maging positibo dahil araw niya ngayon. Hindi niya gustong
masira iyon.
Nakarating na siya sa simbahan at nakita niyang nasa
labas ng pinto ang kanyang magulang at ang magulang ni Aljon.
Bigla siyang kinabahan pero hindi siya nagpahalata. Nang
makababa ng tuluyan mula sa loob ng sasakyan, agad siyang
nagbigay galang sa mga magulang at magulang ni Aljon.
"Good morning po. Bakit po kayo narito pa sa labas?
Magsisimula na po ang kasal any minute, 'di ba?" nakangiting
tanong niya sa mga ito. Napansin niyang hindi mapakali ang mga
magulang ni Aljon. Hindi na rin maganda ang kabang
nararamdaman niya. Huwag naman sanang mangyari ang iniisip
niya. Hindi siya iiwanan ni Aljon sa ere. Alam niya iyon dahil
mahal na mahal siya ng binata.
"Anak..." mahinahong simula ng kanyang ama.
Napatingin siya rito at hinintay itong magsalita. "Hindi na
matutuloy ang kasal." Matapos sabihin iyon ay may iniabot itong
isang sulat. Alam niyang galing iyon kay Aljon dahil
kilalang-kilala na niya ang sulat kamay ng binata. Nanginginig
ang mga kamay na tinanggap niya iyon at binasa.
"Sorry, Isha. Hindi ko alam kung paano ka haharapin
matapos akong umurong sa kasal natin. Pero sana maintindihan
mo na hindi pa pala ako handang lumagay sa tahimik. Marami pa
pala akong gustong gawin sa buhay ko na ako lang mag-isa.
Minahal naman kita pero hindi pala sapatiyon para magpatali ako
sa'yo. Patawarin mo sana ako. Hanggang sa muli. - Aljon"
Iyon ang nakalagay sa sulat. Hindi alam ni Isha kung anong
iisipin at anong gagawin ng mga sandaling iyon. Gusto niyang
magwala sa galit pero hindi niya magawa. Masyado niyang
mahal ang binata para magalit siya. Matapos basahin ang sulat
ay pumasok siya sa loob ng simbahan at lakas loob sinabi sa mga
bisita na hindi na matutuloy ang kasal.
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa
simbahan. Isang linggo na ring hindi lumalabas ng kanyang
kwarto si Isha at maging ang kanyang trabaho ay apektado na
rin. Wala siyang ganang magtrabaho at ang gusto lang niya ay
magkulong sa kwarto. Hindi naman siya umiiyak dahil wala na
siyang mailuluha. Nailuha na niya noong mga unang araw.
Ngayon ay wala lang talaga siyang gana pang makihalubilo sa
mga tao sa labas maging sa mga tao sa paligid niya.
Kasalukuyan siyang nakatalukbong ng kumot nang
biglang may kumatok sa kanyang kwarto.
"Ish?" mahinang boses ng kanyang ina ang narinig niya.
Wala sana siyang balak buksan ang pinto pero alam niyang hindi
rin naman niya mapipigilan ang kanyang ina. Tumayo na siya
para pagbuksan ito.
"Yes, 'Ma?" tanong niya matapos bumalik sa
pagkakahiga. Naupo naman ang kanyang ina sa gilid ng kanyang
kama at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Anak, huwag
mo namang pahirapan ang sarili mo. Gusto mo bang
magbakasyon muna? Gusto mo bang pumunta muna sa Kuya
Frank mo sa France?" tanong ng kanyang ina. Napabangon siya
nang wala sa oras pagkarinig sa France. Hindi niya kayang
magbakasyon sa isang lugar na may alaala ng dating nobyo. Doon
kasi ito nag-propose ng kasal sa kanya kaya naman hindi pa niya
kayang pumunta doon.
"Ma, alam mong hindi ko kayang pumunta ng France
dahil maaalala ko lang si Al." Al ang tawag niya sa dating nobyo.
Akala niya talaga ay magiging masaya na ang kanyang taon dahil
ikakasal na siya sa lalaking pinangarap niyang makasamang
bumuo ng kanyang mga pangarap. Pero at the last minute,
iniwan rin siya nito. "Anak, hindi mo matatakasan ang mga
nangyari kung ikaw mismo, hindi mo tinutulungan ang sarili mo.
Go and have a vacation for a while. You need to breathe fresh air.
Kung ayaw mo sa France, doon ka na lang sa pinsan mo sa
Quezon. Nature will help you, dear. Trust me." Masuyong
hinalikan pa nito ang kanyang noo bago lumabas ng kwarto niya.
Quezon Province? Not a bad idea. Naisipan niyang bigla
na buksan ang kanyang laptop at mag-research ng mga pwedeng
mapuntahan sa Quezon habang nagbabakasyon siya pero
curiosity strikes her nang makita niya ang advertisement tungkol
sa Lake Sebu sa Mindanao. She spends hours of researching
about the reviews of those people who already went to that place
and all of those reviews are great. Napagisipan niya tuloy na
doon na lang magpunta. Safe naman ang lugar base sa mga
reviews ng mga taong nagbackpacking na doon. She found her
self booking her flightfrom Manila to Davao. Mag side trip siya sa
Davao bago siya mag puntang Lake Sebu.
Base sa research niya, isang maliit na barangay lang ang
Lake Sebu pero maraming dumadayong turista doon dahil narin
sa kilalang Seven Falls and The Longest ZipLine in Asia.
She booked her flights one way lang dahil hindi pa niya
alam kung kailan niya balak umuwi ng Manila. Susulitin niya ang
bakasyon niyang ito para naman makapag relax siya. May
maiiwanan naman siya ng kanyang shop kaya alam niyang kahit
magbakasyon siya ay hindi mapapabayaan ang kanyang negosyo.
After paying for her flight, she decided to look for hostel
in Davao to stay for two days. Nakakita rin siya ng tour Agency
na nagbobook ng two days trip sa Davao.
Sa Davao na siya maghahanap ng pwede niya
matuluyan sa Lake Sebu. May mga mapagtatanungan naman
siguro siya doon at may mga advertisements naman siguro.
Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang mga
magulang magpunta ng malayo sa Luzon kaya naman planado na
ang lahat bago siya magpaalam. Matapos niyang makausap ang
agency na susundo sa kanya sa airport pagdating niya ng Davao
bukas, nag empake na siya ng kanyang dadalhing mga gamit.
She's never been excited all of her life. Matapos niyang makapag
ayos ng mga dadalhin, agad na siyang bumaba sa sala para
ipaalam sa kanyang pamilya ang kanyang desisyon.
"May sasabihin ako sa inyo." Sabi niya pagkaupo sa
tapat ng mga magulang na kasalukuyang nanonood ng palabas sa
telebisyon. Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang
bago magtanong ang kanyang ama.
"Ano iyon, hija?" sabi ng kanyang ama at tumingin sa
kanya. Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot sa tanong
nito. "Napag-isipan kong magbakasyon. Bukas na ang alis ko at sa
Davao ang destinasyon ko. Alam ko namang hindi niyo ako
papayagan kaya naman nag-book na ako ng tickets. May flights
na ako at didiretso ako ng Lake Sebu," marahang paliwanag niya
at nagsalita muli. "I can take care of myself and isa pa, may
nakausap na akong agency na mag-a-asikaso ng pagpunta ko
doon," mahabang paliwanag niya. Wala ng nagawa ang kanyang
pamilya dahil ayos na ang lahat.
"Mag iingat ka na lang doon anak at babalitaan mo kami
palagi." Iyon lang at alam niyang ibinibigay na ng kanyang
magulang ang blessings ng mga ito sa kanyang mahabang
bakasyon.
Nakangiti siyang umakyat pabalik sa kanyang kwarto at
excited siyang natulog. Maaga ang flight niya papuntang Davao
dahil ayaw niya magsayang ng oras. This is once in a lifetime
opportunity for her.
Napamangha si Isha ng makita ang Davao International
Airport. Hindi ito ganoon kalaki ng katulad ng Maynila pero
malinis ito at makikitang disiplinado ang mga tao. Nang makuha
na niya ang kanyang maleta ay lumabas na siya ng airport at
hinintay sa labas ang kanyang sundo. Hindi siya
makapaniwalang nandito na siya sa Davao. Hindi siya natatakot
kahit mag isa siya dahil sa mga balitang naririnig niya, safe sa
Davao dahil magaling mamalakad ang mayor doon. She can't
wait to have her tour later.
Nakita na niya ang sundo niya dahil may pangalan niya
ang slogan na dala nito. Nakangiti siyang lumapit rito.
"Kayo po si Mang Dolfo?" masayang tanong niya rito.
Agad naman itong tumango at binitbit ang dala niyang maleta.
Nang makapasok siya sa sasakyan, saka lamang ito nagsalita.
"Welcome po dito sa Davao, Ma'am. Sana po ay mag
enjoy kayo." At pinatakbo na nito ang sasakyan.Ilang oras pa ang
tinakbo nila bago nila narating ang hotel kung saan siya tutuloy.
Ang Marco Polo Hotel Davao. Matapos magpasalamat sa matanda
ay nagdiretso na si Isha sa reception area para kunin ang susi ng
kanyang magiging silid sa loob ng dalawang araw.
Matapos niyang makapag- ayos ng kanyang gamit ay
nagpasya siyang mag-punta sa lobby ng hotel para hintayin ang
kanyang sundo para sa first day tour niya. Excited siyang makita
ang magagandang lugar na pwede niya mapuntahan dito sa
Davao. Ilang minuto pa siyang naghintay sa lobby ng dumating
na ang kangyang agent.
"Miss Isha Romano?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya at inabot ang kamay nitong nakikipagshake
hands.
"Ako nga po. Ano po ang una nating pupuntahan?"
Excited na tanong niya habang palabas sila ng hotel. Sinabi
naman nito kung ano-ano ang kasama sa first day tour nila at
hindi na siya makapag hintay.
Isha is really having the best time of her life so far. Ang
dami niyang napuntahan sa Davao sa unang araw pa lang niya.
She made a mental note to check back Samal Island again after
her trip from Lake Sebu. This is her second day and her tour is
just exciting as the first one. Hindi magkamayaw ang kanyang
mga mata sa paglilibot sa Crocodile park at sa Butterfly Garden.
She feels like she was in Paradise seeing those colorful Butterflies
flying inside the house of butterflies.
"Ang ganda naman dito! Pwede ba magpapicture sa loob
ng House of Butterflies?" tanong niya kay Katherine na kanyang
agent. Kinuha muna nito ang brochure ng lugar sa kanyang mga
kamay bago siya sinagot.
"Naku Miss, pwede naman pero dito lang sa labas eh.
Ipinagbabawal kasi ang pumasok sa loob ng house of Butterflies
kapag ganitong mating season nila." Mating Season pala ng mga
paru-paro kaya pala ang daming paru-paru na nandoon. Halos
konti lang kasi ang makikita sa may butterfly garden. Iba pa rin
kasi ang lugar ng butterfly garden sa lugar kung nasaan ang
House of Butterflies. Nagkasya na lang siya mag-papicture sa
labas ng HOB and nagtuloy na sila sa kanilang pangalawang
destinasyon. Ang Japanese Tunnel. Nakakatuwang pagmasdan
ang Japanese Tunnel dahil kapag dumaan ka doon, ang makikita
mo sa kabilang dulo ay isang malawak na garden na punong
puno ng mga iba't ibang uri ng bulaklak na galing pa ng Japan.
Kaya siya tinawag na Japanese Tunnel dahil Japanese Garden ang
makikita mo sa dulo. May mga ilan ding shops sa gilid na hindi
naman nakakasira ng lugar bagkus ay nakakadagdag pa nga ng
attractions dahil gawa mismo sa Japanese Interior ang design ng
mga iyon.
Matapos ang maghapong paglilibot, pagod na pagod si
Isha at agad siyang nakatulog pagkapasok na pagkapasok niya sa
hotel room niya. 12noon pa naman ang check out time niya kaya
may oras pa siya magayos ng gamit niya papuntang Lake Sebu.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya ng mahimbing.
Maaga siyang nagising dahil na rin sa liwanag na
sumisilip sa kanyang bintana. Hindi pala niya naisara ang
bintana kahapon dahil nagmamadali na siyang umalis. Pagtingin
niya sa kanyang relo, alas otso na ng umaga. Nagpasya siyang
mag ayos muna ng sarili at magalmusal sa Restaurant ng hotel
bago siya tuluyang mag ayos ng mga gamit niya para sa pag alis
niya. Matapos niyang mag ayos ng sarili ay nakita niyang ang
dami ng miss calls ng kanyang pamilya ng kunin niya ang
kanyang cellphone. Malamang ay nag aalala na ang mga ito dahil
mula ng dumating siya dito sa Davao ay hindi pa niya
nagagawang tumawag sa mga ito. Nawili kasi siya sa
pamamasyal.
Tatawagan na sana niya ang magulang ng biglang
magring ang kanyang cellphone. "Hello?" masiglang sabi niya ng
sagutin ang tawag. "Anak! Ano bang nangyari na sa iyo? Kamusta
ka na dyan? Wala ka bang balak bumalik na dito?" Boses iyon ng
kanyang ina. Natatawa siya dahil alam niyang nagpa-panic na ito
sa kabilang linya. "Ma, relax. Okay na okay ako rito.In fact,I am
having the best day of my life so far. Babalik din naman ako pero
baka matagalan pa. Kumusta na pala ang Flavours?" Ang
flavours ang negosyo niyang naipundar niya matapos niyang
magtrabaho sa isang Hotel sa Singapore after she graduated
College. Iba't ibang flavours ng ice cream ang tinda sa shop niya.
Ang namamahala noon ngayon ay ang bestfriend niyang si Lanie.
"Okay lang ang takbo ng Flavours. Magaling naman
mamahala si Lanie kaya huwag mong alalahanin iyon.Ikaw ang
mag ingat dyan dahil ang layo-layo mo sa amin. Promise us, you
will be going back home in one piece." Nagaalalang sabi ng
kanyang ina. Para matapos na lang ang kanilang usapan ay
sinabi niyang palagi siyang mag iingat.