Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / My Amnesiac Assassin
My Amnesiac Assassin

My Amnesiac Assassin

5.0
20 Mga Kabanata
307 Tingnan
Basahin Ngayon

Artemis Larcena was once a great member of Clandestine Organization's Assault Department. Known for her skills and ability to fully control her LUST, she ascended to the top 10 in Assault Department's Roster. But for some reason, she decided to quit the Organization and become a student at an elite University instead. Now, as a college student at a different Organization's University, she began to continue her journey and took in a wounded amnesiac. Witness as their story unfold along with the untold secrets about her special ability.

Mga Nilalaman

Chapter 1 The Amnesiac

"Class dismissed!" napamulat ako ng mata nang marinig kong i-anunsyo 'yon ng professor namin. I was sleeping the entire hour and was only waiting for him to say that.

I immediately got up and walked towards the door, ganon din ang ginawa ng ibang mga classmates ko. Bago ako makalabas ay napansin ko pa ang tingin ng professor sa'kin.

"Ang aga mong nagising, Miss Larcena," he sarcastically remarked.

"Thank you for waking me up, prof.," I said, smiling at him.

Hindi ko na lang pinansin ang masamang tingin niya at walang lingon-likod na lumabas mula sa classroom.

Hindi pa man ako nakakalayo sa classroom ay may narinig na akong tumatawag na sa'kin.

"Artemis!" sigaw ng isang lalaking naka-uniform. My brows automatically shot up when I heard him call my name.

Do I know this guy?

"Pwede ka bang makausap? Privately." aniya.

Sinuyod ko muna siya ng tingin bago sumagot, "Can't you say it here? Nagmamadali ako."

He looked decent, his hair is combed neatly and cute rin siya.

I stared at him. He's fiddling with his fingers while looking at the ground coyly. Napansin ko rin ang pamumula ng mga tenga niya.

If I would rate his looks, it would be 6.5/10, he barely passed.

Sorry, but your looks are not enough for me to give up the sales in the supermarket today. Malapit na akong mamulibi dahil sa bituka ng pinsan ko so I always do the shopping whenever there are sales.

Matapos kong mag-quit sa dati kong trabaho, wala na akong ibang pinagkukunan ng pera kundi ang savings ko kaya naman kailangan kong magtipid. Paubos na rin kasi ang grocery namin dahil napakatakaw ni Addie.

"G-ganon ba? Ah, h-here! Hihintayin ko ang reply mo!" While stuttering, he forcibly gave me an envelope then immediately ran off.

Tumingin naman ako sa kamay ko. Is this . . . a love letter? It has a heart seal and at the back, my name was written on it. I thought things like these only happen in shoujo mangas. May gumagawa pa pala nito sa panahon ngayon?

I smiled at his cute antics. This is the first time I received a love letter from a guy kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Mostly, the guys who say they like me, approaches me in a straightforward manner; so receiving a love letter is a first.

Isinuksok ko ang envelope sa loob ng bag ko. Then I went straight to the school's parking lot and drove my car to the supermarket.

Hindi ako nagtagal doon. I just bought the necessary things we need at home and quickly went back to my car. Marami-rami rin ang nabili ko. Ubos na lahat ng pagkain sa fridge kaya naman bumili na ako ng pamalit. If Addie were the one to do the grocery shopping, siguradong sasakit lang ang ulo ko. Masyadong magastos ang babae na 'yon samantalang wala namang ambag sa gastusin sa bahay.

Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa trunk pagkatapos ay dumiretso ako sa driver's seat.

Papaandarin ko na sana ang sasakyan nang may mapansin ako. My eyes narrowed at a familiar smell. Awtomatikong naging alerto ang katawan ko. May isang taong natutulog sa front seat ng kotse ko.

Kailan pa siya nandiyan? I didn't even notice his presence until I sat down. I guess not only my strength is deteriorating, but also my keen senses.

Napakunot noo ako sa lalaking nakaupo sa front seat. I was sure that I locked my car so how did he get inside?

"Hey, wake up," I called but he didn't react. "Gising!"

Nang hindi pa rin siya kumibo ay mahina kong niyugyog ang kanyang balikat. There's no response. Still on guard, I closely inspected him. He's alive, only unconscious. Kahit na medyo madilim sa loob ng kotse ay napansin ko pa rin ang ilang sugat sa katawan niya. Pero hindi 'yon ang nakaagaw ng atensyon ko. Napalunok ako nang wala sa oras nang mapatingin ako sa mukha niya.

Is he a celebrity? Ang gwapo niya.

"Mmm!" Even his moan is gorgeous! Wait.

I need to focus!

Huminga muna ako nang malalim para kumalma pagkatapos ay ibinalik ko ang atensyon ko sa kalagayan ng lalaki.

Nang mapadako ang paningin ko sa natatabunang abs--sa tagiliran niya ay saka ko lang napansin na basa ito.

"Blood."

I frowned. I stretched my hands towards him.

"I swear I have no bad intentions," I said. More likely convincing myself. Maingat kong hinubad ang damit niya at lumantad sa'kin ang torso niyang maganda ang hugis kahit na may pailan-ilang mga sugat, pagkatapos non ay napadako naman ang paningin ko sa tagiliran niyang may sugat na paniguradong galing sa bala.

My frown deepened when I also saw a familiar barcode written on his chest, near his heart.

"This . . . isn't this . . ."

Upon realizing what the barcode meant, I turned to the steering wheel and started the engine. My suspicions were confirmed when I went past a group of suspicious-looking men after I went out from the supermarket's parking lot. Kahit na hindi ko sila obserbahan nang matagal ay alam ko pa ring may mga bitbit silang baril.

Akmang haharangin pa sana ako ng isa sa kanila pero sa kasamaang palad ay pinigilan sila ng ilang guard. They probably got reported by one of the people that they stopped. Halata namang kanina pa nila ginagawa 'yon sa mga sasakyang lalabas sa parking lot ng supermarket.

Habang pinipigilan pa sila ng guard ay pinatakbo ko na papalayo ang sasakyan ko.

What a bunch of idiots.

I quickly drove the car to my house, and when I arrived, I carried the guy to my house.

Dinala ko siya sa guest room na katabi ng kwarto ko sa second floor. Two-story house lang ang bahay ko dahil dalawa lang naman kami ng pinsan ko ang nakatira dito. I'm the only one who's supposed to live here but she moved in with me last year after finding out that I live alone.

Surprisingly, this guy is quite heavy despite his appearance.

Nang maihiga ko na ang lalaki sa kama ay tinawagan ko muna ang private doctor ko para pumunta dito. Then, I started applying first aid on his wound. Of course, this is only temporary. Hindi ko naman pwedeng iwan na ganito na lang ang sugat niya.

Bringing him to the hospital would cause unnecessary trouble and I'm sure na pinaghahanap na siya ngayon ng mga nagtatrabaho sa Camorra Mafia. Sa pagkakaalam ko, they are the ones who are engaging in the recent research called 'Memoria Project'. Just as the name says, tungkol ang research na 'yon sa human memory, specifically, it's focused on erasing a certain or the whole memory of a person.

Did he volunteer to be a lab rat? No. From the looks of it, tumakas siya. That research is so discreet that even a skilled hacker that I know doesn't have a lot of information regarding that. Kaya naman, hinding hindi nila hahayaan na may isang lab rat na makatakas habang hindi pa natatapos ang Memoria Project. Ang tanging alam ko lang tungkol sa Memoria Project ay may specialized barcode sila na nilalagay sa mga test subjects.

Nang matapos ako ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras.

It's already seven in the evening. Hindi pa rin nakakauwi si Addie. Kanina ko pa hinhintay ang babaeng 'yon, natapos na ko na lang gamutin ang sugat ng lalaking 'to pero hindi pa rin siya umuuwi.

Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa lalaking nakahiga sa kama. It looks like he'll be unconscious for a while so it won't be a problem to leave him here for a few minutes habang hinihintay kong dumating ang doctor. And besides, I'm already hungry.

I went to the kitchen to prepare a simple dinner for three people. Inabot ako nang isang oras bago ako matapos sa pagluluto at pagsaing. Sakto namang naghahain na ako ng pagkain ay dumating na si ang private doctor ko.

"Where's the patient?" He asked.

In the past, he works as a military doctor but he quit after a few years. Nakilala ko siya dahil sa dati kong trabaho,

Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako namomroblema sa pera. Masyadong mataas ang bayad sa kanya; and as the jobless person I am now, I'm slowly running out of money.

"Upstairs. The room beside mine." I answered.

Tumango lang siya sa'kin pagkatapos ay dumiretso na sa guestroom. Ilang minuto lang din pagkatapos niyang umakyat ay sakto ring pagdating ni Addie.

"Sorry, na late ako nang uwi; napaaway kasi ako bago umalis sa school," aniya.

Pabalya niyang nilagay ang bag niya sa sofa bago dumiretso sa kusina, naghugas ng kamay, at umupo sa upuan kaharap ng pintuan. Magulo ang ayos niya. She didn't even bother to brush her messy hair. Punit-punit at madumi ang school uniform niya at may galos din siya sa braso at mukha.

From the looks of it, mukhang madami ang nakaaway niya ngayon.

"Ba't pala nandidito yun si tanda? Nakita ko yung kotse niya sa labas, anong meron? May sakit ka?"

"Wala." I replied.

"Then bakit siya nandidito?" Pangungulit niya pa. Sandali siyang natahimik pagkatapos ay nanlalaking matang tumingin siya sa'kin nang mukhang may naisip siya. "Don't tell me . . . kayo na?"

Binato ko siya ng kutsara. Ngumisi naman siya nang masalo niya 'yon.

"Quit it."

"Anong base na kayo?"

"You won't shut it?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman nagsimula na siyang kumain. Nakailang subo pa lang siya ay tumingin siya sa'kin na para bang may gusting sabihin. Nakailang ulit niya pang ginawa 'yon pero hindi ko na siya pinansin.

When she finally decided to speak, she was unfortunately interrupted by the doctor who's going down the stairs. The middle-aged man nodded in my direction then left. Ganon siyang tao. He doesn't like talking to people kaya naman tumatango na lang siya kapag tapos niya na ang trabaho niya.

Maybe that's the reason why he always got fired even with his skills. Sino ba naman kasing gustong maghire ng doctor na i-tetext lang sayo ang resulta ng check-up? Well . . . me . . . I actually chose him as my private doctor because he's the most good-looking among the list that Axl gave me. Bonus na lang na magaling siya sa trabaho niya.

"Yiiee~" Rinig kong pang-aasar ni Addie. "Ano 'yon ha?"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Finish your meal, then go upstairs to wash," I ordered.

I sat on the chair opposite her and ate my meal quickly and quietly. I need to check on that man too. Baka gising na siya. I still need to confirm his identity. Kung tama nga ang hinala ko na isa siya sa mga test subject para sa on-going research ng Camorra Mafia, then I can make use of him.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY