Sadyang mapaglaro ang tadhana at palaging hindi ito inaasahan, palagi itong may dalang surpresa. Ang akala mo ay iyon na, ngunit iyon pala ay isa lamang nakakalitong paraan ng pag-ibig para mapunta ka sa taong talagang nakatadhana para sa iyo.
Sadyang mapaglaro ang tadhana at palaging hindi ito inaasahan, palagi itong may dalang surpresa. Ang akala mo ay iyon na, ngunit iyon pala ay isa lamang nakakalitong paraan ng pag-ibig para mapunta ka sa taong talagang nakatadhana para sa iyo.
Cielo
Nakatanga ako at literal na nakaawang ang bibig habang nakatingala sa napakagandang building sa harap ko.
Matapos gumraduate ng kolehiyo ay lumuwas ako ng lungsod sa dalawang dahilan. Una ay para magtrabaho at pangalawa ay para makita ko na ang aking ultimate crush. At ang kompanyang nasa harapan ko ay ang kompanyang nakalagay sa business card na ibinigay nito sa akin noon.
Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito kaya't labis akong natutuwa. Anumang oras ay makikita ko na s'ya. At ngayon pa lang ay grabe na ang kilig na nararamdaman ko. Parang kinikiliti ang sikmura ko paitaas sa puso ko. Hehe!
"Oh my! Si CJ iyon di ba?"
"Oo, s'ya 'yon! Tara, magpa-picture tayo!"
Bigla ay nagkagulo at nagsimulang magtakbuhan ang mga babae sa kabilang gilid ko, kasabay ang kanilang mga nakakabinging tilian. Para silang mga langgam na mabilis na nagsialpasan dahil may masarap na pagkaing nakita. At sobrang dami nila!
"Aray! Aray! Aray!" reklamo ko dahil para lang akong invisible na dumi ng hayop kung bungguin nila.
Inayos ko ang eye glasses ko na muntik ng mahulog. Parang libo ang bilang nila at walang katapusan ang pagbunggo sa kanan at kaliwa kong balikat.
Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pang kumpol ng mga babae at mga nagkukunwaring babae ang nagtakbuhan.
"Oh CJ, Bigyan mo ako ng tatlong supling!"
Imbis na makipagsiksikan para makaalis ay napapikit na lang ako ng mariin para ihanda sa mas malaking delubyo.
"CJ! Kyahhh! Ang wafu mo po!"
"Aray! Aray ko po..." nakapikit kong reklamo. "Oh Dios ko, ako'y iligtas mo sa mga babaeng ito."
Ngunit tila ay mas dumami pa ang bilang nila. Walang humpay ang pagbunggo sa magkabila kong balikat.
"Ahhhh!" mahabang sigaw ko at parang kidlat na bumagsak sa semento.
Ngunit kahit nabigla ay agad akong nagmulat ng mga mata dahil nakaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko at kung anong malambot na nakapatong sa aking bibig.
Napakurap ako ng tatlong sunod at halos maduling na sa pagtingin sa mukha ng lalaking nakapatong sa akin.
Malakas na dumagundong ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata.
"Shit." Biglang umalis ang lalaki sa ibabaw ko at ang ulo ko ay mahinang umumpog sa semento. Kung intensyon nitong gamitin ang kamay para iligtas ang ulo ko mula sa pagkakumpog sana ng malakas ay salamat na lang dito.
Agad kong hinagilap ang salamin kong napunta sa aking noo at ibinalik sa mata. Mabilis akong tumayo at napatikhim. Tumingin ako dito, diyan at doon. Grabe ito.
"Hooo.." mahinang buga ko ng hangin at tiningnan ang lalaki.
"Naku, Sir Ahlen, ayos lang ho ba kayo?" May lumapit na security guard sa dito ngunit hindi naman ito sumagot, nakakunot lang ang noo nito habang patuloy sa pag pagpag ng suot.
Napatingin naman ako sa kamay nitong may gasgas kaya agad akong lumapit at hinawakan ang kamay nito. Maya ko na lang isipin ang halik.
"May sugat ka, pasensya na ho kayo," paumanhin ko at itinaas ang kamay niya para ihipan sana. Ngunit bigla niya 'yong iwinakli. Nakagat ko tuloy ang labi ko. "Pasensya na ho talaga kayo, kasalanan ko kaya nagkasugat kayo."
"Tsk." Iyon lang ang naging sagot niya at parang walang nagyari akong tinalikuran. Ni hindi manlang yata niya ako tiningnan.
Hindi ako makapaniwalang sinundan s'ya ng tingin hanggang sa makapasok s'ya ng kotse.
Paano naman ang first kiss ko? Hindi ba ito babalik para mag-sorry kahit aksidente lang 'yon? Iyon ang first kiss ko na dapat ay kay Jared ko lang ibibigay. First kiss!
Nagngitngit ang loob ko sa inis. Ngayon ay napunta lang sa wala ang pag-iingat ko! Kainis din ang walang modong lalaking 'yon. Hindi manlang ito humingi kahit simpleng paumanhin!
Nanatili ako sa pwesto ko habang dama ang labi. Nang may lumapit naman sa akin na isang babae at isang kilos babae.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong sa sakin nung babaeng buntis.
"Matamis ba?" tanong naman nung bakla habang abot-tainga ang ngiti.
Nagtaka naman ako. Sobrang sakit ng katawan ko kaya't alin doon ang matamis?
Ngumuso ang bakla kaya naman naintindihan ko.
Natutop ko ulit ang bibig ko at pinag-initan ng mukha, hindi dahil sa kilig, kundi sa inis.
"Napakaswerte mo ghurl."
Nagulantang ako nang mahina at parang close niya akong pinalo sa braso.
"Nakatikim ka ng napaka-espesyal ng halik ni Sir Ahlen," dagdag pa nito.
"A-Aksidente lang iyon," sagot ko naman. Nanghihinayang pa nga ako dahil para kay Jared lang 'yon.
"Oo nga pala, kanina pa kita napansin na nakatayo sa harap ng building, maga-apply ka ba?" tanong nung buntis. Parang malapit ng itong manganganak dahil sa malaki na nitong tyan.
Agad ko namang naalala ang ibinigay ni Jared na business card. Kinuha ko iyon sa tote bag ko at ipinakita sa mga ito. Agad namang nagkatiniginan ang dalawa.
"Magkakilala kayo ni fafa Jared?"
Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. "Ah, oo." Kinilig ako pagkarinig sa gwapo nitong pangalan.
"Pero si fafa J kase---"
Nakita kong mahinang kinurot nung buntis si bakla kaya't naputol ang sasabihin nito. Na-confuse tuloy ako. Ano kaya 'yon?
"Ganito na lang, bumalik ka dito bukas. Kahit hindi mo na dalhin iyang business card ni Sir Jared. Hihintayin kita," sabi nung buntis sa akin.
Kimi naman akong ngumiti. Mukhang mababait naman sila at hindi naman ako rejected 'di ba?
"May interview bukas para sa contract secretary ni Sir Ahlen. Malapit na kase akong manganak kaya't kailangan kong mag-leave, matatagalan pa ako bago makabalik."
K-Kung gano'n...
'Siya ang sekretarya ng lalaking aksidente akong nahalikan? Ibig sabihin ay ito ang may-ari ng building na nasa kanilang harapan? Kung gano'n, kilala nito si Jared?'
"Sige na lucky ghurl, need na naming bumalik sa loob. Balik ka tomorrow, huwag mong kakalimutang sabihin kay Sir Ahlen na panagutan ka niya."
Mas nadagdagan yata ang pamumula ng pisngi ko. Para itong sinilihan sa init. Kilig para kay Jared, at inis sa lalaking sinasabing 'Sir Ahlen'.
Hayyy.. mukhang hindi ko makakalimutan ang pangyayaring 'yon.
"Sige, salamat sa inyo." Niyuko ko pa ang ulo sa kanila at pagkatapos ay tumalikod na rin.
"Bakit kaya mukhang ayaw ipabanggit nung sekretarya ang tungkol kay Jared?" tanong ko sa sarili habang naglalakad at iniikot-ikot ang kanan kong balikat na s'yang mas nabugbog kanina.
Pero paano naman bukas? Hindi naman ako pumarito para maging sekretarya ng masungit na lalaking iyon. Pumarito ako para kay Jared. Ngunit parang magkaparehas lang naman 'yon. Trabaho at pag-ibig kaya lumuwas ako dito. Nagkataon lang na nangyari ito.
'Haist. Napakamalas naman.'
Babalik kaya ako bukas? Pero kung hindi naman ako babalik ay mawawalan ako ng chance na makapasok sa kompanyang 'yon. Mukhang contract secretary pa lang naman ang hiring sa kanila ngayon. At saka, kung sakali namang matanggap ako, magiging sekretarya ako ng Sir Ahlen 'daw' na 'yon? Paano na ako mabubuhay ng matiwasay kung gano'n?! Maalala at maalala ko lang ang naaksidente kong unang halik!
"Hayy, kailangan kitang makita agad, Jared." Pinahid ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay nakahalik pa rin ang labi niya doon. Nakanguso akong sumakay sa tricycle. Kainis!
Walong buwan na akong buntis, at akala ko nasa amin na ni Derek, ang asawa ko, ang lahat. Isang perpektong tahanan sa isang subdivision sa Alabang, isang mapagmahal na pagsasama, at ang aming pinakahihintay na anak na lalaki. Pero habang nililigpit ko ang kanyang opisina, nakita ko ang kanyang vasectomy certificate. Isang taon na ang nakalipas, bago pa man kami magsimulang sumubok na magka-anak. Litong-lito at natataranta, nagmamadali akong pumunta sa opisina niya, pero tawanang malakas ang narinig ko mula sa likod ng pinto. Si Derek at ang best friend niyang si Edison. "Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, hindi pa rin niya nahahalata," tawa ni Edison. "Kung makalakad siya na ang laki-laki ng tiyan, parang santa sa kabanalan." Ang boses ng asawa ko, ang boses na bumubulong ng pagmamahal sa akin gabi-gabi, ay puno ngayon ng matinding pang-aalipusta. "Pasensya, kaibigan. Habang lumalaki ang tiyan niya, mas masakit ang pagbagsak niya. At mas malaki ang makukuha kong pera." Sinabi niyang ang buong pagsasama namin ay isang malupit na laro para wasakin ako, lahat para sa kanyang pinakamamahal na kapatid na ampon, si Else. May pustahan pa sila kung sino ang tunay na ama. "So, tuloy pa rin ang pustahan?" tanong ni Edison. "Ang pera ko, sa akin pa rin nakapusta." Ang anak ko ay tropeo lang sa kanilang nakakadiring paligsahan. Gumuho ang mundo ko. Ang pag-ibig na naramdaman ko, ang pamilyang binuo ko—lahat ay isang malaking kasinungalingan. Sa sandaling iyon, isang malamig at malinaw na desisyon ang nabuo sa mga guho ng puso ko. Kinuha ko ang cellphone ko, at sa nakakagulat na katatagan ng boses, tumawag ako sa isang pribadong klinika. "Hello," sabi ko. "Kailangan kong mag-schedule ng appointment. Para sa termination."
Nagulat ang lahat nang lumabas ang balitang engagement ni Rupert Benton. Nakakagulat dahil ang masuwerteng babae daw ay isang plain Jane, na lumaki sa probinsya at walang pangalan. Isang gabi, nagpakita siya sa isang piging, na nabighani sa lahat ng naroroon. "Wow, ang ganda niya!" Ang lahat ng mga lalaki ay naglaway, at ang mga babae ay nagseselos. Ang hindi nila alam ay isa pala talagang tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo ang tinatawag na country girl na ito. Hindi nagtagal at sunod-sunod na nabunyag ang kanyang mga sikreto. Hindi napigilan ng mga elite na magsalita tungkol sa kanya. "Banal na usok! So, ang tatay niya ang pinakamayamang tao sa mundo?" "Ganun din siya kagaling, ngunit misteryosong designer na hinahangaan ng maraming tao! Sinong manghuhula?" Gayunpaman, inakala ng mga tao na hindi siya mahal ni Rupert. Ngunit sila ay nasa para sa isa pang sorpresa. Naglabas ng pahayag si Rupert, pinatahimik ang lahat ng mga sumasagot. "Bilib na bilib ako sa maganda kong fiancee. Malapit na tayong ikasal." Dalawang tanong ang nasa isip ng lahat: "Bakit niya itinago ang kanyang pagkakakilanlan? At bakit biglang nainlove si Rupert sa kanya?"
Apat na taon matapos malunod ang anak kong si Leo, para pa rin akong naliligaw sa isang makapal na ulap ng pighati. Ang asawa ko, si Elias Montenegro, ang tanyag na tech mogul, ay isang santo sa mata ng publiko, isang mapagmahal na amang nagtayo ng isang foundation sa pangalan ni Leo. Pero nang pumunta ako para ayusin ang death certificate ni Leo, isang simpleng komento ng klerk ang dumurog sa mundo ko: "May isa pa pong dependent na anak si Mr. Montenegro." Parang suntok sa dibdib ang pangalang narinig ko: Cody Santos, anak ni Katrina Santos, ang babaeng matagal nang may obsesyon kay Elias. Natagpuan ko sila, isang perpektong pamilya, si Elias na tumatawa, isang kaligayahang hindi ko nakita sa kanya sa loob ng maraming taon. At doon, narinig ko si Katrina na umamin kay Elias na ang relasyon nila ang dahilan kung bakit hindi niya nabantayan si Leo noong araw na namatay ito. Gumuho ang mundo ko. Sa loob ng apat na taon, dinala ko ang bigat ng kasalanan, sa paniniwalang isang malagim na aksidente ang pagkamatay ni Leo, habang kinokomportable ko si Elias na sinisisi ang sarili dahil sa isang "tawag mula sa trabaho." Lahat pala ay kasinungalingan. Ang kanyang kataksilan ang pumatay sa aming anak. Ang lalaking minahal ko, ang lalaking nagkulong sa akin sa bilangguan ng kalungkutan, ay masayang namumuhay kasama ang ibang pamilya. Pinanood niya akong magdusa, hinayaan akong sisihin ang sarili ko, habang nabubulok ang kanyang lihim. Paano niya nagawa? Paano niya nagawang tumayo roon at magsinungaling, alam na ang mga ginawa niya ang naging sanhi ng pagkamatay ng aming anak? Ang inhustisya ay parang apoy na sumunog sa akin, isang malamig at matalim na galit ang pumalit sa aking pighati. Tinawagan ko ang aking abogado, pagkatapos ay ang dati kong mentor, si Carlo David, na ang experimental na memory erasure research ang tanging pag-asa ko. "Gusto kong makalimot," bulong ko, "Kailangan kong kalimutan ang lahat. Burahin mo siya para sa akin."
Kinaladkad ako ng asawa kong si Ethan sa isang party para sa ex-girlfriend niya, si Katrina Velasco. Ang limang taon naming pagsasama ay isang malaking kasinungalingan, isang kontratang pinirmahan niya para inisin si Katrina matapos siyang iwan nito. Ako lang ang kanyang pansamantalang asawa. Sa isang laro ng "Seven Minutes in Heaven," pinili niya si Katrina. Paglabas nila mula sa banyo, basag na ang lipstick ni Katrina, at may bagong hickey sa leeg niya. Kinagabihan, biglang pumasok sina Ethan at Katrina sa bahay namin. Inakusahan niya akong nagnakaw ng multi-milyong pisong kwintas na diyamante ni Katrina. Hindi siya naniwala sa akin, kahit isumpa ko pang inosente ako. Tumawag siya ng pulis, na himalang natagpuan ang kwintas sa loob ng handbag ko. Tiningnan niya ako nang may sukdulang pandidiri. "Hindi sana kita pinakasalan," idinura niya ang mga salita. "Isa ka lang basura mula sa iskwater." Inaresto ako base sa salita ng babaeng naglagay sa akin sa alanganin. Walang kwenta ang limang taon kong tahimik na pagmamahal at dedikasyon. Ang lalaking palihim kong minahal ay tiningnan ako bilang isang hamak na magnanakaw. Ginugol ko ang gabi sa isang malamig na selda. Kinabukasan, matapos makapagpiyansa, kinuha ko ang SIM card mula sa telepono ko, binali ito sa dalawa, at itinapon sa basurahan. Tapos na. Pababagsakin ko sila. Susunugin ko ang buong mundo nila hanggang sa maging abo.
Ang kanyang fiance at ang kanyang matalik na kaibigan ay nagtrabaho at nag-set up sa kanya. Nawala niya ang lahat at namatay sa kalye. Gayunpaman, muling isinilang siya. Sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, sinusubukan siyang sakalin ng kanyang asawa. Sa kabutihang palad, nakaligtas siya. Pinirmahan niya ang kasunduan sa diborsiyo nang walang pag-aalinlangan at handa na para sa kanyang miserableng buhay. Sa kanyang pagtataka, ang kanyang ina sa buhay na ito ay nag-iwan sa kanya ng malaking pera. Inikot niya ang mga mesa at naghiganti sa sarili. Naging maayos ang lahat sa kanyang karera at pag-ibig nang dumating sa kanya ang kanyang dating asawa.
Si Janice, ang matagal nang nakalimutang tanging tagapagmana, ay bumalik sa kanyang pamilya, ginawa ang lahat para makuha ang kanilang pagmamahal. Gayunpaman, kinailangan niyang isuko ang kanyang pagkakakilanlan, ang kanyang mga akademikong kredensyal, at mga likhang sining sa kanyang kapatid na ampon. Sa kapalit ng kanyang mga sakripisyo, hindi niya natagpuan ang init, kundi mas malalim na pagwawalang-bahala. Buo ang loob ni Janice na putulin ang lahat ng emosyonal na ugnayan. Nagbago siya, ngayon ay isang dalubhasa sa martial arts, bihasa sa walong wika, isang kilalang doktor, at isang sikat na designer. Sa kanyang bagong natagpuang determinasyon, idineklara niya, "Mula sa araw na ito, wala nang sinuman sa pamilyang ito ang dapat lumaban sa akin."
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP
GOOGLE PLAY