/0/38954/coverbig.jpg?v=276b1dcab61860e1ef8e9293183c7e49)
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
NAKATIRIK ang araw sa labas ngunit hindi ito ang naging dahilan upang pigilan ang mga batang kasing-edad ko na naglalaro sa labas kasama ng mga kapwa nila bata.
Hindi ko alam pero naiinggit ako sa ginagawa nila. Sa bawat paghahabulan nila ay para bang kating-kati ang mga paa ko na sumali at makiisa sa paglalaro nilang lahat. Bakas sa mukha nila ang saya habang abala sa paghahabulan at tawanan- bagay na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan sa tanan ng buhay ko.
Sa edad kong anim na taong gulang ay hindi ko man lang nagawang maranasan ang bagay na pinapangarap din ng mga bata sa ganitong edad na gaya ko- ang makipaglaro at magkaroon ng simpleng araw katulad ng isang normal na bata.
Wala na sigurong mas sasaya pa sa paglalaro. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maglaro maghapon at uuwi lang upang kumain at matulog. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sisihin ang mga kalaro mo kung bakit kayo natalo sa pustahan. Wala kayong ibang po-problemahin kung hindi ang pakikipag-away sa mga batang dumayo pa galing sa kabilang barangay upang mandaya lang sa laro n'yo.
Wala akong ibang masasabi kundi ang unti-unting pagbabago ng lahat. Parang kailan lang ay magkakasama pa kayo ng mga kaibigan niyo sa isang laro, ngayon naman ay may iba na kayong pinagkaka-abalahan. Parang kailan lang ay magkakasama pa kayo sa iisang lugar, ngayon naman ay nasa iba na kayong lugar at nagtatrabaho. Parang kailan lang ay nagkakatuwaan pa kayo, ngayon naman ay nagka-kamustahan na lang kayo gamit ang kabilang linya dahil sa kadahilanang magkakalayo kayo sa isa't isa.
Sa bawat taon ang lumilipas, patuloy lang din sa pag ikot at pagtanda ang panahon at kung kailan mo naman inaasam na huminto ang oras ay siya namang pagbilis nito sa pag-ikot. Kahit na gustuhin mo mang pigilan ang pagkupas ng mga alaala mo ay hindi mo rin magagawa dahil wala kang kakayahang pahintuin ang pag-ikot ng mundo.
Hangga't naririto pa rin tayo sa stage ng pagiging bata, mas makakabuti siguro kung sulitin na natin ang lahat dahil gaya nga ng kasabihan nila ay minsan lang rin ang pagiging bata. Limitado ang oras kaya naman habang may pagkakataon ka pang magpakasaya- magpakasaya ka na hangga't maaga pa.
Ang mga magulang ko lang yata ang may ayaw na maging masaya ang anak nila na maski ang makipaglaro sa mga batang ka-edad ko ay ipinagbabawal nila.
Ipinagbabawal nga ba nila o sadyang hindi lang ako marunong makisama dahil din sa ugali kong ako at si Mama lang ang nakakaintindi?
Hindi naman sila gano'n kahigpit pero masasabi kong sa-sama ang mukha nila kung sakaling makita nila akong marumi at mistulang batang hamog kapag nagkataong lumabas ako kasama ng iba pa.
Normal naman siguro ang nararamdaman kong inggit sa mga batang naglalaro sa lansangan, 'di ba?
Normal lang naman sigurong matuwa at mamuhay na parang malaya kasama ng mga ka-edad ko. Gusto ko lang rin namang maranasan na may kalaro ako o hindi kaya ay may makasama ako kahit na papaano pero, bakit hindi nila ako magawang pahintulutan?
O baka ako lang siguro ang may gusto na mamuhay ng payapa at lumayo sa pakikipag-socialize sa iba.
Kapag ang bata ay lumaki sa bahay, mawawalan siya ng kakayahang tulungan ang sarili at matutunang makisalamuha sa iba.
Kung ang bata naman ay nasanay na hindi marunong makisalamuha sa iba, dadalhin niya ito hanggang sa pagtanda niya at hanggang sa magka-pamilya siya.
Kapag naman nadala niya ito sa totoong mundo at nakaabot sa kanyang trabaho, malaki ang posibilidad na mahihirapan siya sa lahat ng bagay at kasama na roon ang magkaroon ng isang tahimik na buhay.
Hindi rin magiging masaya ang paninilbihan mo rito sa mundo kung wala kang kilala na maski isa. Sobrang hirap ding lisanin ang isang mundo kung walang nakakakilala sa 'yo na maski isa. Isipin mo na lang sa sandaling magkaroon ka ng problema, wala ni isang makakatulong sa 'yo dahil wala silang pakialam sa presensya mo.
Paano na lang kung sakaling bigla kang bawiin ng langit sa hindi inaasahang pagkakataon? Sinong lilingon sa 'yo at sinong magdadasal para sa 'yo, 'di ba?
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko sa sarili habang patuloy pa rin sa pagmamasid sa mga batang naglalaro sa labas ng bahay.
Patuloy lang sila sa pakikipaghabulan at tayaan habang ako naman ay nagpatuloy sa kakatitig sa kanila. Nakatikom ang bibig ko at tahimik lamang silang pinagmamasdan mula sa malayo.
Ramdam ko ang paghaplos ng hangin sa pisngi ko sa pagkakabukas nito at abala sa lihim na pang-iinggit sa sarili. Tila ba ang malamyos na haplos ng hangin ang nagsisilbing kakampi ko sa mga ganitong klase ng bagay. Tanging inggit na lang din ang ipinaparamdam ko sa sarili dahil ito na lang yata ang natitirang paraan upang maging tahimik ang buhay ko, kahit na kapalit nito ay ang kalayaan ko rito sa mundo.
Minsan ay hindi ko rin naman naisip na isisi sa mga magulang ko ang bagay na ito dahil alam ko namang labas sila sa desisyon ko sa buhay- pwera lang ngayon na sila pa rin muna ang bahala sa magiging desisyon ko dahil masyado pa akong bata para magdesisyon sa sarili ko. Bakit kasi nasa mindset na ng mga tao ang ganyang klase ng bagay, 'di ba?
May karapatan nga ba ang tao na suma-kabilang landas? Oo, may karapatan naman pero ang tanong ay, paano kung magkamali tayo sa pipiliin natin?
"Taya ka!" Rinig kong tawa ng batang lalaki na mas malaki sa mga kalaro niya.
Nakaramdam ako ng pag-angat ng labi ko nang sandaling marinig ko ang panunuya sa boses nito. Ano kayang pakiramdam na mataya ka sa laro nila?
Masaya ba?
Patuloy sila sa asaran at takbuhan hanggang sa muli na naman silang naghanap ng kanya-kanyang pwesto na pagtataguan sa pangalawang round ng laro nila.
Napabuntong-hininga na lang ako sa kinauupuan ko at patuloy sa pagmamasid sa kanila. Bakas sa mukha nila ang pinaghalong saya marahil siguro ay magkakasama sila, maging ang tuwa ay nakita kong sumilay sa labi ng isa't isa. Hindi rin nakalagpas sa tingin ko ang mukha ng iba sa kanila na tila ba nine-nerbiyos at natatakot na baka mahuli sila. Ito yung mga reaksyon na kalimitan kong nakikita sa tuwing mahuhuli ko silang lahat sa gawi ng bakuran namin na bagamat mababakas mo ang takot ay naroon pa rin ang mga ngiti sa labi.
May karampatang parusa ang kung sino mang matalo sa larong pinagpupustahan nila at natitiyak ko rin naman na may premyo ang mananalo. Sa lahat naman ng laro ay may gano'n di ba?
Nakakatanggap ka ng premyo kung magaling ka habang ang matatalo naman ay makakatanggap ng isang nakakaubos ng dignidad na parusa.
Rinig ko mula sa malayo ang pag-iyak ng isa sa pwesto niya sa likod ng puno dahil tiyak kong siya ang pangalawa sa mga batang mahuhuli ng batang papalapit na sa gawi niya ngayon.
"Boom, taya ka!" Sigaw ng batang lalaki na nagpa-iyak sa kanya.
"Madaya ka! Ayoko na nga!" Patuloy niya sa hagulgol dahilan unti-unting maglabasan ang kapwa nila kalaro.
"Ano ba 'yan, Ashley! Kung kailan ka matataya tsaka ka naman a-ayaw sa laro," reklamo ng isa habang abala sa pagkamot ng ulo dahil sa labis na iritasyon sa kalaro nila.
"Madaya kayo! Hindi kayo patas maglaro!" Iyak niya dahilan upang makita ko ang pag-ngiwi ng iba sa kanila. "Una akong nagtago tapos hahanapin mo lang ako!"
Dahil sa pagpalahaw niya sa kaiiyak ay hindi naiwasang matawa ng mga kalaro niya.
"'Yun naman talaga ang purpose ng larong taguan ah?" Dugtong ng isa na tinawanan nila.
Nakangiwi ko silang pinagmasdan isa-isa na abala na sa pagtawa habang pilit na inaasar ang batang nakaluhod sa damuhan at abala pa rin sa pag-iyak.
Open space ang bahay namin kaya naman kung sino man ang pwedeng makapasok sa bakuran ay wala namang problema sa mga magulang ko- pwera na lang kung mga matatanda na at mukha ng mga magnanakaw ang makakapasok.
Natutuwa nga sila kapag nakakakita ng mga batang naghahabulan sa harap ng bakuran namin. Oo, sila rin ang dahilan kung bakit minsan ay nahihiya akong makipag-kaibigan sa kanila.
Ewan ko ba. Sila naman ang unang lumalapit, ako lang naman yata ang hindi approachable kaya naman walang naglalakas ng loob na lumapit sakin- pwera na lang din kung isang dosena silang babati at maglalakas ng loob na kausapin ako.
Minsan nga ay nakakatanggap ako ng mga invitation cards tungkol sa mga birthday nila na gaganapin sa mga sariling bahay pero, ako lang yata itong maswerteng binibigyan ng private invitation cards na hindi man lang nagpapakita o uma-attend man lang sa celebrant.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan sa hawakan ng sofa at abala sa pagmamasid sa mga bata sa labas nang marinig ko ang mga yapak ng flat shoes ni Mama na papalapit sa gawi ko.
Ang mga yapak na lang niya yata ang nagbibigay sa 'kin ng takot. Hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng takot kahit na medyo malapit naman ang pagsasama naming dalawa ni Mama.
Sa kanya ko lang naman nararamdaman ang takot kahit na mahinhin naman itong magsalita at gumalaw hindi katulad ng paraan ng pagsasalita at tono ng pananalita ni Daddy na medyo matapang at agresibo. Oo, matapang at medyo agresibo ang tono ng pananalita ni Daddy pero maski kailan ay hindi ko man lang naramdaman ang takot sa kanya sa tuwing magkausap kaming dalawa, hindi tulad ni Mama na magkausap nga kaming dalawa pero kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing magkakasama kaming dalawa.
Nararamdaman ko naman na swerte ako sa kanya dahil sa paraan nito ng pag-aalaga sa 'kin kaya naman kahit na nakakaramdam ako ng kaunting takot sa tuwing magkakasama kaming dalawa ay kahit papano ay nababawasan no'n ang takot ko. Alam ko namang swerte rin naman siya sa akin dahil kahit na hindi niya sabihin at ipamukha sa 'kin ay ipinaparamdam niya naman sa tuwing magkakasama kaming dalawa.
Kung gaano ka-agresibo at ka-tapang ang pananalita ni Daddy ay siya namang ka-banayad at ka-hinhin ng boses niya sa tuwing ako ang makakausap niya.
Medyo kakaiba nga dahil sa ibang tao ay medyo agresibo siya kung makipag-usap pero mararamdaman mo ang pagiging maingat nito sa pagsasalita kung ako ang nasa harap niya at iyon ang hinahangaan ko sa kanilang dalawa.
May isang bagay lang ang hindi ko maintindihan sa pagsasama nilang dalawa. Alam mo ba yung pakiramdam na may kakaiba na gusto mong maibahagi sa iba ngunit hindi mo magawang maibahagi dahil sa kakulangan mo ng ebidensya? Idagdag mo pa yung pakiramdam na gusto mong maibahagi pero hindi mo kayang mai-salaysay ng maayos sa kanila.
Hindi ko alam! Basta, hindi ko maipaliwanag nang maayos.
Pinanood ko siyang lumapit at pinagmasdan ang maamo nitong mukha na ngayon ay nakatuon na sa 'kin. Nagmumukha rin siyang anghel sa paraan nito ng pag-aayos at uri ng pananamit kaya naman hindi ko maiwasang humanga sa kanya.
Itim at tuwid ang mahaba nitong buhok. Medyo maputla ang kutis niya ngunit hindi ko maikakaila na medyo makinis ito sa malapit at kung iyong mapag-aaralan. Matangkad rin siya at ito ang isa sa katangian niya na alam kong dahilan kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya.
Sobrang swerte ko talaga sa kanya pero hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili kong isipan.
Marami siyang katangian na hindi ko man lang namana sa kanya. Magmula sa physical features hanggang sa ugali, wala akong nakuha maski isa sa kanya.
Ang mga mata nito ay bilugan hindi katulad ng mga mata ko na medyo maliliit. Ang ilong nito ay medyo matangos hindi rin katulad ng akin. Ang labi nito ay medyo katamtaman lang hindi katulad ng akin na medyo manipis.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kung..
Anak niya ba talaga ako?
Naputol ang pag-iisip ko sa maraming bagay nang maglahad siya ng kamay sa harapan ko.
"Naghihintay na ang Daddy mo sa labas, Anak. Tara na," ngiti niya na ikinangiti ko rin di kalaunan.
Wala na akong pakialam kung bakit wala nga kaming pagkakatulad sa anyo at ugali ng isa't isa, basta't siya ang nanay na kinalakihan ko at iyon ang panghahawakan ko hanggang sa dulo.
Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at mabilis na pinagpag ang puting dress katulad ng kung ano mang suot niya ngayon. Siya na rin ang nag-ayos ng puting bulaklak na inilagay sa puno ng tenga ko na alam kong nagpatingkad sa napakaganda kong mga mata.
"Ang ganda talaga ng anak ko. Manang-mana sa Mommy niya," ngiti niya na tipid kong nginitian.
Mama ang tawag ko sa kanya habang Daddy naman ang tawag ko sa Daddy ko. Hindi ko alam kung bakit magkaiba pero siguro, normal naman iyon hindi ba?
At hindi ko rin alam kung bakit panay siya sa pagbanggit ng Mommy kahit na alam niya namang Mama ang tawag ko sa kanya.
Magkahawak-kamay kaming lumabas at nagtungo sa kotse kung saan naghihintay sa labas si Daddy. Mabilis akong nagtungo sa kanya na ikinatawa niya bago ako niyakap.
Para bang kung makayakap kami sa isa't isa ay para bang matagal na panahon na kaming hindi nagkikita.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Daddy kay Mama bago siya nagpatiuna sa pagsakay ng kotse.
Dahil nga sa ako ang bata, ako ang hinayaan niyang sumakay sa backseat habang si Mama naman ang sumakay sa front seat kung saan magkatabi silang dalawa.
Habang imina-maobra ni Daddy ang kotse ay panay ang sulyap ko sa mga batang abala pa rin sa paglalaro at tila ba nakalimutan na ang naging away nila kanina.
Nakakatuwang maging bata, para bang wala kang ini-indang problema. Wala kang iniintindi kundi ang oras ng pakikipaglaro mo. Habang tumatagal kasi ang panahon, doon mo lang napapatunayan sa sarili mo na mas malaki pala ang kahalagahan ng pagiging bata.
Malaki rin ang kahalagahan ng mga karanasan mo bilang isang bata dahil ito ang kaisa-isang bagay na mababaon mo kapag tumagal ang panahon mo rito sa mundo.
"Ngayon nga pala ang flight ni Hyacinth," rinig kong sambit ni Daddy sa tagal nilang walang kibuan sa isa't isa magmula pa kanina. "At napagkasunduan na magkikita tayong tatlo sa simbahan."
"Maganda 'yan para makita niya na ng personal si Kimberly," sagot ni Mama na hindi ko na pinansin.
Isa sa mga reasons kung bakit nai-spoiled ang mga bata sa maraming bagay? Hinahayaang sumabat sa usapan ng mga matatandang alam naman nilang hindi sila kasali sa usapan.
Hindi mo kailangang makisabat sa usapan ng matatanda, at 'yan ang turo ni Mama na hinding-hindi ko makakalimutan.
"Well then," dagdag ni Daddy habang nakatuon pa rin ang atensyon sa harap at sa pagmamaneho. "Matagal na panahon siyang nawala at alam kong wala siyang naging balita sa anak niya. She doesn't even know na ipinangalan mo sa iba ang anak niya, so be prepared."
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa pero ang mga nahuling salita ni Daddy ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang pagkabalisa ni Mama sa kinauupuan.
Para saan nga ba ang sinabi ni Daddy at bakit ganito na lang ang epekto nito kay Mama?
Ano nga bang nakakatakot sa sinabi ni Daddy? At bakit kailangan niyang maghanda?
Limang taon na ang nakalilipas, ang pamilya Powell ay nahulog sa pagkawasak. Si Madeline ay nagsilang ng kambal na lalaki; iniwan niya ang isa sa ama ng bata at kinuha ang isa. Lumipas ang mga taon. Nagbalik si Madeline bilang ang reigning reyna of public opinion sa Internet. Gayunpaman, may ibang nakarinig sa kanyang pagbabalik. Kinurot siya ng lalaki sa baba at malamig na tumikhim, "Dahil nahihilo ka na mag-shoot ng kung anu-ano, paano na lang tayo mag-film?" Nanlaki ang mga mata ni Madeline at ang kanyang lalamunan ay natuyo nang eksakto sa sumunod na araw. Natuyuan ang kanyang lalamunan sa sumunod na araw. bahay. Hindi napigilan ni Madeline na yakapin ang bata. Hinalikan pa niya ang matambok na pisngi ng bata. Nakakagulat na hindi natuwa ang bata. Naglagay siya ng mataimtim na ekspresyon at pinagalitan siya, "Behave yourself!" Nainis si Madeline. Paano nagawa ng lalaking iyon ang kanyang anak na hindi kaibig-ibig gaya niya?
Nang muli silang magkita, isinantabi ni Jason ang kanyang paranoia at pride, mainit na niyakap si Chelsey. "Pakiusap, bumalik ka sa akin?" Sa loob ng tatlong taon, naging sekretarya niya ito sa araw at kasama niya sa gabi. Palagi namang tinutupad ni Chelsey ang kanyang mga kahilingan, tulad ng isang masunuring alagang hayop. Gayunpaman, nang ipahayag ni Jason ang kanyang mga plano na magpakasal sa iba, pinili niyang ihinto ang pagmamahal sa kanya at bumitaw. Ngunit ang buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko. Ang kanyang walang humpay na pagpupursige, ang kanyang pagbubuntis, at ang kasakiman ng kanyang ina ay unti-unting nagtulak sa kanya sa bingit. Sa bandang huli, nagtiis siya ng matinding paghihirap. Limang taon na ang lumipas, nang siya ay bumalik, hindi na siya ang dating babae. Ngunit napunta siya sa limang taon ng kaguluhan.
Isang malaking araw iyon para kay Camila. Inaasahan niyang pakasalan ang kanyang gwapong nobyo. Sa kasamaang palad, iniwan niya siya sa altar. Hindi na siya nagpakita sa buong kasal. Ginawa siyang katatawanan sa harap ng lahat ng bisita. Sa sobrang galit, pumunta siya at natulog sa isang kakaibang lalaki sa gabi ng kanyang kasal. One-night stand daw ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi siya pinayagan ng lalaki. Inirapan niya siya na parang sinaktan niya ang puso niya noong gabing iyon. Hindi alam ni Camila ang gagawin. Dapat ba niyang bigyan siya ng pagkakataon? O lumayo na lang sa mga lalaki?
Isang lalaki lang ang nasa puso ni Raegan, at si Mitchel iyon. Sa ikalawang taon ng kanyang kasal sa kanya, siya ay nabuntis. Walang hangganan ang saya ni Raegan. Pero bago pa niya masabi ang balita sa asawa, inihain na niya ang divorce papers nito dahil gusto niyang pakasalan ang first love niya. Matapos ang isang aksidente, nahiga si Raegan sa pool ng kanyang sariling dugo at tumawag kay Mitchel para sa tulong. Sa kasamaang palad, umalis siya kasama ang kanyang unang pag-ibig sa kanyang mga bisig. Nakatakas si Raegan sa kamatayan sa pamamagitan ng mga balbas. Pagkatapos, nagpasya siyang ibalik sa tamang landas ang kanyang buhay. Ang kanyang pangalan ay kung saan-saan makalipas ang mga taon. Si Mitchel ay naging lubhang hindi komportable. Sa hindi malamang dahilan, nagsimula siyang ma-miss. Sumakit ang puso niya nang makita siyang todo ngiti sa ibang lalaki. Na-crash niya ang kasal niya at napaluhod siya habang nasa altar siya. Duguan ang mga mata, tanong niya, "Akala ko ba sinabi mo na ang pagmamahal mo sa akin ay hindi masisira? Paano ka ikakasal sa iba? Bumalik ka sa akin!"
Weeks before their wedding, she caught her fiancé having an affair with another woman.When she confronted him, he gave her the most stupid reason she had ever heard. With a brokenheart, Angelie ledesma drown herself in liquor on the night of her wedding day. There, she met a stranger, a handsome stranger who is willing to be her drinking buddy. Out of frustration, pain, and anger at sa kalasingan na rin siguro, niyaya niya ang estrangherong iyon to be with her just for the night, and the supposed honeymoon with her fiancé she shared it with that stranger. A complete and total stranger!
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?