Kunin ang APP Mainit
Home / Pag-ibig / Maid With You
Maid With You

Maid With You

5.0
19 Mga Kabanata
2.5K Tingnan
Basahin Ngayon

Cely was a girl who doesn't have a motto in life and no one get a interest from her but one day her life was change after she met a guy who really catch her attention. From that day she try to tease and annoyed the guy to make his attention go for her even though she doesn't have a right to do it. She can't stop wanting him but the destiny already saying that they're not meant for each other because of the woman who already capture that guy's heart.

Mga Nilalaman

Chapter 1 Celly New Work

CELY

"Cely hanggang kaylan mo balak na maging tambay ha? Bakit ayaw mo maghanap ng trabaho!" Bulyaw ng mabunganga kong ina nang bigla niya akong makitang nakahandusay sa sofa.

"Mama naman, paano ako makakahanap ng trabaho? Hindi nga ako nakapag-aral diba nakalimutan niyo na ba? Pahirapan maghanap ng trabaho ngayon karamihan kaylangan ng magrerekomda pag hindi ka nakapagtapos." Saad ko ngunit hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya, wala akong balak makita ang nanlilisik niyang mata.

"Aba bahala ka mag-hanap kahit ano dyan sa tabi-tabi wag kalang mag pokpok," sabi ni mama. Bahagya naman akong natawa doon bago bumangon. Si mama talaga, alam kong pabiro lang 'yong sabi niya, ganito kasi kami magbiruan

"What is your said ma?" Seryoso kong sabi ngunit maya-maya nakatanggap lang ako ng isang malakas sa sapak sa aking ulo.

"Anong pinagsasabi mong bata ka? What are you saying 'yon bruha," sabi niya. Agad naman akong napahaplos sa ulo ko.

"Parehas din 'yon pinakumplikado niyo pa, adjust nalang kayo ma," sabi ko. Medyo masakit ang ginawa niya kanina napaka brutal talaga ng ina ko walang kapantay. Noong meron pa si papa siya lagi nabubugbog ni mama ngayong wala na siya ako naman napagtritripan ng aking ina.

"Mag gayak kana at makapaghanap ka na ng trabaho mas maganda na may trabaho ka kaysa natatambay ka lang dito sa bahay," sabi niya. Ang sama naman sa pagkakasabi ng tambay, hello huminto po ako diba kaya ako tambay? Buti nalang talaga nanay kita at mahal kita kung hindi magpapalit na ako ng nanay oramismo.

Nagdabog akong naglakad. Ano ba 'yan agad-agad naman, hindi pa ako ready.

Bakit nga ba ako huminto, ganito kasi iyon napabarkada ako, yes, opo hindi talaga ako iyong tipo ng babae na hilig mag-aral kung baga mas napapasama ako sa tropa pero hindi iyon ang tunay na dahilan dahil sa wala akong interest sa pagaaral noon. Pero natanggal din si mama sa trabaho niya at hirap nga ako sa allowance ko at ayon nahinto ako, noong una talagang ayos lang dahil wala naman talaga akong hilig sa pag-aaral pero hanggang sa padagdag ng padagdag ang taon ko bigla ko nalang naiisip na sayang.

-

Matapos akong magbihis lumabas na ako galing sa kwarto at doon ako mismo sinalubong ni mama sa labas bago siya nagsalita.

"Oh nakabihis ka na pala," sabi niya.

Pansin ko ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi kaya nagtaka ako kung anong meron.

"Ma pwede bang bukas nalang ako maghanap ng trabaho mainit na po masyado sa labas, maglalakad pa ako," nagmamakaawang sabi ko. Nagbabakasakali lang naman baka bigla siyang maawa sa akin at payagan muna niya akong tumambay ngayon diba.

"Hindi mo na kailangan mag-lakad," hindi parin nagbabago ang expression ng mukha niya tila ba'y may maganda siyang nalaman, hay naku ano bang magandang nangyari at nakangiti siya? Nanalo ba kami sa loto?

"Mama naman ok lang kayo? Hindi niyo ako palalakarin? Anong gagawin ko? gagapang o lilipad ako?" dahil sa sinabi ko. Nakatanggap nanaman ako ng palo sa batok mula sa kaniya.

"Manahimik ka nga Cicely, ang sinasabi ko hindi ka maglalakad dahil may nahanap na akong trabaho para sayo," sabi ni mama, natigilan naman ako sa sinabi niya at nagpapasalamat at hindi na ako ganoon mahihirapan.

"Talaga ba ma? Walang halong biro?" tanong ko nang may ngiti sa labi.

"Oo, naalala mo ba noong bata ka pa namamasukan akong katulong doon sa mga Chavez, saktong naghahanap 'yong anak niya nang katulong naalala mo pa rin ba?" tanong niya, pilit kong inaalala kung sino ang tinutukoy niya.

Noong una wala talaga akong maalala ngunit ng binalikan ko kung ano nangyari noong bata ako biglang isang bata ang pumasok sa aking isipan, isang spoiled brat na hinding hindi ko makakalimutan.

"Mama mamasukan ako kay Brianze Chavez? Mama naman wag naman sa kaniya, maawa ka, naaalala ko pa lahat," nagre-reklamo na ako sa lagay na ito, nang mga panahon na iyon madalas kasi akong isama ni mama sa trabaho niya at saka mabait ang magulang ng spoiled brat na iyon at lagi din akong pinapa sama sa kanila, ang akala nila magkakalapit kami ng anak nila para may kalaro ngunit hindi talaga kami magkasundo kahit pilit ko siyang kinikilala.

Limang taon palang ako nun at sampong taon naman siya mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Hindi ko na nga din matandaan mukha niya pero tumatak talaga sa akin paguugali niya kahit bata pa ako siguro ganoon talaga pag may pangyayari naganap na ganoon hindi mo malalakimutan.

At tila ba naman pinaglalaran kami ng tadhana siya pa pala ang magiging amo ko si mama naman kasi pahamak parang hindi naman kasi anak eh.

"Anak noong bata pa kayo noon iba na ngayon matatanda na kayo sa tingin mo ba aawayin ka parin niya sigurado naman ako nag mature na utak ng batang iyon ikaw nalang hindi." Ang sama talaga ni mama harap-harapan ba naman ipagtanggol siya kaysa sa sarili niyang anak?! Parang pinalandakan ng sarili kong ina na isip bata parin ang isip ko ah, alam ko naman iyon medyo lang namna eh hahahaha

"Anong klase kang ina? Pinagpapalit mo na ako sa iba sige anak niyo nalang siya, hindi niyo naman ako mahal diba?!" Nagdra-dramang sabi ko, nagku-kunwari pa akong kumukusot sa aking mata, akala ko effective iyon para makonsensya siya ngunit nakatanggap nanaman ako ng palo mula sa kaniya.

"Ang panget mo umarte mukha kang nanganganak na kambing. Pumunta ka na nga, mag-ingat ka," sabi niya, bahagya akong lumapit at saka siya niyakap.

"Biro lang naman eh, sige pupunta na ako ma mag-ingat kayo dito," paalam ko bago tumalikod.

Habang naglalakad palayo hindi ako sigurado kung matatangap ba ako baka nga pagkapasok ko palang doon sipain na ako pabalik dito ng Brianze na iyon.

Pero para kay mama susubukan ko ayaw ko din kasi maging pabigat sa kaniya hind na nga ako nagtratrabaho wala pa akong naiibigay na pera para sa kaniya kaya nakakakonsenya na din.

Bahala na lang din kung magkainitan kami ni Brianze hidni naman para sa kanya itong ginagawa ko para sa mama ko ito handa naman akong tiisin lahat kahit maggera pa kaming dalawa.

Magpatuloy sa Pagbasa
img Tingnan ang Higit pang mga Komento sa App
MoboReader
I-download ang App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY