Heather Jean Duerre is a dumbest bitter woman who believes that forever doesn't exists. Makakatanggi pa kaya siya kapag tadhana na ang nagdikta?
Heather Jean Duerre is a dumbest bitter woman who believes that forever doesn't exists. Makakatanggi pa kaya siya kapag tadhana na ang nagdikta?
Heather Jean Duerre's P.O.V
"Jeannnnnnnn!"
Napamulat agad ako nang marinig ko ang boses ni mama. Agad akong bumangon sa higaan para puntahan ang dakila kong ina na hinding-hindi nagsasawang mahalin ang maganda n'yang anak na walang iba kundi AKO! Oo, ako dahil bukod sa unica hija niya ako, maganda naman talaga ako.
"Po?" Walang kagatul-gatol kong tanong kay mama dahil inaantok pa ako.
"Anong oras ka na naman ba natulog kagabi? Napuyat ka na naman sa pagsusulat, ano?!"
"Ma, nag-update lang po ako. Nakakaawa naman kasi yung mga readers ko, naghihintay sila sa akin. Nangako kasi ako sa kanila na magde-daily update ako. Ayoko namang umasa sila sa wala kasi walang forever." Inaantok ko pang paliwanag kay mama. Napahikab pa ako dahil totoong napuyat nga ako sa pagta-type kagabi. Inabot na nga yata ako ng alas tres ng madaling araw.
"Puro ka forever! Baka magkasakit ka sa ginagawa mo! Mamaya ma-stress ka at mag-collapse 'yang utak mo!" Stress? Collapse? Ano naman kaya 'yon? Nakakalimutan yata ni mama na limitado lang ang alam kong english na salita. Ewan ko ba.
"Nako mama imposible, malakas kaya ako. Hindi ako magkakasakit. Ang ganda ko kaya!" Salitang 'maganda' talaga ang nakakapagpalakas sa akin.
"O s'ya, dahil maganda ka bumili ka muna ng toyo sa tindahan para maluto ko na 'yung manok." Binuksan ni mama ang pitaka niya at nag-abot sa akin ng barya.
"Ma? Did you see? Kagigising ko lang, uutusan n'yo kaagad ako."
Syempre hindi ko 'yun sinabi baka mapalayas ako sa bahay nang wala sa oras. Tsaka sabihin n'yo pa ang sama kong anak at nag-eenglish ako eh pure Filipina ako. Maarte lang nang kaunti. Okay?
"Mama naman, mag-aadobo ka tapos kakalimutan mong bumili ng toyo. Ang layo pa naman ng tindahan." Reklamo ko na lang syempre sa malambing na paraan pero sa kaloob-looban ng lamanloob ko, nagngingitngit na kasi aga-aga utos kaagad ang bubulaga sa 'kin. Tipong gigisingin para lang utusan. Hays, buti na lang maganda ako.
"Mag-bike ka na lang. Nand'yan naman ang bike ng kuya mo. Maghilamos at magmumog ka muna bago ka bumili ha." Paalala ni mama tsaka niya ako tinalikuran at naghiwa ng sibuyas at bawang.
"Ma, kahit hindi mo 'yun ipaalala. Matik na 'yun. Always clean and meat kaya ako!" Kinindatan ko siya.
"Maganda na 'yung napapaalalahanan. Maganda ka nga kaso mabaho ka naman. Wala rin." Pang-aasar pa ni mama. Alam ko namang kahit asar-asarin niya ako, sa paningin niya ako pa rin ang pinakamaganda. At saka duh, mabango kaya ako.
"Nasaan po ba si Kuya?" Pag-iiba ko ng usapan. Malay natin kung libre naman siyang bumili ng toyo kaysa ako ang utusan 'di ba? Hindi naman sa tinatamad ako. Syempre, mainit sa labas tapos tipong toyo lang naman ang bibilhin ko. Eh gusto ko pa naman kapag lalabas ako, ligo na.
"'Di ba nga ka-gagraduate lang n'ya ng college? Ayun, naghahanap--"
"Ng forever?" Pagputol ko sa sasabihin ni mama. "Nako wala s'yang mahahanap mama, signal meron pa, pero forever? Nah available. Kenah bee rich." Binatukan naman ako ni mama. Kaya nadududurog brain cells ko eh kakabatok niyo!
"'Yan ka na naman sa pagiging bitter mo. Hindi ko alam kung ba't ka nagkaganiyan. Pinalaki naman kita nang tama. Lumayas ka na nga bago pa 'ko ma-highblood sa 'yo!"
Kinuha ko na lang ang perang inaabot ni mama at saka ako dumeretso sa c.r. Naghilamos ako at nag-teethbrush para hindi naman nakakahiya 'pag lumabas ako, baka may makakita sa akin at kausapin ako, mamatay agad.
Speeching of teethbrush, ang sabi nila toothbrush daw 'yun pero hindi ako papaloko sa kanila. Tooth, isang ngipin. Ano 'yon sa isang ngipin lang nila ginagamit 'yung brush? Walang sentido komon! Buti na lang me have.
Padabog akong naglakad papunta sa bike ni kuya.
Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang sumunod kay mama, syempre nanay ko s'ya at anak n'ya ako, alangan namang s'ya ang sumunod sa akin 'di ba?
Bakasyon ngayon kaya nasa bahay lang ako, at isang dakilang utusan ni mama. Daig ko pa ang nagpa-part time job ngayon, ang kaso lang walang sahod. Minsan naisip ko, 'wag na lang kaya akong mag-aral tapos mag-apply na lang akong kasambahay sa bahay namin para pasahurin ako ni mama. 'Di ba? Ang talino ko talaga buti na lang may sentido komon ako. Kasi 'di ba kung gagamitin natin ang isang daang porsyente ng ating utak, bakit pa tayo mag-aaral kung mamamatay din naman tayo?
Anyways, ayoko sanang magpakilala dahil paulit-ulit na lang nagpapakilala ang mga bida sa una pero gusto ko kasing malaman niyo ang maganda kong pangalan. Ako nga pala si Heather Jean Duerre. Hindi ko alam kung bakit gan'yan kaganda ang pangalan ko siguro dahil talagang binagay sa mukha ko. Ehem, ganda ko.
17 years young na ako. Katatapos ko lang ng 4th year High School at nilipat ako nila mama sa bagong school. Ewan nga eh, okay naman ako sa dati kong school. Bagong pakikisama na naman tuloy. Pero sabagay, at least mukhang mayaman 'yung mga tao sa school ko. Biruin mo South Middleton University 'yung pangalan. Pangalan palang pangmayaman na e.
"What do you want to buy?" Tanong sa akin ng tindera. Aba English spokening. I'm good better best in English. You knows.
Pinagmasdan ko 'yung tindahan. Shems, 'kala ko nasa mamahaling tindahan ako, eh maliit naman 'tong tindahan na 'to tapos kung maka-english pero duh, I'm good kaya.
"Yes," sagot ko. Tinanong n'ya ako kung bibili ako, 'di ba 'buy' ang English ng bili? Tama naman ako 'di ba? Napataas naman ng kilay ang tindera. Is she problem?
"What? Are you going to buy anything or what?" Pagtataray n'ya. She can't the fit me! 'Kala niya hindi ako lalaban? Mataas lang ang kilay niya pero ako, maganda ako!
"No, I'm---I'm cannot buying any or what. How much is what if it's free I'll buy one and take three." Sagot ko.
Hindi kaya ako bibili ng anything at what! Ano bang sinasabi n'ya? Tsaka may tinitinda pa lang what si Ate hindi ko alam.
"Are you kidding me? If you're not going to buy anything then why are you here? Don't tell me, you can't understand what I am saying." Kidding? Bata pa ba s'ya? Tanda n'ya na kaya! Tsaka bakit ba n'ya sinasabing bibili ako ng anything eh toyo ang bibilhin ko at ang pangalan n'ya ay Saying? Weird.
"Yes and no," tugon ko. Nakita ko namang napasapo ng mukha ang tindera. Ano bang problema?
"You can't understand English? Oh my goodness! Ano bang bibilhin mo?" Oh bakit s'ya nag-Tagalog? Hahaha She can't the fit me talaga! I'm the winner! You're the loser gwaenchuri gwiyomi gwigwigwiyomi.
"Toyo ang bibilhin ko." Inabot ko na sa kaniya yung perang bayad ko sa toyo niya.
"Next time, mag-aral ka ng English. Ako ang nahihiya sa 'yo eh," nakangising sabi n'ya sa akin.
"Ha?" Nagtataka kong tanong. Minamaliit niya ba ako?
"Pinipigilan ko na lang ang tawa ko sa 'yo kanina eh. Hindi ka ba nag-aaral? O sadyang bobo ka lang? 'Pag may kumausap sa 'yo ng English umiwas ka na lang ha? Nakakahiya kasi talaga. Like, we are learning that language since grade one. We're supposed to know how to use that universal language, aren't we?"
"Ay grabe! Oo na, mag-aaral na 'ko! Lintek ka! 'Di na ako bibili sa 'yo. Tse!" Inirapan ko na siya.
Hindi na ako babalik sa tindahan na 'yon sobra kung makapanlait! Eh 'di s'ya na ang matalino. Oo na, bobo ako sa English may magagawa ba ako? Eh hindi ko maintindihan e. Kasalanan ko bang bobo ako? Sabi ko nga kasalanan ko.
Eh bobo lang naman ako sa mga bagay na hindi ko alam eh. Ang problema lang, lahat yata ng bagay hindi ko alam.
Nilagay ko na ang toyo sa basket at sumakay na ako sa bisikleta ni kuya. Binilisan ko na ang takbo para makauwi na ako. Ang pangit kasi ng gising ko eh. 'Di tuloy ako nakapag-warm up ng english kanina. Na-brownout lang talaga 'yung utak ko e.
Napatingin ako sa lalaking makakasalubong ko. Shems! Tangi ba siya?! 'Di niya ba ako nakikita?!
"Tabeee!" Sigaw ko sabay pindot sa preno pero wala. Ayaw mag-preno! Lagoooot!
"Ahhhhhh!!!"
Dahil sa sobrang kabobohan ko sumemplang ako.
Oo, na-fall parang gano'n pero dahil maganda ako, hindi ko hahayaang ma-fall everything fall everything nang tuluyan at magmukhang tanga kaya agad akong tumayo. Magmumukha akong abno kung hihilata pa ako sa kalsada at magpapabebe.
Laking gulat ko nang nakita kong nakahilata rin sa kalsada ang lalaki. Mas lagot! Oh noes!
Nako naman, minamalas ba talaga ako ngayon? Parang awa n'yo na hindi ko na kaya pa! I kent do dis enimor!
Nakita ko s'yang bumangon sa kalsada. Agad ko siyang nilapitan upang tulungan. "Ahhh ano... a-ayos ka lang ba?" Tanong ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pagka't hindi ko rin inaasahan na may mababangga ako. Tipong malawak naman 'yung kalsada. Hindi niya ba talaga ako nakita? Hindi rin naman kasi ako makaliko e. Shemay naman kasi. Ngayon lang ako nakapag-bike. Tipong iniisip ko pa rin 'yung tindera kanina e kaya lutang ako.
Tumingin lang s'ya sa 'kin. Isang masamang tingin na para bang hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kaniya. Napaatras ako nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Excuse me, maganda ako kaya huwag mo akong tingnan nang ganiyan baka mamatay ako sayang ang mukha ko, 'yan na lang ang puhunan ko no.
"Tss. Hindi mo ba nakita? Nabangga mo ako. Tapos tatanungin mo kung okay ako? Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong mag-bike? Baka gusto mo, turuan pa kita? Magba-bike ka na nga lang mangbabangga ka pa! Bobo!" Tuloy-tuloy niyang sigaw at bakas na bakas sa mukha niya ang pagkayamot sa nangyari.
Hanep! Ako, bobo? Grabe! Ni nanay ko hindi ako sinasabihang bobo tapos siya ang dali lang lumabas sa bibig niya na ang bobo ko! Eh di kayo na ang matalino! Kayo na first honor! Balikvictoria! Salot satorian!
"Aba! Alam kong kasalanan ko pero kasalanan mo rin! Paharang-harang ka d'yan sa dinadaanan ko tapos maninigaw ka! Buti nga sa 'yo! Bagay lang 'yan sa 'yo! Arogante!" Inirapan ko siya bago ko siya talikuran at kunin ang bisikleta ko.
"Kinakausap pa kita ah! Humarap ka nga rito! Bobo ka na bastos ka pa!" Napalingon naman ako sa sinabi n'ya. Grabe namumuro na talaga siya sa 'kin! Kumukulo na ang dugo ko sa kaniya. Arggghhh! Ang sakit niya sa tenga! Sobrang tabil ng dila! Nakakainis!
"Talagang ako pa ang sinisisi mo? Tanga ka ba? Ikaw ang bumangga sa 'kin tapos magiging kasalanan ko pa? Ipaliwanag mo nga sa 'kin kung bakit naging kasalanan ko?" Kitang-kita sa mukha n'ya ang pagkainis sa akin. Namumula na ang tenga niya sa galit. Aba, kasalanan niya. Naiinis rin ako sa kaniya dahil napakayabang niya. Akala mo kung sino.
"Kasalanan mong lampa ka! Bike lang 'yung nakabangga sa 'yo maka-react ka d'yan! Ang o.a mo! Overaction!" Sigaw ko. Ramdam ko 'yung pag-akyat ng dugo sa ulo ko.
"Overaction?" Napangisi naman siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Hindi ka na nga marunong mag-bike mali-mali pa 'yang sinasabi mo! Mag-aral ka nga muna! Puro yata kalandian 'yang inaatupag mo eh!"
Nasaktan ako sa sinabi niya kaya napatahimik ako. Nakakasakit na siya ng damdamin ah. Ano bang mali sa overaction? Tama naman 'yon 'di ba?
"Tsaka, anong bike lang? Hindi mo ba alam ang ginawa mo?" Lumapit siya sa 'kin dahilan para mapaatras ako. "Binangga mo ako. Hindi ba dapat mag-sorry ka sa 'kin?"
"Bakit ako magsosorry? Ang yabang mo kaya! Makapagsalita ka d'yan! Eh 'di ikaw na ang matalino! Ako na ang bobo, tanga, bastos, at hindi nag-aaral at kalandian lang ang inaatupag!" Inirapan ko siya.
Tinalikuran ko na s'ya pero hinawakan n'ya ulit ang braso ko at hinarap n'ya ako sa kan'ya pero binitiwan n'ya rin ako kaagad.
"Anong mayabang? Naiinis na talaga ako sa 'yo! Wala kang modo!" Sigaw n'ya sa akin habang dinuduro-duro ako. Sino siya para duruan ako? Ha?
"Eh 'di mainis ka! Wala akong pake!" sigaw ko rin. You cannot the fit me! You filthy animal!
"Nakakaasar ka na! Magso-sorry ka na lang hindi mo pa magawa!" Para na kaming aso't pusa rito sa gitna ng kalsada na nagbabangayan. Nakakakulo naman kasi ng dugo eh!
"Neknek mo. Mag-sorry ka rin sa akin! Nasaktan mo ang damdamin ko!" Sabi ko sabay hawak ko sa dibdib. Teka, wala nga pala ko nun hehehe
"Bakit ako magso-sorry? Kitang-kita naman. Ikaw ang may kasalanan, ikaw ang kailangang mag-sorry." Paliwanag niya.
"Eh 'di mag-sorry ka sa 'kin, mag-sosorry rin ako sa 'yo!" asik ko.
"Ang lakas mo rin mag-request ah! Ikaw 'tong nakabangga sa 'kin."
Magsasalita pa sana ako nang may napansin akong parang tumutulo sa noo n'ya. Lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Hala! May dugo sa ulo mo!"
###
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
Pinilit akong pakasalan ang isang bulag na tagapagmana upang iligtas ang aking pamilya. Sa loob ng dalawang taon, tiniis ko ang lahat ng uri ng pang-aabuso. Nang sa wakas ay bumalik na ang kanyang paningin, ang mismong pamilya ko ang unang nagtapon sa akin. "Ibalik mo si Mateo kay Ariadna," wika nila. Kailangan kong isauli ang aking asawa sa aking kapatid — ang orihinal niyang nobya. Pumayag ako, dala-dala ang isang lihim: may taning na ang aking buhay dahil sa terminal lung cancer. Nang malagutan ako ng hininga sa kalye, hindi ko inasahan na magiging isang kaluluwa ako na makasasaksi sa lahat. At lalong hindi ko inakala na ang lalaking tunay na nagmahal sa akin ay babalik upang ipaghiganti ang bawat sakit na aking dinanas. Hinimok ako ni Mama na makipaghiwalay, ang kanyang boses ay kasing lamig ng operating room na aking kakaalis lang, kung saan sinabi sa akin ng mga doktor na bumabalik na ang paningin ni Mateo. Hindi ko maunawaan. Paano niya masasabi iyon? Matapos ang lahat? Ang mundo ko ay biglang umikot, hindi dahil sa pagod kundi sa matinding gulat. Kakasabi lamang ng mga doktor na may pag-asa nang makakita si Mateo. Ngayon, nais na niyang ako'y itapon.
Ako si Aliana Donovan, isang resident physician, na sa wakas ay muling nakasama ang mayamang pamilyang nawalay sa akin mula pagkabata. Mayroon akong mapagmahal na mga magulang at isang gwapo't matagumpay na fiancé. Ligtas ako. Minamahal ako. Isa itong perpekto, ngunit marupok na kasinungalingan. Nabasag ang kasinungalingan isang Martes nang matuklasan kong ang fiancé ko, si Ivan, ay wala sa isang board meeting kundi nasa isang malawak na mansyon kasama si Kiera Reese, ang babaeng sinabi nilang nagkaroon ng mental breakdown limang taon na ang nakalipas matapos akong subukang i-frame up. Hindi siya kahiya-hiya; nagliliwanag siya, hawak ang isang batang lalaki, si Leo, na humahagikgik sa mga braso ni Ivan. Narinig ko ang kanilang usapan: si Leo ay anak nila, at ako ay isang "placeholder" lamang, isang paraan para makuha ang gusto nila hanggang sa hindi na kailanganin ni Ivan ang koneksyon ng pamilya ko. Ang mga magulang ko, ang mga Donovan, ay kasabwat dito, pinopondohan ang marangyang buhay ni Kiera at ang kanilang lihim na pamilya. Ang buong katotohanan ko—ang mapagmahal na mga magulang, ang tapat na fiancé, ang seguridad na akala ko'y natagpuan ko na—ay isang maingat na itinayong entablado, at ako ang tangang gumaganap sa pangunahing papel. Ang kaswal na text ni Ivan, "Kalalabas lang ng meeting. Nakakapagod. Miss na kita. See you at home," habang nakatayo siya sa tabi ng kanyang tunay na pamilya, ang huling dagok. Akala nila kaawa-awa ako. Akala nila tanga ako. Malalaman nila kung gaano sila nagkakamali.
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP
GOOGLE PLAY