Isa pang halimbawa, kunyari na lang kung pangarap mong maging ibon pero ang tadhana mo pala ay maging unggoy. Ang saklap 'di ba?
Last example, kung ang lalaki o babaeng kinakasama mo ngayon ay para sa 'yo siya na ang makakasama mo sa habang buhay, 'yung kasama mo ng nangangarap, 'yung pareho na kayong may plano sa buhay pero in the end, hindi pala kayo ang itinadhana sa isa't-isa.
Kaya kung ako sa in'yo, mag bigti na lang kayo dahil wala naman kayong panalo sa tadhana.
Pero ako? Palaban yata ito. Hindi ko hahayaan na ang tadhana ko ang sisira sa lahat ng pangarap at kasiyahan ko.
Nag lalakad ako ngayon sa corridor o hall papunta sa classroom dahil Monday na ulit kaya balik pasok na naman. May dala akong tatlong libro dahil pagdating ko sa school ay agad akong dumeretso sa library para manghiram ng libro.
Paakyat na ako ng hagdan at malapit ng maabot ang pinaka-unang parte ng hagdan ng may biglang humarang sa dadaanan ko. Sinubukan ko naman sa kabilang side pero napunta rin doon ang lalaki. Para kaming nag lalaro ng patintero dahil kung saan man ako pupunta, doon din ang punta niya.
Napapikit ako ng madiin at napabuntong hininga at saka ko binigyan ng tingin ang lalaking humaharang sa aking dadaanan. Sabay kaming tumingin sa isa't-isa ngunit nakasalubong ang mga kilay niya.
"Puwede bang umalis ka sa dadaanan ko, Mr. Alec Montreal? Harang-harang ka kasi eh."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"As far as I know, this stairs is not yours,"
"But you blocked my way..."
Nginisian niya naman ako at saka ako napatingin sa hawak niyang libro. Sadali... siya 'yung nanghiram no'n na hindi binalik sa library kaya galit na galit ngayon 'yung librarian?
"I heard that you will also run for candidacy for SSG president in the upcoming election?"
"O' eh ano naman sa 'yo? May problema ka ba doon?"
He touched his chin and bit his lip. Napahawak naman ako sa hawak kong libro para agad kong mababato sa kaniya 'pag hindi ko nagustuhan ang sasabihin nya.
"Well, my advice is ... Withdraw your candidacy for the election dahil matatalo ka lang naman."
"Well, kuwento mo sa pagong baka mas interesado pa siya kaysa sa akin." Nginitian ko siya.
"Alam mo, curious ako kung saan mo kinuha ang lakas ng loob mo para humabol sa posisyon na 'yon. Sa madaling salita, saan mo kinuha ang lakas ng loob mo para kalabanin ako?"
"Matagal na nating kinakalaban ang isa't-isa, ilang beses na nga din kitang natalo eh, nakalimutan mo na ba?"
Akala mo siguro papatalo ako sa 'yo? Hah, never! Pinakita ko sa kaniya ang ngiti kong pang-asar dahil nakita ko siyang napakuyom sa librong hawak niya.
Nagkaroon na tuloy ng tension sa pagitan namin habang deretso kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa. Bigla rin tuloy nag simulang mag bulungan ang mga nakakakita sa amin ngayon.
"Gosh, nag-aaway na naman 'yung dalawa."
"Kapal naman ng mukha ni Rhian kalabanin ulit si baby ko, papansin talaga kahit kailan!"
"Guys, awatin niyo na sila baka dumating bigla si Ms. Nareth lagot tayong lahat..."
"Tama! Tama!"
Oo nga pala ano? Pumasok na si Ms. Nareth kaya siguradong lagot kaming lahat 'pag nakita niya kaming nakakalat sa hall tapos may gulo na naman. Sabagay, hindi naman ako 'yong nag simula, si Alec Montreal!
"You know what, they are right, we need to end this conversation dahil baka nga biglang dumating si Ms. Nareth at mapahamak pa ang mga pamumunuan ko kapag nanalo na ako sa election. So let's continue this conversation in the classroom later,"
Inikutan ko siya ng mata kaya ngumisi na naman siya. Nilagpasan niya ako upang bumaba at nung nasa likod ko na siya ay saka ako bumulong. Pero syempre sinadya ko talagang lakasan para iparinig ko sa kaniya.
"Kuwento mo sa bato baka mas may pakialam siya sa sinabi mo..."
"Kaya ko nga sinabi sa 'yo dahil mukha kang bato."
Napamaang ako at mabilis na humarap sa lalaking iyon. Pag-harap ko ay nakakailang baba na siya sa hagdan.
"Ano, ako mukhang bato? Eh ikaw ano? Mukhang tae!"
Humarap siya sa akin na nakasalubong ang kilay at nakakunot ang noo. Tinuro niya ang mukha niya at nilabas niya muna ang dila niya para basain ang labi niya.
"Ako, mukhang tae? Ang gwapo ko naman para maging tae?"
"Guys, awatin niyo sila! Gulo na naman 'to!"
"Hayaan niyo sila, para naman alam ni Rhian na talo siya kay Alec."
"Pustahan kung sinong panalo!"
Nag bulungan na naman ang mga kapwa namin estudyante na nakakakita sa amin mula sa ibaba at sa second floor. Pero dahil nasa hagdan kami paakyat sa second floor ay nakikita kami ng mga estudyante.
"Ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na huwag mo ng aksayahin ang oras at lakas mo para sa election dahil matatalo lang naman kita. Alam mo rin sa sarili mo na maraming boboto sa akin, tandaan mo ako si Alec Montreal," may pag-mamayabang niyang sabi.
"Tandaan mo rin itong sasabihin ko..." Humakbang ako ng isa para makalapit ako sa kaniya. "hindi lahat ng estudyante dito sa Heragold eh pabor sa pag takbo mo bilang presidente, 'yong iba gusto kang matalo at mapabagsak... at ako ang nangunguna sa listahan na gusto kang pabagsakin... kaya ihanda mo na ang sarili mo sa pagkatalo mo sa election."
Tumaas ang gilid ng labi ko pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya. Naramdaman ko ang biglang pag seryoso ng awra niya kaya umatras na ulit ako patalikod.
Gosh, nainis ko 'ata siya? Eh ano naman, Rhian? Pero bigla akong kinabahan kasi nakakatakot din magalit ang lalaking 'to eh, sa mga sinabi ko sa kaniya ay baka mas galingan niya pa ang pag-takbo sa SSG president election.
"I don't care-,"
"GUYS SI MS. NARETH NASA FIRST FLOOR! TAKBO!"
Hindi na naituloy ni Alec ang sinasabi niya dahil nag madaling umakyat ang mga estudyante sa hagdan kahit natutulak na nila ang isa't-isa.
May nakabangga sa balikat ko kaya muntikan na akong bumaliktad at mahulog sa hagdan pero mabilis na nahawakan ni Alec Montreal ang palapulsuhan ko at hinila niya ako palapit sa kaniya.
Hinarap niya ako at napunta siya sa likuran ko, bale siya na ang natatamaan at ginawa niya ng panangga ang sarili niya. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sobrang lapit niya sa akin at ramdam ko ang mabilis niyang paghinga. Nararamdaman ko din ang sa likuran ko ang pag tibok ng kaniyang puso.
What the... bakit niya ito ginawa?
Nang matapos at maubos na ang mga estudyante na paakyat sa hagdan ay biglang natahimik ang buong hall dahil sigurado akong nakapasok na sila sa kanilang mga classroom. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tapos na pero nasa likuran ko pa din si Alec at nakahawak pa din siya sa wrist ko.
Naramdaman ko ang mas lalong pag lapit niya sa akin. Nakaramdam ako ng init sa bandang tainga ko dahil sa bulong niya.
"You can't beat me, my rival..."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga lintanang iyon ay siya ring pag-alis niya sa likuran ko. Umakyat na rin siya at bumalik sa second floor hanggang sa hindi ko na siya nakita.
Ang... ang lalaking 'yon! Pinakaba niya ako ng sobra! Akala ko kung ano na ang binabalak niya at nakahanda na ako para apakan ang paa niya.
Nanlaki ang mata ko ng may marinig akong mga footsteps at mukhang paakyat sa hagdan. Dahan-dahan akong umakyat at mabilis na tumakbo papuntang classroom pero sinigurado kong walang tunog ang mga sapatos ko dahil baka marinig ni Ms. Nareth at malaman niyang nasa labas pa ako ng room dahil sigurado akong isang malupit na parusa ang makukuha ko sa kaniya.
Pero ang Alec na 'yon... tatalunin ko talaga siya! Hindi lang sa election pati mamaya sa classroom!
//