Minsan ka na nga lang magmahal, masasaktan ka pa. Paano kung ang taong matagal mo ng hinihintay ay wala na pala? Paano kung ang taong inaakala mong makikita mo ay matagal na pa lang wala? Ano ang gagawin mo kung sakaling malaman mo ito? Iibig ka pa bang muli o mananatili ka na lang mag-isa dahil siya lang ang mamahalin mo panghabambuhay?
Padabog na tumayo si Aizen sabay kamot sa ulo. Inis na inis siya sa kanyang ama. Halos mag usok na ang ilong niya sa inis. Paano ba naman kasi ay lagi nalang nitong pinagpupumilit sa kanya na magdoktor siya. Na pang medisina ang dapat na kunin niyang kurso sa kolehiyo. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas ng makagraduate siya ng Senior High School. Rinding - rindi na siya sa paulit ulit na sinasabi ng kanyang ama.
"Kabadtrip amp! Argh! Nakakainis!" Gigil na wika niya sabay gulo ng kanyang buhok.
Napatingin sa kanya ang kapatid niyang babae na si Yesa. Sumunod ito sa kanya. Tatlo lang silang magkakapatid. Ang bunso nilang kapatid ay babae rin na si Ysabel. Nangunot ang noo niya ng mapansing nakatingin sa kanya ang kanyang kapatid.
"Anong tinitingin - tingin mo dyan ha?" May kaangasan na sabi niya rito. Ngumisi ang kanyang kapatid sabay iling.
"Para ka kasing sira dyan kuya. Akala ko kung ano ng nangyayari sayo" Saad nito sabay balik ang tingin sa hawak nitong libro. Kasalukuyan kasi itong nagbabasa.
"Sa tingin mo sinong hindi mababadtrip kung paulit ulit nalang si papa na nagsasabing magdoktor ako? E sabing ayoko nga! Di ko naman hilig yun at wala sa isip ko na magdodoktor ako. Simula nga pagkabata ko kapag tinatanong ako kung ano ang gusto kong maging ni minsan di ko nabanggit ang maging isang doktor" Iritableng paliwanag nito habang nakakuyom ang kamao.
"Eh paano yan? Yun ang gusto ni papa para sayo. Anong gagawin mo?"
Sinamaan niya ng tingin ito. "Bahala siya dyan. Basta ayoko magdoktor. Ayoko. Ayoko talaga. Di niya ako mapapapayag. Hinding - hindi"
Napairap ang kanyang kapatid. "Tsk. Bahala ka kuya malaki ka na. Basta ba kaya mo namang panindigan ang mga desisyon mo sa buhay, go lang. Fighting ganun...kung anuman ang mangyari, harapin mo"
Hindi nalang umimik si Aizen. Ang nais talaga niyang kunin ay Bachelor of Fine Arts dahil sa talento niya sa pagguhit. Mahusay sa pagguhit si Aizen, talagang kamukhang - kamukha nito ang paggagayahan. Mahusay siya gumuhit mapapel man or digital. Dahil din sa kanyang talento kaya siya nagkakaroon ng dagdag kita at ito ang pinambibili niya ng mga gamit na kakailanganin niya sa pagguhit. Hindi kasi siya supportado ng kanyang ama sa nais niya, ang kaniyang ina naman ay walang magawa kundi sumunod sa ama niya pero hindi tutol ang kanyang ina sa gusto niya.
"Itong kurso ang kukunin mo? Ano? Habambuhay ka nalang bang guguhit ha? Sa tingin mo aasenso ka ng dahil dyan? Mag isip ka ng maigi Aizen!" Galit na sigaw ng kanyang kakarating na ama.
"Bakit pa? May masama po ba sa kukunin kong kurso? Dito ako masaya pa at ito po ang nais ko! Pakiramdam ko mas mahahasa ang talento ko dito. At sa sinasabi niyo kung aasenso ba ako alam kong oo pa. Aasenso ako. Dahil gusto ko itong ginagawa ko" Paliwanag niya sa kanyang ama.
"Sana pa tanggap niyo naman po ang gusto kong gawin. Suportahan niyo naman po ako. Hindi naman masama ang ginagawa ko pa"
Napahawak sa sintido ang kanyang ama. Alam niyang galit ito sa kanya pero wala na siyang pakielam doon. Gusto niyang masunod ang layaw niya. Wala namang masama sa gusto niyang gawin at ayaw niyang pagsisihan ang magiging desisyon niya kung susundin niya ang kanyang ama.
"Kung hindi na kita mapipigilan pa sa gusto mo, umalis ka na sa bahay na ito. Hwag kang umasang susuportahan kita sa nais mo. Bahala ka sa buhay mo. Buhayin mo ang sarili mo" Mahinahong sambit nito ngunit may diin.
"Honey...please hwag mong gawin ito sa anak natin..." Mangiyak - ngiyak na sabi ng kanyang habang sinusundan ng tingin ang kanyang asawa na naglalakad papalayo.
"Mama..." Tawag niya sa kanyang ina sabay yakap dito.
Nakayuko ang kanyang kapatid na Yesa sa upuan habang takang nagpalipat - lipat ng tingin sa kanila ang bunso niyang kapatid na si Ysabel. Lumabas ito ng kanyang silid dahil sa sigaw na kanyang narinig mula sa kanilang ama.
"Anak ko....anong gagawin mo? saan ka pupunta? Saan ka titira? Parang hindi ko yata makakaya na makita kang nahihirapan anak. Kakausapin ko ang papa mo na hwag ka ng paalisin anak"
"Mama...hwag na po. Saka ayos lang naman po sakin na umalis ako sa bahay na ito. Matagal ko naman na kasing gustong bumukod dahil na din sa lagi nalang kaming nag aaway ni papa. May ipon naman ako kahit papaano. Mga kinita ko sa pagguhit ko. Saka didiskarte nalang po ako ma para masustentuhan ko na din ang sarili ko"
Malungkot na hiwakan siya sa pisngi ng kanyang ina. Mahal na mahal siya nito. Ito ang naging sandalan at sumbungan niya palagi tuwing nag aaway sila ng kanyang ama. Alam niyang labag sa loob ng kanyang ina ang kanyang pag alis pero wala na siyang magagawa pa. Kaysa naman patuloy lang silang mag aaway ng kanyang ama.
"Teka lang sandali anak" Sabi ng kanyang ina sabay lakad paalis patungo sa silid nito.
At siya naman ay nagtungo sa kwarto niya. Kinuha niya ang malaki niyang bag saka ipinasok ang kanyang mga damit at iba pang mahahalagang gamit. Pagkatapos ay nilagay niya pa sa isang malaking bag ang mga gamit niya sa pagguhit. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan.
"Kenji...pwede ba akong makahingi ng tulong sayo?"
"Oo naman pre ano ba yun pre?" Sagot nito sa kabilang linya.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Papasundo sana ako sayo dito pre sa bahay. Aalis na kasi ako. Pinalayas na ako ni papa. E di naman kasya sa motor ko lahat ng gamit ko e"
"Ay sige sige pre papunta na ako dyan" Kaagad na sagot nito.
Nakahinga naman siya ng maluwag. Di naman ganun kadami ang gamit niya kaya naman sa tingin niya ay madadala niya lahat iyon. Babalikan nalang niya ang motor niya. Pagkalabas niya ng kanyang kwarto habang bitbit ang dalawang bag na malaki ay nilapitan siya ng kanyang ina.
"Aizen anak...kunin mo na itong pera na ito. Gamitin mo sa tama. Panggastos mo yan at pambayad mo sa rerentahan mo. Mag iingat ka palagi anak ah? Kapag may oras ako dadalawin nalang kita"
Kahit nag aalangan man, tinanggap niya ang perang inabot sa kanya ng kanyang ina. Pandagdag na rin kasi ito sa kanya at malaking tulong ito.
"Salamat po ma...opo mama mag iingat po ako palagi"
"Aalis ka na talaga kuya?" Sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Yesa.
"Oo Yesa...magpakabait kayo ditong dalawa. Alagaan niyo si mama" Nakangiting sabi niya.
Malungkot na nakatingin sa kanya ang dalawa niyang kapatid na babae. Mamimiss niya ang dalawang ito. Close kasi sila sa isa't isa. Lagi silang nagbibiruan, asaran at tawanan.
Napalingon si Aizen sa bumisina sa harap ng kanilang gate. Nandito na kasi ang kaibigan niyang si Kenji. Binuhat na niya ang mga gamit niya. Tinulungan naman siya ng kanyang kabigan.
Matapos niyang mailagay ang mga gamit niya ay yumakap pa siya sa kanyang kapatid at ina bago tuluyang umalis.
"May nahanap ka na bang matutuluyan mo? Ano bang plano mo? Apartment or bed space?" Kaagad na tanong sa kanya ng kaibigang si Kenji ng makapasok siya sa sasakyan.
"Apartment ang gusto ko, kahit di ganun kaganda at kalaki basta mura lang. Gusto ko kasi na ako lang mag isa e. Para na rin makakilos ako ng maayos. Makagalaw ako ng maayos"
Tinanguhan nalang siya ng kaibigan. Patingin - tingin sila sa paligid para makahanap ng apartment. May lungkot man sa puso ni Aizen dahil sa kanyang pag alis sa kanilang bahay ay binalewala nalang niya. Inisip nalang niya na para rin ito sa kanyang sarili para mas matuto siya sa buhay kung paano mamuhay ng mag isa.
Sa wakas nakahanap na rin sila ng apartment na mura lang. Sa pinakadulo ito nakapwesto dito sa pangalawang palapag. Halos puno na kasi ang mga nakita nila at may kamahalan din. Sinipat ni Aizen ang apartment. Hindi ito ganun kaganda, katamtaman lang ang laki nito pero ayos na rin sa kanya. Inilapag niya ang mga gamit niya sa tabi. Pinagmasdan niya ang loob. Maayos naman ito, medyo madumi ang lababo at banyo. Sa tingin matagal ng walang tumira dito.
"Ayos ka lang ba dito pre? Ibang iba ang itsura nito sa dati mong kwarto" Sabi ni Kevin sabay tapik sa kanyang balikat.
"Oo naman...ayos lang ito sakin kasi dito magagawa ko na ang gusto ko" Kaagad na sagot niya.
"Oh sige ikaw ang bahala. Kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Aalis na muna ako pre. May lakad kasi kami ng girlfriend ko e"
"Sige pre ingat kayo. Salamat sa pagtulong sakin"
Tinapik siya nito sa balikat bago tuluyang naglakad palayo. Tinanaw nalang niya ang kaibigan. Bumisina pa ito bago tuluyang umalis. Bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay dumating ang babaeng may ari ng apartment. May edad na rin ang babae.
"Ayos lang ba ito sayo?" Tanong nito.
"Opo...ayos lang"
Bumuntong hininga ito. "Kung sakali man na may mga ingay kang maririnig o may nagsasalita, hwag mo nalang pansinin. Di naman nang aano yun. Sadyang papansin lang talaga. Pero kung di mo matagalan at aalis ka na talaga, ayos lang naman. Sa totoo lang kasi dapat di ko na ito paparentahan pa e kaya ilang beses kitang tinatanong sa baba"
Nangunot ang kanyang noo. "Bakit po? Ano po bang meron dito? May multo po ba dito?" Diretsyang tanong niya na ikinagulat ng babae.
Tumawa siya ng mahina. "Hwag po kayong mag alala hindi naman ako takot sa multo. Sabi nga matakot tayo sa buhay hwag sa patay" Nakangiting sabi niya.
"Sabagay tama ka. Pero kasi baka di mo matagalan...medyo papansin kasi yun pero hindi naman siya nananakit. Hayaan mo babawasan ko nalang ang renta mo dito. Tutal mukhang kailangan mo talaga ng matutuluyan"
"Naku maraming salamat po sa inyo" Masayang sabi niya.
"Sige maiwan na kita rito. Nasayo naman na ang susi di ba?" Tumango siya.
Inabutan siya ng babae ng walis at dustpan, pati na rin ang lalagyan ng basura. Nagpasalamat siya sa babae saka nagsimula ng maglinis ng apartment. Sinimulan niyang linisin ang magiging kwarto niya. Nilinis niya ito ang maayos saka nilapag ang kanyang kutson. Inisa - isa na rin niyang ilapag at isalansan ang mga gamit niya. Mabuti nalang at pinahiram siya ng babae ng maliit na lamesa.
Matapos niyang makapaglinis ay pabagsak niyang naupo sa upuan. Hiningal hingal siya kaya uminom siya ng tubig. Naisip niya bigla na di rin talaga biro ang mabuhay mag isa.
Matapos niyang mamahinga ng ilang saglit ay naligo siya. Pagkatapos ay nahiga sa kanyang kama at nakatulog.
Gabi na rin ng magising siya. Napahaba ang tulog niya, siguro dahil na rin sa pagod niyang maglinis. Bumangon siya saka kinusot kusot ang mata. Kumuha siya ng pera sa kanyang wallet saka lumabas ng kanyang apartment. Siniguro niya muna itong nakalock bago tuluyang umalis.
Bumili nalang siya ng lutong ulam. Bumili siya ng mga disposable na plato, baso at kutsara't tinidor. Bukas nalang siya mamimili ng mga personal na gamit niya nakakailanganin.
Habang kumakain, napansin niyang parang may nakatitig sa kanya. Mabilis siyang lumingon sa kinaroroonan ng tumititig sa kanya pero wala naman siyang nakita. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Nagsitaasan ang balahibo niya, tanda na may multo nga sa apartment na ito.
'Psst!' Sitsit ng isang tinig na tingin niya ay boses ng babae.
'Uy!' Rinig niyang sabi nito na para bang nasa likuran niya lang ito.
Di nya ito pinapansin. Niligpit niya ang pinagkainan niya saka nagwalis. Mukhang hindi siya maiinip dito dahil may kasama naman siya.
'Pansinin mo naman ako!' Medyo malakas na sabi nito.
Napapikit na lamang siya. Pakiramdam niya nasa likuran niya lang talaga ang babaeng multo. Naninindig man ang balahibo niya ay hinayaan nalang siya. Hindi naman kasi siya natatakot ng sobra pero minsan hindi niya maiwasang kilabutan.
"Ay putek!" Bulyaw niya ng biglang gumalaw ang walis tambo ng kunin niya ito.
'Pasensya na...' Wika ng tinig.
Hindi alam kong batang babae ang multo rito dahil parang ang pilya nito. Tama nga ang sinabi ng may ari, papansin nga ito.
'Tulungan mo ako ah?' Napahinto siya sa pagwawalis dahil sa sinabi nito.
Tumingin siya sa kanyang likuran pero wala naman siyang nakita.
'Tulungan mo akong manahimik na... matagal ko ng gustong manahimik' Biglang seryosong sabi nito.
Napatingin siya sa salamin naikinabit niya sa pader.
Kitang kita niya ang babaeng duguan ang damit. Parang ilang beses itong sinaksak sa leeg, sikmura at braso. Nabitawan niya ang hawak niyang walis tambo. Sa likod nito ay may nakasaksak na kutsilyo. Marahil ito ang kanyang itsura ng siya ay mamatay.
'Tulungan mo sana ako, nagmamakaawa ako sayo...' Saad nito na para bang maiiyak na.
Warning: RATED SPG Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan maraming foreigner ang nandoon. Sa kaniyang paghahanap, hindi inaasahang magtatagpo ang landas nila ng bilyonaryong si David Montero. Nagtungo roon si David upang makalimutan ang kaniyang ex-girlfriend na ipinagpalit siya sa kaniyang kaibigan. Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na alam ni David ang kaniyang ginagawa hanggang sa mapunta siya sa tinutuluyan ni Akira. Ngunit hindi nila inaasahang ang gabing 'yon ay magbubunga. At dahil ayaw ni David na masira ang kaniyang pangalan, itinago niya ang tungkol dito. Ngunit paano na lamang kung unti-unti na pa lang nahuhulog ang loob ni David kay Akira? Mapipigilan niya kayang mahalin si Akira? Mas pipiliin niya kaya ang kaniyang mag-ina kaysa sa kaniyang pangalan at yaman?
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. But what about his father's reputation? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family dahil hindi nila ito kauri? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?