Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / It Starts with a Dare
It Starts with a Dare

It Starts with a Dare

5.0
5 Mga Kabanata
8 Tingnan
Basahin Ngayon

Truth or Dare is just a game, but why it can give you so much pain?

Mga Nilalaman

Chapter 1 It starts with a dare

Nandito kami ngayon sa bahay kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, summer ngayon kaya magkakasama na naman kami. Mag kakaklase kami sa Mathews University and mag gre-grade 11 na kami next schoolyear, by the way sampu pala kami sa barkada.

"Guys, eh, kung pumunta kaya tayo sa park total fiesta naman, eh, at malapit na rin mag 6:30, magbubukas na rin sila mamaya," suggestion ng bff kong madaldal, she's Xyla.

"Sige, wala naman tayong ginagawa rito," pagsang-ayon ni Zeus, boyfriend ko and it's our 1st monthsarry and we decided to celebrate it with the barkada, our relationship kasi is like an adventure with the barkada.

"Geh lakad nalang tayo para masaya," nakangiti kong ani at pumunta muna kay Manang Sarry na naghuhugas ngayon.

"Nay Sarry, pupunta po muna kami sa park," paalam ko rito kaya napalingon siya sa akin.

"Sige basta before 10 dapat nakauwi ka na," seryosong aniya niya kaya napangiti ako. Siya ang nag-aalaga sakin since wala rito ang parents ko. Since nag-grade 8 kasi ako, bumalik na ako rito sa Pilipinas, no'ng grade 7 kasi ako, sa Canada ako nag-aral at dahil miss ko na ang mga friends ko, kaya bumalik ako rito. Lumabas na kami ng bahay at naglakad papuntang park, since puwede naman lang naming lakarin.

While walking, pinag-uusapan din namin kung ano ang gagawin namin at kung ano ang sasakyan naming rides.

"Sakay tayo ferris wheel," napatingin ako kay Macky nang magsalita siya.

"G! Since wala naman sa 'ting takot sa matataas right?" tanong ni Charminne kaya napatango ang ilan sa amin.

Hanggang sa makarating kami sa park ay pinag-uusapan pa rin nila kung anong mga rides ang sasakyan nila, habang ako, tahimik lang na nag-iisip kung ano na ang mangyayari mamaya. Darn, hindi pa ako handa.

"Guys, sakay na tayo ng ferries wheel," tatalon-talon si Zhaynie nang sabihin niya 'yon na parang bata.

"Game," sabi nila pero nanatili lang akong tahimik.

"Love, tabi tayo." Napatingin ako kay Zeus nang magsalita siya. I gave him a small smile before nodding. Unti-unti nang gumagalaw ang ferris wheel hanggang sa nasa taas na kami.

"Love, you ok?" tanong ni Zeus sa akin kaya tumango ako. Well I'm not really ok, just thinking what will happen after this. Sumakay din kami sa vikings at kung ano-ano pang rides pero parang hindi ako nage-enjoy.

Nagpapahinga na kami ngayon sa bench habang kumakain nang tahimik, habang nag-iisip nanaman ako sa sasabihin ko sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko sisimulan lahat, hindi ko alam kung paano ako magso-sorry...I hope he can forgive me for everything that I have done to him.

"Usap tayo." Naputol lang ang pag-iisip ko nang kalabitin ako ni Zeus kaya kunot-noo ko siyang tinignan.

"Sige," 'yon lang ang sinabi ko at hinila na niya ako palayo sa mga kaibigan namin. Ba't kailangang malayo sa kanila?

"Bakit?" tanong ko rito nang makalayo na kami sa kanila, napabuntong hininga muna siya bago niya hinawakan ang kamay ko, pansin ko ang panginginig ng mga kamay niya kaya taka akong tumingin sa kamay naming dalawa.

"Let's break," ani nito kaya 'di ko mapigilang matulala. "Dare lang lahat ng to," dagdag niya, I thought I'm the only one lying here.

'Bakit mo nagawa sa 'kin to?' Yan ang mga salitang gusto kong sabihin pero naalala kong parehas lang pala kami. Parehas lang namin niloloko ang sarili namin. Mali pala, siya lang pala, siya lang ang walang nararamdaman sa 'ming dalawa, dahil ako...sa bawat araw sa loob ng isang buwan unti-unti akong nahulog sa kaniya...hulog na hulog na ako sa kaniya.

A one-sided love.

"I'm sorry." I sighed heavily, he look at me. "We're just same...I just said yes to you because of a dare." No, I said yes 'cause I like you, I have a crush on you. His lips parted upon hearing my words.

"You don't have to say sorry, sina-sabi lang ang sorry 'pag hindi sinasadya ang isang bagay...but in our case, sinadya natin 'tong mangyari," pabuntong hiningang saad niya sabay iwas ng tingin.

"Yeah, your right...I don't need to say sorry because you don't like me, nor love me, right?" Ang sakit sabihin no'n, pero anong magagawa ko kung hindi niya ako gusto? Pinipilit kong pigilan ang mga namumuong luha sa mata ko lalo na nang tumango siya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

As I thought, this is just a one-sided love. Why he can't love me back? I shouldn't agreed with that fvcking dare but I did the opposite, although I already know that there is a possibility that I might fall for him.

Ang tanga ko, pinagsisisihan ko na lahat ngayong hulog na hulog na ako at hindi ko na alam kung paano pa ako makakaahon. Truth or dare is just a simple game for me back then, but now, it is not just a simple game because it can hurt you emotionally. I didn't expect that I can feel this pain. I just didn't lose the game, I'm also hurting right now.

I think I'm starting to hate this simple game.

Truth or Dare is just a game, but why it can give you so much pain?

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY