/0/37388/coverbig.jpg?v=9ea8e70e518c3035c793f7d98a5e65c3)
Aniesha Zarzuela is a hardworking woman who will do anything for her family. She has this kind of charisma that every man would fall for. She was the one who raised her family the day that her father left them at a very young age. Aniesha is a resilient, cold and self-reliant woman who always wants to be the best. John Jaxson Montenegro is a selfish man who doesn't care about other people as long as he's happy doing his own thing. He never cares about other people's feelings as long as he's satisfied and enjoying doing his own thing. For him, life is a waste. What will happen once Aniesha and Jaxson meets? Will Jaxson change his lifestyle and beliefs or he will also ruin Aniesha's life because of his past?
Aniesha's POV
"Kailan mo balak ayusin ang team mo, Ms. Zarzuela?!" sigaw sa 'kin ng department head patungkol sa aking team.
"They're still adjusting, Ma'am," I uttered while my lowerlip is shaking because of the nervousness that I currently feel.
Bahagyang natawa ang aming department head at sinapo ang kanyang noo. Kahit ako ay nas-stress dahil sa aking team. Pinaayos ko na sa kanila ang mga papers na dapat ay gagamitin ni Ma'am Cynthia subalit mas inuna nila ang aming magiging presentation.
"Adjusting?! You're always telling me that nonsense excuse, Zarzuela! Ilang taon ba dapat sila mag-adjust?! Kapag puti na ang uwak?! Get out of my sight! I'll be giving you a day to finish the papers that I gave you!" aniya na siyang naging dahilan ng pag-alis ko sa 'kanyang harapan.
Ipinikit ko nang panandalian ang aking mga mata at muli itong idinilat pagkatapos ay marahang sinuntok ang dingding sa hallway.
Kahit anong pilit ko na maging mabait sa team ko ay pinipilit nila akong ilabas ang sungay ko!
Kita ko ang pag-ayos ng upo ng aking mga kasamahan na under ko pagkatapos ay tumayo ako nang maayos sa kanilang harapan.
"Siguro naman alam niyo na kung bakit ako naririto sa harapan ninyo," simula ko.
Dinig ko ang buntong hininga nila dahilan para mas lalo akong magalit.
"Kung hindi sana kayo tatanga-tanga edi sana hindi tayo mago-overtime, hindi ba?! We only have one day to finish those papers that Ma'am Cynthia gave us. Walang uuwi hangga't hindi ninyo natatapos 'yong mga papers na 'yon! Martha! Papasukin mo na ang mga applicants!" bulyaw ko.
Saktong pagtalikod ko ay dinig ko ang mga yabag ng kanilang mga paa dahil sa pagmamadali nila na ayusin ang mga papeles na ibinigay ni Ma'am Cynthia sa amin.
Minuto ang lumipas subalit wala pa rin akong napipili na swak sa pagiging assistant ko sa aking team.
"Wala 'man lang bang matino na mag-a-apply?!" galit na turan ko sa kawalan habang nailing-iling at pinasadahan ang sunod na aplikante.
He's wearing a black tuxedo and a shoes that fits to his outfit. Well, mukhang pinaghandaan niya ang araw na ito that's why I'm giving him 1 point.
"Good Morning, Ma'am," nakangiting aniya at dumekwatro sa aking harapan.
Imbis na ngiti ang isukli ko sa 'kanya ay kunot-noo ko siyang hinarap at pinaikot-ikot ang ballpen sa aking mga daliri.
"Mr. Montenegro. So, tell me about yourself," bungad ko.
"Your question is already answered on my paper. Do you still need to ask me that when my personal details are already indicated on my resume?" pilosopong aniya na siyang lalong nagpakulo ng aking dugo.
Tinignan ko siya nang masama at galit na hinilot ang aking balikat pagkatapos ay bununtong hininga.
"Namimilosopo ka ba?" galit na tanong ko.
"No, I'm not. I am John Jaxson Montenegro. An aspiring assistant who wants nothing but the best for our department. I hope you'll give me a chance to be part of your team because I have so many plans in this company in order for us to be the best," aniya.
Ilang minutong tanungan ang naganap sa pagitan naming dalawa dahilan para tawagin ko si Martha at sabihin sa 'kanya ang aking desisyon.
"So, it's final, Ma'am. Mr. Montenegro will be your assistant," ani Martha nang matapos niynag ibalita sa labas kung sino ang aking napili bilang assistant ko na si Montenegro.
Akmang aalis na sana si Martha kaso bigla ko siyang tinawag dahilan para tumigil siya sa paglabas.
"How was the papers?" tanong ko patungkol sa mga papeles na pinapaayos sa amin ni Ma'am Cynthia.
"Patapos na po, Ma'am. Medyo may problema lang sa technicalities but all in all okay na po," halatang kabadong aniya kaso sa tingin ko ay pinipilit niyang umaktong normal.
Tango nalang ang isinagot ko sa 'kanya at nagtipa sa laptop na nasa aking harapan. Gabi na subalit abala pa rin ang aking team sa pag-aayos ng papeles maging ako.
Natigil ako sa pagtitipa sa keyboard nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina dahilan para papasukin ko ang taong 'yon.
"Good evening, Ma'am. Maayos na po ang lahat," ani Jeff.
"Good. You may leave now," wika ko.
"S-salamat po."
Pagkaalis niya ay saktong nag-ring ang phone ko dahilan para dali dali ko itong sagutin.
"Hello, mahal?" ani Marvelous na kung saan ay boyfriend ko.
Dahil sa dalawang salitang 'yon ay hindi ko mapigilang mapangiti paano pa kaya kung mayakap ko siya?
"Nakakapagod, Marvs" wika ko pagkatapos ay bununtong hininga.
"It's alright. You've been through a lot, ngayon ka pa ba susuko?" he uttered that made me smile widely.
Siya ang pahinga ko sa mga panahong pagod na pagod na ako.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal nang iba kapag nawala siya. Halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa 'kanya na.
"I know," turan ko.
"Are you free tonight?" tanong niya.
Tinignan ko muna ang kalendaryo na nasa aking harapan upang makita ang aking schedule at saktong free naman ang schedule ko bukas dahil wala akong mga meetings na pupuntahan dahil baka gabing gabi na kami makauwi ni Marvelous mamaya at mapuyat ako.
"Yeah, I'm free," wika ko.
"I'll pick you up, then," aniya.
Agad kong binaba ang cellphone at inayos ang aking mga gamit pagkatpos ay nagdesisyon nang bumaba gamit ang elevator.
Tumambay muna ako sa entrance ng kompanya at doon inantay si Marvelous. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko na ang busina niya dahilan para nakangiti akong lumapit sa 'kanya.
I kissed him on his lips then greeted him, "Kamusta ang araw mo?" bungad ko habang nagse-seatbelt.
"Maayos naman, medyo nakakaantok lang magsalita ang boss namin," turan niya na siyang naging dahilan ng marahan kong pagtawa.
"Ikaw?" tanong niya.
"As usual. Stressful pa rin ang trabaho ko at patoxic nang patoxic habang tumatagal," nakangusong wika ko habang nagmamaneho siya.
"Sabi ko naman sa 'yo lumipat ka na sa pinagta-trabahuhan ko," suhestiyon niya.
Matagal nang sinasabi sa akin ni Marvelous na lumipat na ako sa kompanyang pinagta-trabahuhan niya subalit paulit-ulit ko siyang tinatanggihan dahil mahal ko ang trabaho ko at sanay na ako sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa restaurant na kakainan namin ni Marvelous pagkatapos ay inalalayan niya ako na umupo sa silya.
"Anong gusto mo?" tanong niya habang nakatingin sa menu ng restaurant.
"Etong steak nalang," wika ko.
Agad na sinabi ni Marvelous ang orders namin pagkatapos ay umalis na sa aming harapan ang waiter.
"Can I ask you something?" tanong niya.
"Sure! Ano 'yon?" tanong ko.
Dinig ko ang kanyang pagbuntong hininga pagkatapos ay may kinuha sa 'kanyang bulsa.
"I want to marry you, Aniesha. Will you be my wife?" tanong niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang aking pang-ibabang labi. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa dahil marami pa akong pangarap para sa pamilya ko.
"M-marvelous. I-I'm sorry. Hindi pa ako h-handa," lumuluhang wika ko.
Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat at ang pagbuntong hininga niya.
"I knew it. Fourth time na 'to, Aniesha! Hanggang kailan ka ba hindi magiging handa?! Lagi nalang ganyan ang sagot mo! Ano?! Pamilya mo na naman ang i-e-excuse mo?! Hah!" galit na turan ni Marvelous.
Akmang magsasalita na sana ako kaso muli siyang nagsalita na siyang ikinagulat ko! "I'm done with you! Let's break up!" dagdag niya na dahilan para mapatayo ako!
"Marvs!" sigaw ko habang hinahabol ko siya.
"Stop right there!" sigaw niya pagkatapos ay muling naglakad palabas.
Pitong taon. Pitong taon ang tinagal ng relasyon namin pero bakit sinukuan niya ako agad? Ako ba talaga ang problema sa relasyon namin kaya umabot kami sa ganitong sitwasyon?
Kung ganitong sakit ang kaakibat ng pagmamahal sana hindi nalang ako natutong magmahal.
PAGKARATING ko sa bahay ay agad na bumungad sa 'kin ang aking pamilyang nagsisigawan. Umiinom ng alak si mama habang si kuya at ang kanyang asawa naman ay nagsasagutan dahil sa hindi ko alam na dahilan. Ang bunso ko namang kapatid ay abala sa paglalaro sa 'kanyang cellphone ng usong laro ngayon ng mga kabataan.
Buntong hininga nalang akong pumunta sa aking kwarto at sinara ang pinto.
Ni hindi manlang nila ako inabalang kamustahin.
Iiling iling akong nagpalit ng pantulog kong damit pagkatapos ay inihiga ang aking buong katawan sa kama ko.
Wala lang ba ang mga taon na 'yon sa 'kanya? Bakit ang bilis niya akong binitawan? Minahal niya ba talaga ako? Kasi kung oo, bakit madali lang sa 'kanya ang mawala ako?
Inihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha pagkatapos ay bumuntong hininga.
Sana pag gising ko wala na lahat ng sakit na nararamdaman ko.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako na namamaga ang aking mga mata. Agad akong nagbihis ng pan-trabaho at nagdesisyong magsuot ng shades upang hindi mahalata ang maga kong mga mata.
"Kumain ka na muna, Aniesha," ani aking ina habang nasubo ng pagkain at abala sa pagdutdot sa 'kanyang cellphone.
"Sa trabaho na lang ho ako kakain," pilit na nakangiting wika ko.
Hindi na siya umimik pa at pumara na ako ng taxi nang makalabas ako sa bahay upang maihatid na ako sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko.
Pagkahinto ng taxi sa harap ng kompanya na pinagta-trabahuhan ko ay agad akong nagbigay ng bayad at nagdesisyong pumasok sa loob.
"Good Morning, Ma'am," ani isang lalaki na nagma-may-ari ng baritonong boses.
Agad ko 'yong nilingon at nakita ko ang bago kong assistant na si Montenegro.
Hindi ako umimik at nag-antay na bumukas ang elevator. Ilang segundo ang lumipas at bumukas na ito dahilan para pumasok ako do'n habang siya naman ay nasa aking likuran.
"I'm just wondering. Why are you wearing a sunglass? Hindi naman tirik ang araw dito sa loob ng kompanya, ah?" aniya gamit ang nanunuksong tingin.
"None of your business," tanging sagot ko.
"Yes, it's none of my business but.... you must be our role model, Ma'am. Wearing sunglasses inside the company means you do not deserve to be respected because you're breaking one of the rules," muling sagot niya.
Tinaas ko ang aking kilay subalit alam kong hindi niya nakita 'yon kaya nagdesisyon ako na mag-cross arms nalang sa 'kanyang harapan.
"At saang lupalop mo nakuha 'yang batas na 'yan?" kunot noong tanong ko.
I heard him heaved a deep breath then stared at me. "That is base on China's business rule," taas kilay na turan niya.
Nangga-g*go yata 'tong hunghang na 'to eh! Mukha ba kaming nasa bansang China?!
Humagalpak ako ng tawa at inis na tumingin sa 'kanya pagkatapos ay nagsalita, "Wala tayo sa bansang China, boy! Kung ako sa 'yo, pag-isipan mo nalang din kung paano matatapos ang mga trabaho natin nang mabilisan kaysa nakiki-chismis ka sa batas ng bansang tinutukoy mo!" inis na wika ko.
Laking pasalamat ko dahil pagkatapos kong sabihin ang salitang 'yon ay bumukas na ang elevator dahilan para iiling-iling akong lumabas mula doon.
Kita ko ang pagkaripas ng takbo ng isa sa mga empleyado ko na under ko sa Zarzuela Team. Nasanay na ako sa reaksyon nilang 'yon dahil magmula nang magtrabaho ako dito sa kompanyang 'to ay pinanatili ko ang pagiging seryoso't istrikto ko sa lahat ng bagay.
"Good Morning, Ma'am," sabay sabay na bati nila sa 'kin.
Hindi na ako nag-abala pa na batiin sila pabalik dahil gustong gusto ko nang pumasok sa opisina ko dahil tila ba pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak nang umiyak.
Pagkarating ko sa opisina ko ay agad kong tinanggal ang salamin na suot ko pagkatapos ay pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin.
Napaka-seryoso nang mukha ko na tila ba pasan ang ko ang buong mundo. 'Yong outfit ko, halatang old fashion at 'yong mukha ko, ni kolorete ay wala maliban sa lipstick na pula na gamit ko.
Natigil ako sa pagsipat ng mukha ko sa salamin nang biglang nay kumatok sa glass door ng opisina ko kaya dali-dali kong sinuot ang shades ko.
"Good Morning, Ma'am! This paper needs your sign before I give this to Ma'am Cynthia," nakangiting turan ni Mr. Montenegro.
I read all the information that are stated in the papers before I decided to sign them. After I signed the papers I immediately gave it to him then ordered him to go out.
"Seriously, Ma'am? You're really not going to speak or even thank me?" tanong ni Mr. Montenegro.
I raised my right eyebrow as if he's able to see it then I spoke, "Get lost," seryosong saad ko na siyang dahilan ng pag-usbong ng pagtataka sa 'kanyang mukha.
"We're still talking, Ma'am. You know what? One of the reasons why you're not happy because you're not enjoying your life. Instead of being serious in everything why not try to enjoy your life even just for a short period of time?" iiling-iling na aniya pagkatapos ay nag-dekwatro.
I looked at him and gritted my teeth to show him my anger then I started to speak. "You don't know my past. You don't know what I'm dealing right now so stop..... stop giving me bullsh*t advices because I don't f*ckin' need that. Now, get out!" sigaw ko pagkatapos ay itinuro sa 'kanya ang glass door.
Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang pag-igting ng kanyang panga subalit hindi ko na iyon pinansin pa dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Wala siyang alam sa buhay ko kaya wala siyang karapatang pagsabihan ako!
Pagkalabas niya sa opisina ko ay dali dali kong hinampas ang lamesa ko dahil sa sobrang inis na kasalukuyan kong nararamdaman.
P*tang in*ng buhay 'to!! Bakit ako pa? Bakit ako pa na punong puno ng sama ng loob ang laging nabibigyan ng mabibigat na problema? Sawang sawa na ako!
itutuloy...
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero ayoko niyan! Ano ang dapat kong gawin?”
Natigilan si Madisyn nang matuklasan na hindi siya biological child ng kanyang mga magulang. Dahil sa pakana ng tunay na anak, siya ay pinalayas at naging katatawanan. Inaakala na ipinanganak sa mga magsasaka, nagulat si Madisyn nang makitang ang kanyang tunay na ama ang pinakamayamang tao sa lungsod, at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay mga kilalang tao sa kani-kanilang larangan. Pinaulanan nila siya ng pagmamahal, para lang malaman na may sariling negosyo si Madisyn. "Tigilan mo nga ako sa panggugulo!" sabi ng ex-boyfriend niya. "Kay Jenna lang ang puso ko." "Ang lakas ng loob mong mag-isip na may nararamdaman ang babae ko sayo?" pag-angkin ng isang misteryosong bigwig.