Simula na naghiwalay sila ni Mama,nagbago na ang buhay ko, personality ko at ugali. Yes! I'm a Daddy's girl, pero iba na ako ngayon.
Nang naging sila ni Auntie Grace, mas gumulo ang mundo ko.Oo, I like her, but, it's more than that. Gusto ko 'yung totoong pagmamahal like Mommy. But it has changed, everything.
Kaya ayaw na ayaw ko sa Valentine's day ngayon, dahil that day na iniwan kami ni Mommy, at ngayong araw na din 'iyon na nagbago si Mommy. Kahit na minsan lang kami magkita, parang ibang-iba na siya sa 'kin. Sobrang, iba na siya.
Laging bukang-bibig nila ay 'Kailan ako magkakaroon ng boyfriend?" o 'di kaya ay "Kailan ka magpapakasal?" which is hindi ayos sa 'kin, that's why I HATE VALENTINE'S DAY.
Kina Hapunan, kinausap ko si Daddy tungkol sa problema ko.
"Daddy takot akong magmahal," sabi ko. hindi niya kasi pwedeng sabihin na ayaw niya kasi ni hindi pa niya natry
"Alam mo Lovely, naiintindihan kita, pero tandaan mo rin ang tungkol sa nangyari sa atin before," sabi niya.
"Yes dad, pero hindi eh, ayoko na talaga," sabi ko at saka ako niyakap ni Daddy.
"Remember this Lovely, hindi lahat ng tao hindi minamahal ng kapwa mayroon din iba na tatanggapin ka, Oo nasasaktan din ako but now hindi na. Kasi may babae na nagmamahal sa akin," sabi niya.
8 years old ako nung first time kong pumunta sa Disneyland. Grabe ang saya ko doon lalo na nung nakita ko si Elsa ng Frozen grabe 'yung ngiti ko doon. N'ung gabi ng fireworks display sa Disney Castle ewan ko kung bakit ako umiyak. Hindi ko sinabi kay daddy nung umiyak ako dahil nagflaflash back sa akin ang lahat ng masasakit na ginawa sa amin ni Mommy. Niloko niya kami at hindi ko magagawang lumaban kaya nagpasya ako na sumama kay Daddy kaysa sa kanya.
Mabait si Mommy Grace lagi niya ako binibilhan ng kung ano-ano. Kahit hindi ko hinihingi binigyan niya ako. Hanggang sa nag-college ako binigyan niya ako ng laptop for educational purpose daw at 'pag mataas yun grades ko lagi niya akong sinasamahan kahit saan. 'Eto yun pinakamasaya sa buong buhay ko.
Hindi ko matatanggap iyong ginawa ni Mommy sa amin ni Daddy. Mali 'yung mas pinili niya ang lalaki na nakilala niya sa gay bar kaysa sa amin ni Daddy at dapat na siguro para kalimutan iyon habang-buhay.
Gabi na makaalis sila Mommy at Daddy. Syempre, ako naman ay naiwang mag-isa sa bahay since Valentine's day nga ngayon at ayoko makaistorbo sa dinner date nila, kaya nagluto ako ng paborito kong pritong manok at fried rice na halos daily routine ko 'pag wala sila.
Iyon Lang kasi ang kaya kong lutuin kaya walang problema sa akin 'yon kahit magkaroon ako ng asawa o ng jowa.
Ay, oo nga pala, wala pala ako jowa o asawa. Aminado ako na takot akong umibig ulit pero hindi eh, dala siguro ito ng matinding trauma at takot.
Naalala ko tuloy 'yung may nanligaw sa akin. Oo cute siya, mabait, sweet, gentleman, pero tinakbuhan ko at lumipat ako ng ibang school para layuan siya hanggang sa nagtuloy-tuloy ito at nagpasya ako na di na pumasok.
Pero nang dumating si Mommy Grace ayun, pinilit niya akong magtapos ng pag-aaral. Second year college naman ako nang may lumapit sa akin na lalaki at dali-dali akong tumakbo sa CR para iwasan siya hanggang sa natapos ang first subject namin.
As in nandun lang ako hindi ako pumasok nung time na iyon pero noong sumunod na araw puro babae na ang katabi ko at isa na dun si Lani.
Halos para kaming pinagbiyak na bunga pero ang pagkakaiba namin may boyfriend siya at ako wala. Pero ayos lang, happy ako sa kanya kahit na sinasama nila ako kahit saan pero ngayong Valentine's day hindi.
Ayoko kasi ng Valentine's day, para bang allergic ako sa Valentine's day na sa tuwing gigising ako, lumalayo ako kay Mommy at Daddy sa tuwing binabati nila ang isa't-isa ng
"Happy Valentine's day". Pero ayos lang 'yon sa akin baka matinding kalungkutan lang itong sa akin.
1 am na nakauwi sina Mommy at Daddy.
"Bakit gising ka pa anak?" tanong sa akin ni daddy habang nanood ako ng 'The Notebook."
"Wala Dad pampaantok lang," sabi ko.
"Matulog ka na after mo manood okay?"
"Yes dad," sabi ko at saka na sila umakyat para matulog.
Ewan ko ba sa tuwing pinapanood ko yun "The Notebook" nalulungkot ako.
Sana ako nalang yun bidang babae sa movie. Kahit na panget yun ending, maganda parin ito para sa akin dahil walang happy ending sa totoong buhay.
Sa iba, Oo meron, pero sa istorya ko, wala.
Walang happy ending at hindi ko alam kung paano ito magtatapos at wala ako pake kung matatapos pa ba ito o hindi?