinawanan ako ni Yanyan nang makita niya 'ko. Kasama niya ang lima pa naming tropa.
"Huwag mo 'kong binibwisit." I rolled my eyes at him. Inisin na 'ko nila huwag lang ngayong nagugutom ako at baka sila pa ang makain ko. Ay, huwag na lang pala. Ako lang pala ang masarap sa amin.
"Wala ka pa ring pinagbago, palagi ka pa ring late," sabi ni Ghea sa akin.
"Nagsalita ang Principal's speech na lang ang naabutan," tumawa si Eya.
"Yabang mo, late ka rin naman pala!" Umirap ako kay Ghea. Kung makapagsalita siya, ha. Nung junior high nga, nauuna pa ako sa kaniya minsan.
Umalis na rin sila sa harapan ko nang dumating na ang mga kaklase nila. Magkakaiba kasi kami ng sections pero pare-parehong grade twelve HUMSS. HUMSS 4 sila Yanyan, Ghea at Lala. HUMSS 6 naman sila Jaja, Eya, at Xeianne. Ako, HUMSS 1, ang tanging naiba.
Nakarambol ang mga estudyante kaya kapag sinabing HUMSS 1, hindi lahat ay matatalino.
"Hindi na naman naka-attend ng flag ang president natin!" Anunsiyo ni Sandra nang makita ako. Kasama niya ang iba pa naming mga kaklase. "Sibakin na 'yan!"
"Bakit? Sino ba ang tangang nag-nominate sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil siya ang walang hiyang nag-nominate sa akin noong election. Gustong-gusto kasi akong bigyan ng responsibilidad ng gaga parati.
"Ako ang nag-nominate sa 'yo pero hindi ako ang tanga dahil si Kharyl 'yon." Humalakhak pa siya para inisin si Kharyl na agad na umirap lang sa kaniya at dumiretso sa pintuan para buksan iyon. Si Kharyl ang keyholder namin dahil siya ang pinakamaaga parati.
Maaga rin naman ako, pero para sa second subject na.
Pagkabukas ni Kharyl ng classroom ay pumasok na rin kami kaagad. Sa likod ang puwesto ko at napapagitnaan ako nila Kharyl at Sandra.
"Sign here," may inabot sa aking papel si Kharyl nang makaupo na kami.
"Nakaka-inlove ka naman 'e..." Napangiti ako nang makitang attendance iyon ng mga um-attend ng flag ceremony. Kinuha ko agad iyon at pinirmahan bago binalik sa kaniya.
Class monitor rin namin si Kharyl. Si Sandra naman, walang role, walang silbi. Nabuhay lang yata siya para mang-inis.
"Pa-good shot lang 'yang si Kharyl dahil may test mamaya sa UCSP," sabi ni Sandra.
"Meron ba?" Nangunot ang noo ko. "Hindi ako nakapag-review kagabi..."
Nanonood ako ng kdrama kagabi 'e. Kdrama first before anything else ang motto ko dahil hindi naman ako kinikilig sa pag-aaral. Naiistress ako, oo, hindi lang talaga halata dahil maganda ako.
"May quiz rin sa E-tech pero kaya na 'yan ng stock knowledge mo!" Pampalubag-loob pa ni Sandra. "Sa 'yo nakasalalay ang buong HUMSS 1!"
"Ulol." Umirap ako.
Natahimik na rin kami nang dumating na ang adviser namin na si Miss Bea. Subukan mong tawaging ma'am at malilintikan ka.
Nagsimula rin siyang magklase kaagad sa subject niyang Filipino sa Piling Larang at talagang super focus kami dahil ayaw naman naming maka-one point. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkaklase at napatigil lang nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya agad iyon at nang matapos ang tawag ay tumingin siya sa akin.
"Go to the Guidance Office-"
"P-po?" I blinked many times. Sa Guidance?! Anong kasalanan ko?! Nagpapakabait naman ako, ah!
"Yes, Shyne. Sa Guidance," pag-uulit ni Miss. "Dahil kukunin mo ang mga I.D. niyo."
Oh. Nakahinga ako ng maluwag bago tumayo. Pagkarating ko ng Guidance Office ay sinabi ko kaagad kay Ma'am Felisse ang pakay ko na naghihintay na pala sa akin.
"Pwedeng idaan mo na rin ang sa grade 12 STEM 1? Kay Miss Belle?" Tanong sa akin ni Ma'am Felisse pagkatapos niyang iabot ang mga I.D. namin ng mga kaklase ko.
"Sige po," Tumango ako dahil hawak niya na sa kabilang kamay niya 'e. Hindi na 'ko makaka-hindi.
"Thank you!" Ngumiti siya sa akin at inabot ang mga 'yon. "Nagkahalo pa 'yan kanina dahil akala ko, iisang section lang."
Nagpaalam ako sa kaniya bago lumabas ng G.O. at tinahak ang daan patungong STEM building. Kagaya ng sa room namin ay Room 1 rin ang sa kanila sa second floor.
Pagkarating ko ng classroom nila ay nasa harap ang atensiyon ng lahat dahil may sinusulat si Miss Belle. First period, Practical Research agad. Kawawa sila.
I knew Miss Belle already. Siya ang coach namin sa journalism. Kakambal rin siya ni Miss Bea. Magaganda ang dalawa at parehong strikta. They're both 26. Malamang, kambal.
Lumapit ako sa pintuan ng classroom nila at kinatok iyon kahit nakabukas na. Tumigil kaagad sa pagsusulat so Miss Belle at pinapasok ako nang makita. Kahit pwede namang siya na lang ang lumapit! Leche!
"Hello, Shyne," Binati ako ni Isaiah at kumaway pa. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya kahit pinapatay na ako ng tingin ng mga aso niya.
Maraming may galit sa akin sa section na 'to. Wala akong kasalanan pero kusa na lang silang nagagalit sa akin dahil sa tuwing may competition na magkalaban kami ni Isaiah, ako ang nananalo. Alangan namang magpatalo ako 'di ba?! Pinahiya ko naman ang section ko no'n!
Magkabati pa rin nga kami ni Isaiah kahit anong mangyari. Ang mga aso niya lang talaga ang may hinanakit sa akin. Inggit masyado sa ganda ko.
Binigay ko na kaagad kay Miss Belle ang mga I.D. bago nilisan ang classroom na 'yon. Nang makarating na ako ng classroom ay inutusan ako ni Miss Bea na ipamigay sa mga classmates ko ang mga I.D. kaya 'yon na nga ang ginawa ko.
"Lory..." Pagtawag ko sa pangalan niya at inabot ang I.D. niya at nagpatuloy ako sa pamimigay. "Hannah..."
"Rob-"
Kusa akong natigilan. Nagpakurap-kurap ako habang nakatingin sa I.D. na hawak ko. What. The. Fuck.
Roblake Cedrix J. Miares
Grade 12-STEM 1
Napabalik lang ako sa ulirat nang bigla na lang iyong inagaw ni Sandra mula sa akin. Gano'n na lang ang panglalaki ng mga mata niya nang makita iyon.
"Roblake Cedrix J. Miares?!" Malakas na pagbasa niya at hindi makapaniwalang lumingon sa akin. "Bakit na sa 'yo 'to?!"
"Nahalo..." Kinuha ko 'yon mula sa kaniya at tinabi.
I bit my lower lip when I saw all of my classmates looking at me, suspiciously. Even Miss Bea! Nahalo naman talaga sabi ni Ma'am Felisse!
"Nagdadalaga na si bunso..." Tinukso ako ni Sahra na ginatungan pa ng mga classmates namin! Ano bang mga 'to?!
Pinagkrus ni Sandra ang mga braso at tinaasan ako ng kilay. "Magsabi ka na ng maaga kung may plano kang agawan ako ng crush."
"Ano?!" Singhal ko. Crush?! Aagawin?! Putangina, isaksak niya sa baga niya si Roblake! "Nahalo nga lang 'yan!"
Inambahan ko si Sandra bago bumaling kay Kharyl. Inabot ko sa kaniya ang I.D. para siya na ang magbigay sa pinsan niya.
"No way," natatawang umiling si Kharyl. "Give it to him yourself."
Napapikit ako ng mariin dahil sa inis pero natagpuan ko pa rin ang sarili ko na papunta ng STEM building nang magrecess time na.
Nagsisilabasan na rin ang STEM 1 nang makarating ako ng classroom nila at ang panghuling lumabas ay sila Rob. Nakasandal ako sa railings sa tapat ng Room 2 kaya hindi nila ako napansin.
Ofcourse... I knew Roblake. Sikat siya pati ang mga kaibigan niyang sila Ejev at Rejneir. Mga mayayaman at gwapo. Kinababaliwan ng mga babae.
"Sandali!" Pagtawag ko nang tuloy-tuloy lang silang naglakad. Sabay-sabay pa silang lumingon sa akin pero nakatuon lang kay Rob ang atensiyon ko.
Huh?!
"Una na kami sa canteen, bro," sabi ni Ejev kay Rob nang mapansing ang lalaki ang pakay ko. Nakita ko pang siniko ni Ejev si Rejneir.
"Huh?! Hintayin na lang natin! Walang iwanan!" Palag ni Rejneir kay Ejev. "Hindi porket iniwan ka ng ex-"
Hindi natuloy ni Rejneir ang sasabihin nang hinila na siya ni Ejev. Gustong kong tumawa pero napailing-iling na lang ako. Gagong Rejneir 'yon, ah, namemersonal.
"What do you need?"
Napatingin ako kay Rob nang magtanong siya. Nakakunot pa ang noo niya at masungit na nakatingin sa akin.
"Ah, 'yung I.D. mo..." Inabot ko iyon sa kaniya.
Tumaas pa ang kilay niya bago iyon kinuha. Maingat pa na parang ayaw niyang magkadikit ang mga balat namin. Ha! Hindi niya ba alam na pati mga germs, lumuluhod sa ganda ko?!
"Did you..." He trailed.
"Nahalo 'yan sa mga I.D. namin." Nangunot pa ang noo ko dahil para siyang nanghuhusga kung tumingin sa akin.
"Really?" He looked unconvinced.
"Anong iniisip mo?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "Nahalo lang 'yan sa mga I.D. namin."
"I have my I.D. last school year..." He bit his lower lip and playfully arched a brow at me.
"Ano naman?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "Share mo lang?"
"You can have it instead of this," itinaas niya ang kamay na may hawak na I.D. habang nakangisi sa akin. "If you're really desperate to have a remembrance from me."
"Putangina?!" Gulat na tanong ko, nanlalaki pa ang mga mata. "Ako?! Desperado?! Sa 'yo?! Ulol! Hindi ka makaintinding nahalo lang?!"
Halos sakalin ko na siya pero ngingisi-ngisi lang siya sa akin na parang nag-eenjoy siyang panoorin ako. Iniwan ko na siya roon dahil naiinis lang ako.
Akala ko ba, humble 'yong hinayupak na 'yon?! Mas makapal pa pala ang mukha ng gago kaysa sa akin!
Desperado daw ako?! Anong palagay niya, may gusto ako sa kaniya?!
Ew! He's not my type!
Ang panget ng ugali niya kaya hindi ko siya magugustuhan kahit kailan. No way. Not ever.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Si Rhonda ay isang manliligaw na babae sa isang pagkakamali. Matapos mawalan ng trabaho ang kanyang nobyo ng maraming taon, hindi niya naisip na bayaran ang kanyang mga bayarin. Inuna niya ang kanyang mga pangangailangan bago ang kanya.Siya rin ang nag-baby sa kanya para hindi siya ma-depress. At paano niya ito binayaran? Niloko niya si Rhonda kasama ang kaibigan niya! Napakasakit ng puso ni Rhonda. Sa kabila ng panloloko niyang ex, sinamantala niya ang pagkakataong magpakasal sa isang lalaking hindi pa niya nakikilala. Eliam—tradisyunal na lalaki ang kanyang asawa. Sinabi niya sa kanya na siya ang mananagot sa lahat ng mga bayarin sa bahay at hindi na niya kailangang magtaas ng daliri. Tinira siya ni Rhonda, at naisip niyang isa siya sa mga lalaking mahilig magyabang sa kanilang kakayahan. Naisip niya na ang kanyang buhay mag-asawa ay magiging isang buhay na impiyerno. Sa kabaligtaran, si Eliam pala ay isang mapagmahal, mahigpit, at maunawaing asawa. Pinasaya niya siya para umakyat sa corporate ladder. Higit pa rito, tinulungan niya siya sa mga gawaing bahay at binigyan siya ng libreng kamay upang palamutihan ang kanilang tahanan. Hindi nagtagal bago sila nagsimulang sumandal sa isa't isa na parang isang team. Tagalutas ng problema si Eliam.Siya ay hindi kailanman nabigo na dumating sa pamamagitan ng para sa Rhonda sa tuwing ito ay nasa isang dilemma. Sa isang sulyap, para siyang ordinaryong tao, kaya hindi maiwasan ni Rhonda na tanungin siya kung paano niya nagawa ang napakaraming mahirap na bagay. Mapagpakumbaba itong tinalikuran ni Eliam. Sa isang kisap-mata, umakyat si Rhonda sa tuktok ng kanyang karera sa tulong nito. Naging maganda ang buhay para sa kanila hanggang isang araw. Natisod si Rhonda sa isang global business magazine. Isang lalaki sa front page ang nakatitig sa kanya. Nasa kanya ang mukha ng kanyang asawa! Ano ba naman! Kambal ba siya? O may tinatago ba siyang malaking sikreto sa kanya sa lahat ng ito?
Nakatalikod si Sheila sa dingding nang pilitin siya ng kanyang pamilya na pakasalan ang isang kakila-kilabot na matandang lalaki. Sa sobrang galit, umupa siya ng isang gigolo upang gumanap bilang kanyang asawa. Naisip niya na ang gigolo ay nangangailangan ng pera at ginawa ito para sa ikabubuhay. Hindi niya alam na hindi siya ganoon. Isang araw, tinanggal niya ang kanyang maskara at ipinahayag ang kanyang sarili bilang ang pinakamataas na magnate sa mundo. Ito ang naging simula ng kanilang pag-iibigan. Pinapaulanan niya ito ng lahat ng gusto niya. Masaya sila. Gayunpaman, ang mga hindi inaasahang pangyayari ay nagdulot ng banta sa kanilang pag-iibigan. Malalampasan kaya ni Sheila at ng kanyang asawa ang bagyo? Alamin!
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para malaman ang totoong pagkatao nito. Hindi niya alam na matatanggap niya ang pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay. Kinagat-kagat ni Brian ang daliri sa panghihinayang nang maalala ang mga naging aksyon niya at ang babaeng walang kwenta niyang pinakawalan.
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?