Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Adventures of George Mondragon
Adventures of George Mondragon

Adventures of George Mondragon

5.0
14 Mga Kabanata
19 Tingnan
Basahin Ngayon

Ito ay kuwento ng isang batang si George Mondragon. Sino nga ba siya? Isa lang ba siyang simpleng bata na makikita natin sa tabi-tabi o isang bata na may makulay na kuwento ang buhay? Malalaman ninyo kapag binasa ninyo ang istoryang ito. Malalaman ninyo na hindi lang ito para sa mga bata o puwede ring kuwentong pambata na bawal basahin ng mga bata. Take at your own risk!!!! Hindi ako nagbibiro, bawal ito sa bata!!!!

Mga Nilalaman

Chapter 1 Ang Simula

Naglalaro ang magkaibigang sina George at Benny sa malawak na hardin ng mansion na pag-aari ng pamilya Montes..

Kasalukuyang nakatira ang mga Montes sa bansang Amerika at tanging si Ms. Linda lamang ang nangangalaga sa mansion mula nang umalis ang mga ito sa bansa.

Kasalukuyang nagluluto ng pancake si Ms. Linda nang makarinig siya ng isang malakas sigaw.

"AHHH!" malakas na sigaw na nanggagaling sa hardin. Ang mga bata iyon, malamang.

Pinatay ni Ms. Linda ang apoy sa kawali at nagmadaling pumunta sa hardin kung saan naglalaro ang dalawang bata.

Malawak ang hardin kaya't medyo natagalan din siya sa paghahanap. Nasa fifties na rin kasi si Ms. Linda at may kalabuan na rin ang kaniyang paningin.

Nang makita na ni Ms. Linda si George ay patakbo siyang lumapit dito. Namumutla si George at nanginginig, napayakap nalang siya rito.

"Ano ba ang nangyari?" Napakunot ang kaniyang noo dahil sa pag-aalala.

"A - a - ahas! Ma - ma - malaking - ahas!" utal-utal na sabi ni George habang humihikbi.

Siniyasat ni Ms. Linda ang mga braso at mga binti ni George. Tinignan din niya ang mga kamay at mga paa nito.

"Natuklaw ka ba? Dios ko sana'y huwag naman po," kabadong sabi ni Ms. Linda kay George.

"Hindi - po, nakatakbo - naman - po - ako - kaagad - nang -makita - ko - iyon. " Itinuro niya ang isang drum na bakal na hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

"Si Benny nasaan na?" Nagpalinga-linga si Ms. Linda, pinagpawisan siya dahil sa sobrang pag-aalala.

"Benny! Benny! Benny! " malakas na sigaw ni Ms. Linda. Kaagad din namang narinig iyon ni Benny na kasalukuyang nagtatago sa likuran ng isang punongkahoy.

"Ms. Linda! George! Nandito lang po ako!" sambit ni Benny habang tumatawa nang malakas.

"Wala bang nangyaring masama sa iyo? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tugon ni Ms. Linda kay Benny. Siniyasat nito ang mga binti at braso ni Benny na hindi makahinga dahil sa kakatawa.

"Wala naman pong nangyaring masama," pabirong sabi ni Benny. "Sandali lang po," dagdag pa nito.

Patakbo siyang umalis patungo sa isamg drum na bakal mula sa 'di kalayuan na ikinatakot naman ni Ms. Linda.

"Benny! Huwag! Dito ka lang! Delikado riyan!" Napahawak si Ms. Linda sa kaniyang dibdib na animo'y aatakihin na sa puso.

Nagpatuloy naman sa paglalakad si Benny na mistulang walang nangyari.

Nang makabalik na si Benny ay naghagis siya ng isang mahabang ahas sa harapan nina Ms. Linda at ni George.

Napatalon at napayakap sina George at Ms. Linda sa isa't-isa dahil dito. Nagmistulang sila ay kinukuryente dahil sa sobrang pagkatakot.

Nakunsiyensya si Benny nang makita niya si Ms. Linda nang gano'n ang lagay, pinagpawisan siya nang sobra at hindi mapalagay sa kung ano ang kaniyang gagawin.

"Huwag po kayong matakot laruan lang po iyan," kinakabahang wika ni Benny dahil baka ay kagalitan siya ni Ms. Linda sa kaniyang ginawa.

Mabuting bata naman talaga si Benny subalit hindi pa rin maiiwasan ang kaniyang pagkapilyo.

Nahimasmasan kaagad si Ms. Linda nang marinig na ang ahas na iyon ay hindi pala tunay, subalit hindi pa rin maayos ang lagay ni George na nanginginig at humihikbi pa rin sa takot.

"Hay naku Benny... Ikaw talaga oh, aatakihin ako sa puso dahil sa mga ginagawa mong bata ka!" pagalit ngunit medyo matawa-tawang sabi ni Ms. Linda kina George at Benny.

"Patawad po Ms. Linda," tugon ni Benny habang nakayuko at hindi magawang tumingin sa mga mata ni Ms. Linda.

"Hindi lang sa akin, kanino pa?" sabi ni Ms. Linda habang nakahawak sa kaniyang beywang at taas-kilay na nakatitig kay Benny.

"George, patawarin mo rin ako. " Nanginginig pa rin si George subalit pinatawad din nito ang kaibigan niyang si Benny pagkatapos.

"Ah, siya nga pala, meron akong inihandang isang masarap na meryienda para sa inyong dalawa," nakangiting sabi ni Ms. Linda sa mga bata.

Napatalon sa tuwa sina George at Benny at abot tainga ang kanilang pag-ngiti.

Patakbo silang nagtungo sa may kusina ng mansion na mistulang nag-uunahan.

Nang sila ay makarating sa kusina ay bigla silang napatigil at napanganga dahil sa kanilang nasaksihan.

"Ms. Linda! Ms. Linda! Ms. Linda!" malakas at kabadong pagsigaw ng mga bata.

Nagmadali si Ms. Linda sa pagpunta sa may kusina kahit pa'y medyo sumasakit na rin ang mga tuhod nito dahil sa katandaan.

Nasa sahig na ang kawali, ang mga harina at iba pang mga sangkap ay natapon at ang pusa ni Ms. Linda ay masayang kinakain ang mga pancakes sa may sahig ng mansion.

"BEATRICE, IKAW TALAGA!" Imbes nang magalit ay animo'y natatawa at nakukyutan pa siya sa ginawa ng kaniyang matabang pusa.

Nilapitan niya ang pusang si Beatrice at kinarga ito na animo'y isang sanggol.

"Tignan mo iyang mga ginawa mo, magulo na tuloy, ano na kaya ang ipapakain ko kina George at Benny? Kinain mo na ang lahat eh," malambing na sabi ni Ms. Linda sa kaniyang alaga.

Biglang tumunog ng tatlong beses ang doorbell.

"Ako na po ang titingin," magalang na sabi ni George kay Ms. Linda.

"Maraming salamat George, lilinisin ko na lang muna itong mga ikinalat ni Beatrice."

Natatawa si Ms. Linda habang pinupulot ang mga kasangkapan na nasa sahig.

Nang binuksan ni George ang pintuan ay biglang bumungad sa kaniya ang isang patpating lalaki. Kalbo ito at nang ngumiti siya sa bata ay kapansin-pansin na kulang ang ngipin nito sa bandang itaas.

"Hello, nandiyan po ba si Linda Colonel?" sabi ng lalaki nang may magalang na tono ng boses.

"Dito po siya nakatira, pasok po kayo," nahihiyang tugon ni George dahil ngayon lang niya nakita ang lalaking iyon sa kanilang bayan.

Pumasok na ang lalaki at umupo sa may sofa. Maalikabokang sofa kaya't tumayo ulit ito at pinagpagan ng kaniyang panyolito ang sofa.

Pumunta si George sa may kusina upang ipaalam kay Ms. Linda kung sino ang kanilang bisita.

"Sino 'yung pumunta?" nakangiting sabi ni Ms. Linda habang naghuhugas ng mga pinggan.

"Hindi ko po kilala, basta po kalbo po siya eh," pabulong na tugon ni George kay Ms. Linda.

Nang makapunta na si Ms. Linda sa sala ay nakipagkamay sa kaniya ang lalaki.

"Ano po ang sadya ninyo rito?... Ano po ang inyong pangalan?"

"Ako po pala si Stanley Dela Cruz. Butler po ako ni Mr. David Montes. Maaari n'yo rin po akong tawaging Stan o Lee for short. "

May kinuha siyang isang kung anong bagay sa kaniyang suit case.

Nabigla naman si Ms. Linda nang marinig ang pangalang David Montes, tila'y may isang ala-alang namumutawi sa kaniyang isipan, isang ala-alang nagpapakirot sa kaniyang busilak na puso.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY