Get the APP hot
Home / Billionaires / WANTED GIRLFRIEND
WANTED GIRLFRIEND

WANTED GIRLFRIEND

5.0
17 Chapters
910 View
Read Now

About

Contents

Nang maloko si Ella ng isang travel agency ay napilitan siyang mamasukan bilang yaya ni Jeremy , ang amo niyang mayaman nga at guwapo , pero super - antipatiko naman . Okay lang , malaki namang magpasuweldo ito , galante pa kahit suplado . Kung ipag - shopping nga siya nito ay daig pa niya ang nagka - sugar daddy bigla . Okay na sana ang lahat kung hindi lang nahulog nang tuluyan ang puso niyang hibang dito . Ang masaklap pa ay tuluyan niyang naisuko ang sarili rito sa loob ng isang gabing pagkalimot . But reality began slapping her real hard the next morning . Ginagamit lang pala siya nito upang maitaboy nang tuluyan ang isang babaeng sunod nang sunod dito . Ayon pa rito , sex for him was just a cigarette stick , you puff it and throw its butt when you're done with it . Magagawa pa kayang magtiwala ng puso niyang nasaktan nito?

Chapter 1 NAG LAHONG PANGARAP

Nang maloko si Ella ng isang travel agency ay napilitan siyang mamasukan bilang yaya ni Jeremy , ang amo niyang mayaman nga at guwapo , pero super - antipatiko naman . Okay lang , malaki namang magpasuweldo ito , galante pa kahit suplado . Kung ipag - shopping nga siya nito ay daig pa niya ang nagka - sugar daddy bigla . Okay na sana ang lahat kung hindi lang nahulog nang tuluyan ang puso niyang hibang dito . Ang masaklap pa ay tuluyan niyang naisuko ang sarili rito sa loob ng isang gabing pagkalimot . But reality began slapping her real hard the next morning .

Ginagamit lang pala siya nito upang maitaboy nang tuluyan ang isang babaeng sunod nang sunod dito . Ayon pa rito , sex for him was just a cigarette stick , you puff it and throw its butt when you're done with it . Magagawa pa kayang magtiwala ng puso niyang nasaktan nito?

KUMUSTA ka na diyan , Ate ? Ano , maganda ba ang UK ? Marami bang English diyan ? He - he ! Hanap ka agad ng mapapangasawa , Ate , ha ? Kumusta nga pala ang mga amo mo ? Mababait ba sila ? Siyanga pala , ipinapatanong ni Mama kung makakapag padala ka na raw ba sa susunod na buwan . Paubos na kasi ang gamot ni Papa . Text mo agad ako ' pag nakabili ka na ng cell phone , ha ? At saka mag roaming ka , Ate , para hindi masyadong mahal . Ingat ka diyan , Ate , ha ?

Mag - reply ka agad kapag nabasa mo na itong e - mail ko . Napabuntong - hininga si Ella pagkatapos basahin ang e - mail sa kanya ng nakababata niyang kapatid na si Vanna . Mataman muna niyang tiningnan ang monitor sa harap niya , tila tinatantiya kung ano ang ire - reply rito . Pagkalipas ng kulang limang minuto ay nakalikom na rin siya sa wakas ng sapat na lakas ng loob upang mag - reply . She clicked the Reply button .

Magta - type na sana siya nang biglang mawala screensaver na nagsasabing ubos na ang oras niya ang display ng kanyang monitor , napalitan iyon ng " Nakakalahating oras na ba ako ? " hindi makapa niwalang tanong niya sa nagbabantay sa Internet cafe na kinaroroonan . " Yes , Miss . Ubos na yong thirty minutes n'yo , " sagot ng lalaking nasa counter habang hindi maalis alis ang tingin sa sariling monitor . Abalang - abala ito sa nilalarong online game .

nagagawa , eh , " aniya .

" Ano ' yon , magic ? Eh , wala pa nga akong " Mag - extend ka na lang , Miss , " anito habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa nilalaro . " Palibhasa , ang kupad - kupad ng Internet connection n'yo . Inaabot nang limang minuto kada isang click , " bubulung - bulong sa inis na sabi niya habang kinakapa ang bulsa ng suot niyang pantalon . She took out her money and counted all of it . Thirty seven pesos . Ibinalik niya ang mga iyon sa kanyang bulsa bago padabog na tumayo . Hindi na lang siya mag - e - extend ng time . Ni pangkain nga ng tanghalian ay kulang ang kanyang pera , ipambabayad pa kaya Internet shop . sa Internet ? Mabigat ang loob na lumabas siya ng Tabigui ? Hay , anong buhay ba meron ka , Marianella

Siya na yata ang pinakakawawang nilalang sa buong mundo . Halos dalawang buwan na siyang nagpapalabuy - laboy sa Maynila . Nakatakda pa siyang palayasin ng may - ari ng boardinghouse na tinutuluyan niya dahil wala na siyang maipambabayad sa renta .

Wala siyang kapera - pera , wala pang mahanap - hanap na trabaho . Ang pinakamasaklap sa lahat , ang akala ng buong pamilya niya ay nasa London siya at nagtatrabaho bilang nanny ng isang limang taong gulang na batang babae . Magpakamatay ka na lang kaya ? panggagatong pa ng isang bahagi ng isip niya . " Sorry po , Lord , " usal niya nang ma - realize ang itinatakbo ng isip niya . Hindi pa naman siya ganoon kadesperada at hindi pa siya nasisiraan ng bait upang makalimutan na kasalanang mortal ang naisip niyang iyon .

Ano na'ng gagawin ko sa buhay ko ? Lord , tulungan N'yo po ako . Pagod na pagod na po talaga ako . She fought the urge to cry . Galing siya ng Mikanya ay ang mama na lang niya ang naghahanapbuhay .

Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita nito bilang isang elementary teacher at bukod sa pulos loan pa ito , may mga mine - maintain pang gamot ng papa niya na matagal - tagal nang nakatali sa wheelchair dahil sa pagkaka - stroke nito . Idagdag pang tatlo lahat ang dalawa sa kolehiyo . Dahil doon ay napagdesisyunan nag - aaral na mga kapatid niya - isa sa high school at niyang sunggaban ang trabahong nahanap sa Internet . Magiging nanny siya ng isang limang taon gulang na batang babae .

Sanay naman siyang mag - alaga ng bata kasi siya na sahod . Kaya hindi na siya nagdalawang - isip pa . ang panganay , idagdag pang medyo malaki ang offer Agad siyang nag - resign sa pinapasukang eskuwelahan at saka inihanda ang lahat ng mga kinakailangan niya Medyo malaki - laki rin ang nagastos niya dahil bukod sa mga papeles na kailangan niyang ihanda ay nagbayadndanao . She once worked there as a preschool teacher . Ngunit naliliitan siya sa kanyang kinikita dahil maliban sa pa siya ng placement fee sa travel agency .

Wala naman silang mapagkukunan ng panggastos sa lahat ng iyon kaya isinangla nila sa bangko ang tanging pag - aari nila ang bahay at lupa nila . Naisip niyang okay lang iyon , tutal , kapag nasa London na siya ay madali na lang niyang matutubos bumili iyon . Hindi lang iyon , puwedeng - puwede pa siyang ng mas malawak na lupa at magpagawa ng mas malaki pa Kaya heto siya ngayon , walang trabaho , walang pera , at magulung - magulo ang isip . Diyos ko po . Bigyan N'yo po ako ng lakas ng loob , piping dalangin niya habang wala sa sariling naglalakad .

" WHERE the hell are my socks ? " naiinis na tanong ni Jeremy sa kanyang sarili habang hinahalungkat niya ang kanyang mga gamit .

Nagkalat na ang mga damit niya sa buong paligid . Daig pa ang dinaanan ng Bagyong Ondoy ang hitsura ng kanyang silid . And it was all because he couldn't find a damned pair of socks ! " This is stupid ! " he cursed again while looking for his socks . At any other time , he would have called out for his Yaya Tacia . Alam nito kung nasaan ang lahat ng mga gamit niya - mula sa mahahalagang files niya hanggang sa personal belongings niya . Pero malayo nang tawagin niya ito dahil pumanaw na ito magtahay pagkatapos . Ngunit gumuho ang lahat ng pangarap niya nang pagdating niya sa Maynila ay hindi niya matagpuan ang travel agency na in - apply - an niya . Wala iyon sa address na ibinigay ng mga ito . Everything turned out to be a scam . tatlong taon na ang nakalilipas .

Namatay ito sa sakit sa puso . Mula nang mamatay ito ay naging hungkag na ang bahay niya . Nasanay na kasi siyang kasama ito sa buong buhay niya . Bata pa lang kasi siya ay ito na ang tagapag - alaga niya . Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay tuluyan na siyang naiwan sa pangangalaga nito . Sa katunayan ay hindi na ito. nakapag - asawa dahil natutok na sa kanya ang buong atensiyon nito . He became her only family . Since madalang na nga niyang makasama ang kanyang mga magulang dahil nagkanya - kanya na ng buhay ang mga ito mas naging malapit ang loob niya kay Yaya Tacia kaysa sa sarili niyang ama at ina .

Kaya sa pagpanaw ni Yaya Tacia ay hindi lang yaya ang nawala sa kanya kundi nawalan din siya ng mga magulang , kaibigan , at kakampi . He'd always felt alone since then . " Holy shit ! " bulalas niya nang mapansing male late na siya sa pupuntahang business meeting . Patuloy pa rin siya sa pagmumura nang matisod siya sa isang pares na lumang medyas na hanggang tuhod ang haba . Nagpasya siyang iyon na lang ang isusuot niya .

He promised himself that he would hire a personal assistant as he ran out of his room with his things . " PERSONAL assistant ? " pag - uulit ng matalik na kaibigan ni Jeremy na si Rex . Kaibigan niya ito mula pa noong college sila . Isa ito sa mga kasalukuyang consultant ng Rodriguez Group of Hotels , ang kompanyang pag - aari ng kanyang ama . Siya ang presidente ngayon doon . " Ano ka , artista at nangangailangan ka ng PA ? " Tumawa ito nang malakas .

Hindi lang artista ang nangangailangan ng PA , okay ?" Nandiyan naman si Pamela , ' di ba ? So why would you need another assistant ? " tanong nito na ang tinutukoy ay ang executive secretary niya . " I can't take Pamela home , okay ? The house has been so empty with Yaya Tacia gone . Hindi ako sanay . " " Then get a wife . " " Shut up ! Here , look at this , " aniya , sabay pakita rito ng suot niyang medyas .

" So , may balak kang maglaro ng soccer pagkatapos dito ? I didn't know you were playing soccer again . " Varsity player sila ng soccer noong nasa kolehiyo pa lang sila . Pero nang maging busy na sila sa kanya kanyang career ay tuluyan na nilang nakalimutan ang first love nila . " I'm not playing soccer again . I just couldn't find my goddamned socks ! " Muli itong natawa . " Ah , kaya ka pala naghahanap ng yaya . " " Hindi yaya , okay ? ' Personal assistant . " " Ano ba kasi ang ipapagawa mo sa magiging personal assistant mo ? "

" Clean up my condo , prepare my food , remind me of my important meetings , keep all of my stuff in order , and hand me everything I need .

My room is so chaotic that I can't even find my own trousers . " " So , yaya nga , kasi iyon naman ang ginagawa dati ni Yaya Tacia , ` di ba ? C'mon , man . Grow up ! You're too old to need a nanny , for heaven's sake !" "

That's why I'm looking for a personal assistant and not a nanny . And you're gonna find me one as soon as possible , " may pinalidad na sabi niya rito . " Stop bullying me , will you ? Ikaw lang ang kilala kong yaya's boy na mahilig mang - bully , " tukso nito sa kanya . " Shut up , okay ? Find me one . " " Okay , okay . Ihahanap kita ng yaya . " " Personal assistant ! " pagdiriin niya . " All right , personal assistant then .

" HALOS mabasag ang eardrums ni Ella dahil sa malakas na pagbusina ng parating na sasakyan . Awtomatikong napabaling siya sa direksiyong pinagmulan niyon . Nakakasilaw na headlights ang sumalubong sa mga mata niya . Oh , my , God ! tanging nasambit niya bago naram daman ang lakas ng pagbunggo ng sasakyan sa binti niya . Kasabay ng nakabibinging pag - ingit ng gulong - dahil sa biglang pagpreno ng sasakyan ay ang pagtilapon niya sa kalsada .

Oh , my , God ! Patay na yata ako ! Agad niyang iminulat ang mga mata . Nakakasilaw na liwanag ang bumulaga sa kanya . Nasa langit na yata ako ! " Are you trying to kill yourself ? " anang tinig ng isang lalaki , kasabay ng sunud - sunod na pagbusina ng mga dumadaang sasakyan at ng ingay ng mga nakikiusyosong bystanders . As it turned out , she was just directly staring at the sun , hindi sa liwanag na nanggagaling sa pintuang binabantayan ni San Pedro . Buhay pa ako ! Gusto niyang magtatatalon sa tuwa sa nalaman . Ngunit mukhang hindi niya kayang gawin iyon dahil nakakaramdam siya ng sakit sa binti niya . May tumulong sa kanyang makatayo . Medyo matagal - tagal din bago nakapag - adjust ang kanyang paningin . Nang unti - unting luminaw iyon ay nakita niyang guwapo at mukhang mayaman ang lalaking tumulong sa kanya . May hinala siyang ito rin ang nakabunggo sa kanya . " Magpapakamatay ka ba at kung makatawid ka ng kalsada ay para ka lang namamasyal sa Luneta ? " tanong nito . Mukhang galit ito . " Sorry po , " aniya . Inaamin niyang wala siya sa tamang pag - iisip kanina . Sa dami ba naman kasi ng mga pinoproblema niya . " Get in , " anito . " Ho ? "

" I said , get inside the car . I'll bring you to the hospital . " Gusto niyang matuwa dahil mukhang mabait din naman pala ang nakabunggo sa kanya . Ngunit hindi niya maalis - alis sa sarili ang magduda . Alam niyang hindi siya dapat basta - basta nagtitiwala sa kahit sino . But the persistent pain in her leg told her she didn 't have a choice . Paano kung nabali ang buto niya sa binti ? Wala pa naman siyang perang pampagamot.

" THANK you , Sir . Pasensiya na po kayo sa nangyari . Naabala ko pa tuloy kayo , " sabi ni Ella sa lalaking nakabunggo sa kanya pagkatapos ma - checkup ang binti niya ng doktor ng pinuntahan nilang ospital . Laking pasalamat niya dahil hindi malala ang naging pinsala niya . Ayon sa doktor , hindi naman daw ganoon kalakas ang naging impact ng pagkakabunggo sa kanya . Gayunman ay binigyan pa rin siya nito ng mga iyon . mga gamot . Pampawala raw ng sakit at pasa ang " Just call me ' Rex , "

" anang lalaking nakabunggo sa kanya . Tama nga ang hinala niya kanina , mabait ito . " Let's go . I'll take you to lunch . " " Lunch po ? Naku , huwag na ho . Nakakahiya naman sa inyo . Masyado ko na po kayong naaabala , " ang mga alaga niya sa tiyan . tanggi niya kahit ang totoo ay kanina pa nagrereklamo..

I insist . It's no bother , really . Come on , " anito at nagpatiuna nang lumabas ng ospital . Sumunod na lang siya rito . Napakaipokrita naman niya kung tatanggihan niya ang alok nito . Ayaw niyang mamatay nang dilat ang mga mata dahil sa gutom . Ang bait naman ng taong ito , naisip niya .

Binata pa kaya siya ?

Guwapo pa naman . Diyos ko po . Itong lalaking ito na po ba ang sagot sa aking mga problema ? Guwapo , mabait , mayaman , saan ka pa ? Ilusyunada ! anang kontrabidang bahagi ng isip niya . Gutom ka na nga talaga . Nagha - hallucinate ka na , eh ! Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ni Rex .Hindi lang pala ito mabait kundi palakuwento pa , kaya madaling napalagay ang loob niya rito . And the next thing she knew , she was telling him everything about her present situation . Pagkatapos niyang ikuwento rito ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay ay nakanganga itong nakatitig sa kanya . Hindi tuloy niya malaman kung naaawa ba ito sa kanya o nagdududa . " Pasensiya na po kayo , Sir Rex , kung naikuwento ko man sa inyo ang tungkol doon . Pero huwag po kayong mag - alala , hindi po ako humihingi ng tulong sa inyo . Sobra - sobra na nga po ang pang - aabalang ginawa ko sa inyo . Medyo mabigat lang po talaga ang loob ko't kailangan ko ng mapagsasabihan . Isa pa po'y- "

" So , you need a job , " anito , cutting her off . " Desperately . Pero ganito po pala rito sa Maynila . Ang hirap - hirap maghanap ng trabaho . Kahit katulong na ho o waitress , papatulan ko na , makahanap lang po ako ng trabaho . " " Yaya , gusto mo ? " " Ho ? " " Yaya . Malaki ang suweldo n'on . "

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 17 HULING KABANATA ( CHAPTER END)   10-20 14:29
img
3 Chapter 3 YAYA
19/10/2022
4 Chapter 4 PAGE 4
19/10/2022
5 Chapter 5 PAGE 5
19/10/2022
6 Chapter 6 PAGE 6
19/10/2022
7 Chapter 7 PAGE 7
19/10/2022
8 Chapter 8 PAGE 8
19/10/2022
9 Chapter 9 PAGE 9
19/10/2022
10 Chapter 10 PAGE 10
19/10/2022
11 Chapter 11 PAGE 11
19/10/2022
12 Chapter 12 PAGE 12
19/10/2022
13 Chapter 13 PAGE 13
19/10/2022
14 Chapter 14 PAGE 14
19/10/2022
15 Chapter 15 PAGE 15
19/10/2022
16 Chapter 16 PAGE 16
19/10/2022
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY