Get the APP hot
Home / Adventure / Addereal Academy
Addereal Academy

Addereal Academy

5.0
1 Chapters
Read Now

About

Contents

Adderal Academy was foundered by the most powerful fairies. The mind fairy, the water fairy, the earth fairy, and, last but not least, the fire fairy. Each fairy has unique abilities; for instance, the mind fairy is able to read, know, and control the emotions of a person. The water fairy was able to control the water, and in an instant, the places that they wanted to get rid of were all covered with water. Basically, they can kill people immediately if they want to. Earth fairies were able to control everything that's on the ground, and they're good at making herbs. Lastly, the fire fairy is able to control and create fire. They can make flames appear from their hands, light up dark places, and even use fire to protect themselves or others. But this can be dangerous if a fire fairy has the power called 'Dragon Flame'. The Dragon Flame is a special, powerful fire magic. It comes from ancient dragons and gives the person who has it amazing fire abilities. With the Dragon Flame, someone can create and control fire, making them very strong and able to do incredible things with fire magic. With this kind of power, every witch and creature hunts the person who has it until they get out the dragon flame in her or his body and use it to rule the whole world. When they found out that the ancient dragon already gave their power to the worthy person, every witch and creature in their world made their own search for the 'Ignatius' or the 'fiery one'. And so, the journey began. They searched every town in the village of Solotarian, not knowing what or who they're looking for. They search the entire world, finding the person who has the power of 'Dragon Flame'.

Chapter 1 1

Pinagmasdan ko ang mala-palasyong paaralan sa aking harapan. Malakas akong napabuntong bago igala ang mata sa mga taong nakapaligid sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang makakasalamuha ko ang mga taong may kakaibang kapangyarihan or worst maging kaibigan ko pa.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumasok sa paaralang ito gayong wala naman akong kapangyarihan katulad nila? Kahit kailan ay hindi nabanggit ng mga magulang ko sa 'kin ang tungkol sa mga kapangyarihan na iyan. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang gumamit nito kaya't nakakapagtataka kung bakit bigla nalang may dumating na letter galing sa academy na ito at inayayanhan akong dito mag-aral.

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasang gumamit ng mahika. Walang sinabi ang mga magulang ko sa akin at mukhang pati sila ay naguguluhan kung bakit may misteryosong letter na pinadala sa akin. Kampante pa ako noong mga panahon na 'yon na hindi papayag sila Mama dahil sino ba naman ang mapagmahal na Ina na bigla-bigla nalang papayagan ang kan 'yang anak na pumusok sa isang paaralang hindi pamilyar sa kanila?

Hindi ko alam paano ako makakaadjust sa bagong environment, lalo na't nakapaligid sa akin ang mga taong hindi ko katulad, hindi ordinaryong tao. Ngayong nakatayo pa lang ako sa harap ng paaralang ito ay parang sinampal na ako ng pagiging friendless, lahat ng students na nakikita ko ay may mga kausap, nagtatawan, enjoying their moment together na para bang napakadali lang magkaroon ng kaibigan. While I'm here, standing outside their school, thinking about how to start a conversation with people without upsetting them.

That's how messed up I am.

Friendless.

A nobody.

Loner.

And they even think of me as some kind of weird girl. Ngunit masisisi ko ba sila? Sino ba naman ang hindi ma wewerid-uhan sa akjn kung ang tanging kausap ko lang ay ang alaga kong pusa? I know it's ridiculous ngunit minsan, I just feel safe sharing my problems with someone who just listens to my rants. Iyong hindi ka ijujudge o saksakin patalikod. I have trust issues, mabuti pang magtiwala ako sa isang pusa kaysa sa isang tao na may posibilidad na husgahan ako at traydor-in.

Muli kong ginala ang aking paningin sa paligid. Napakunot ang aking noo nang mapansin ang kanilang mga suot. Hindi ko ito napansin noong una, pero magkakaiba ang kulay ng kanilang kapa. Students wear green, purple, blue, and orange capes. But there were some students who wore gold capes. I wonder kung anong klase ng mga studyante ang mga nagsusuot ng gintong kapa.

Were they powerful?

"You're the new student?"

Napalingon ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Nakasuot siya ng putting long sleeves na may mga disenyo sa balikat, itim na kurbata, at itim na vest na may gintong palamuti. Ang kanyang pantalon ay itim din na may mga gintong detalye sa laylayan. Napansin ko rin ang gintong kapa na suot niya.

His one of them.

Ilang beses akong napakurap bago tumingin sa kan 'ya. Hindi ko alam kung paano siya ilalarawan, but one thing is for sure, he is freaking hot like a god. Specifically, the God of rebirth, the changing of seasons, vegetation, and youth, Adonis.

I'm a fan of Greek mythology.

"I.. Uh," Nauutal kong turan at nahihiyang umiwas ng tingin.

Damn. He is so hot. Hindi ako makapagsalita ng maayos. How can I focus when he's staring at my face like there's dirt in it? Wait, mayroon nga ba? I immediately took my mirror out of my pocket to check kung mayroon nga bang dumi, but thankfully I saw nothing.

Just my gorgeous face.

Speaking of gorgeous, I looked again at the man standing in front of me. He's eyebrows were raised, so I cleared my throat before answering his question.

"It's a yes or no?" He asked again.

I slowly nodded my head. "Ye-yes." Napalunok ako.

God, bakit ba ako kinakabahan?

"What's your element?"

"Huh? Element?" I looked at him with full curiosity.

What element is he talking about?

I shook my head. "Never heard of it."

Tumango lang siya at binigyan ako ng matamis na ngiti. "I guess see you at the great hall later?"

Tumango ako at tipid siyang nginitian. Tinitigan niya lang ako na para bang inoobserbahan ako bago dali-daling tumalikod. Pinagmasdan ko lang ang likuran niya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Anong element ang sinasabi niya kanina? Ano iyon? Para saan iyon? Maraming tanong sa aking isipan na tanging ang Headmistress lang ang makakasagot. Questions like, bakit ako nandito dahil in the first place, wala naman akong kakayahang gumamit ng mahika, pangalawa ay hindi ako nabibilang sa lugar na ito at pangatalo, hindi ako sigurado kung magiging masaya ba ang pananatili ko sa paaralang ito na ako lang ang kakaiba.

Walang kapangyarihan.

Napabuntong hininga ako at bagsak ang balikat na naglakad patungo sa entrance ng school. Doon, may babaeng nakatayo na nakasuot ng gintong kapa. I am very curious about this cape thingy. Ano ba talaga 'yan? Sila ba ang mga SSG officer katulad ng previous school ko?

Hmm. Baka nga.

She waved at me at nakasuot ng malapad na ngiti na abot hanggang tainga. When she sees my big laguage, ay kaagad siyang lumapit sa akin upang tulungan ako.

"Geez, bakit naman ang dami ng dala mo? Did you read the school background? Sila ang nagproprovide ng mga gagamitin natin." Komento niya.

I secretly rolled my eyes and handed her the small bag full of fantasy books. Luckily, wala naman siyang reklamo, but to my surprise, she raised her hand at lahat ng mga gamit ko ay nakalutang na sa ire.

What the fuck just happened?

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong.

"Duh, sa sobrang dami ba naman ng dala mong gamit ay hindi na kaya ng kamay ko. That's why I used my magic para hindi na tayo mahirapan!" Inirapan niya ako bago padabog na naglakad.

My eyes widened nang sumunod din sa kan 'ya ang mga gamit ko na para bang mayroon silang sariling isip. Inunahan pa ako, ah? I immediately followed her, dahil ayon sa letter na natanggap ko, may sasalubong sa akin sa entrance na siyang magdadala sa akin sa office ng headmistress. While we are heading to the office, tinour niya ako sa loob ng academy.

According to her, may apat na class, or should I say department, ang school? Una ay ang Water Department, which is ang mga students na may kakahayang mag-control ng tubig. The Mind Department, may ability sila na basahin ang isip ng isang tao, malaman ang kanilang emosyon at may case rin na nacocontrol nila ang emosyon, pero pili lang daw na mga student ang nakakagawa no'n. The Earth Department, ang mga studyanteng may kakahayang control-in ang mga halaman, or something na nasa lupa. Sila rin ang kilalang magaling na manggamot dahil sa mga herb na ginagawa nila. Ang panghuli ay ang Fire Department. Sa paaralang ito ay sila ang masyadong kinakatakutan ng karamihan dahil may tsansang isa sa kanila ang may kapangyarihan ng Dragon Flame.

"Ano ba ang Dragon Flame?"

Napatigil siya sa paglalakad at hindi makapaniwalang tinignan ako. Tinaasan ko siya ng kilay at napahalukipkip. It's not my fault kung hindi ko alam. Hindi naman ako pinanganak sa mundong ito, ano bang malay ko sa Dragon Flame na 'yon.

"Seriously?! Hindi mo alam o nagpapanggap ka lang?" She scoffed.

"Bakit naman ako magpapanggap?"

"What the fuck girl, are you for real?! Ikaw lang ata ang babaeng walang alam kung ano iyon! Almost all of us here ay hinahanap ang may kapangyarihan ng Dragon Flame!" She said.

Napaayos ako ng tayo sa narinig. Hinahanap? Bakit hinahanap? Anong klase ng kapangyarihan mayroon ang Dragon Flame?

"And then what will you do if you find that dragon flame?" Taas kilay na tanong ko sa kan 'ya.

She looked at me with a serious face. "I will steal the magic from the body of Ignatius."

I will steal the magic from the body of Ignatius.

I will steal the magic.

Steal the magic.

"Ano?!" I accidentally raised my voice dahilan para mapatingin sa akin ang mga student na dumadaan sa gilid namin.

Napalingon ako sa kanila at parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil tingin pa lang nila, alam ko na ang iniisip nila. Gosh, hindi talaga mawawala ang mga judger sa mundo! Pati ba naman dito, sa mundo ng magic ay mayroon!

Pinagkrus niya ang kan 'yang braso at tinaasan ako ng kilay. "Seryoso ka? Hindi mo talaga alam, what kind of magic does the Ignatius have?! Kaya niyang gawin ang lahat! The power even has the ability to bring people back from the dead!"

Para akong naestatwa sa narinig. Napakurap ako ng ilang beses. May kakayahan itonh ibalik ang buhay ng mga taong sumakabilang buhay na? May kakayahan ang dragon flame na buhayin ang taong namatay na? That's impossible! I know na dapat hindi na ako magulat dahil nasa ibang mundo ako ngunit nakakagulat pa ring malaman na sa pamamagitan ng kapangyarihan ay kaya nitong buhayin ang taong namayapa na.

Ibang-iba talaga sa normal world. Kapag patay na, wala na, patay na talaga. Wala ng second chance. Habang dito naman ay may posibilidad kang mabuhay kapag mahanap ang taong may kapangyarihan ng dragon flame.

Bakit bigla akong nagkainteresado sa taong 'yon? Specifically, sa kan 'yang kapangyarihan?

"Kaya ba gusto mo ring hanapin ang taong may kapangyarihan ng dragon flame?" Mahinhin na turan sa kan 'ya.

Umiwas siya ng tingin dahilan para ma kumpirma ang hinala ko. By staring into her eyes, ay nakikita ko ang galit at pagkamuhi na nararamdaman niya. Galit siya. Pero kanino? Napapikit ako at muntik ng mawalan ng balanse nang biglang may humawak sa aking baywang.

"Are you okay?!"

Naramdaman ko ang presensya ng babae sa harap ko. Nakita niya ata ang pagpikit ko, kaya hinawakan niya ang aking ulo at may kung anong ginawa doon. I guess it's a fairy thingy. Hinayaan ko lang siya at minutes later, ay nawala na ang sakit sa aking ulo. I opened my eyes at una kong nakita ang paglunok ng isang lalaki dahilan para gumalaw ang kan 'yang adams apple.

I widened my eyes.

What-lalaki?!

Mahina ko siyang tinulak at umayos ng tayo. Hindi ko nakita kung anong hitsura niya dahil nakayuko ako, nahihiya. God, bakit ba naman kasi bigla nalang sumakit ang ulo ko? I almost passed out! Mabuti nalang at nasalo ako!

"Uh..."

I don't know what to say. Nahihiya ako. Baka isipin niyang nagpapansin ako sa kan 'ya, but hell no. Hindi ko nga naramdaman ang presensya niya sa likuran ko, eh. I also don't know him, at wala akong balak na kilalanin siya.

Ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa kan 'ya. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit may malakas na pwersa na pilit akong hinihila palapit sa kan 'ya. Hindi ko kayang tumingin sa kan 'yang mata.

"What?"

Napakagat ako sa aking labi when I heard his cold voice. His voice sounds powerful. Iyong tipong mahihimatay ka sa sobrang lamig ng boses niya. Kumain ba siya ng dalawang bucket ng ice? Huminga ako ng malalim at handa na sanang magpasalamat at mag-sorry nang bigla siyang magsalita.

"Be careful next time. I might not be there to save you." Makahulugan niyang saad.

Natulala ako. Anong ibig niyang sabihin? Double meaning, ba 'yon?

"Let's go. The headmistress is waiting for us." Sabi niya at nagsimula nang maglakad.

Tumango ako. Nilingon ko ang mga gamit ko at hanggang ngayon ay nakalutang pa rin sila sa ire. Kaya nilang gawin lahat. Bago ako sumunod sa kan 'ya ay sinulyapan ko muna ang lalaking nagligtas sa akin kanina, hindi pa siya nakalayo sa pwesto namin. He's tall; maganda ang postura niya at kahit nakatalikod siya sa akin ay alam kong gwapo siya.

And that's when I noticed he's gold cape.

He's powerful.

I just know it.

**

"Thank you, Iana." She smiled at Iana before looking at me.

Iginaya niya ang kan 'yang kamay para ma upo ako na kaagad ko namang sinunod. I gently put my hand on my lap at inangat ang aking tingin upang harapin ang headmistress. Sa totoo lang, sobrang ganda niya, noong una ay napagkakalaman ko pang student dahil napakabata niyang tignan. Hindi mo aakalain na matanda na siya.

"All right, Ms. Starling, how are you?" Pagsisimula niya.

Dahan-dahan kong tinango ang aking ulo. "I'm fine, naman.. po." Mahina kong sagot sa kan 'ya, sapat na para marinig niya.

"Alam kong naguguluhan ka ngayon kung bakit bigla-bigla ka nalang nilipat sa isang school, at hindi lang basta-basta school kundi isang paaralan kung saan nagaaral ang mga taong may espesyal na abilidad."

Baka special child kamo.

Nawala ang kan 'yang ngiti na para bang narinig niya ang aking sinasabi sa isipan. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong, kaya nga pala nilang gawin ang lahat. Bakit pa ba ako magugulat? Lahat ay posible sa lugar na ito.

"I hear everything, Ms. Starling. Everything." Seryoso niyang turan sa akin.

Inikot ko ang aking mata at kampanteng umupo sa sandalan ng upuan. Napahalukipkip ako at saka ko siya tinignan ng masama. Ay wala akong pakialam kung headmistress siya, wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin niya sa akin dahil sa inakto ko. Gusto ko lang ilabas, ipakita sa kan 'yang hindi ako komportable sa lugar na ito, sa paaralang ito.

"Why am I here?"

"I told you, every student here has special abilities, and that includes you."

Napataas ang aking kilay. "Special abilities when I don't have power?"

Nagpapatawa ba siya? Buong buhay ko ay hindi ko nasubukang gumamit ng mahika kagaya ng ginawa kanina ni Iana. So how come na pinadalhan nila ako ng letter para dito mag-aral? I hope there's a mistake, dahil ngayon pa lang, ramdam ko ng hindi ako kabilang dito. Hindi ako nababagay sa ganitong paaralan.

"You have, Ms. Starling." Ngumiti siya ng malapad.

I shook my head. "No. I don't belong here." Direkta kong sabi sa kan'ya.

"Yes, you belong here because you're one of us."

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at seninyasan akong tumayo, kaagad kong sinunod ang kan 'yang utos at hinintay kung ano ang gagawin niya sa akin. She ordered me to close my eyes, so I did.

"Feel my emotions." Sambit niya.

"I told you, I don't have the pow-" She shushed me.

I bit my lower lip and tried to focus. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay wala pa ring nangyayari. Hindi ko matukoy ang kan 'yang emosyon. I almost give up when I remember what my parents said before I left them.

"Always remember that you are special. Very special. You have a power that others don't have."

They believed in me.

I cleared my throat and started to focus. I imagine all the memories that me and my parents shared. I smiled. They are the best parents. Hindi man sila perpekto ngunit ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang magabayan ako ng tama. I'm very lucky to have them. I released all my strength at sa ginawa kong iyon ay alam ko na kung ano ang nararamdaman niya.

She's happy and relieved.

Gulat kong binuksan ang aking mata at inalis ang kan 'yang kamay sa aking braso. Napamura ako sa aking isipan, may kakahayan akong malaman ang emosyon ng isang tao?

"Yes, because you're a mind fairy."

Mind fairy...

"You can be able to determine the emotion of a person, control it, and read their mind."

What the fuck?

"Totoo?" Napakurap ako ng ilang beses.

Nakangiti siyang tumango. Nakaramdaman ako ng kaginhawaan dahil ang buong akala ko'y wala akong kapangyarihan, but it turns out that I have the ability to read people's minds. Wala sa sarili akong napangisi, this must be interesting. Knowing people's thoughts without asking.

Pangarap na kapangyarihan ng mga chismosa.

"So now you're happy? "

Nagkibit-balikat ako. "Yeah, who wouldn't? "

Ngumiti siya at hinawakan ako sa aking balikat. Napatingin ako sa kan 'ya, and it felt so really strange na masayang-masaya siya. I know she's happy for me, but may kakaiba, eh? May kakaiba sa kan'ya.

Or baka side effects lang ito ng kapangyarihan ko?

Mayroon nga ba?

May tinawag siyang babae na mag-assist sa room ko at sinabi rin niyang may makakasama akong freshman sa isang kwarto. I hope she's nice. Kinuha ng babae ang mga gamit ko, but nang mapansin niyang sobrang dami ng dala ko ay napabuntong hininga nalang siya.

"You didn't read the school background, didn't you?" She gathered all my things, and in one snap, nakalutang na ang mga gamit ko sa ire, katulad ng ginawa ni Iana kanina.

"I did, but I'd like to bring some of my things."

Nagkibit-balikat siya. "If you say so."

Nag-bow siya sa headmistress bago umalis, sinunod ko rin ang kan 'yang ginawa at kaagad siyang sinundan.

"Welcome home." Rinig kong sabi sa headmistress bago ako tuluyang lumabas sa kan 'yang office.

Binalewala ko nalang iyon at mabilis na naglakad upang masabayan ang babae. God! Ang bilis niyang mag-lakad! Daig niya pa si flash! Hindi naman mataas ang binti niya, same height lang ata kami kaya how come na ang bilis-bilis niyang maglakad? Malayo na siya sa pwesto ko!

Ginamitan ba 'yan ng kapangyarihan? Napailing nalang ako sa iniisip.

On our way to my room, napansin ko ang mga studyanteng kan 'ya-kan 'yang napapatigil sa kanilang mga ginawa kapag dadaan ako sa kanilang harapan. Oh, okay? Anong nangyayari? Salubong ang kanilang mga kilay, at syempre, hindi mawawal ang mga taong mapanghusga. Kung makatitig sila sa akin parang pinapatay na nila ako, ah?

"Get used to it. Naninibago lang sila." Bigla niyang sabi.

Nilingon ko siya, nagtataka sa kan 'yang sinabi. "Naninibago? Hindi lang naman ako ang bagong studen, ah?" Natatawa kong sabi sa kan 'ya.

"Yes, pero ikaw ang una nilang nakita. Look, the freshman's are not allowed to leave their room until the elemental ceremony begins."

Elemental ceremony? Ano 'yon?

"What's elemental ceremony?"

"Diyan ninyo malalaman kung ano elements ninyo at kung saang class kayo."

Napatango ako. I guess iyon ang ibig sabihin ng lalaki kanina na magaganap sa greatest hall? After a long walk, finally, nakarating na rin kami sa magiging kwarto ko. Napangiti ako dahil mukhang maganda ang nasa loob, pinto palang mala princess na ang datingan, eh.

Bago ko buksan ang pintuan ay may huli siyang ibinilin sa akin. "You're not allowed to step on the left wing; nandoon ang kwarto ng mga lalaki, kaya bawal kang pumasok doon."

Napangiwi ako. "I'm not interested." At binuksan ko na ang pinto ng walang pa sabi-sabi.

Ilang beses akong napakurap nang makita ang apat na babaeng napatigil sa kanilang ginagawa. On the corner, ay nakita ko ang babaeng pinapagalaw ang halaman, nakanganga siya at mukhang hindi makapaniwalang makita ako. Welcome naman siguro ako rito? Maayos naman silang kasama nila ako? Napalunok ako at hindi na matanggal sa isipan ang mga salitang iyon.

Sa sahig naman ay may babaeng nakaupo at pilit na pinapalutang ang baso gamit ang kan 'yang isipan ngunit nalaglag din ito nang mapansin ako. Sa kabilang banda ay nakita ko ang babaeng nakasuot ng eyeglasses habang nagbabasa ng libro, at ang panghuli ay ang babaeng nakaupo sa gilid, nakaharap sa salamin.

Napakurap sila at napatingin sa isa't-isa na mukhang alam ang nasa isip ng bawat isa. Nagkibit balikat ako, isa akong mind fairy, kaya kong basahin ang nasa isip ng isang tao.

Hindi sila nakatingin sa akin kaya kinuha ko na ang pagkakataong basahin ang kanilang iniisip. Anong silbi ng pagiging mind fairy kung hindi gagamitin sa pagkakataong ito?

"Ang lakas ng dating niya. Nararamdaman ko ang presensya niya."

"Luh gago, sigurado ba talaga ang headmistress na dito siya? I mean, bagay sa kan 'ya ang star department!"

"Boplaks ka ba?"

"Shut up! Bitch ka lang, mas bitch ako!"

"Tumigil nga kayong dalawa! Sumasakit ulo ko sa inyo!"

"Mama mo!"

Napangiwi ako nang mabasa ang kanilang isipan. Mukhang nagaaway sila. Ngunit ano iyong star department na sinasabi nila?

Itinipon ko lahat ng lakas ko at saka malakas na bumuntong hininga. Niyukom ko ang dalawang kamay at pilit isiniksik sa isipan na kaya ko silang harapin, na hindi ako nahihiya sa kanila.

Tanggap naman nila ako dito 'di ba?

"Umm hello? Madlang people, mabuhay? Minimiss you? Minimiss you?"

Napasampal ako sa aking noo dahil mas lalo lang nagsalubong ang kanilang mga kilay, nagtataka sa sinabi ko.

Bakit naman kasi iyon ang lumabas sa bibig ko?

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 1 1   07-25 17:58
img
1 Chapter 1 1
25/07/2024
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY