Mica Gonzales will never forget what happened on the school's rooftop when a man in a black mask and hoodie intervened to save her. The man left without even introducing himself after saving her. Since that time, she has been unable to forget that man, whom she has named Black. She had no idea why she had fallen in love with that man while knowing nothing about him. Until his classmate, Jhae Park, revealed to her that he was Black. She was really happy until he became her boyfriend. But as time went on, she began to have doubts about him. She felt that JP wasn't Black. Will they keep their relationship going? And what if the true Black appears unexpectedly?
MICA
Simula nang niligtas niya ako noong muntikan na akong magahasa, hindi ko na siya nakalimutan. He's wearing a black mask and black hoodie, kaya mata niya lang talaga ang nakikita ko. He's my hero. Gusto ko siyang makita, mayakap at makasama. Ano kaya ang pangalan niya? Sino kaya siya? Bakit niya kaya ako tinulungan that time? Uhm. Ano kaya itatawag ko sa kaniya? I think, Black! Tama, Black nga ang itatawag ko sa kaniya.
FLASHBACK
Nasa rooftop ako, nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Wala lang, gusto ko lang talaga mapag-isa. Bigla na lang may lalaking sumulpot sa harapan ko.
Mukhang taong grasa, bakit kaya siya pumunta rito sa rooftop ng school?
Tumayo akong bigla kasi papalapit siya sa 'kin. My gosh, ayoko pang ma-rape!
"Hahaha," he laughed. Nakakatindig ng balahibo at nakakatakot ang kaniyang halakhak.
"'Wag po kayong lumapit sa 'kin!" sigaw ko. "Please..." I begged him, habang ramdam na ramdam ko ang kaba at nginig ng katawan ko dahil sa sobrang takot.
Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ko kasi alam if ano ang gagawin ko. Ayoko pang mamatay, masiyado pa akong bata para mapunta sa langit. Tumulo na rin ang luha ko sa sobrang takot. Nagpupumiglas ako, bigla niya naman akong sinikmuraan kaya nanghina ako sa sakit ng suntok niya.
Bigla niyang hinawakan ang blouse na suot ko, gusto ko man siyang labanan pero hindi ko kaya dahil nanghihina ako. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata.
"'Wag kang mag-alala dahil dadalhin kita sa la..." Naputol ang sasabihin ng lalaki kaya napaawang ako.
Ramdam kung nabitawan niya ang blouse ko dahil parang may biglang humila sa kaniya. Nakarinig ako ng kalabog, kaya idinilat ko ang aking mga mata.
"Tama na po! Hindi na po mauulit!" sabi ng lalaki doon sa lalaking kaharap nito na nakasuot ng itim na mask at hoodie.
"Umalis ka na!" sabi ng lalaking bumugbog doon sa lalaki.
Hindi ko siya makilala dahil naka-side view siya.
"Salamat," sabi ko pero bigla na lamang siyang tumakbo paalis na parang flying squirrel.
"Hoy! Teka!" I shouted, pero tila wala siyang narinig hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.
Umalis na talaga siya. Ang bastos naman ng lalaking iyon. Wala man lang pakilala or whatsoever!
Ang bilis niyang tumakbo. Para siyang flying squirrel na lumipad pababa ng building. Pero hindi naman lipad iyon, parang iyong katulad ng napapanood ko sa movie na ang taas tumalon tapos tumakbo, tapos isang blink lang ng mga mata ay nawawala na.
END FLASHBACK
"Unnie!"
"Ayy! Ano ba naman iyan, Junior! 'Di ka man lang kumatok!" hiyaw ko ng magulat ako sa pagpasok ng kapatid ko sa kwarto ko.
Si Junior ang kapatid kong bading. Bata pa lang pero ang landi-landi na.
"Cupcake, Unnie! 'Wag naman Junior, ang baduy kaya! Ang ganda-ganda ko pa naman, tsk! At saka, paano ba naman ako kakatok, eh, nakaawang naman ang pinto. Baka magasgasan pa ang kamay ko kung kakatok ako!" maarteng pakli niya.
Ang arte talaga ng baklang 'to, hindi naman maganda! Kung hindi ko lang talaga ito kapatid, naku! Nevermind.
"Malandi ka na nga, maarte ka pa! Kanino ka ba nagmana, ha?! Arte-arte e, hindi ka naman maganda!"
"Maganda ako, ano? Ikaw lang naman ang ipinanganak na pangit, at noong umulan nang kapangitan, nasalo mo lahat!" Inirapan niya ako, "'Kala mo hindi ko alam ang Black na iyan! Halos mapuno na ang wall ng room mo sa drawing, eh, pare-pareho lang naman naka-side view. My God, Unnie! Ang landi-landi mo! Nagmamahal ka ng isang taong drawing lang naman," pakli niya't inirapan ulit ako.
"Aba! Parang 'di nakatatanda sa 'yo ang kausap mo, ah," sita ko sa kaniya.
"Look, Unnie! Two years ka ng naghihintay sa drawing na iyan! Ni hindi mo nga kilala 'yan, e. Kung sakali namang makita mo siya, Unnie, ewan ko lang kung magugustuhan ka niya. Porma mo pa lang, siguradong madidismaya na siya. Para kang ewan. Wala ka man lang alam pagdating sa fashion," sabi niya pa.
Hays, sarap suntukin ng kapatid kong ito! Pakialamera talaga 'tong bading na 'to.
"Whatsoever! Basta, I will wait for him!" sambit ko.
"Kahit ilang years?" tanong niya pa.
"Oo, kahit ilang taon pa," sabi ko.
"Gosh, Unnie! I swear, tatanda kang dalaga at mamamatay kang virgin!" hirit niya pa.
"Ang dami mong alam, 'no? Kung isumbong kaya kita kay Eomma, sige ka," pananakot ko.
Takot siya kay Eomma dahil palagi siyang kinukurot sa hita, hahaha! Buti nga sa kaniya!
"Unnie, naman. Friends tayo, 'di ba?"
"Get off! I don't want to talk to you!" hiyaw ko at inirapan ko siya.
"English-era lang? Kanina pa nga kita kinakausap tapos ngayon mo pa lang sasabihin iyan! I don't want to talk to you too! Malanding Palaka! Bye!" pakli niya't lumabas na siya ng kwarto ko.
Hindi pa siya nakontento, binato niya pa ako ng unan ko.
'Tong batang 'to, napakawalang modo talaga.
"You, ugly frog! Don't you dare come back here anymore!" hiyaw ko sa kaniya.
"Tse! Ugly pig!" hiyaw niya. Napatingin tuloy ako sa katawan ko. Mabuti na lang hindi pa naman ako baboy.
Tss. Namumuro na talaga sa 'kin ang bading na 'to. Hay, naku.
Kinuha ko ang isang drawing ko. "Black, I'll wait for you. Every time na pinagmamasdan ko ang mga drawing ko na nakadikit sa wall, mas lalo akong nagkakaroon ng pag-asa na hintayin ka. Gusto ko talagang malaman kung sino ka. Ano ba ang totoo mong pangalan? Saan ka ba nakatira, o kaya naman, ikaw ba ang nakalaan para sa 'kin? I think, I'm in love with you, Black."
Marahang hinalikan ko ang drawing ko. Oo, maaaring sabihin ng ibang tao na praning na ako, parang nasisiraan na ako ng bait pero mahal ko na talaga si Black, e. Maghihintay ako sa kaniya, kahit abutin pa ng ilang taon. Ewan, parang baliw na talaga ako pero talagang... I'm so desperate na makita at makilala siya at kung pwede ay maging akin siya forever- shuta talaga! Kainis na pusong ito, e! Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa 'kin ito. Hindi kaya pinaamoy niya ako ng love potion kaya napapraning na ako? Hay naku! Ano kaya kung mag-post ako sa social media? "Ouch!" Binatukan ko lang naman kasi ang sarili ko dahil mukhang lumuluwag na talaga ang tornilyo ng brain ko.
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called I deal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...