Get the APP hot
Home / Romance / Childhood Sweetheart: Demi and Cyroth
Childhood Sweetheart: Demi and Cyroth

Childhood Sweetheart: Demi and Cyroth

5.0
5 Chapters
22 View
Read Now

About

Contents

Nagbalik ang dalaga upang maghiganti upang maisakatuparan ang ipinapangako niyang hustisya para sa minasscre niyang angkan. Sangkot dito si Governor Vladinski sa pagpatay ng kanilang pamilya. Gagawin lahat ni Demi upang makamit ang hustisya para sa angkan at pamilya niya. Ngunit nakaraan ang ilang taon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa anak ng Governor na si Cyroth.

Chapter 1 Simula

Sekretong nagmamasid si Demitria sa dalampasigan habang nakatanaw sa pamilyang paghihigantihan. Ang pamilya ng Governor.

Ang mga mata ng dalaga ay nanlilisik. Hindi siya napansin ng mga tauhan ni Vladinski at malaya niyang plinano ang lahat nang hindi namamalayan ng kaniyang mga kalaban. Sa di kalayuan mula sa kinaroroonan niya may isang batang babae ang naglalaro ng buhangin kasama nito ang kapatid nitong lalaki kaya't napangisi ang dalaga. " Ang target ko na mismo ang lumapit sa'kin," nakangising turan niya habang pinagmasdan ang dalawang bata habang naglalaro. Sa sobrang abala ng lahat lalo na't ang pamilya ni Governor Vladinski ay hindi nila namamalayan ang paglapit ng dalaga sa mga anak nito.

Pasimply siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalawang bata. Dahil sa inosente nitong awra ay kaagad na napamangha ang dalawang bata nang makita siya.

" She's gorgeous,"manghang turan ng batang lalaki habang pinapahid ang kamay nito sa likod ng damit niya.

" Oo nga, she's gorgeous!" Dugtong ng batang babae at sabay na tumayo. Abala ang mga magulang ng bata, ang misis ni Governor Vladinski ay abala sa pakikipagchismisan sa mga amiga niya sa telepono samantalang si Congressman ay abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Ang mga tauhan naman niya ay nakatayo lamang samantalang ang yaya ng dalawang bata ay nakaupo habang kumakain ng saging.

" Hello mga angels, gusto niyo ba sumama sa akin?"malumanay na sambit ng dalaga sa mga bata. Nagdadalawang-isip pa ang lalaking bata habang ang kapatid nitong babae ay tumango-tango lamang bilang pagtugon kaya't mas lalong napangiti ang dalaga.

" Reign, daddy said hindi tayo pwedeng sumama sa strangers," paalala ng batang lalaki sa kapatid nito. Lumingon ang batang babae sa kapatid nito habang nakasimangot. " Kuya, she's not bad, look at her face so innocent and so beautiful para siyang guardian angel ko,"saad ng bata kaya't walang nagawa ang batang lalaki kundi ang sumang-ayun sa kapatid niya. " Please kuya, saglit lang naman, gusto kong mamasyal kasama siya," pagmamakaawa ng bata na hindi matanggihan ng kaniyang kapatid.

" Oo nga, pumayag kana hindi naman ako masamang tao gusto ko lang pumasyal kasama kayo," nakapout na sambit ng dalaga.

" Promise! 10 minutes lang talaga please," ngumiti ang batang lalaki sa dalaga bago nagsalita.

" Okay, promise mo iyan ah? Kasi ayokong malayo sa mga parents namin especially to my daddy," sambit ng batang lalaki na ikinangisi ng dalaga.

"I swear." Maikling tugon ng dalaga at sabay na hinawakan ang kamay ng batang lalaki. Nasa kabilang kamay naman niya nakahawak ang batang babae. Lumingon-lingon siya sa paligid. " Napakatanga nila,"bulong niya sa kaniyang sarili habang papalayo sa kinaroroonan ng congressman.

Dumiretso sila sa kabilang dako ng isla at dun nakalagay ang jetski niya. " Where are we going?"inosenteng tanong ng batang lalaki habang nakahawak sa kamay ng dalaga.

" Somewhere," maikling tugon ng dalaga. Nang makita ng dalawang bata ang jetski ng dalaga ay natuwa ang mga 'to.

" Wow! Jetski," namamanghang turan ng batang babae. Ganun din ang kapatid nitong lalaki. Manghang-mangha sila sa kanilang nakita. " We want to ride," sabay na sambit ng dalawang bata.

" Sure!"

" Really, ate? Isasakay mo kami diyan? But how?" Tanong ng batang lalaki.

" Syempre, akin yan eh. I'll tour you in this Island," nakangiting sambit ng dalaga at sabay na kinuha ang dalawang life-jacket sa loob ng bag niya. Kaagad naman niyang inabot sa dalawang bata.

Ang dalawang life-jacket ay nakalaan talaga para sa kanila. " Habang buhay niyong hahanapin ang mga anak niyo, Governor!" Bulong niya sa kaniyang sarili habang pinasusuot niya ito sa mga bata. After a minutes ay agad silang sumakay sa jetski at pinahururot ito.

Itinaas ng dalawang bata ang kanilang mga kamay sa ire hanggang sa makalayo sila. May sekretong daan ang dalaga patungo sa islang pagdalhan niya sa dalawang bata.

A few hours later ay narating na nila ang islang iyon. Ang islang siya lamang ang nakadiskubre.

Nawala sa isip ng dalawang bata ang oras dahil sa saya na kanilang naramdaman. Ni-minsan ay hindi sila nakasakay ng jetski kahit mayaman ang pamilya nila at walang oras ang mga magulang ng bata, tanging ang kasambahay at yaya lamang ng mga ito ang kasama sa bahay. Umuuwi ang mag-asawa galing trabaho ng madaling araw at nakatulog na ang mga bata.

Napahagikhik ang batang lalaki nang biglang tumunog ang tiyan ng batang babae hudyat na gutom na ito. " Narinig ko , yun." pagbibiro ng dalaga na ikinahiya ng batang babae.

" Oo nga, I heard it too," dugtong ng batang lalaki. Pinark ng dalaga ang kaniyang jetski at nagsimula silang naglakad patungo sa secret hide-out niya na nasa underground ng Isla. Isang underground na mala-mansyon ang laki.

Bumaba sila gamit ang isang sekretong hagdan na binuksan ng dalaga. " Nasaan tayo?" Muling tanong ng bata habang nakadungaw sa hangdan.

" In my place! Promise magugustuhan niyo talaga dito," sambit ng dalaga. Lumapad ang ngiti ng dalawang bata nang marinig ang sinabi ng dalaga. Dahan-dahan silang bumaba sa ilalim gamit ang hagdan na siya lamang ay may alam.

Nang makababa na sila sa hagdan ay agad na sinirado ng dalaga ang hagdan gamit ang remote control na hawak niya. Hindi iyon nakita ng mga bata dahil nakatago ito sa may wrist niya. Isang maliit na remote control. Walang sinuman ang makakadiskubre sa hide-out niyang iyon sa high tech nito. Dahil hindi nag-iiwan ng anumang bakas kundi ang kanilang footsteps lamang, iyon lang. Wala ng iba.

Nang makababa sila, mas lalong napamangha ang dalawang bata sa kanilang nakita dahil may malaking Aquarium na may iba't-ibang klase ng isda ang naroon sa loob parang ocean park. " Woah! Ang ganda dito." Manghang sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa mga naglalangoy'ang isda.

" It's nemo," saad ng bata at sabay na itinuro ang isang isda kung tawagin ay Gold fish. Kaparehas na awra sa isdang si Nemo.

" He's not, nemo. His name is Epo," as in ipo-ipo," turan ng dalaga.

" Hi, epo!" Kumaway-kaway pa ang batang babae sa isda. Hanggang sa nakarating sila sa pinakadulong parte ng hide-out. Para kang nasa disneyland dahil ang mansyon ay nakadesinyong disney palace. May sekretong daan patungo sa kinailalimang parte.

Habang papasok sila sa loob ng mansyon ay agad silang sinalubong ng mga tauhan ng dalaga. Ang mga tauhan niya ay may kanya-kaniyang pamilya at kasama din niya sa hide-out niya.

" This place it's so awesome! "turan ng batang babae. Kinawayan siya ng isang batang lalaki na may mahabang buhok hanggang pwet.

" Who is she, ate?" Tanong ng batang babae sa dalaga.

" She's Naia. Anak ng tauhan ko,"malumanay na tugon ng dalaga sa bata.

Sa di kalayuan, kinawayan ang batang lalaki ni Naiun(neyon) ang kambal ni Naia. " Sino nman siya, ate?" Dugtong ng batang lalaki.

" He's Naiun, twin brother ni Naia," ikinatuwa naman iyon ng batang lalaki. Habang papalapit sila sa kinaroronan ng bata, ang ibang bata ay nagsidatingan upang salubungin ang dalaga.

" Oh my god! Marami sila, may makakalaro na tayo," sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa mga batang papalapit sa kanila.

" Ouh sge, gusto niyong makipaglaro kina Naia at Neun?"sabay na tumango- tango ang dalawang bata.

" Ouh sge, malaya kayong makakapaglaro dito," nakangiting turan ng dalaga. Hindi makapaniwala ang dalaga ang dalawang anak ng kaniyang mortal na kaaway ay nasa kamay niya. Nakangisi niyang pinagmasdan ang mga batang naglalaro. " Ang mumunting mga anak ng kalaban ko,"bulong niya sa kanyang sarili.

Nang biglang sumulpot sa harap niya si Zai-zai. " Nanggugulat ka naman, Zai," pagmamaktol ng dalaga. Ang identical twin niya.

Niyakap siya nito bago nagsalita. It's been a month since you left here bakit ngayon kalang bumalik? Alalang-alala kaming lahat sayo,"sambit ni Zai-zai.

" Wag mong kalilimutan pinaghahabol tayo ng batas kaya't mag-iingat ka sa bawat kilod mo, Demi," mariing bilin sa kaniya ng kapatid niya.

"Pinapangako ko po ate na hinding-hindi ko ipapahamak ang sarili ko." taas-kamay pang sagot ni Demi sa kapatid.

" Ano ang susunod mong plano sa mga anak ng kalaban mo? Kaya mo bang pumatay ng mga inosenteng bata? Na walang kalaban-laban?"

" Na walang ka alam- alam sa buong pagkatao mo at sa pinanggagawa ng tatay nila sa atin?"

" Alam ko iyan, Zai. Wala akong masamang instensyon sa dalawang bata,gusto ko lang mamatay sa kahahanap ang Governor na iyon,"tanging naibulalas ng dalaga.

" Naiintindihan ko ang point mo, ngunit kailangan mong siguruduhin muna natin ang kaligtasan ng lahi natin bago ang ating kaaway," muling naalala ng dalaga ang sinapit nila sa kamay ng Governor. Sampung taong gulang pa lamang sila nang mangyari ang malagim na trahedya sa angkan nila. Sila lamang dalawa ang nakaligtas.

Walang awang pinatay ng Governor ang kanilang angkan . Mabuti na lamang ay nakaligtas silang dalawa ng kapatid niyang si Zai-zai sa pangyayaring iyon.

" Ipapadanas ko sa kanila ang sakit at hirap na mawalan ng mahal sa buhay at habang buhay nilang pagsisisihan ang ginawa nila sa atin,"

"May iba pang solusyon para makapaghigante tayo. "

" Siya mismo ang dakpin natin at unti-unting ipapakain sa mga parting ang parte ng katawan niya hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa mundong ito,

Samantalang sa kabilang dako. Naalarma ang mga tauhan ng Congressman nang mapagtantong nawala ang dalawang anak nito.

" Search everywhere at walang uuwi ng hindi nakikita ang dalawa kong mga anak!" singhal niya sa kaniyang mga tauhan.

" At ikaw, yaya. Ang simply ng trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!" Sigaw nito

" Kapag may mangyaring masama sa mga anak namin, papatayin ko kayo kasama ang pamilya niyo! Nagkakaintindihan tayo?"

" O-opo sir," nanginginig na tugon ng dalawang bata habang nakayuko. Umiyak ng umiyak ang asawa ng Governor habang pabalik-balik sa paglalakad.

" Mga letse kayo! Itaga niyo sa bata kapag may masamang nangyari sa mga anak ko, pagsisisihan niyo talaga ang katangahan niyo," isang malakas na sampal ang inabot ng dalawang yaya ng bata. Wala silang nagawa kundi ang umiyak na lamang habang nakayuko.

" Tumawag na tayo ng pulis, hon. Hindi ko kakayanin na mawala ang mga anak natin,"suhetsyon ng asawa nito habang humahagulhol.

Maraming koneksyon ang Governor kaya't mabilis na kumalat ang pagkawala ng anak nito. Ang mga kaibigan nito ay tumulong na rin sa paghahanap.

Magdadalawang araw na lamang ngunit hindi parin nila nahanap at nakita ang kanilang mga anak. Hanggang sa nagkasakit ang asawa nito dahil sa halo-halong emosyon at stress. Ginamit ni Congressman ang kaniyang mga galaway upang mahanap ang mga anak niya.

3 months later, ay wala paring lead ang mga pulis kung sinuman ang dumukot o kumuha sa anak ng Congressman. Wala silang nakitang anumang bakas upang matunton ang kinaroroonan ng mga anak nito.

Buwan ng hunyo araw ng pasukan kaya't napagdesisyunan ng dalaga na bumalik sa lugar saan nag-iwan sa kanila ng matinding sakit at pighati. Ang lugar kung saan walang-awang minassacre ang kanilang angkan upang makapagmasid-masid sa panganay na anak na lalaki ni Governor Vladinski

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 5 Kabanata 4   08-29 10:29
img
1 Chapter 1 Simula
27/08/2024
3 Chapter 3 Kabanata 2
27/08/2024
4 Chapter 4 Kabanata 3
27/08/2024
5 Chapter 5 Kabanata 4
27/08/2024
MoboReader
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY