Get the APP hot
Home / Young Adult / Patty The Fat Loves You
Patty The Fat Loves You

Patty The Fat Loves You

5.0
13 Chapters
143 View
Read Now

About

Contents

Si Patricia Garcia a.k.a Patty ay isang mag-aaral sa Guillermo Hills Academy at sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, siya ang paboritong tampulan ng tukso ng kaniyang kapwa mag-aaral dahil sa matabang pangangatawan nito. Tinitiis niya ang mga panlalait at pangungutya ng ibang tao kahit nasasaktan ang kaniyang damdamin, hanggang sa magkaroon siya ng pagkakataong makasali sa isang sorority kasama ang kaniyang matalik na kaibigang si Aira Jimenez. Ngunit hindi naging madali ang lahat kay Patty dahil unang pagsubok pa lang ay kalbaryo na. Kinailangan niyang halikan sa harapan ng maraming tao ang tinaguriang Mr. Sungit ng kanilang paaralan, walang iba kun'di ang guwapo at mayamang si Azer Villanueva. Matagal ng may gusto si Patty sa lalaki ngunit masyado itong masungit at hindi siya pinapansin kahit sinubukan nitong magpapayat. Pagkaraan ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang kanilang mga landas dahil nakakuha ng scholarship si Patty sa unibesidad na pinapasukan ni Azer. Gustong mapalapit ni Patty kay Azer ngunit galit ito sa kaniya dahil sa ginawang paghalik, kaya naman lagi siyang inaaway ng lalaki at pinagbintangang stalker nito. Magawa pa kaya ni Patty mabihag ang puso ni Azer? May pag-asa nga ba ang isang mataba babae na mahalin din ng pinapangarap na lalaki?

Chapter 1 Patricia Garcia

Patty POV

Kailan pa naging krimen ang pagiging mataba? Lagi ko tanong sa aking sarili. Ako si Patricia Garcia o mas kilala bilang Patty, 15 years old, grade 10 sa paaralan ng Guillermo Hills Academy. Ang height ko ay 5'5 ft, na may timbang na 230 pounds. Mula umaga hangga uwian ay tampulan ako ng tukso dahil sa aking hitsura. Dito sa academy ako ang paboritong i-bully. Sino nga ba naman ang matutuwa makita ang kagaya ko lawlaw ang bilbil pati na baba dahil hindi lang doble ito kun'di triple pa.

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom para sa Art subject. Naiinis ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos ako lagi ang pinag-uusapan ng mga nakatambay sa gilid na para bang hindi pa nasanay sa pagmumukha ko.

"Patty!" tawag sa 'kin ni Aira Jimenez na tangi ko kaibigan.

Kumakaway pa ito na nasa tabi ng pintuan ng classroom at sinenyasan ako na bilisan ang paglalakad. Tumingin ako sa aking relo pambisig at nakitang malapit na ang oras upang magsimula ang klase, kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad.

Sa pagmamadali ay tumama ako sa isang matipunong bagay.

"Aray!" aking nasambit at hinimas ang noo na nasapol.

Nag-angat ako ng paningin, hindi pala isang bagay ang tumama sa 'kin kun'di ang matipunong katawan ni Azer Villanueva. Kumabog ng malakas ang aking dibdib na para bang hihimatayin sa nakikita guwapo mukha nito at nakatitig ang kaniyang hazel eyes sa 'kin, graduating na ito sa senior high school at under siya ng Accountancy, Business and Management o ABM.

"Hey, watch your steps," malamig na tugon nito.

"S-sorry," nauutal ko sambit.

Hindi na ito muling nagsalita at nilampasan lang niya ako na wala man lang sulyap, habang nagtatawanan naman ang karamihan na kapwa ko estudyante naroroon at nakakita sa pangyayari.

"Feeling mo effective ang pagpapa-cute mo kay Azer?" panunuyang tanong ng isang babae nasa grade 9.

Hindi ako sumagot at nagbaba na lang ng paningin habang patuloy pa rin ang kanilang tawanan. Tumakbo na lang ako patungo kay Aira na nag-aalala sa nangyari.

"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong nito nang makalapit ako sa kaniya.

Umiling lang ako, nakita ko bumuntong-hininga ang aking kaibigan at niyaya ko na siyang pumasok sa classroom.

Naupo kami sa dalawang bakanteng upuan na nasa gilid ng silid at malapit sa may bintana. Tahimik ko pinagmamasdan ang labas mula sa bintana at iniisip ang mukha ni Azer, matagal na akong may crush sa kaniya mula pa noong grade 7 pa lang ako habang siya naman ay grade 9.

Tahimik na binata si Azer kahit isang varsity player ng basketball sa school. Marami babae tulad ko ang nagkakagusto sa kaniya ngunit may pagkapihikan at masungit ito.

"Ms. Patricia Garcia!" Sigaw ni Mr. Tan na ikinagulat ko.

Nasa harapan ko na pala siya at nataranta ako kaya naman napatayo bigla. Si Mr. Tan ang aming teacher sa Art, may katandaan na ito sa edad na 60 kaya mainitin ang ulo.

"Yes sir," bigla ko nasambit.

"I'm asking you. What is a tertiary color?" masungit na tanong ni Mr. Tan.

"Pardon, sir?" wala sa sarili na nasambit ko kahit narinig naman ang tanong, dahil para bang nalito ako sa pananagip ng gising.

"You are not listening or maybe you are still day dreaming," naiinis na wika ni Mr. Tan.

Nagtatawanan na ang lahat ng aking kaklase maliban kay Aira na naiinis sa kanila. Para naman akong nagising sa mga sinabi ni Mr. Tan at sa tawa ng mga kaklase ko.

"A tertiary color or intermediate color is a color made by mixing full saturation of one primary color with half saturation of another primary color and none of a third primary color," paliwanag ko sa tinatanong ni Mr. Tan.

Tumigil ang lahat sa pagtawa at napatulala ang guro sa 'kin.

"You know your lesson and that is impressive, but you are not listening in my class," wika ni Mr. Tan na hindi na naiinis.

"Sorry sir, not happen again," nahihiya ko sabi.

"Okay, take your seat," wika ni Mr. Tan at tumalikod na sa 'kin.

"Wow ah, matalino ka talaga kahit laging lutang," bulong sa 'kin ni Aira pagkaupo ko.

Hindi ko na pinatulan ang sinabi ni Aira at nakinig na lang sa guro hangga matapos ang klase.

Naglalakad kami ni Aira sa school quadrangle ng biglang may lumapit na grade 11 mula sa senior high school. Nagpakilala ito bilang si Monica Martines na kabilang sa La Bella Sorority, isang grupo ng mga kababaihan. Mayayaman at sopistikada ang karaniwang miyembro ng grupo kaya nagtataka kami ni Aira at lumapit si Monica sa 'min.

"This year we opened to recruit students from grade 7 to grade 10 and you both are lucky I spotted you," maarteng wika nito.

Nag-abot siya ng brochure sa 'min. Nabasa ko na naghahanap sila ng mga bagong miyembro mula sa lower class students na tulad namin ni Aira, ngunit nagdadalawang isip ako dahil sa 'king katawan.

"Pwede ba ang isang katulad ko?" naitanong ko kay Monica.

Tinignan niya ako mula ulo hangga paa at napataas ang kanang kilay sa hitsura ko.

"Well dear, if you pass the challenge of course you are in," sagot nito.

"Gusto ko sumali," sabat ni Aira.

"Okay, just go to our hang out place and get an application form to fill out. Bye!" paalam ni Monica.

Sikat sa academy ang naturang grupo at marami ang sabi-sabi na mahirap makapasok dahil sa mga challenge na kailangan gawin. May mga nag-dropped out matapos na hindi magawa ang kanilang challenge dahil na-bully sila ng ibang estudyante.

"Aira, makabubuting hindi na tayo sumali sa mga ganitong bagay dahil baka makasama sa ating pag-aaral," wika ko kay Aira.

Tumingin lang sa 'kin si Aira at mukha itutuloy ang pagsali sa sorority.

"Chance na natin 'to Patty para mapabilang sa isang sikat na grupo at protektahan ang sarili sa mga nambu-bully sa 'tin," desididong saad ni Aira.

"Kapag pumasa ka siguradong hindi ka na pagtatawanan ng iba dahil protektado ka ng sorority," dagdag pa nito.

Bumuntong hininga na lang ako dahil may point nga ang sinasabi ni Aira. Ako lang din pala ang inaalala ng aking kaibigan sa kabila ng lahat, talagang mabait ito sa 'kin at may pagmamalasakit.

Pumayag na rin ako na sumali sa sorority ngunit huwag munang magmadali at makabubuting pag-isipan ang mga nakalagay sa brochure.

Nakauwi na ako sa bahay at nagtatakang tahimik sa loob, kadalasan ay sinasalubong ako ni nanay pag-uwi. Tinawag ko si nanay pagbukas ko ng pintuan ngunit walang sumasagot. Nakapagtataka na hindi naka-lock ang pinto ngunit mukha wala namang tao sa loob kaya nagsimula ako kabahan.

Hinanap ko sa paligid ng sala at sa kusina ngunit wala ito, hanggang sa binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at laking gulat ko ng makita si nanay na nakahandusay sa sahig. Lumapit ako ng mabilis sa walang malay ko ina at pinipilit na gisingin siya. Takot na takot ako sa kalagayan niya kaya tumakbo ako palabas ng bahay upang humingi ng tulong.

"Mang Dado!!!" Pasigaw ko tawag sa isang lalaki nakikipagkuwentuhan sa tindahan.

Bigla naman itong nataranta pagkakita sa 'kin dahil hindi ko na napigilan tumulo ang aking luha kaya kaagad siya tumakbo palapit kasama sina Aling Bebang at Mang Tasyo.

"Anong nangyari sa 'yo?" pag-aalalang tanong ni Mang Dado.

"S-si nanay po walang m-malay," nauutal ko sagot.

Pumasok ulit ako sa bahay kasama sila at diretso sa silid ni nanay. Binuhat nila Mang Dado at Mang Tasyo si nanay upang ihiga sa kama.

"Madali, kumuha ka ng maligamgam na tubig at pampunas para sa nanay mo," utos ni Aling Bebang.

Habang pinupulsuhan si nanay ay mabilis ako kumilos upang kunin ang mga kailangan. Pinapaypayan si nanay ng dalawang lalaki habang pinipisil ni Aling Bebang ang kaniyang palad. Binigay ko ang pampunas para kay nanay at nagmulat ito ng mga mata makalipas ang ilang minuto.

"Inay," sambit ko at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak pa rin.

"Ano bang nangyari?" tanong ni nanay.

Ipinaliwag ko ang mga naganap pagdating kanina galing sa school at nalaman namin na bigla na lang nawalan ng malay si nanay dahil sa sobrang pagod.

"Makabubuting magpatingin ka sa doctor Amanda upang makasiguro sa kalusugan mo," wika ni Aling Bebang kay nanay.

Nagpasalamat ako sa tatlong kapitbahay bago sila nagpaalam na umuwi. Naiwan kami ni nanay at minabuti magpahinga muna siya. Ako na lang ang nagluto at tumapos sa naiwan niyang trabaho.

Iniisip ko kung paano makakakuha ng pera upang maipatingin sa doctor si nanay at naalala ang brochure na binigay ni Monica mula sa sorority. Mayroong nakasulat na kung maisagawa ang isang pinakamahirap na challenge ay puwede humiling ng kahit ano.

Continue Reading
img View More Comments on App
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY