Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Ang Asawa Kong Demonyong Artista
Ang Asawa Kong Demonyong Artista

Ang Asawa Kong Demonyong Artista

5.0
15 Mga Kabanata
921 Tingnan
Basahin Ngayon

Akala ko sa nababasa at napapanood ko lang nangyayari ang fixed marriage na iyan, pero hindi ko alam na pati pala sa akin ay maari itong mangyari. Ipakasal ba naman ako sa taong hindi ko mahal. Ang tahimik at masaya kong buhay ay nagbago. Simula nang maikasal ako sa lalaking ito ay puro pasakit ang nangyayari sa akin, naging impyerno ang buhay ko dahil sa asawa kong gwapong demonyo na walang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ko. Ngunit hindi ko rin inaasahan na kahit ganoon pa sya ay matututunan ko syang mahalin at tiisin ang lahat ng pasakit na ibinibigay nya sa akin. Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang ang ginawa nya na ikinadurog puso ko at dahilan para hindi ko sya maalala.

Mga Nilalaman

Chapter 1 One

"Hoy babae bilisan mo na nga diyan at ma le-late ako sa lakad ko! Kapag ako na late mamaya ka sakin." Sigaw nung lalaking panget sa labas. Hindi man lang makapag hintay, ang aga pa kaya.

"Teka lang po, six thirty palang kaya. Ang aga aga lalandi kana. Kikitain mo na naman yung kabit mo 'no?" Sigaw ko mula dito sa loob. Nag susuot pa kasi ako ng sapatos eh.

"Hey! She's not my mistress, she's my girlfriend, and you? You're just my wife on paper." Sigaw niya mula sa labas na ikanagulat ko. Wala talaga siyang pakialam kong sino maka rinig na hindi niya ako mahal. Bakit ba hindi niya ako kayang mahalin man lang? Bakit lagi niya nalang pinamumuka sakin na hindi niya ako mahal? Ni hindi niya ako kayang mahalin. Binalewala ko nalang at baka kong ano pa ang sabihin nito na ika sira pa ng umaga ko. Sakit na masyado eh.

"Tara na at mainip pa ang babae mo."

Dere-deretsong pumasok ako sa kotse nang 'di siya tinitingnan, baka kapag nakita ko ang pag mumuka niyan ma iyak lang ako dito. Ayuko pa naman sa lahat yung umiiyak ako sa harapan ng madaming tao lalo na sa kaniya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko siya babae. Mahal ko siya at siya lang, kaya ba tama na kaka tawag na kabit kay Stephanie." Mariing sabi niya sabay upo sa tabi ko hindi nalang ulit ako nag salita. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana.

"Umusod ka nga Kiyumi ang sikip sikip. Ang taba mo kasi kaya 'di tayo nag kakasya dito. Ayuko lang lumapat ang balat natin at baka ma amoy pa ako ni stephanie." Ano siya aso? Sabagay, bagay naman sa kaniya.

Isiniksik ko nalang lalo ang sarili sa gilid at di pinansin ang katabi ko. Mataba daw, at least maganda.

"By the way sa wednesday pa ako uuwi, mag a-out of town kami ni Stephanie," Tsaka lang ako napaharap sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ang kapal naman ng muka nila. Pero dibale nalang. Sino ba naman ako diba? Isa nya lang namang nag papanggap na asawa in two years. Kaya ano naman sa kanya yun eh may mahal naman siyang iba at pag katapos naman ng two years wala na, tapos na ang kontrata, divorce na.

Ipinakasal lang naman ako dahil kailangan ng family ko ng fame para mas marami mag invest sa company namin, at dahil mag kaibigan ang family ko at family ni Ryuu kami yung napag tripan. Pero dahil utang ko sa pamilya ko ang buhay ko ay pumayag ako. And long time crush ko din naman siya kaya mabilis akong napapayag. Ang 'diko lang ineexpect ay ganito kasakit siyang mahalin.

"Edi mabuti. Tahimik ako ng ilang araw." Kahit ang totoo nun ay inggit na inggit ako."Bakit dimo gawing one week? Para sulit talaga."

"Actually, pwedi naman." Natigilan ako at humarap sa kaniya. Arghhh, bobo mo Kiyumi! Pero ayaw na ayaw niyang umaabsent sa mga shoot niya eh. Kaya bakit papayag nalang yun ng bigla bigla? Ganon niya ba talaga ka mahal si Stephanie kahit mga ayaw niya e handa nyang gawin para sa babaeng yun. Naka ramdam naman ako ng inggit at inis. Inggit dahil hindi nga magawa ni Ryuu sakin yun at inis sa sarili dahil nag opinion pa ako ng ganun.

"Pero marami akong shooting ngayon at mga photoshoot kaya hindi pa pwedi."Aniya,

Haysss, buti nalang kahit papano mahal nya parin ang trabaho nya. Huminto ang kotse sa tapat ng malaking gate at mukang mayaman. Lumabas sa kotse si Ryuu at may kinuhang bag sa passenger seat na ngayon ko lang napansin. Lumingon ako sa gate ng bumukas ito at lumabas dun ang malanding babae nya. Tsk. Hindi man lang lumingon sa gawi ko si Ryuu at nakipag tukaan na sa babaeng yun. Like duh? Artista siya at hindi ba siya takot maging laman ng balita? Pero sabagay, kalat naman na inrelationship kahit on-cam ang dalawang 'yan.

"Tara na manong at masakit na sa mata ang nakikita ko." Pati sa puso ko masakit nadin. Gusto ko nalang umuwi sana at umiyak. Kaso first day of school naman aabsent ako.

Nang pumarada na ang sasakyan sa harap ng gate ay bababa na sana ako ng mag salita si manong.

"Okay lang po ba kayo maam?" Ganun na ba kahalata na hindi ako okay?

"Oo naman mang Nando sanay na ako sa nakita ko kanina. May malala pa nga." Akmang lalabas pa si manong Nando ng binuksan ko na ang pinto.

Habang nag lalakad ako iniisip kopa din yung nakita ko kanina. Hindi naman na yun bago sakin eh. Malala panga minsan dahil naririnig kong umo-ungol si Stephanie sa kwarto ni Ryuu.

Dahil sa pag iisip hindi ko namalayan na may naka banggaan na pala ako. Masyado kong iniisip yung dalawang yun.

"What the hell! Are you blind?" Sigaw ng naka bangga sakin. Eh sya nga itong hindi sumalampak sa sahig eh. Tapos ang lakas pa makasigaw imbis na tulongan nalang ako.

"Sorry po diko naman sinasadya." Pang hihinge ko ng tawad.

"Alam mo para sakin walang kwenta yang sorry mo." Aba?!!

"Kong wala po edi balewalain nyo nalang, mauna na ako at baka ma late pa ako sa first class ko." Mag lalakad na sana ulit ako pero nag salita ulit sya.

"Siguradohin mo lang na hindi tayo mag kikita ulit."

Humarap ako sa kanya para sana pag sabihan sya sa mga pinag sasabi nya, kaso naka alis na ito.

"Nye,nye,nyeh!" Tsk. Sungit.

"KIYUMI EVANGELISTA!" Humarap ako sa sumigaw ng pangalan at wala lang namang iba kundi ang mga nag gagandahan kong kaibigan.

"Hoy girl?! Kamusta naman yung buhay prinsesa sa mala palasyo mong bahay hah?!" Iyan agad ang bungad nilang tanong sa akin. Yan si Jake, isang beke na ubod ng gwapo pero gwapo din ang hanap.

Two months na ng kinasal ako kay Ryuu. Hindi na invite nun ang mga kaibigan ko dahil naging biglaan iyon at nasa vacation sila. Kunti lang ang pumunta non. Relatives and investors ng company ng dalawang kompanya.

"Ayun napaka impyerno ng palasyong tinutokoy mo." Totoo naman kasi. Demonyo kasi ang kasama ko don

"Ay bakit naman teh? Asawa mo palang heaven na." Si Aira ang pinaka lapitin ng lalaki na laging sawi.

"Haysss kong ganon kawawa ka naman pala dun kiyumi." And this is Kaylen. Super bait nito.

"Yeahh! True kadyan. Bakit sinasaktan kaba ng asawa mo bhe? Sabihin mo lang at mapatulan kona yun." Ito naman si Jessa ang medyo maangas pero sobrang babae talaga.

"Don't worry na kiyumi your cute naman eh. Kaya hayaan mona yung asawa mo kong ano man ang kademonyohan nya. You know, don't be stress dahil this day our first day. Kaya tayo na sa classrom at mag kaklase tayong lahat." At ito naman si Tiffany ang madaldal at conyo mag salita. Pero makakalimutan mo kong anong problema mo pag kaharap mo sya. Dimo maiisip na may problema ka pala kasi gagawin nya lahat mapatawa kalang.

Pumunta na kami ng classroom namin at pag pasok palang namin sinalubong na kami ng ingay ng mga kaklase namin. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng classroom. Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko ng mag tama ang mata namin ng lalaking naka banggga ko kanina. Napa atras ako at napa hawak sa braso ni Jake

"Okay ka lang? Para kang naka kita ng multo dyan."

"Multo talaga." Wah! Dead ako nito. Sabi pa naman niya kanina wag na daw mag cross landas namin.

Nakita kong tumayo sya at nag lakad papunta sa gawi ko. Shittt pano nato?

Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Naka upo na silang lahat sa likod at isa nalang ang bakanteng upoan na siguro' y para sa' kin

Tiningnan nila akong nag tataka kaya umiling nalang ako at sumonod sa kanila, pag lingon ko sa lalaking naka banggaan ko kanina eh papunta na sya sa dereksyon ko.

"Uhmmm, Hi? I'm Kian Lee, I'm sorry kanina mainit lang kasi ulo ko kaya nasungitan kita at nasigawan." Sabay kamot sa ulo nya. Tumalikod na siya at bumalik sa upoan nya.

Nilingon ko ang mga kaibigan kong may curious na tingin. Mag tatanong pa sana sila kaso may pumasok ng lalaki na nasa 20's palang ata dahil sa tindig nito.

"Hi class good morning I'm Mr.Ramson Cruz the english teacher, so before tayo mag start let's introduce your self."

Tumayo ang nasa unahan at nag pakilala

"Hi im Liana Ong 19"

Sunod sunod ang pag papakilala nila sa isat isa. Ngayon naman ay sa side nila Kian ang magpapakilala.

"Hi im Kian lee Alfonzo 20." Tumingin siya sa gawi namin, ay hindi sakin pala sabay kindat. Nakita siguro ng mga kaibigan ko yun kaya tudo tilian na naman sila. Nang kami na sumonod unang tumayo si Aira,

"Hi im Aira Denosta 19 and single." Sabay kindat kay sir kaya nag tawanan ang mga kaklase naming naka kita. Naka ngusong umopo nalang si Aira.

"Hi im Jake Yam, 19.

"Kaylen Garcia 19"

"Jessa Delacruz 19"

"Tifany Valdez 19"

At ako na ang susunod, tumayo ako at taas noong nag pakilala.

"Im Kiyumi Evangelista 18." Ngumiti ako at umopo.

Nag umpisa na ang klase namin, two subject sa umaga tatlo sa hapon pero two hours kmi mamaya.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
Pinakabagong Release: Chapter 15 Fifteen   05-30 12:20
img
img
Chapter 1 One
13/05/2022
Chapter 2 Two
13/05/2022
Chapter 3 Three
13/05/2022
Chapter 4 Four
13/05/2022
Chapter 5 Five
13/05/2022
Chapter 6 Six
13/05/2022
Chapter 7 Seven
13/05/2022
Chapter 8 Eight
13/05/2022
Chapter 9 Nine
13/05/2022
Chapter 10 Ten
13/05/2022
Chapter 11 Eleven
13/05/2022
Chapter 12 Twelve
13/05/2022
Chapter 15 Fifteen
13/05/2022
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY