/0/33099/coverbig.jpg?v=8f9e446b851134d720d7c68268d8b6b5)
Nakipaghiwalay si Oliver Kim sa girlfriend niyang si Serenity Oh. Sa uri ng trabahong meron siya, natatakot siyang malagay lang sa kapahamakan ang buhay nito. Pero nang muli silang magkita, pareho lang pala ang mundong itinadhana sa kanilang dalawa.
Nakipaghiwalay si Oliver Kim sa girlfriend niyang si Serenity Oh. Sa uri ng trabahong meron siya, natatakot siyang malagay lang sa kapahamakan ang buhay nito. Pero nang muli silang magkita, pareho lang pala ang mundong itinadhana sa kanilang dalawa.
"SERENITY," mabilis na tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Maricris nang makalabas ang professor nila. "Nasa labas si Jason. Mukhang ikaw ata ang inaantay. Hindi ba, nanliligaw `yon sa `yo?"
Agad umasim ang itsura ni Serenity. Napagsabihan na kasi niya si Jason na wala siyang gusto rito pero mukhang wala pa ata itong balak sumuko. Nang lumingon siya, agad itong kumaway at ngumiti sa kanya. Simangot naman ang naging reaksiyon niya dito. Sa malas, wala siyang choice kundi harapin ito. Doon lang kasi siya makakadaan para makalabas ng classroom.
"Serenity, can we talk?" wika nito nang makalabas siya ng classroom.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Jason."
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Patakbo naman itong humabol sa kanya.
"Alam kong hindi maganda ang image ko. Marami na akong napaiyak na babae. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Hindi lang siguro kami nagkasundo sa maraming bagay ng mga naging ex ko. Pero malay mo, ikaw na pala ang babaeng para sa `kin.
"Baka kapag mas nakilala mo `ko, magbago ang isip mo. Gusto kita, Serenity. Kaya sana bigyan mo `ko ng chance na mas makilala ka."
Sa mga pinagsasabi ni Jason, lalo lang siyang nainis dito. Mukha kasing sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ng iba. Pero kung kinilig man ang mga taong nakarinig sa mga sinabi nito, hindi siya. Sa katunayan, nayayabangan siya dito.
Kilala niya si Jason Sanchez. Kahit ba hindi siya interesado dito, madalas itong mapag-usapan ng mga kaklase. Hindi nga niya maintindihan kung bakit karamihan sa mga kaklase ay may gusto rito. Oo, hindi maikakailang may itsura ito pero maliban sa kilala itong playboy, leader din daw ito ng isang gang. Ilang beses na rin itong napabalitang may binugbog na estudyante sa University.
Masyado na atang na-adik ang mga kaklase niya sa mga nobela tungkol sa mga astig pero lover boy na gangster. Hindi na nakikita ng mga ito ang maling pag-uugali ni Jason.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Jason. "I'm sorry pero hindi talaga kita gusto. Kaya please, iba na lang ang ligawan mo."
Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Jason. Tinalikuran na niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. At sa pagkakataong iyon, hindi na siya nito sinundan. Maraming nakarinig sa sinabi niya kaya malamang napahiya na ito. Mabuti na rin iyon at nang hindi na siya nito guluhin.
"TAMA na, Jason. Baka mapatay mo si Phillip!" awat sa kanya ng isa sa mga kasamahan sa gang.
Matapos siyang ipahiya ni Serenity kanina, si Phillip ang napagbuntungan niya ng galit. Pero kahit halos mabasag na ang pagmumukha nito, hindi pa rin nababawasan ang galit niya.
"Ang lakas ng loob ng babaeng `yon na ipahiya ako sa harap ng madaming tao. Humanda siya sa `kin. Gusto ko sana siyang gawing prinsesa pero dahil sa ginawa niya, gagawin kong impyerno ang buhay niya.
"Ikaw, ikaw, ikaw, at kayong dalawa," turo niya sa mga kasama. "Sasama kayo sa akin. Ipapakita ko sa babaeng `yon na mali ang taong kinalaban niya."
Nang una niyang makita si Serenity, agad siyang nabighani sa ganda ng dalaga. Pero dahil sa ginawa nito, gusto na niyang burahin ang pagmumukha nito.
BYE, Serenity. Bukas uli," paakyat na ng jeep si Rita nang matigilan ito. "Okay lang ba talaga na iwan kita nang mag-isa dito?"
Nginitian niya ito. "Sige na, umalis ka na. Okay lang ako. Hindi tayo makakauwi kung hihintayin pa natin magsabay ang mga sasakyan natin."
Napangiti na rin ito. "Mag-ingat ka."
"Ikaw rin."
Tuluyan na itong sumakay ng jeep. Kinawayan nila ang isa't-isa. Ilang sandali lang ay nawala na sa panigin niya ang sinasakyan nitong Jeep.
Napatingin siya sa kanyang relo. Alas onse na rin pala ng gabi. Siguradong mapapagalitan na siya ng magulang pag-uwi.
Sa katunayan kanina pang alas otso tawag nang tawag ang Mama niya. Dapat kasi ay nasa bahay na siya ng ganoong oras. Hanggang alas siyete lang dapat ang part-time job niya sa isang fastfood restaurant. Pero dahil maraming tao at may nag-absent na crew, kinailangan niyang mag-extend hanggang closing. Kahit nag-text siya sa Mama niya, siguradong magagalit pa rin ito.
Napatingin siya sa daan. Mukhang aabutin na naman ata ng isang oras bago may dumaan na Jeep. Ganoon din kasi sila katagal naghintay bago nakasakay si Rita.
Dati-rati , maingay pa ang kalsada nang ganoong oras. Pero mula noong nagka-pandemic, aakalain mong madaling araw na. Minsan nga kahit alas siyete pa lang, sobrang tahimik na ng paligid.
"Hi, Serenity."
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Jason. Hindi nga siya nagkamali at ito ang naroon. Hindi na ito nakasuot ng uniform. Hindi rin mukhang mga estudyante ang mga lalaking kasama nito.
Bakit pakiramdam niya hindi lang basta coincidence na napadaan ang mga ito roon nang mga oras na iyon?
"Mag-isa ka lang ata. Gusto mo bang ihatid ka namin pauwi?" ani Jason.
"Hindi na," aniya at mabilis na umiwas ng tingin dito.
Bigla itong tumawa. "Mag-isa ka na nga lang pero malakas pa rin ang loob mo na magsungit sa `kin. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang mo."
Pagkasabi nito noon ay hinawakan ni Jason nang mahigpit ang braso niya. Agad naman niya itong tiningnan ng masama.
"Bitawan mo `ko."
Muli itong tumawa. "Ibang klaseng babae ka rin talaga. Sabihin mo nga sa `kin. Saan mo kinukuha `yang katapangan mo, ha? Alam mo bang kahit sumigaw ka, walang taong tutulong sa `yo dito?"
Medyo malayo na rin ang nilakad nila ni Rita makasakay lang. Nagkataon na sa lugar na `yon, wala ng bukas na establisment. Sa katunayan, wala na nga yatang ibang tao doon maliban sa kanila.
Ramdam ni Serenity ang mas paghigpit ng hawak ni Jason sa kanyang braso. Mukhang hindi yata ito maka-move on sa pagkapahiya kanina sa University kaya gigil na gigil at gusto siyang saktan. Ganoon pa man, nananatili pa rin siyang kalmado.
"Pwede ba, bitawan mo `ko."
"At kung ayoko? May magagawa ka ba?"
"NASAAN ka na, Oliver?" Tanong sa kanya ng pinsan na si Kristoff. "By the way, I already got your mask with me."
Dapat ay dala niya iyon kanina pang umaga pero dahil sa kaba at excitement para sa una nilang misyon, hindi niya iyon nailagay sa bag.
"Thanks. Don't worry, I'm on my way."
"Bilisan mo. Unang misyon natin `to. Hindi tayo pwedeng pumalpak."
Miyembro sila ng isang grupo, ng Merciless. Ang Merciless ay binubuo ng kanilang mga magulang at iba pang mga assassin. Kumikitil sila ng mga taong wala ng silbi sa lipunan. Mga taong walang ibang dulot kundi karahasan at kapahamakan sa mga inosenting mga tao.
Isa ang pinsan sa mga kasamahan niyang nagtri-training upang maging ganap na miyembro ng Merciless. At nang gabing iyon, gaganapin ang pinakauna nilang misyon.
At habang patungo siya sa kanilang meeting place, may napansin siyang isang babae na ginugulo ng ilang kalalakihan.
Kasama sa itinuro sa kanila ang ilihim ang kanilang kakayahan upang walang magduda sa kanilang katauhan. Sa malas, wala siyang dalang mask para takpan ang kanyang mukha. Pero hindi rin ata kakayanin ng konsensiya niyang may mangyari dito gayong may magagawa naman siya para tumulong.
Mabilis na niyang ihininto ang sasakyan. Wala na siyang oras para kausapin pa ang mga lalaki. Ginamit niya ang natutunan para mapatumba ang mga ito nang hindi gaanong nasasaktan.
NAIKUYOM ni Serenity ang mga kamao. Mukhang sinusubukan talaga ni Jason ang pasensiya niya. Hindi man halata, lumaki siyang kargado sa training ng ama. Tinuruan siya nito ng iba't-ibang martial arts moves upang depensahan ang kanyang sarili. Napatingin siya sa mga kasamahan ni Jason. Sa tingin niya ay wala naman dalang mga armas ang mga ito. Kung pisikal lang, may laban siya. Bago pa man may gawing masama ang mga ito, uunahan na niya. Pero bago pa man siya makakilos, bigla na lang may lalaking sinugod ang mga kasama ni Jason.
Hindi si Serenity ang klase ng babaeng nangangailangan ng tulong ng iba para protektahan ang sarili. Sa isang iglap kaya niyang kumawala kay Jason. Pero nang oras na iyon, hinayaan niyang magmukhang mahina ang sarili at mamangha sa lalaking sumugod sa mga kasama ni Jason. Isang galaw lang ng lalaki, tumba na agad ang kalaban. Halatang alam nito ang ginagawa.
"Sino ka ba? Bakit ka nakikialam dito?" ani Jason. Nakahawak pa rin ito sa kanya kaya ramdam niyang nanlalamig ang kamay nito. Mukhang nagtatapang-tapangan lang pero halatang kinakabahan.
"Bitiwan mo siya kung ayaw mong matulad sa mga kasama mo," wika ng lalaki na boses pa lang, ang gwapo na ng dating.
Dahil nakaharap na sa kanila ang lalaki, nagkaroon na siya ng pagkakataong matitigan ang mukha nito. Hindi lang pala ito magaling makipaglaban. Napaka-gwapo rin. Pero bakit parang pamilyar ang itsura nito? Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaki.
Hindi siya maaring magkamali. Wala lang itong suot na eyeglasses pero sigurado siyang ito si Oliver Kim, schoolmate nila sa University.
Minsan nang naituro sa kanya ni Maricris si Oliver. Gwapo daw kasi ito at matangkad. Kaya lang ay nerd. Wala itong pinapansin at madalang lang magsalita. Sinong mag-aakala na sa lahat ng tao, ito pa ang tutulong sa kanya? Bigla tuloy niyang na-imagine si Superman. Aakalain mong mahina pero may superpowers pala.
Biglang tumawa si Jason. "Huwag mo `kong ikumpara sa mga mahihinang nilalang na `yan," binitawan na siya ni Jason.
Kinabahan siya at baka mabugbog nga nito si Oliver. Leader ng gang si Jason kaya malamang malakas din ito. Kung sakali man, tutulong na siya. Pero hindi pa man nagagawang makatama ni Jason, kinarate chop ito ni Oliver sa batok at sa isang iglap, nasa sahig na ito at walang malay.
Napatingin siya kay Oliver at napatingin din ito sa kanya. Pakiramdam niya ilang segundo rin silang magkatitigan hanggang sa tumunog ang cellphone nito.
"I'm sorry but I have to leave," wika nito at mabilis nang sumakay sa kotse nito.
Nakatingin lang siya sa itim na sasakyan hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Mula nang turuan siya ng ama na protektahan ang sarili, naging mahina na ang tingin ni Serenity sa mga lalaki. Kahit gaano pa kagwapo ang mga ito, hindi siya madaling ma-impress. Pero kay Oliver, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Matapos ang tatlong lihim na taon ng pagsasama, hindi nakilala ni Eliana ang kanyang misteryosong asawa hanggang sa nabigyan siya ng mga papeles sa diborsiyo at nalaman ang kanyang labis na paghahangad sa iba. Bumalik siya sa realidad at nakipag-divorce. Pagkatapos nito, inihayag ni Eliana ang kanyang iba't ibang katauhan: isang iginagalang na doktor, maalamat na secret agent, master hacker, bantog na taga-disenyo, mahusay na driver ng karera ng kotse, at kilalang siyentipiko. Sa pagkilala sa kanyang sari-saring talento, ang kanyang dating asawa ay nilamon ng pagsisisi. Desperately, siya pleaded, "Eliana,bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon ! Lahat ng ari-arian ko, pati buhay ko, sayo."
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.
Si Lenny ang pinakamayamang tao sa kabisera. Siya ay may asawa, ngunit ang kanilang pagsasama ay walang pag-ibig. Isang gabi, hindi sinasadyang nakipag-one night stand siya sa isang estranghero, kaya napagpasyahan niyang hiwalayan ang kanyang asawa at hanapin ang batang babae na kanyang nakasiping. Nangako siyang pakasalan siya. Ilang buwan pagkatapos ng diborsyo, nalaman niyang pitong buwang buntis ang kanyang asawa. Niloko ba siya ng kanyang asawa?/Hinahanap ni Scarlet ang kanyang asawa isang gabi at sa hindi inaasahang pag-iibigan ng dalawa. Hindi alam kung ano ang gagawin, tumakbo siya sa takot, ngunit kalaunan ay nalaman na siya ay buntis. Nang handa na siyang magpaliwanag kung ano ang nangyari sa kanyang asawa, bigla na lang itong humiling sa kanya ng hiwalayan./Malaman kaya ni Lenny na ang kakaibang babae na kanyang nakasiping ay talagang asawa niya? Higit sa lahat, ang kanilang walang pag-ibig na pagsasama ay magiging mas mabuti—o mas masahol pa?
Dalawampung taong inalipusta ni Brenna ang ampon niyang magulang. Nang dumating ang tunay nilang anak, pinalayas siya papunta sa mga biyolohikal niyang magulang - akala nila'y dukha. Ngunit kabilang pala sila sa pinakamataas na lipunang hindi maabot ng pamilyang yumao. Habang naghihintay ng kabiguan, nataranta sila nang malamang si Brenna pala ay: dalubhasa sa pandaigdigang pananalapi, henyong inhenyera, kampeon ng karera... Lubog pa kaya sa lihim ang kanyang tunay na kakayahan? Nang iwan siya ng nobyo, nakilala niya ang kambal nitong kapatid. Biglang dumating ang ex-nobyo, nagkukumpisal ng pag-ibig...
"Hindi mo malalaman kung ano ang mayroon ka hanggang sa mawala ito sa iyo!" Ito ang kaso ni Samuel na hinamak ang asawa sa buong kasal nila. Ibinigay ni Tessa ang lahat kay Samuel. Pero ano ang ginawa niya? Tinatrato niya ito na parang walang kwentang basahan. Sa kanyang mga mata, siya ay makasarili, walang prinsipyo, at kasuklam-suklam. Gusto niyang malayo sa kanya sa lahat ng oras. Masaya siyang hiwalayan ito. Gayunpaman, hindi nagtagal ang kaligayahan niya. Hindi nagtagal ay napagtanto niyang nabitawan niya ang isang hiyas na hindi matatawaran ang halaga. Sa panahong ito, maayos na ang kalagayan ni Tessa para sa sarili niya. "Tessa mahal,Alam ko na ako ay tulad ng isang haltak, ngunit natutunan ko ang aking mga aralin.Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon," naluluhang pakiusap ni Samuel. "Ha-ha! Komedyante ka Samuel. Hindi ka ba palaging naiinis sa akin? Ano ang nagbago ngayon?" Ngumisi si Tessa, nakatingin sa kanya. "Nagbago ako, mahal ko.Naging mas mabuting tao ako. Mangyaring ibalik ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag ." Sa pamamagitan ng kanyang mga mata na kumukuha ng mga laser, Sigaw ni Tessa, "Umalis ka na sa paningin ko! Ayokong makita ka ulit!"
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon niya, may ngiti sa labi si Rena habang nagpaalam sa kanya."Masaya habang tumatagal, Waylen. Nawa'y hindi magtagpo ang ating mga landas. Magkaroon ng magandang buhay." Ngunit gaya ng mangyayari sa tadhana, muling nagkrus ang kanilang landas. This time, may ibang lalaki na si Rena sa tabi niya. Nag-alab sa selos ang mga mata ni Waylen. Dumura siya, "Ano bang problema mo? Akala ko ako lang ang mahal mo!" "Keyword, mahal!" Napabalikwas si Rena ng buhok at sumagot, "Maraming isda sa dagat, Waylen. Tsaka ikaw yung humiling ng breakup. Ngayon, kung gusto mo akong ligawan, kailangan mong maghintay sa pila." Kinabukasan, nakatanggap si Rena ng credit alert na bilyun-bilyon at isang singsing na diyamante. Muling lumitaw si Waylen, lumuhod ang isang tuhod, at nagwika, "Puwede ba akong pumila, Rena? gusto pa rin kita."
© 2018-now CHANGDU (HK) TECHNOLOGY LIMITED
6/F MANULIFE PLACE 348 KWUN TONG ROAD KL
TOP