Kumalat ang mahalimuyak na amoy nang maggisa si Gloria Ysaibelle Kuwaresma ng bawang sa kawali kasabay ng bahaw na hindi nila naubos kagabi ng amo niya.
Pinaghalo ni Gloria ang bawang at bahaw gamit ang spatula bago lagyan ng pampalasang asin. Matapos ang ilang paghalo ay nasangag na ang bahaw. Kaya naman ay kanya na itong inilagay sa lagayan ng kanin at inihain sa mesa.
Bumalik sa kusina si Gloria para naman magluto ng kanilang ulam na beef tapa. Inilagay niya ang kawali na pinaglutuan niya ng sinangag na kanin sa lababo at kumuhang muli ng panibagong kawali na pagpiprituhan niya naman ng beef tapa. Si Gloria mismo ang naghanda ng karne at nagmarinate nito kinagabihan bago niya ito lutuin sa araw na ito.
Pinainit muna ni Gloria ang kawali bago niya ilagay ang saktong dami ng matika sa kawali at pinainit din ito. Pagkatapos ay kanya nang inilagay ang beef tapa sa kawali at pinrito ito hanggang sa ito ay tuluyan nang maluto. Hinango ni Gloria ang kaluluto pa lamang niyang beef tapa at pinatulo ang nanuot na mantika sa karne gamit ang strainer bago niya inilagay ang beef tapa sa plato at inihain sa mesa.
Sunod namang inihanda ni Gloria ang mainit na kape ng kanyang amo sa tulong ng coffee maker. Mahilig uminom ng kapeng barako ang lalaki habang si Gloria naman ay mainit na tsokolate ang hilig inumin tuwing umaga.
Matapos maihanda ang almusal ay dali-daling umakyat sa ikalawang palapag si Gloria upang gisingin ang mahimbing niya pang natutulog na amo. Heavy sleeper kasi ito kaya ang mga alarm clock ay hindi nagana kahit gaano pa ito kalakas tumunog. Kaya palaging kasama sa routine ni Gloria ang paggising sa kanyang amo.
Hindi naman mahirap para kay Gloria na makapasok sa silid ng lalaki dahil iniiwan naman lagi nitong bukas ang kanyang silid-tulugan.
Silang dalawa lamang ng amo niya ang naninirahan sa mansyon. Wala namang problema dahil matino naman ang amo ni Gloria.
Binuksan ng lalaki ang pinto ng kanyang bahay para kay Gloria bilang kasambahay at caretaker ng bahay nito. Una silang nagkita sa palengke kung saan nasaksihan niya kung paano alipustahin at saktan ng tindera ng baboy at manok si Gloria matapos umano itong mangupit sa kanyang kita kahit hindi naman iyon totoo. Agad niyang inawat ang babaeng iyon at kinuha si Gloria saka dinala sa ospital sa rami ng galos na natamo nito mula sa salbaheng tindera sa palengke.
Hindi pa natapos doon ang kabutihang loob na ibinigay ng lalaki kay Gloria. Dahil matapos siya nitong bigyan ng trabaho ay inalok din siya nito ng libreng tirahan at iyon na nga ay ang pagtira ni Gloria sa mansyon niya.
Walang taon na hindi umaalis ng matagal ang amo ni Gloria. At sa pag-alis nito ay matagal ito bumalik. Pagsinabing matagal ay aabutin ng ilang buwan o ilang taon. Dahil ang amo ni Gloria ay isang successful company owner na mayroong branches sa iba't ibang panig ng mundo. At kasama na sa trabaho nito ang pakikipagnegosasyon sa iba't ibang mga lahi at madalas nga ay overseas kung magtrabaho.
Sa katagalan nilang magsama sa iisang bahay na dalawa at sa mabuting pagtrato sa kanya ng kanyang amo ay hindi na naiwasan pa ni Gloria na mahulog ang loob sa lalaking kasama sa mansyon.
Walang kaideya-ideya roon ang lalaki dahil magaling din magtago ng kanyang tunay na nararamdaman si Gloria at saka, hindi na rin naman siya naghangad pa na magkatuluyan silang dalawa ng kanyang napupusuan dahil langit ito at lupa lamang si Gloria which makes him her 'Prince Nightmare'.
Dahil sa oras na bumalik si Gloria sa riyalidad ay bubungad sa kanya ang katotohanang wala silang relasyon ng bilyonaryong lalaki na nagmagandang loob sa kanya. Hindi siya isang housewife kundi isa lamang hamak na katulong at caretaker ng bahay ng isang Ethan George Cornejo.