Tiningnan ko ang timeline ni Aleks sa Facebook, napa-iling na lamang ako. My phone cannot bare anymore because of her notification, thousands of notifications. Puno ng selfies at naka-log in lahat ng social media n'ya sa phone ko.
Update profile pictures.
Status with breakable qoutes.
Nonsense post.
Shares.
Nakapag-log in s'ya kanina sa phone ko kaya naisipan kong pakialaman ito, gayun paman, sanay na s'ya saakin kaya alam kong hindi 'yun magagalit.
Binasa ko ang mga comments ng admirers ni Aleks at napatawa nalang ako.
Habang nag-i-scroll ako, hindi mapigilang pumaskil ang ngiti sa labi ko nung nakita ko ang post niya. Share lamang 'yun sa isang memories picture tatlong taon na ang nakalipas.
He wears turtle neck shirt, it seems formal. Casual lamang s'yang nakatingin sa camera. Kaagad kong pinindot ang pangalan n'ya at ini-stalk.
Greigh Stefano Veriamore.
Halos dalawang taon ko na s'yang di nakita pero at least nakikita ko parin s'ya sa social media, kahit puro shared memories picture lang ang palagi kong nakikita sa post niya.
Heart.
Kinikilig kung react sa kanyang post. Ito ang palagi kong ginagawa kapag nagpi-Facebook ako.
I laugh to myself, mocking my own stupidity. He didn't even know me nor like me too. But that shit doesn't matter anymore. Crush ko talaga s'ya and he's the man of my life.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kaagad ko itong tiningnan. "Totoo ba'to?" Bulong ko sa sarili.
Kaagad kong pinindot ang pangalan sa tanging nag-chat at tama nga ang pagkakabasa ko. Greigh message you.
Halos mapapatalon ako sa tuwa at sa sobrang kilig, sa wakas ay napansin na n'ya ako. Matagal ko na itong pinapangarap pero ito at nangyari na. Ilang segundo kong tiningnan ang screen ng cellphone ko. Shit! Hindi ako makapaniwala.
'Hey.'
Walang pag-alinlangan na nagtipa ako ng reply. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Sa simpleng babaeng tulad ko ay napansin niya.
'Hey,' reply ko sakanya.
Kaagad kong nakita ang tatlong tuldok at di makapaghintay sa reply niya.
'Still going to study in your Univ. in this year?'
Napagulong-gulong ako sa sobrang kilig. Na-i-imagine ko pa lamang na nakangiti siya ay parang nababaliw na ang sistema ko. Naaalala parin niya ako! "Naaalala parin niya ako!" Di ko mapigilang isigaw. I can't help but to assume in his message.
'Yes why?'
Sana lilipat s'ya sa University na pinag-aralan ko para doon mag-aral, siguradong gaganahan akong pumasok.
'Perfect. I will transfer in that school this year'
Tumayo na ako mula sa kama at parang baliw na nagtatalon-talon. Am I going to die now? Tumigil ako sa pagtatalon nung naramdaman kong nag-vibrate muli ang phone ko
'You're beautiful, Alexandria'
Mahinang napa-upo nalang ako sa kama, napatulala. I felt ashamed, stupid. Nakalimutan kong account pala ni Aleks ang nagamit ko.
Delete Conversation.