/0/28678/coverbig.jpg?v=a8e7e0b23397cb191bf5b1263ad64de6)
Bata palang noong magkakilala kami at sa batang puso namin may pangarap na kami sa bawat isa. Sa batang puso namin may kakaiba ng damdamin na nagpapasaya sa amin. Ngunit paghihiwalayin kami dahil sa hindi magandang pangyayari na tanging sarili lang namin ang nakakaalam. Sa muling pagtatagpo namin, ang dating maloko na batang si Si Duncan Patterson, na minsan ko ng napangiti at alam ko na mabait siya. Ngayon nagkamali ako pala ako. Dahil si Duncan Patterson ay isang Demonyong Gangster! ( A gangster Love Story) (Gangster)
AN: Pagpasensiyan niyo na Kung maraming typos or wrong gramatikal errors. 🙄😅 Ito and kahuna-unchanged ginawa kong story sa Wattpad, kaya magulo pa yan singulo ng Buhay ko. 😁
=======================================
Mazel
"Ma, lalabas lang po ako maglalaro lang." paalam ko sa mama ko habang nagbabalot siya ng turon na paninda dito sa tapat ng bahay namin. Iyan kasi ang hanap buhay ng mama ko at ang papa ko naman 'ay isang construction worker.
"Sige, pero huwag kang lalayo dahil kabilin-bilinan ng papa mo huwag na huwag kang pupunta doon sa subdivision. Naiintindihan mo ba? Mapapagalitan ka ng Papa mo!" Sermon ni mama habang patuloy sa kaniyang ginagawa.
Tumango lang ako at lumabas na pero ang 'di alam ni mama doon ako papunta kasi doon lang tahimik at walang maingay kaya makakapag-drawing ako ng maganda. Ito ang libangan ko kapag tapos na ang school ko.
Papunta na ako ngayon dito sa likod bahay namin umikot lang ako sa ibang daanan para hindi ako makita ni mama. Sorry talaga ma kung sobrang pasaway ako. kausap ko sa sarili ko habang napapangiting naglalakad.
Wala naman dating butas dito at hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkaroon crack 'yung pader at nagkabutas ito at parang sinadiya dahil saktong-sakto ako sa butas. Dati hindi ako dito nagpupunta dahil wala pang butas dito, doon talaga ako sa may basketball court kasi bakante na 'yon at hindi na pinaglalaruan.
Bawal talagang pumunta dito dahil maraming nagrereklamo na mayayaman na nakatira dito dahil pinagnanakawan 'daw sila sa loob ng subdivision. At kami na mga taga labas na eskwater ang tinuturo nila na may gawa.
Tinanggal ko ang tablang nakatakip dito at agad na lumusot sa butas at muli kong tinakpan upang walang makakita. Sumampa ako sa mga biak na bato paakyat sa pader tapos bigla akong nagulat dahil may batang lalaki na nakaupo sa paborito ko na upuan. Natigilan ako at napasin ko na may luhang tumutulo sa magkabilaan niyang pisngi.
"Hoy! Boy! Bakit ka umiiyak?" malakas na tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.
"Sinong umiiyak?" balik tanong niya sa akin at nagmadali siyang nagpunas ng kaniyang luha sa pisngi gamit ang kaniyang dalawang kamay.
"Weh? Kunwari ka pa diyan. Eh, kitang-kita ko nga eh." natatawa ako at sinabayan ko pa ng ngisi, sumimangot naman ang mukha niya na lalong ikinangiti ko.
"You're not funny!" nakasimangot na sagot niya.
"Nakakatawa ka naman talaga, iyakin!" Pang-aasar ko pa.
"Tumigil ka na."
Napatigil ako sa pagtawa kasi seryoso na siya at mukhang galit na.
"Bakit nandito ka? Ngayon lang kita nakita dito." Tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin.
"Ikaw bakit ka rin nandito? Hindi ba bawal pumasok dito kapag hindi ka dito nakatira? Saan ka dumaan?" Magkakasunod na tanong niya.
Tumawa mo na ako bago magsalita. "Ang dami mo namang tanong, ikaw bakit ka umiiyak? Sabi ng lolo ko hindi 'raw dapat umiiyak ang mga lalaki para magmukha siyang matapang." Habang sinasabi ko 'yon nagkukuyakoy ang aking mga paa habang nakaupo.
Hindi siya sumagot sa halip 'ay lalo siyang nalungkot. "Bakit pinalo ka ba ng papa mo?" mayamaya'y tanong ko kasi sobrang tahimik niya. Hangang sa marinig ko siyang huminga ng malalim.
"Ikaw? Kapag gusto mo mamasyal kasama ang magulang mo sinasamahan ka ba nila?" malungkot ang boses na tanong niya.
Natawa naman ako sa tanong niya. "Oo naman siyempre!" mabilis kong sagot. "Bakit 'yun ba ang iniiyak mo? akala ko naman pinalo ka na." natatawa na naman ako at tiningnan ko siya.
"Ang swerte mo, ako lagi na lang si Yaya Chona ang kasama ko araw-araw." malungkot na sabi niya.
Naramdaman ko ang lungkot dahil sa boses niya pati sa kaniyang dalawang mata ay napakalungkot 'din.
"Bakit wala ka na bang magulang? Patay na ba sila?" Magkasunod kung tanong sa kaniya.
"Hindi sila patay lagi lang sila na sa states for business at bihira ko lang silang makita." malungkot na sagot niya.
Natahimik lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"Aaa.. Ganon ba. Wala ka bang kapatid? O kaibigan?" Muling tanong ko pa ulit sa kaniya.
"Wala akong kapatid nag-iisa lang ako at kahit isa wala akong kaibigan. Ayaw nilang nakipagkaibigan ako lalo na kung hindi ko kilala kasi baka raw gawan lang nila ako ng masama sabi ni mommy. Lalo na kapag mahirap lang sila." seryoso ang mukhang kuwento niya.
Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya at nasaktan ako kasi nga mahirap lang 'din ako.
"Nag-iisa lang ako'ng anak at hindi naman totoo na kapag mahirap ka 'ay gagawa na agad ng masama." sagot ko dahil nalungkot ako sa sinabi niya at nainis na rin.
"Mga bad 'daw sila sabi ng mommy ko." sabi pa niyang muli.
"Kawawa ka naman pala kasi wala kang kaibigan at hindi rin pala kita puwedeng maging kaibigan." malungkot na wika ko dahil akala ko madadagdagan ang kaibigan ko ngayon.
"Teka ang daya mo 'yung tanong ko hindi mo pa sinasagot. Saan ka ba dumaan? Sige isusumbong kita sa mga guard." pananakot niya sa akin.
"Huwag! Tara na halika dito ituturo ko sa'yo." tumayo na kami para ituro ko sa kaniya kung saan ako dumaan.
"Dito, dito ako dumaan." Turo ko at hinawi ko 'yung nakatakip na playwood. May katam-tamang laki ang butas at kasiya lang ang mga katulad naming bata.
"Ang galing naman may daanan pala diyan." masayang bulalas niya.
"Hoy, sekreto lang natin ito ha? Pumupunta lang naman ako dito kapag magdo-drawing ako ng mga maiisi ko." masayang pagkakasabi ko sa kaniya na kinangiti niya.
"Talaga? Marunong kang mag-drawing? Ang galing mo naman patingin nga ako." excited niyang sabi.
"Eh... Ayoko nga nakakahiya naman hindi naman maganda ang drawing ko." Nakanguso kong sagot sa kaniya.
"Bakit ka naman mahihiya? Patingin ako sige na." pangungulit pa niya.
"Sige, pero huwag mo pipintasan." Inabot ko sa kaniya ang drawing book ko. "Oh, ito tingnan mo na." nakita ko naman ang kaniyang pag-ngiti lalo habang nakatingin sa drawing ko.
"Maganda siya at mas gaganda pa 'yan lalo kapag nagpatuloy ka mag-drawing. Pero nagtataka ako bakit bahay ang iginuhit mo?" Tanong niya sa akin na may halong pagtataka.
"Bakit bahay? Kasi wala kaming sariling bahay dahil umuupa lang kami, 'yan ang pangarap ko ang makabili ng sarili naming bahay para hindi na mahirapan ang mama at papa ko. Kapag nakapagtapos na ako mag-aral." nakapa-ngalumbaba kong sagot habang nakatigin sa langit.
"Ah, ok. Naintindihan ko na," sagot niya lang.
"Ano pa lang panglan mo?" mayamaya'y tanong niya sa akin.
"A-ako? Mazel, ikaw?" tanong ko rin na nahihiya pa.
"Ako naman, si, Duncan." masiglang sabi niya na nakangiti at nilingon niya ako.
"Ang panget naman ng name mo." react ko sa kaniya.
"Panget? Ang cool nga." mayabang na sabi niya at nakangisi pa.
Sabay na tumawa kaming dalawa.
"Duncan!"
"Duncan! Nasaan kana? Halika na umuwi na tayo!"
Nagkatinginan kami dahil sa narinig namin ang malakas na boses na tumatawag 'kay, Duncan.
Sabay kaming napalingon sa kung saan man nangagaling ang pagtawag na 'yun.
"Hinahanap na ako ni Yaya Chona. Alis na ako bukas magkita tayo ulit dito." paalam niya na nakangiti.
Tumango naman ako sa kaniya na nakangiti rin.
"Sige pupunta ulit ako dito bukas maglaro tayo, bye!" pahabol ko pa na sigaw at paalam na rin sa kaniya. Tumakbo na siya doon banda sa may tumatawag sa kaniya.
Hindi pa siya nakakalayo ng muli siyang tumakbong pabalik sa akin.
"Oh? Ba't ka bumalik?" Nagtataka kong tanong sa kaniya dahil hinihingal siya sa ginawang pagtakbo pabalik sa akin.
"Hihingin ko 'yung drawing mo ilalagay ko sa kwarto ko." hinihingal na sambit nito.
Nagulat naman ako sa sinasabi niya. "H'wag na panget 'to." Mabilis na sagot ko.
"Hindi 'yan, ibigay mo na bilis!" pilit niya pa sa akin at nakalahad ang palad niya.
Wala na ako'ng nagawa at pinilas ko ang pahina ng drawing book ko at binigay ito sa kaniya. "Oh, ito na sige ingatan mo 'yan ah." masayang sabi ko.
Ngumiti lang siya at nagtatakbo na siya ulit palayo habang tumatalon-talon pa. At ako naman bigla na lang akong napangiti habang nakatingala sa langit.
Isang malayong bakasyon ang naisipan ng magkakaibigan, isang bahay bakasyunan na matagal ng hindi natitirahan. Hindi nila lubos akalain na ang masaya na bakasyon ay mauuwi sa madugong bakasyon. May makakaligtas kaya sa kanila? o mamatay silang lahat na walang nakakaalam sa kanilang mga sinapit.
Hindi makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang kanyang mapapangasawa, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis
Dahil sa biglang pagkawala ng kumunikasyon ni Elisa sa kaniyang kinakasama na para sa kanya 'ay asawa na niya si, Francis. Ay napilitan siyang lumuwas ng Maynila upang hanapin ito, ngunit sa kaniyang paghahanap sa kaniyang asawa 'ay mag-iiba ang takbo ng buhay niya sa piling ng isang lalaki na aariin nito ang buong pagkatao niya. Makakaalis pa kaya si Elisa sa piling ng isang Mafia Boss? Kung hinahanap-hanap na niya ang bawat halik nito at ang bawat haplos sa kaniyang katawan? Lalo pa kung malaman niyang ang asawa niya ay nasa piling na ng iba?
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
"Bulag ang pag-ibig!" Tinalikuran ni Lucinda ang kanyang maganda at komportableng buhay dahil sa isang lalaki. Nagpakasal siya sa kanya at nagpaalipin sa kanya sa loob ng tatlong mahabang taon. Isang araw, sa wakas ay nahulog ang mga kaliskis sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay walang kabuluhan. Tinatrato pa rin siya ng asawa niyang si Nathaniel na parang tae. Ang tanging inaalala niya ay ang kanyang manliligaw. "Tama na! Hindi ko sasayangin ang oras ko sa lalaking walang puso!" Ang puso ni Lucinda ay nadurog sa maraming piraso, ngunit naglakas loob siyang humingi ng diborsiyo. Nagdulot ng kaguluhan sa online ang balita! Isang maruming mayamang dalaga kamakailan ang nakipaghiwalay? Siya ay isang mahusay na catch! Hindi mabilang na mga CEO at guwapong binata ang agad na dumagsa sa kanya na parang mga bubuyog sa pulot! Hindi na kinaya ni Nathaniel. Nagsagawa siya ng press conference at lumuluhang nakiusap, "Mahal kita, Lucinda. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Pakiusap bumalik ka sa akin." Bibigyan ba siya ni Lucinda ng pangalawang pagkakataon? Basahin para malaman!
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.