Loving Elodie Kesley Adrales will be the most excruciating thing someone will ever do. Bukod sa hindi ito karaniwang babae, may pagkapilya rin ito. Lapitin ng gulo, masakit sa ulo at tila malaki ang galit sa mundo. Naging malamig ito at dumistansya sa lahat nang mawala sa kaniya ang kaniyang kuya- na para sa kaniya ay ang una at huling taong pinagkatiwalaan niya. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang alamin lahat ng bagay tungkol sa palaisipang pagkamatay nito, bukod doon, dumagdag din si Ranch Chester Oliveros sa kaniyang iniisip. Sakit sa ulo ang tingin ni Elodie kay Ranch. Sa lahat ba naman ng gulo at problemang kaniyang kinasasangkutan ay lagi niya itong nasusumpungan. Lagi siya nitong sinasalo at inaalis sa malalang panganib na pwede niyang maranasan. Para sa kaniya ay isa itong pakialamerong walang magawa sa buhay kung hindi ang pakialaman siya. Lagi na lang niya kailangang banggitin na kahit kailan ay hindi niya kakailangan ng tulong nito na tila hindi maunawaan ng binata. Hindi natitinag si Ranch--- na mas lalong kinaiinis ng dalaga. Kahit anong gawin niya ay hindi ito sumusuko sa kaniya. Isang araw ay natagpuan na lamang nila ang sarili na magkasama habang pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay na pwedeng maging dahilan ng kanilang labis na kapahamakan. Sa lahat ng kapahamakan na pwede nilang maranasan, hindi pa rin ba susuko si Ranch kay Elodie? Handa ba siyang mabaon ang tinik sa kaniyang palad?
"Argh!" Elodie found herself murmuring about the pain caused by her stubbornness. Napaupo siya sa malamig at maruming semento bago pinagmasdan ang malaking sugat sa tuhod. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang kakaibang hapdi na dulot nito.
"Can you make it more severe next time?" Agad siyang napaangat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Napairap na lamang siya nang mamukhaan ito. Maliwanag ang paligid dahil sa 'di mabilang na street lights sa bawat sulok ng plaza. Malamig ang simoy ng hangin na dumadapo sa makinis niyang balat.
"Get out of my sight." Matigas niyang tugon at pinilit ang sariling makatayo ngunit hindi siya nagtagumpay. Muli siyang napabagsak ng upo sa semento nang hindi maramdaman ang pwersa ng isang binti.
"Ilang beses pa ba kita kailangang panoorin diyan sa pagpupumilit mong makalakad?" Inis niyang pinagmasdan ang lalake dahil sa tinuran nito.
"YOU, SHUT UP." She emphazied every word in her sentence. Muli ay sinubukan niyang tumayo ngunit napamura na lang ito sa isipan nang bumagsak na naman sa semento.
Pinag-krus ng lalake ang kaniyang braso bago ngumisi sa kaniya. "I know you can't," Dahan-dahan siyang lumuhod upang makita nang maayos ang mukha ni Elodie. "That's why I'm here."
"CHESTER SEBASTIAN OLIVEROS," Madiin ang pagkakabanggit niya sa pangalan ng lalake.
"Yes?*
"LEAVE ME ALONE." Habol niya.
Hindi na niya inulit ang pagtatanggang tumayo dahil alam niyang mapapahiya na naman siya. Ang kailangan lang niyang gawin ay paalisin ang lalake at makumbinsi ito na hindi niya kailangan ng tulong.
Ngunit ang inaasahan niya ay taliwas sa kilos ni Chester. Pinanood niya ito nang hubarin nito ang leather jacket at mabilis na pinatong sa kaniyang nanginginig na balikat. Nakasando lang siya at naka-leather mini skirt. Napako siya sa pwesto at napamaang. Seryoso niyang tiningnan si Ranch. Sa pagsulyap niya sa mga mata nito ay hindi niya pa rin niya mawari kung ano talaga ang pakay nito sa kaniya.
Sa bawat gulo na kaniyang kinasasangkutan ay halos lagi niya itong nasusumpungan. Lagi itong nasa likod niya. Hindi niya ito hinahanap ngunit kusa itong lumilitaw.
"Let's go." Nanlaki ang kaniyang mata nang buhatin siya nito na katulad sa bagong kasal. Maingat si Chester na hindi masagi ang sugat ni Elodie. Habang papalayo sila nang papalayo ay walang ibang ginawa si Elodie kung hindi sumigaw na ibaba siya ng binata.
Ngunit hindi iyon ginawa ni Chester. Hindi niya ito binitawan... kailanman.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.